"I-ISA... ISA.. ISA AKONG HOTDOG?!!?!"
Sigaw ako ng sigaw habang nakalagay ang mga palad sa pisngi.
Sinusuri ang mga parte ng muka ko. May mata, may bibig, maliit ang mga tenga, at hindi masydong kita ang ilong. Muka parin namang tao ngunit ang kulay ay pula at ang mga kilay ko ay parang drawing na parang iisang hibla lang. I feel like a pop-up cartoon character.
Ang buhok ko ay ganun parin ngunit mas naging wavy. Ano toh glow up hotdog style?
"Yawwwn* umagang umaga sigaw ng sigaw ahh"
Nabulabog, nilingon ko kung nasaan ang nagsalita. I has surprised. Isa rin itong hotdog ngunit mas mahaba at may konting kulubot. Muka syang nasa 20s lamang.
Uminat inat pa siya at kitang kakagising lamang.
"Psst may bago yata oh" gising ni kuyang hotdog sa isa pang hotdog.
Kinakabahan ako sa pangyayari. I'm a hotdog.
Inisip ko ang mga ngyare bago ako maging ganto.
Nagbukas ako ng messenger habang nakain at sa hindi inaasahan ay nag chat yung dating best friend ko. I opened the convo at found a voicemail. Forwarded sya.
I played the record and found it funny.
"Anniversary ng TENDER JUICY HOTDOG NGAYON. Ipasa moto sa 10 tao bago matapos ang araw, kung hindi, magiging hotdog ka."
I laughed.
"Wag kang tumawa yung tita ko hotdog na. Ayaw kitang maging hotdog. Pls pass"
Sa kakatawa ko ay nalimutan kong kumakain ako ng hotdog. I grasp for air as I feel the hotdog blocking my windpipe. Nabulunan ako.
Ito pa yata ang ikamamatay ko.
Please po, ayaw ko pang maging hotdog.
I sighed. Ito na nga yata ang kapalaran ko, mamatay sa kadahilanan na nabulunan sa hotdog at maging isang hotdog.
Again, I sighed.
Pinagmasdan ko na lamang uli ang aking repleksyon sa isang makintab na lababo. I'm so red. In my reflection I could see kuyang hotdog walking towards me. Kita ko rin ang isang babaeng hotdog na mukang nasa early 30s dahil sa may mas maraming kulubot kesa kay kuyang hotdog. Nakapatong ang kanyang mga braso sa gilid ng lalagyan at nakatingin lang sakin.
Hinarap ko si kuya hotdog nang nakalapit na sya. Wala naman sila sigurong masamang balak diba. Pare parehong hotdog naman kami ih.
Nakangiti, humakbang si hotdog ng isa palpit sa akin. Nagulat ako ng nilahad niya ang kanyang kamay at nag pakilala. "Rio. I see your a new reincarnate." Sabi nya ngiting ngiti habang ang isang kamay ay hinawakan ang batok. Kita ko na nahihiya pa sya.
I gradually formed a smile while shaking his hand. "Antaresz po. Call me anna."
"Pede naman na wala ng po and opo. Sure naman akong malapit lang edad natin." Sambit nya at saka nag pormal na nagpakilala.
Pagkatapos kong magpakilala ay bahagya nyang itinagilid ang kanyang ulo at tinuro yung isa pang hotdog. Senyas nya na sumama ako. Sumunod na lang ako habang pinagmamasdan ang paligid.
So nasa lababo kami? Kintab naman.
"Tch. Aga mo naman namatay bata." Nagulat ako sa sambit nung ate.
Like it ir not. I'm a dead kid. Pero reincarnated. Pero as a hotdog. =~=
Pinakilala ni kuya Rio si ate hotdog. Hindi ko alam ang itatawag ko sakanya dahil ang sabi nya ay 28 na daw sya. "Kaw hotdog? Lan' taon kana?" Tanong ni ate Lyna.
Medyo hindi yata pabor si Lyna sakin ih. Ang sama ng pakikitungo pag ako kausap. Trust issues maybe.
I told them my age, "Im 17 turning 18" and Rio told me his, "Wow 17! 22 ako!".
Kuya Rio is cheerful at kabaliktaran naman si Ate Lyna, medyo gloomy tingnan.
Marami kaming na pagkwentohan sa mga nakalipas na minuto.
"anong pagkamatay mo Anna?" Tanong sakin ni Rio. Nagtawanan sila kanina habang nag kwekwento si Lyna ng pagkamatay nya. She died from the hands of her father. Si Rio naman ay simpleng accidente lang ang naganap ngunit kwinento nya ito na para bang isang murder mystery. I find it funny.
