𝗗𝗬𝗞𝗘'𝗦 𝗣𝗢𝗩
Kakatapos ko lang sa isang mission na binigay sakin ng aming headmaster. Ang buong akala ko tapos na ako sa mission ko pero kakatapos lang may mission nanaman akong gagawin. Pinapatawag kasi kasi ako sa HM ng around 2 pm so maya maya pa yun.
Bago ako pumunta sa HM's office ay pumunta muna ako sa mall para may makainan. Niligpit ko muna yung mga gamit ko na nakakalat bago umalis at nag-ayos na din. So, she's Elise. Yun kasi yung una kong mission gaya ng sabi ko kanina.
Ang mission ko regarding Elise ay yung tignan or icheck lang siya. Actually nung unang pagmemeet namin parang normal lang siya para sakin.
Araw ng pahinga at napagpasiyahan kong mag mall. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka kasi makita ko sila, yung mga kaibigan ko. Habang naglalakad ako tiyempong nakasalubong ko sila malapit sa minnie park sa loob ng mall.
Napagpasiyahan namin na tumambay muna bago kumain. Nagtatawanan kami sa pinag-uusapan kasi ang babaw ng kaligayahan namin to the point na para na kaming mga bata dito.
Pinagkwekwentuhan namin yung mga mission na binigay ni Headmaster sa samin. Nakakatuwa yung sa kanila kasi kitang kita sa mga mukha nila na hindi nila gusto yung mission na pinadala sa kanila.
Sa kalagitnaan ng katuwaan namin, biglang may kinawayan si Vanessa. Dahil doon, napatingin narin kami ng grupo.
Pagkakita ko sa kung sino man yung kinawayan ni Vanessa. Hindi ko inaasahan na si Elise pala yung kinakawayan ni Vanessa.
Nginitian naman kami ni Elise bilang ganti sa amin. Sinabi ko sa kanila ng sundan si Elise kung saan man siya pupunta.
Na kita din nila ang bagong mukha ni Elise dahil hindi pa siya nakikita ng mga kasama ko dito. Kung taga DH(Dilian High) ka, makikilala mo yung mga nandidito at yung mga bagong mukha sa unang tingin palang. Habang naglalakad si Elise. Di niya maiwasang mamangha sa mga nakikita niya.
Medyo napapahawak pa siya sa kanyang tiyan. Sa tingin ko gutom na siya. Naisipan namin siyang sundan kung saan man siya pupunta. Bigla siyang napatigil sa paglalakad nang nakakita siya ng restaurant na pwedeng kainan.
Nagulat kami nang bigla siyang manakbo papunta sa resto. Dahil hindi siya aware sa dinadaanan niya, nabangga niya ang isang babae.
At hindi lang basta isang babae. Nabangga niya lang naman ang nag-iisang kasalukuyang queen ng Dilian High, si Stacy.
𝗘𝗟𝗜𝗦𝗘'𝗦 𝗣𝗢𝗩
Kasulukuyan akong nasa mall naghahanap ng makakain ko kaya naisip-isipan kong malibot-libot muna. Ang gaganda ng mga gamit dito. Parang di ko na kailangang mamili dito ng bibilihin ko kasi lahat ata high quality. Mala high class yung dating.
Sa paglalakad-lakad ko nakikita ko yung mga estudyante dito. Yung iba naka civilian lang at syempre naka school uniform naman yung iba. Ang cool nila tignan.
Prohibited and ang paggamit ng kapangyarian sa loob ng mall yun ang pagkakasabi sakin ng guards kanina. Di ko pa naman alam ang power ko so di ko pa siya magagamit.
Napagpasiyahan kong pumasok sa clothing. Magaganda yung damit as in. Napasarap na ata ako sa pagtingin-tingin, kailangan ko pala tipidin yung budget ko. Di naman kasi ako magastos kung needed lang talaga.
"gutom nako, san kaya pwedeng kumain dito?"
