"Lola what are you doing here!?"- napasimangot si Yuan ng bigla siyang batukan ng tinatawag nitong lola. Sinamaan siya nito ng tingin.
"Do i look like old enough to call me lola!? Call me Alicia! You idiot!"- napanguso na lamang ito at napapakamot na nagsalita
"Eh sa matanda ka na din naman eh. Imagine 270 years old?"- muling binatukan ito ni Alicia
"Magsalita ka pa. Isasako kita at itatapon pabalik sa pinanggalingan mo"- pagbabanta nito dito.
Natatawang pinapanood sila ni Clark. Si Lucas na tahimik lang ngunit makikita dito ang tuwa sa kaniyang mata.
"By the way guys! I'm Alicia! Nice to meet you all"- nakangiteng baling nito sa dalawa. Nanlaki naman ang mata ni Yuan
"Feeling bagets la-"- hindi pa man natatapos ang komento nito ng batukan ulit siya ni alicia ngunit hindi gaya kanina na pinabayaan nito siya ngayon ay naging palaka na ito.
"Tsk sabat kasi ng sabat"- pairap na saad ng babae at flinip ang buhok niya. Muling humarap ito sa dalawa habang si Clark ay kanina pa nagpipigil ng tawa. Takot lang siyang siya isunod ng babae.
"Pagpasensyahan niyo na ang ugali ng isang yon. Ni hindi ko nga siya kilala"- nakangiteng saad nito. Napatingin siya sa palaka na apo niya na muling nagrereklamo nanaman. Sobrang ingay at nakakairita ang boses palaka nito. Sa inis nito ay nilagyan niya ng tape ang bibig nito.
"One month kang ganyan"- ang malaking mata ng palaka ay mas lalong lumaki sa sinabi ng babae.
Alicia. Grandmother of Yuan. She's a witch. She's making a potion para manatili ang dalagang mukha nito.
"I'm here to help for the upcoming war"- pag iiba nito ng topic at tumalikod na sa kanila
~☆~
Xynthia PoV
Napangite ako ng makontrol ko ng muli ang katawan ko. Finally..
Agad naman akong napanguso ng maalalang nakakulong nga pala ako. Paano ko silang makukumbinse na ako na to?
Napangite ako ng makita si Zeke na papasok sa loob ng selda ko. Sobrang dilim ng awra nito at mukhang kahit anong oras ay papatay na. Matatalim ang tingin na ibinibigay nito sakin. Tumayo ako at akmang yayakapin ito ng bigla akong tumalsik papalayo sa kaniya. Napangiwe ako sa sakit ng pagtama ko sa pader.
I just want to hug him! I miss him so much! Ano bang masama don?
"Hey zeke! This is me! Xynthia!"- sinamaan ako nito ng tingin. Mas lalong umitim ang itim nitong mga mata ngunit wala akong makapang kahit konting takot sa kaniya.
"I'm not into games. Bring back my Xynthia b*tch"- d-id he just call me bitch? Agad naman akong napailing at pinigilan ang sarili kong bulyawan ito. He doesn't know xynthia.. calm down..
"I'm telling the truth Zeke-"
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng bigla itong lumitaw sa harap ko at sinakal ako.
Damn
"Hahaha Xynthia! Mukhang hindi na din masama ang paglabas mo! Sayo nabuntong ang himagsik ng mahal mo!"
"Zek-"
"Don't dare to call me that name"- malamig na saad nito. Mas lumamig ang boses nito kumpara dati. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang malapit na mukha nito. Ang magulo niyang buhok, ang matatalim at mapupungay na mata nito, at ang mapupula niyang labi.
Nabalik ako sa katinuan ng maramdaman ko ang konting konti na pagkawalan ko ng hininga. D*mn..
Sinubukan kong magpumiglas ngunit masyado itong malakas. I can't breath!
I tried to use my power pero wala man lang ni katiting ang lumabas. I don't have a choice
'Chinta make your way to help me'- i said to my mind. My mind is connected to their mind. This is the true ability of the Celestial Goddess. Kaya niyang tawagin ang mga mystical creatures at palabasin ang mga ito sa kanilang mundo. Yes hindi ko nga magamit ang kapangyarihan ko ngayon but i can talk to them. Kaya nilang maglabas pasok sa mundo nila kung gugustuhin nila basta may permisyon ko.
May bumuong white particles sa gilid ko hanggang unti unti itong naging Leon.
Nakuha ang atensyon ni Zeke dito ngunit hindi parin nito ako binibitawan.
Balak ba kong patayin ng isang to!?
Napatingin si Chinta sakin.
'H-elp me'
Yumuko ito na para bang nagbibigay galang at agad sinugod si Zeke. Agad ako nitong nabitawan habang ako ay naghahabol ng hininga.
D*mn this life! I do everything para lang makabalik at ito ang madadatnan ko? Tsk
Sa lahat ng ginawang pagsugod ni Chinta ay ni isa ay walang tumama kay Zeke
'He's too strong and powerful master'-saad ng leon ko ng bigla itong tumilapon. Akmang tatayo ito ng inutusan ko siyang bumalik na sa mundo niya
'thank you Chinta..'
'Anything for you master'
Napangite na lamang ako at muling napatingin kay Zeke at sinamaan siya ng tingin
"Sinabi ko ng ako to eh! Ba't ba ayaw mo kong paniwalaan? Balak mo ba talaga akong patayin Zeke huh?"- pinigilan kong tumulo ang luha ko. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito. Sobrang tigas ng damdamin niya hindi man lang niya maramdaman na ako na to. Nakasarado ang isip niya, ayaw niya kong paniwalaan.
Tumalikod ako dito at pinunasan ang nakatakas na luha sa aking mga mata. Muli akong humarap dito at tumawa ng mahina.
"Sa huling pagkakataon, hindi mo ba talaga ako paniniwalaan Zeke?"- mahinang saad ko. Parang unti-unting nawawasak ang puso ko ng tinalikuran ako nito at walang pasabing umalis.
Hindi ko na napigilan ang luha kong kanina pang gusto lumabas.
Hindi ko akalaing darating kami sa gantong pagkakataon. Masakit pala.
Pinunasan ko ang luha ko
I need to get out of here..
I don't have a choice. Wala akong pakialam kung maghina ako pagkatapos nito. Makalabas lang ako sa kulungan na to. I need to see them bago pa mangyari ang labanan. Wala kaming tsansang manalo. I need their help.
Inipon ko ang kapangyarihan sa loob ko at walang pasabing ipinatama ito sa kulungan. Unti unting naglaho ang parte kung saan tumama ang kapangyarihan ko. Agad akong lumabas baka madatnan pa nila ako dito at ibalik.
Ramdam ko ang panghihina ko. Inner power ko ang ginamit ko kaya hindi agad maibabalik ang lakas ko. Sa tingin ko ay babalik pa ang tunay na lakas ko after 3 days. Bali limitado lang pwede ang kong gamitin.
You can do this Xynthia..
Inilibot ko ang tingin ko. So nandito pala ako sa dungeon. Sa pinakadulong bahagi ng akademya. Hindi pa ako nakapunta dito at alam niyo namang -ehem! na hindi kami bati ni direksyon.
Napakamot ako sa ulo ko.
Paano ako makakalabas sa lugar nato?