Napa bungtung hininga ako habang nililibot ang paningin sa buong dorm ko.
"Don't you like it? Hahaha you know, just use your power. You can manipulate everyone"
Who told you that i don't like it? Isa pa, tigil-tigilan mo ko. Hinding-hindi ko gagamitin ang kapangyarihan na minana ko sayo, asa.
"Huwag kang magpapakasiguro ahahaha. Kakailanganin mo din ang kapangyarihan mo. Tingin mo ba kapag nalaman ng kahit isa lang diyan sa mga kawawang at walang kwentang white users ang sikreto mo, hindi ka nila papatayin? Hahahaha niloloko mo lang ang sarili mo anak. Hinding-hindi sila magdadalawang isip na patayin ka. They don't deserve your kindness! Kahit anong gawin mong pasakit para iligtas sila ay hindi nila alam at paniniwalaan"
S-shut up!
"Nauutal ka anak.. sumuko ka na"
Stop talking nonsense things. I will never do that. Hinding-hindi ako susunod sa yapak mo.
"Kakainin mo din ang lahat ng sinabi mo"
I didn't bother to talk back at pinagpatuloy ang paglibot ng paningin ko sa buong dorm.
Napangiwe ako ng biglang tumunog ang tiyan ko. I'm hungry. I'm not eating yet, remember?
0_0
Walang pagkain. Anong klase refrigerator to?
I sigh. Ano ba yan. So kailangan ko pa palang bumili ng stocks. Walang kwenta -.-
"Bwahahaha kayang kaya mo silang utusan ng walang kahirap hirap. Bakit hindi mo sila manupulahin para gawin ang gusto mo"
Talk to my hand, mother ✋
Lumabas ako at sinuot ang jacket na may hood na kinuha ko sa maleta ko at pinanatili ang walang emosyong mukha. I don't have a choice. Kung hindi ako kakain baka ako pa kainin ng dragon sa tiyan ko. Mahirap na.
Isinuot ko ang jacket at iniligay ang hood bago lumabas. Sumunod ako sa agos ng mga estudyante. Buti nalang at lunch time na hindi ako mahihirapan sa paghahanap ng cafeteria. Lagi pa naman ako naliligaw. Pati direksyon ayaw sakin. Well it's a tie dahil ayaw ko din naman sa kaniya -,-
"Turn right"
Don't tell me where to go. I can handle myself. Kung hindi lang kita kilala, sinunod na kita. Yun nga lang, pareho lang tayong hindi bati si direksyon kaya huwag ka ng mag abala pang sabihan ako kung saan ako pupunta
"Bwahahahahaha"
I rolled my eyes mentally.
Napatingin ako sa paligid ko at napangiwi. Nasa isang madilim na hallway ako.
Nasan na sila?
Nako! This is your fault mother. Kung hindi mo ko kinausap hindi ako maliligaw.
"Tsk huwag mo kong sisihin. Kung hindi mo ko sinagot at hindi nalang pinansin ang sinabi ko gaya ng lagi mong ginagawa hindi ka maliligaw. Nanisi ka pa"
Whatever.
Just shut up at huwag na huwag mo kong kakausapin sa isip ko kahit ngayong araw lang. Please give me a break!
"Be thankful at may aasikasuhin ako. Huwag na huwag mong iisiping ginawa ko ito dahil sa hiling mo. Babye! Mwa!"
Napailing nalang ako at inilibot ang tingin ko. Ba't ang dilim? Hindi ba uso dito ang ilaw? Ano ng gagawin ko? San na ko pupun-
"Miss!"- nagliwanag naman ang mukha ko ng may boses akong narinig pero pinananatili ko parin ang walang emosyong mukha.
Humarap ako dito. Nag-aalalang tumingin ito sakin. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa dilim.
"Hindi mo ba alam na bawal ang estudyante dito miss?"
"I got lost"
"Transferee?"
(NOD)
"Ah o sige pagbibigyan muna kita ngayon but next time iwasan mong mapunta dito. Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang lugar na ito"
I see. Kaya pala ramdam na ramdam ko ang malakas na pressure at awra kanina pa.
"Saan ba punta mo miss? Para maihatid kita. Mahirap na at baka san ka pa mapunta"
He said and chuckled
"Cafeteria"- maikling saad ko.
Paglabas namin sa madilim na hallway na yon ay napahinga ako ng maluwag. Nasabi ko na ba sa inyong ayoko sa dilim? Well pakiramdam ko kasi lalamunin ako ng dilim, just like my magique.. it might consume me anytime
"Miss I'm Stevenson Spielbem btw but you can call me Steve nalang. From Beta Section"- pagpapakilala nitong habang nakangite at inilihad ang kanang kamay.
Friendly..
"Xynthia"- maikling pagpapakilala ko habang nakayuko at hindi na nag abala pangabutin ang kamay nito. Nahihiyang ibinaba naman nito ang kamay niya at napakamot sa batok
"Sungit"
Imbis patulan ang sinabi nito ay mas pinili kong manahimik at inilagay ang mag kabilaang kamay sa pocket ng jacket ko.
Pagkarating namin sa cafeteria ay inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar.
Napakarami na ng mga estudyante pero marami paring bakante. Napakalaki ng cafeteria na to.
"Pwedeng sumabay? Hindi padin kasi ako kumakain"- nakapout na saad nito. Siguro akala niya, hindi ko napapansin ang pasulyap-sulyap na tingin nito saakin. He wants to see my face -,-
Bakit ba napakapakialamero ng mga tao?
"Ano bang gusto mong kainin? Ako na mag o-order"
"Anything can do"
Rinig ko ang pag buntunghininga ito ng layasan ko siya. Hindi ako marunong humindi lalo na sa biyaya. Pagkatapos nito. Iiwasan ko na siya hehe.
After few minutes ay dumating na ito dala ang dalawang tray na lumulutang sa tabi nito. Ang galing nga e, may pakpak ang tray magkabilang gilid hahaha.
Nang lumapag ito sa table ay nagsimula na kong kumain ng biglang mahulog ang hood ko.
Ayyst hayaan na nga
Steven's PoV
Pagkalapag ng pagkain ay agad niyang kinuha ang tray na nasa harapan nito at na simulang kumain ng biglang mahulog ang hood nito.
0_0
A-anghel..
Ang siba niya kumain pero kahit ganoon ay hindi nababawasan ang kagandahan niya. Bawat kilos niya ay hindi ko maiwasang pagmasdan. Tuwing sinusubukan kong umiwas ay laging bumabalik sa kaniya ang tingin ko.
Ang boses niyang mala yelo ang lamig. Ang mala anghel niyang mukha na walang mababakas ng kahit anong emosyon. Ang ganda niyang kakaiba, na walang sino man ang mayroon. Kahit tignan mo ito buong araw ay hindi ka magsasawa.
Wala akong maramdamang awra sa kaniya pero pakiramdam ko hindi lamang siya ordinaryong estudyante lang.
"Do you have any plans to eat?"
Nabalik ako sa ulirat ng mag salita ito. Nakatingin ito sakin. Ang purong itim na mata nito na walang mababakas na kahit anong emosyon. Bakit pakiramdam ko hinahalungkat ng dalawang pares ng matang yan ang pag katao ko?
"A-h kase-"
-----
AUTHOR'S NOTE
Your votes and comments are really appreciated!