And ngayon ay ako naman ang natanong. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba talaga sa kanila na ang dahilan ng pagkamatay ko ay nabulunan sa hotdog. Tatawanan lang nila ako for sure.
"Wag kayong tatawa ha."
"HAHAHA sige sige" tawa ni Rio. Hays ano ba yan wala pa nga natawa na agad, pano na pag nakwento ko na. Tumingin ako kay Ate Lyna at tumango na lang sya.
I took a deep breath and said, "Nabulunan ako sa hotdog" nakapikit kong sambit. Feeling ko namumula ako sa kahiyanan pero ok lang siguro kasi pula na rin talaga ako. Hotdog nga diba.
Wala akong narinig na pagtawa o pag imik man lang nina Rio at Ate Lyna. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Obviously, Pigil na pigil nila ang pagtawa. Mas nahiya ako.
"Pfft HAHHAHAHHAHHA- HAHAHHAHHAHAH" halakhak nilang dalawa. Hays.
"Nabu- pfft Nabulunan kaAHHAHAHAHHAHA" Rio. Yes. Sa hotdog." Sagot ko. Talagang tawa sila ng tawa at tuluyang hiningal na. Tumigil rin sila kahit papano.
"May I?" Tanong ni Rio saakin na humihingi ng pahintulot. I nodded as answer. Inakbayan nya ako. "Lam mo Antaresz, ang iba rito kaya naging hotdog ay sa kadahilanan ng isang unexpected death. Un lang naman eh. Si ate Lyna mo, pinatay ng ama, UNEXPECTED! Oh boom! Maging hotdog ka na!" Ay actions na sambit nya. Tinaas pa ni Rio ang kanyang kabilang kamay at itinuro sa ilaw.
"Ako, nabunggo" tinuro nya ang sarili "UNEXPECTED! Maging hotdog ka na! Ganun yun eh. Kaya marami ang hotdog sa mundo. Pero ikaw, Anna, iba ka sa mga hotdog rito."
Hindi ko maintindihan ngunit nakinig ako. "Yang ngyari sayo..." medyo na patawa sya. "Para sayo talaga ang maging hotdog eh pfft"
I looked at him with a straight face. Anong nakakatawa ha?! Kala ko naman importante ang sasabihin. Tch.
Inalis ko ang pagkakaakbay nya sakin at umakyat muli sa taas ng lalaygan. I could see Ate Lyna slightly laughing while smirking. Umupo na lang ako sa kabilang dulo.
Bakit ba kasi kelangan hotdog pa ako. Nabulunan na nga sa hotdog magiging hotdog pa?! Hmf.
I looked at my side at nakita ko ang isa pang hotdog na lalaki. I could see his features. Clean ang buhok at medyo kita sa kanya ang ilong. I diverted my sight to my hands.
Napaisip ako.
Hotdog kami ngunit parang tao ang aming mga itsura. Pero red, obviously. I don't seem to get it. Nakikita ba kami ng buhay na tao na ganito?
I stood up and walked towards Ate Lyna. Sumandal rin ako sa gilid ng lalagyan.
"Who and why? State your name and purpose" medyo nataranta ako sa sinabi nya. State your name and purpose daw? Am I arrested?
"Uhmm Antaresz Heina Zamora ahhm.. gusto ko sana itanong bakit hindi tayo mukang hotdog?" I answered pero tiningnan nya lang ako. I waited for an answer pero wala parin. I sighed.
Tumambay na lang rin ako sa tabi ni Lyna at tumitig sa baba. I could see Rio waving his hand at us, ngiting ngiti.
Ngayon ko kang napagtanto na gwapo rin si Kuya Rio. His hair is good pero ang pinakamaganda sa kanya ay ang sapphire eyes niya. Sa anime ko lang iyon nakikita ngunit ang ganda pala.
Im not really a fan of blue kasi red favorite kooooo~ Hayst kaya yata ako naging hotdog eh.
I waved back at Rio saka naglakad pabalik uli sa inupuan ko. "Ask Rio" hmm? Nilingon ko si Ate Lyna oara makumpirma kung sya nga yun ngunit nakatingin lang sya kay Rio. "I said ask Rio. Mas marami syang masasabi." Sambit ni ate Lyna saka umalis at bumaba.
I wanted to thank her pero nasa baba na sya at umiinom.
I continued walking towards the corner as I gave of a mesmerizing stare kay kuya hotdog. Tumingin naman sya after kong umupo. "Hi" tinitigan nya lang ako.
Huhu sumagot ka naman nakakahiya ih. "Anong pangalan mo?" Pagpilit kong gumawa ng usapan. Hindi talaga sya nasagot. Hindi ba nya kaya? "Sorry di ko alam na pipi ka. I know sign language. Kaya ok lang."
Wala parin.
