Now! What are you going to do Xynthia!? Think! Think how you can go out to this freaking forest!
Alam 'ko sa sarili 'kong wala akong pag asang makalabas sa lugar na 'to lalong lalo na't hindi 'ko na matandaan ang dinaanan namin kanina maliban nalang kung sunugin 'ko ang buong gubat na 'to!
Wala na 'kong pakialam sa wateriaz liayez na 'yon at kung mapaparusahan man ako idadamay 'ko ang prinsepeng 'yon dahil sa pag iiwan sa 'kin. Nakooo! Kapag nakita 'ko 'yon, babatukan ko talaga ang isang 'yon! Wala akong pake alam kahit prinsepe pa man siya makamit 'ko lang ang hustisyang pinag lalaban 'ko! Peste!
Sa lahat lahat ba naman kasi ng lugar at pag kakataon dito pa ako tinamaan ng kamalasan sa gubat na 'to.
Napairap na lamang ako ng may makita akong isang ahas na gumagapang papalapit sa 'kin. Hindi lang ito ordinaryong ahas dahil napakalaki at napakahaba nito at sa pagkakaalam ko. Matindi ang kamandag ng ahas na yan. Ghad! This is not happening! Kailan ba matatapos ang kamalasan ko?
Uunahan 'ko na kayo. I'm not afraid of snakes! Sisipain ko talaga ang isang to at sisiguraduhin 'kong makakarating siya sa ibang mundo.
Napakonot na lamang ang noo 'ko ng biglang tumalsik ang ahas papalayo at bumaling ang tingin 'ko sa taong may kakagawan 'non.
Imbis magpasalamat ay tinaasan 'ko ito ng kilay. Hindi 'ko maiwasang magpakita ng emosyon dahil sa kabang ipina ramdam niya sa 'kin kanina dahil sa pag iwan nito sa 'kin. Kung pwede lang mag teleport papalabas sa gubat na 'to at patayin ang ahas na 'yon gamit ang kapangyarihan at lakas ko ay kanina ko pa ginawa. Ang problema nga lang, pinipigilan ng forest na to ang pagpapalabas ng kapangyarihan namin at ang lakas namin.
"Tsk. Can you please walk faster? We're going out of time"
Pinipigilan 'ko ang sarili 'kong bulyawan ito. This jerk! Argghhh! Mas lalo lang niyang pinalala ang pagka hate 'ko sa kaniya.
Hindi 'ko maiwasang mapanguso sa tinging ibinibigay nito na para bang napakababa 'ko at isa akong napaka walang kwentang tao. Pero sa totoo lang wala 'kang makikita na kahit anong emosyon sa mga mata nito at baka guni guni ko lamang yon. But still- i hate him!
Tumalikod ito sakin at nag simulang maglakad kaya wala akong choice kundi sumunod dito. Wala akong balak maiwan muli!
Napasimangot ako sa haba ng mga hakbang nito. Hindi naman sa binibilisan niya dahil pa cool lang itong nag lalakad sadyang mahahaba lang talaga ang mga paa niya. Oo na! Edi siya na matangkad! Hindi naman ako maliit sadyang malaki lang talaga siya! Atleast umabot ako kahit hanggang panga lang niya. E kayo? Tsk
"Walk a little bit faster"
Geez this jerk! Eh kung tinulungan niya kaya ak-
Plok
"F*cking sh*t!"
Bago pa man ako matuluyang humalagapak sa lupa at madagdagan ang injury ko ay may mga bisig na yumakap sa bewang ko.
Napatingin ako sa taong nagligtas sa masakit na dapat na pagbagsak ko.
"Watch your filthy mouth"
Hindi pa man ako bumabalik sa katinuan dahil sa pag sagip niya sa 'kin ng walang pasabing binuhat ako nito. Hindi gaya ng mga iniisip niyo! Binuhat ako nito na kagaya ng pag buhat sa sako ng bigas. Ang bewang 'ko ang nasa balikat nito at ang ulo 'ko ang nasa likod nito habang ang mga paa 'ko ang nasa harapan nito.
Ng mapag tanto 'ko ang ginawa niyang pag buhat sakin ay agad 'kong pinalo ang likod nito ngunit ni hindi man lang siya naka ramdam ng kahit konting sakit. Ako pa nga ang nasaktan. Bakit ba ang tigas ng likod nito? Kasing tigas ng puso niya -,-
"Hey! Let me go!"
"Stop being stubborn or else i will leav-"
"Hayst oo na! Tatahimik na po!"
I don't have a choice. Wala akong balak maiwan at ma-stock sa lugar na 'to. Kaya naman ako maglakad, arte naman nito.
"Malayo pa ba?"
Wala sa sariling tanong ko. It's been 25 minutes simula ng buhatin niya 'ko at oo binilang 'ko talaga. Eh sa wala akong magawa. Nag halumbaba pa ako sa likod nito at binibilang ang mga punong nadadaanan namin.
Napanguso ako ng hindi man lang ito sumagot. Akalain niyo 'yon? May puso pa pala ang isang to? Pwede naman niya 'kong iwan pero hindi niya ginawa
"I'm not saving you from your stupidity. I just wan't to get out of this d*mn forrest"
Walang emosyong saad nito at bigla akong ibinaba na ikinasalampak ko lupa. Hindi man lang nag dahan dahan! Binabawi ko na ang sinasabi ko!
"You! Arghhh how dare you!"
Inis na bulyaw 'ko dito ngunit hindi man lang ako nito pinansin at tinalikdan na parang walang narinig.
"Are you okey?"
Prof Chris asked. Napatingin ako dito at pinipigilan 'ko ang sarili 'kong ibuntong sa kaniya lahat ng galit 'ko at pilit pinapakalma ang sarili 'ko.
Linibot 'ko ang tingin 'ko. We're here. Hindi 'ko man lang napansin. Nakuha ba niya ang bulaklak na 'yon kaya nakalabas kami? Nasagot ang tanong 'ko ng makita ang isang bulaklak na nasa isang lalagyan na bilog na may lamang tubig na hawak ni Prof.
"I'm fine"
Walang ganang saad 'ko at walang pasabing tumayo.
Nag lakad ako na parang walang nangyari.
Pag karating 'ko sa dorm 'ko ay agad 'kong sinarado ang pinto at pumasok sa kwarto 'ko. Umupo ako sa kama 'ko at tinignan ang paa 'ko.
Sa totoo lang kanina pa dapat gumaling ang fracture na 'to. Pinipigilan 'ko lang. Ayokong may makakita dahil sigurado akong mag tataka sila.
Napangite ako ng mabilis itong mag hilom at malaya ko ng naigagalaw ang paa 'ko. This is what you've got if you have a deity parents!
Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!