"Where's the grocery here?"
I asked habang lumilinga linga. Oo na, ako na feeling close. Bakit naman kasi ako mahihiya? Eh sila naman nag offer at isa pa. Pinilit nila ako -,-
Hindi ko maiwasang mapa face palm dahil kanina pa tingin ng tingin ang mga nadadaanan namin sa mga kasama ko at dahil kasama nila ako kaya pati ako nadadamay.
Geez hindi ko aakalaing mangyayari to. Kung hindi lang dahil sa ref na yon na walang kalaman laman. Hindi ako mapupunta dito. Oo kasalanan nung ref, may angal kayo? 😑
After kong bumili ng pag kain. Sisiguraduhin kong makaka uwi na ko. Nakaka irita na ang tingin ng apat sakin na dinagdagan pa ng mga fans nila na mukhang balak akong bitayin sa mga talim ng tingin nila.
Ano bang problema nila?
"Let's eat first"
"No than-"
'Kruuu kruuu'
Napa iling nalang ako ng biglang maki sabay ang tiyan ko. Kita niyo na! Pati tiyan ko may gana pang mag traydor sakin. Walang kwenta -,-
"HAHAHAHA bakit nga ba lumalayo ka sa kanila? Takot ka lang namang mapalapit sa kanila, ano? Dahil takot kang traydorin nila kapag nalaman nila kung sino ka talaga"
Napatahimik ako dahil sa sinabi nito pero mas pinili kong huwag pansinin ang sinabi niya at umaktong walang narinig.
"But your tummy says the opposite"
Sambit ng isa sa kanila at napatawa ng mahina.
"Sumama ka na samin"
"Kaya nga"
Seriously?
Pinag tutulungan ba nila ako?
Napanguso ako ng mahila na nila ako na walang kalaban kalaban.
Pag dating namin sa restaurant ay pinag titinginan na kami. Tsk sino ba nga ba tong mga kasama ko? Agaw atensyon sila. Oo, alam kong isa nang dahilan ay dahil mga gwapo sila pero bakit pakiramdam ko may iba pang dahilan bukod doon?
Hinila nila ako papaupo at may lumapit na lalaki at kinuha ang order nila. Tinignan nila ako
"Kahit ano"
Malamig na saad ko kaya hindi na sila nag tanong pa.
Pagdating ng order ay tinanggal ko ang hood ko ng makakain ako ng maayos. Wala namang problema sakin kung makita nila ang mukha ko. Bakit ba? Tsk
Rinig ko ang pag kasinghap nila. Napailing nalang ako at nag simula ng kumain.
***
Someone's PoV
Nakatingin ang apat na lalaki sa babaeng walang kamuwang muwang na kumakain sa pagkain na nakahapag sa harapan niya.
Wala silang pinapalampas sa bawat galaw nito na para bang ito ang pinaka importanteng gawin sa oras na yon at wala silang dapat malampasan. Hindi nila maiwasang mamangha sa gandang taglay ng babae na walang katumbas. Subukan man nilang iiwas ang paningin nila ay kusa naman itong bumabalik
"D*mn"
"I think I'm inlove"
"Goddess"
Habang sa isang banda ay lalaking walang paki alam ay napa 'tsk' nalang sa akto ng mga kaibigan nito. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil walang makakalampas sa kamandag na taglay ng binibini na kahit siya ay natamaan pero mas pinili niyang baliwalain at umaktong wala siyang paki alam. Hindi niya maiwasang mainis sa babaeng nasa harapan niya na nakakuha ng atensyon niya
"Tsk head turner"
He whisper coldly at start eating like something usual happening.
Author's note
Your votes and comments are really appreciated!