"I'm Anna."
"I know. I heard it."
Huh? Kala ko ba pipi? Pinagmukang tnga na ako nito. Baka englishero. "So whats your"
"I yours not your. Simple english there. Kala ko 17 kana bat ganyan english mo tsk."
0_0 "Inaano kaba ng english ko ha! Pero thank you." Nahihiya kong sambit. "Sagutin mo na lang kasi tanong ko" dugtong ko.
Nakakahiya! Sobrang nakakahiya. Kasalanan ko bang na nakawan kami ng pera nung bata ako kaya hindi ako nakapag grade school?! At saka nabitin lang naman ako sa pagbanggit ng s dun ih. Alam ko naman na yours un tss.
"My name is for you to find out." Sabi nya at nagpatuloy sa ginagawa. Ha? How are you to find out daw? Bat ko naman hahanapin yang pangalan nya? Nawawala ba?
Kung ayaw mong sabihin edi huhulaan ko. Manghuhula ako you know.
"Andy?" Napatingin sya sakin. Nagbanggit pa ako ng mga pangalan na nag sisimula sa A. Naguluhan siguro sya sa mga sinasabi ko pero mukang nagets na nya ng lumipat ako sa letrang B.
"Ben?" Hula ko.
"No"
"Ben-10?"
"No"
"Bernabe?"
"No"
"Benjamin?"
"No and please stop."
Ngumiti ako ng nakakaasar. "Hindi ako titigil hanngang d mo sabihin pangalan mo." "Babe?" Patuloy ko.
"Hmm if yours then yes." Gulat na gulat, napatingin ako sa kanya. Ano daw? wEyT lENg KenEKeLEg eKe.
*MgA IlAng mInuToNg KaKIliGaN
Tinapos ko na ang pag huhula ko ng kay babe na pangalan. Ang sabi nya diba sa babe yes? Edi babe na lang!
Sus! pakahirap pa akong hulaan pede namna palang babe na lang. buti na lang pumasok sa isipan ko ung ninong kong pangalan ay babe.
Minsan pa akong mabully dahil narinig ng classmate ko na tawag ko sa ninong ay babe. Eh babe naman talaga pangalan.
Mukang hindi na hotdog ang uulamkn ng tao sa bahay na to dahil ibinalik na kami uli sa freezer. Medyo nakaadjust na ako sa lamig rito sa freezer. Hihihi malamig pala. Wala ako masyadong malagkaabalahan rito except dun sa yelo na kinakayod ko. Konyari snow.
Liningon ko sina ate Lyna at Rio na nakikipag usap sa kapwa hotdog. Napakilala na ako ni Rio kanina sa iba pang hotdog ngunit mga nasa 30s and 40s na sila kaya wala akong maka sama.
Eto namang si Babe na halatang ka edad ko lang ay hindi ako pinapansin. Linalaro lang nya ang yelo at sinipasipa iyon.
Napansin nya yata akong nakatitig. Iniwas ko ang tingin ko at nag kayod na lang ng yelo. Hihi ang saya talagang mag laro sa freezer.
"Hey Anna." Wow. Tinawag ako ni Babe! Liningon ko sya na nakataas ang kilay at nag kunwaring inabala nya ako. Sabi sakin ng kuya ko ayaw daw ng mga lalaki sa madaling makuha. Gusto daw nila ng thrill, kaya ayun pa hard to get muna tayo mga ka-hotdog.
Kita ko kung pano siya humakbang papalapit sakin at sa isang iglap ay nasa harap ko na sya. His baby blue eyes that I didn't noticed before shines before me. Ang ganda. He offered his hand saying "Chad. 19."
Napatunganga na lang ako sa kamay nyang inilahad. I looked at him confused. "Tsk diba gusto mo malaman pangalan ko." Ahhh righttttt...
Napangiti na lang ako. Nakangisi, kinuha ko ang kamay ni Chad (my Babes) at nagshake. Ang init ng kamay nya.
"Pero pede pa namn kitang matawag na babe diba?" Nakangisi kong tanong kay Chad na ngayon ay nakisama sakin sa pag lalaro ng yelo. "Maybe." Tipid nyang sagot.
Pa-fall soguro tong hotdog na toh. Pinaasa lang ako. Hays. Tumayo ako at nag pagpag ng katawan. Tumingin si Chad sakin.
Kumuha ako ng yelong kinayod ko. Nakita ko na ang ibang kinayod namin na yelo ay nanigas na. Hinugis bola ko ang hawak ko, tumigas na sya.
Nag hanap ako ng target at BANG! Natamaan ko sa braso si Rio na may kung anong ginagawa sa sulok. "Aarrrayy! Huy masakit matigas un uy!"
