Cristy's P.O.V
Nakatitig ako sa wallclock dito sa room namin. I'm so so bored and gusto ko nang makipaglaro sa kapatid ko sa bahay namin. Ang cute niya kasi baby! Nakakatuwa lang siya kasi para siyang manika.
Ako si Cristy Hermosa, 16 years old and I love EXO, BTS, BLACKPINK, TXT, AND MORE! Mahilig din ako sa mga bata gaya nang sabi ko,may kapatid ako.
"Ms. Hermosa,are you listening?"tanong ni ma'am Perez sakin. Napatingin ako sa kanya nang tawanan ako nang mga kaklase ko.
Tumayo ako at tumango. "Yes,ma'am." tinaasan niya ako nang kilay. Di ba siya naniniwala?
"Define this words."itinuro niya sakin ang pinapa-define niya.
Tumayo ako at tinitigan iyon. Hmmm,easy lang naman siya. Maganda din ang ayos! Nilagay ko ang daliri ko sa baba ko at tumingin kay Ms. Perez.
Sinagot ko siya at napatango naman siya, "Very good,Ms. Hermosa. Akala ko hindi ka na nakikinig,ikaw pa naman ang valedictorian." nakangiting puri niya.
Ngumiti din ako,nagbow at umupo na. Nakita kong umirap ang iba kong kaklaseng babae,mga inggit! Psh!
Natapos na ang subject na iyon at papunta na ako sa next subject namin. Naglalakad ako nang may biglang may bumunggo sakin. Sinadya yun alam ko,promise!
Napaupo ako at ang sakit nung pwet ko,ouch! Paepal naman yung bumangga sakin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang lalaking gwapo na tumatawa. Sinamaan ko siya nang tingin at tumayo sa sariling lakas. Walanghiya!
At sa inis ko ay tinaasan ko siya nang kilay at ngumisi,"Problema mo?"tanong ko.
Tumigil siya sa pagtawa. Mukhang baguhan siya ah? Nice,nice! "Ikaw problema ko,haha!"
Sa inis ko,sinapak ko siya sa mukha at umalis na dun. Don't mess with the chasers. Bitch,back off!
Pumasok na ako at nakinig na lamang sa teacher ko.