It's midnight at lahat ng mga sireno at sirena ay nasa mahimbing na pag kakatulog maliban sa mga kawal na naatasang mag bantay.
Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasamahan kong natutulog ng mahimbing ng mapansing wala si Zeke. Where is he?
Nag madali akong tumayo at hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko.
Pumikit ako at pinakiramdam ang presensya niya at agad naman akong napahinga ng maluwag at napa ngite ng maramdaman ko ang presensya nito na malapit lamang sa kinaroroonan ko.
Agad ko itong tinungo kahit alam kong hindi imposibleng maligaw ako. Pero ano bang pake ko? Mas importanteng mahanap ko siya pero hindi ba't galit ako sa kaniya? Napakamot nalang ako sa ulo ko ng wala na kong makapang kahit konting inis at galit sa puso ko.
Pout. Ganon nalang yon?
"Zeke"
"Anong oras na. Bakit gising ka pa?"
Tanong nito na hindi man lang ako binabalingan ng tingin. Mabuti na lamang at kahit madilim ay nag bibigay ng liwanag ang mga corals at ibat ibang mga isda na lumalangoy.
Tinabihan ko ito at tinignan ang direksyon na tinitignan niya...
"Something wrong?"
Sambit ko lamang dito. Tinanguan lamang ako nito habang nakatingin parin sa isang banda.
"Sooner or later, the kraken will attack.. can you handle the soldiers and evacuate the people?"
Walang pag dadalawang isip na tumango ako sa seryosong saad nito.
Napangite na lamang ako... alam kong masosolusyanan namin ang problemang to. Lalong lalo na't kasama ko siya
"Liam we can feel the presence of the kraken.. malapit na siya sa kinaroroonan natin! Evacuate your people at ipaghanda ang mga kawal"
Napakunot naman ang noo nito. Napag usapan kasing bukas na umaga ang paglikas ng lahat. Ngunit hindi naman namin aakalain na ngayong madaling araw susugod ang kraken.
"But everyone's sleeping"
Napakunot noo naman ako sa sinabi nito.
"Then wake them up! Mas importante pa ba ang pag tulog nila kaysa sa kaligtasan nila? Liam listen to me! Kailangan ng palikasin ang lahat. Ano mang oras mula ngayon ay maaari na 'tong dumating"
Matigas na saad ko dito. I don't care kung nag mumukha na kong bossy or what. Iniisip ko lang ang kaligtasan ng lahat at kung hindi man niya sundin ang sinasabi ko. Ako mismo ang gagawa ng paraan at sisiguraduhin kong maaalis siya sa posisyon niya at pati ang magulang niya.
"Hayy that's not my point.."
Napailing na lamang to at may kinuhang malaking shell. Nilapit nito ang bibig nito sa mismong shell at para itong mike dahil sa lakas nito.
Hehe hindi ba?
~☆~
Pinagmasdan ko ang papalapit na kraken. Agad ko namang hinanda ang sarili ko at pati na din ang mga kasamahan ko. Lahat ng mga sireno at sirena ay pinalikas na kasama ang mga kawal dahil siguradong wala naman silang maitutulong. Kaya kaming anim na lamang ang natitira para harapin ang kraken. Hindi pwedeng maiwan si Liam dahil kailangan niyang samahan at pamunuan ang mga pinamumunuan niya kasama ng magulang niya
Hindi nakaiwas sa paningin ko ang violet na mga mata ng kraken. He is under control. Mukhang tama nga sila Goddess Amber. Hindi ko siya pwedeng saktan. Hindi nila kagustuhan ang nangyayari.
What will I do?
Akmang susugod ang kraken ng ikulong ito ni Zeke gamit ang kapangyarihan nito. Kahit gaano man kalakas ang hampas niya dito ay hindi tinatablan ang kulungan na ginawa ni Zeke
I smiled.
He's really powerful
"Panandalian lamang 'yan. Any suggestion?"
Untag ni Lucas na nakalapit na pala sakin kasama ang tatlo maliban kay Luke na malapit sa Kraken at binabantayan ito.
"Why don't you try to talk to him, Zeke?"-Clark suggestion. Napatingin kaming lahat kay Zeke. He look at me at sa tingin niya na mukhang naghihingi ng permiso. Tumango lamang ako kaya lumapit siya sa kraken habang kami ay hinihintay ang susunod na gagawin niya.
"Tigilan mo ang panggugulo"
Malamig na sambit ni Zeke dito at walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito. He's really good on how to hide his emotion. Napailing na lamang ako sa pagiging direct to the point nito. Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya? -,-
Sandaling natigilan ang kraken at humarap kay Zeke at hindi nakaiwas sa paningin ko ang sandaling pag papalit ng kulay ng kaniyang mata. Naging blue ito ngunit agad ding bumalik sa violet.
Hmmm the one who'se controlling the sacred creatures is so much powerful..
"Help me!"
Sandaling sambit nito ngunit agad ding nag simulang magwala.
Lumapit ako sa kinaroonan ni Zeke at itinuro ang Tatoo ng kraken na nasa ulo nito.
I have this feeling na magiging effective ito..
"Try mong hawakan yan"
He just nodded dahil mukhang naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. At upang mahawakan niya yon ay kailangan niyang ipawala ang kulungan na ginawa niya at sigurado akong mahihirapan kami dahil sa pagiging agresibo nito
"Kami ng bahalang kumuha ng atensyon niya"
"Mag iingat ka"- seryosong saad nito at biglang nawala sa paningin ko at sa isang iglap lamang ay nasa likod na ito ng kraken. Kasabay nito ang pag kawala ng kulungan.
Agad itong napatingin sa gawi ko
Oh nice -,-
Your votes and comments are really appreciated