Nakahawak sa braso, lumapit si Rio samin at kumuha ng yelo. Binilog nya ito at inihagis sa akin. "HAHAHHA"
Nagmuo ang tawanan namin sa paglalaro at paghagis ng mga parang snowballs (pero matigas). Sinali rin ni kuya Rio si At Lyna pati na rin ang ibang matatanda.
We played for a couple of minutes hanggang mapagod kami at nag si pahingahan. I looked at Chad who didn't even played with us. "Bat di ka sumali?" Tanong ko habang inayos ang upo ko katabi nya.
He didn't answer.
"Alam mo, may kakilala rin akong Chad sa rp world. Kaugali mo." I pause as I look at him. "Ewan ko ba di ko naman tinanong yung pangalan pero biglang sinabi na 'my real name is Chad Kendrix Santos' weird ano?"
He looked at me with his baby blue eyes. Hindi rin nag tagal ang titigan namin.
"Why are you telling me this?" Sabi ni Chad pero sa iba nakatingin. Tiningnan ko ang tinititigan nya. It's a snowman este yeloman—hindi hindi iceman pala. Mukang ginawa nya iyon habang kami'y naglalaro.
"Wala lang naman parehas kasing Chad tapos parehas din personality. Weird diba? The difference lang he's alive. Nakain pa siguro yun ng hotdog."
"Pfft" bahagyang tawa ni Chad. I love seeing him smile. Para kasing ang mahal ng ngiti nya. Feel ko tuloy ang yaman ko na.
Aaminin ko. Ang rupok ko. Pati sa isang hotdog nahulog ako.
Crush lang naman pero nahulog parin.
Tumayo na si Chad at sumunod ako. Kita koy tulugan na sila at nagkanya kanya ng higa. I positioned myself at the corner of the container. Hindi kona namalayan na nakaidlip na ako.
Kinabukasan ay inilabas na uli kami ng mayari. Hinayaan uli kaming mababad sa tubig para mamaya. I looked at Rio playing with the faucet. Nginangab ngab nya ito. Pfft.
I see Chad on the other side secretly laughing habang inaayos ang damit.
"Antaresz!!!"
"Ay ipis!"
Tawanan ang sunod kong narinig. Bat kasi naman nang gugulat tong hotdog na toh. Pinagtitingnan ako ng iba naming hotdog na kasama ngayon. I quickly ran down the container dahil sa hiya na nabalot sakin.
"Bakit Kuya?" Nahihiya kong tanong kay Rio na nakababa na ng faucet na nginab-ngab nya. "Wala lang baby" sagot nya sak- wait what? B-b-baby?
"Pfft HHAHA tingnan mo muka mo ang pula mo HAHHAHA" I quickly looked at my reflection and just saw me being red, as a hotdog. Tsk. Naluko ako dun ahh.
"HAHHA sorry sorry kuya ka kasi ng kuya. Feel ko ang tanda ko na tuloy. Don't worry di naman ako seryoso dun sa sinabi ko. I called you kasi sabi ni Lyna may mga tanong ka daw?" Natatwang sambit ni Rio. I don't know if it's really ok to call him as Rio only. Buti pa sya ang kampanteng tawagin si Ate Lyna as Lyna.
Sabi ni Kuya Rio its better kung pati sina nina Ate Lyna at Chad ang sumama. Medyo naguluhan lang ako dahil ang tawag nya kay Chad ay Jacob. Siguro second name nya.
Kaming apat ngayon ay lumipat sa kabilang lababo for no reason. I thought its for privacy pero ang sabi lang sakin ni Rio ay dahil may crush daw sya sa isang hotdog kaya dapat mag spy sya. I didn't bother to ask kasi halata naman na si Ate Diane yun, a 31 year old.
***
"Sa totoo lang hindi talaga namin alam kung bakit nga ganto tayo, mumang tao. Pero mukang sa mga itsura natin ay ayos lang. Our faces doesn't matter as we remain as hotdogs to humans." Tinanong ko kung bakit hindi tayo mukang hotdog and Rio gave me the answer.
"Ano wala ka na bang tanong?" Tanong sakin ni Ate Lyna. Umiling na lang ako dahil wala na akong maisip.
"Then, Sasabihin ko na lahat ng alam ko. Wag ka sanang magulat. This is also a secret. Napagusapan na namin na hindi namin sasabihin sa iba dahil mas dadami ang makakasama."
I could feel the tension. Seryoso sila sa magiging sasabin nya. I wish to listen. Still, Im afraid of this for it's unknown to me.
Tiningnan ko si ate Lyna. Her eyes are determined. Ibinaling ko naman kay Chad na parang handa na sa mangyayari.
I took a deep breath.
"Im rea-BOOGSHH" then I see black