Sa paghahanap ng makakinan may nakita akong tatlong magkakaibigan isang babae at dalawang lalaki sa isang minnie park inside the mall, kung saan nagtatawanan sila. Ano kayang pinagtatawanan nila?
Malayo-layo naman ang distansya ko kung saan sila naroroon nang biglang napatingin sa akin yung babae. She waved at me, yun yung naging signal para mapa-tingin yung dalawang lalaki niya sa kinarororonan ko.
Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko. Nadistract ko ba sila? Nginitian ko nalang sila.
Mahaba-habang oras na ang nasasayang ko at wala pa din akong nabibili. At isa pa, di pa nga pala ako nakakakain. Di bale, maghanap ulit ako ng makakainan.
Habang naglalakad, may nakita nakong pwedeng kainan. Dahil sa sobrang pagkaexcite, ay di ko na mapigilang mapatakbo, syempre oorder pako at pipila pa.
Habang tumatakbo papunta sa restaurant ay may nabangga akong babae kung saan ito ang naging dahilan para tumigil ako sa pagtakbo.
"what! Look what have you done to my uniform?!" sabi ng babae. Napansin kong natapon ang Milk tea na iniinom nito sa kanyang damit.
"sorr-
" Enough, sa tingin mo ba malilinis ng sorry mo yung damit ko? " ma autoridad nitong bigkas.
"Kaya nga po sorry. Di ko po sinasadya na may prinsesang nakaharang sa tinatakbuhan ko at natapunan siya ng drinks na hawak niya. S-O-R-R-Y" sabi ko.
"how dare you!" maldita girl. Sabay nag iba ang kulay ng kanyang mga mata. From color brown to color gold. Di ko maiwasang mamangha, at the same time matakot. But I remained calm, ito yung oras na kailangan kong maging matapang.
"You bitch?" maldita
"Stacy enough, calm down. Restricted ang paggamit ng powers dito. Remember na detention kana dati at sigurado akong di mo na magugustuhan kapag Dillian Officials ang nag pataw ng parusa para sa violations" nagulat ako nang magsalita ang isang lalaki sa aking likuran.
"tch, excuse me." stacy, binangga niya pa balikat ko bago umalis palayo.
"pasensya kana you know ganon talaga yon si Stacy mataray talaga yung babae na yon. Hayyss wala talagang kinakatakutan yung babae nayon. Ako ng humihingi ng paumanhin." sabi ng lalaki.
Saka ko lang narealize na sila yung magkakaibigan kanina sa minnie park. Nakuha yung nagsasalitang lalaki ang atensyon ko.
"Nagkita naba tayo? " Pagtatanong ko sa lalaking nasa likod
"I think so?" sabi ng lalaki. No- he seems familiar to me like-wait, what- don't you mean?
"Dyke?" ako
"hmmmm yeah, nice meeting you, again" Dyke said, sabay hatak sakin palayo sa nacucurious niyang mga kasama.
~~
"Sorry about Stacy, Ganun talaga yon pero mabait naman yon when you get to know her. Natural na talaga ang pagiging mataray niya. By the way, para di ka macurious about sa special ability niya" Bahagya itong natigil sa pagsasalita.
"She got a special ability na nakakapagtransform siya into a wild animals or kahit anong bagay. Actually any animals naman kaya niyang itransform. She's a shapeshifter. Nagkukulay gold ang mata niya any time na mag babagi siya ng anyo." mahabang sabi ni Dyke.
"Okay, ang cool naman ng ability niya" now I know na hindi pala dapat ginagalit ang prinsesa.
Di ako ganon katakot sa kaniya huh. Kung malalaman ko lang ang power humanda siya. Joke lang.
Malay mo sa pinaka lowest class ako mapunta no, kung makapagsalita eh.
Umalis narin si Dyke matapos akong paalalahanan. Pero parang may nakalimutan akong itanong sa kaniya.
Di ko pa pala naitatanong kung anong ability ang meron siya. So pag nagkita ulit kami. Tatanungin ko na siya for sure nato. Nagpatuloy ako sa paglalakad para mag hanap ulit ng makakainan.