Chapter 4

GENTLEMAN

I woke up groggily when my alarm rang. Uminat ako at dahan dahang naupo. Sobrang sakit nang ulo ko at para pa akong nahihilo sa kakulangan ng tulog.

Ang dahilan? Ang first kiss ko na nakuha ng isang con artist! Walang hiyang lalaki yon. The kiss kept playing inside my head that I couldn't relax and it wouldn't let me sleep.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga labi niya sa akin. Napahawak ako sa mga labi ko at napapikit. Damn..

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Kagabi, paglabas ko ng bar ay saktong nakita ko si Ate Rose sa labasan na sumusuka, lasing na lasing, mag isa at umiiyak. Wala ang pinagmamalaki niyang mga kaibigan. Siguro kung ako ang nasa katayuan ni Ate ay hinding hindi ako papabayaan nina Megan at Arana.

"Sampaguita, may nakita kabang kasama ko kagabi?" Bungad ni Ate Rose sa akin paglabas ko nang kwarto.

Napatingin ako sa mga mata nya, para siyang problemado na nangangalumata na. Bigla kong napansin na namayat siya. Napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Wala po Ate.Bakit po?" Tanong ko pabalik. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Nakaligo na siya at nakabihis ng school uniform na pang nurse. Ang ganda talaga ni Ate ko. Mala model pa ang dating.

"Sinabi ko bang magtanong ka rin sa akin?"she said with hostility. She stood up and put her plate on the sink.

I just followed her with my curious eyes. Then she disappeared in the bathroom.

Kumuha ako ng plato, kutsara at tasa.

Makapagkape na nga lang. Nagprito ako ng egg and hotdog. Nagdagdag na para sa baon ko dahil walang tirang ulam kagabi. Nang matapos kumain ay nagsimulan na akong maglinis sa kusina at kumuha nang tuwalya at uniform sa kwarto ko.

Nagtataka ako kung saan napunta si Ate. Hindi ko siya napansin na umalis. Napailing na lumakad ako sa banyo at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si ate na nakahandusay sa sahig at walang malay.

Napatakbo ako agad papunta sa kanya at inangat ang ulo niya. Tumutulo ang mga luha ko na nagsisigaw para humingi ng tulong.

Sa kabutihang palad ay tumatakbong pumasok sa bahay si Tran at Jose. Tinatawag ako at nagtatanong kung anong nangyayari at kung nasaan ako.

"Sa banyo Tran! Si Ate nawalan nang malay."umiiyak na nakatingin ako sa ate kong mataray na ngayon ay mukhang mahina na. May napansin akong ilang tabletas na nakakalat sa sahig. Kinuha ko ang isa at ibinulsa.

Dali daling humangos ang dalawang lalaki at binuhat ni Tran si Ate. Napatakbo ako sa kwarto ni ate, kinuha ang bag niya at ilang damit, kasama ang wallet. Nakita ko nalang sila sa labas ng bahay at pasakay sa tricycle. Kinandado ko ang bahay at sumakay na rin.

My heart was in my throat while waiting for the doctor and my mother outside the emergency room.

My mother came running to where I was and then the attending doctor of my sister came out of the room. He was a handsome young doctor. Tall and he looked good on his white coat.

"Who is the family of the patient on bed 2?" The doctor called and we cleared out throats to get his attention.

"Yung walang malay po ba na babae? Kami po ang pamilya." Pakilala ko sa doctor.

"I am Kyle Mariano. One of the resident doctors in charge today here and you are?" he introduced himself and gave his hand for a handshake. We quietly answered him and took his hand. He firmly shook my hand and squeezed it. My attention went to his handsome face.

Bakit lahat nang nakikita ko sobrang gwapo na? Naputol ang tinginan namin nang magsalita si Ina at sinagot ito,

"I suggest that you should admit the patient here. Dehydration and over fatigue were my diagnosis. But we have to run some test to make sure we are doing the right thing. Nothing to worry about. The test result might take one to two days to be ready so it's best to have her here." The doctor said in a calm voice then looked at me again.

Tumingin ako kay Ina nang umiyak siya. Naluluhang ipinasok ko na lang ang mga kamay sa bulsa ko. Dahil ayaw naman ni Ina na hinahawakan ko siya.. at may nakapa.

"Doc, nakita ko po ito na nakakalat sa sahig nang banyo namin nung nawalan nang malay si Ate." He took the tablet and gave it to the nurse beside him.

"Thank you for your quick thinking Gia. That pill will be send to the lab to be checked." the doctor smiled at me. Siguro kung wala kami sa sitwasyon ngayon ay baka nakipagkwentuhan na ako sa gwapong doktor na to.

My attention went back to my mother when she held the doctor's hands and squeezed it tight.

"Gawin nyo po ang nararapat para sa anak ko. Hindi ko po siya kayang mawala."she said while crying.

That snapped me out of my trance and looked outside where Tran and Jose was watching us.

"Of course Mrs Ranoco." he politely said and turned to the nurse who called him for another patient who was being rushed towards the entrance.

He said his goodbye and smiled to me again before attending the new patient. The nurse pulled the curtain to give the patient and Dr Mariano some privacy.

I looked around and saw how busy it was. I really wanted to be a doctor. Like him. To cure and help patients with my knowledge.

Nang balingan ko ulit si Ina ay lumuluha pa rin siya. Halata ang matinding pag aalala niya kay Ate. Nahiling ko na sana ay ako na lang ang nasa pwesto ni Ate at baka sakaling makitaan ko rin siya ganitong pag aalala.. lumapit ako sa kanya para sana damayan siya. Pero humarap siya sa akin at pinanlisikan ako ng mga mata.

"Ano ba naman yan Gia. Hindi mo man lang ba napansin ang ate mo na naghihirap na pala, fatigue? Pagod yon ah. Ang tamad tamad mo kasi! Lahat inaasa mo sa amin. Wala ka talagang kwenta! Buti sana kung ikaw ang nasa lagay nya. Wala sanang problema. Kung sino pa nakakatulong sakin sya pa ang nagkakasakit!"galit na sikmat ni Ina.

Mali pala ako. Mas gugustuhin niyang ako ang naospital kaysa na paborito niyang anak..

Sumasakit ang puso ko na mas lumapit pa sa kanya para alalayan siyang makaupo pero tinulak lang niya ako ng malakas. Napaatras ako at napayuko. Lumuluha na.

I tasted something bitter in my mouth.

"Sorry po. Pero lahat naman po ng mga sinasabi nyo sinusunod ko. Hindi ko lang po talaga inaasahan na bigla siyang mawawalan ng malay." Garagal na sagot ko at tumingin sa mukha niya.

Napapikit ako ng dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Tuloy tuloy na bumagsak ang mga luha ko.

"Wala kang kwenta. Palamunin at pabigat ka lang sa akin pati sa ate mo! Kung sana hindi ako natakot na ipalaglag ka eh di sana maayos ang buhay ko ngayon! Ni hindi nga kita maasahan sa bahay. Sana namatay ka nalang." Paimpit akong umiyak at yumuko nang paghahampasin niya ako ng dala niyang shoulder bag.

Ang sakit na isiping kahit anong gawin ko ay hindi siya masaya. Sana nga namatay na lang ako..

Naramdaman kong may humila sa akin palayo kay Ina at yumakap para protektahan ako. Naamoy ako agad ang pabango ni Tran. Mas napaiyak pa ako at tumingin sa galit na mukha ni Ina.

Bakit ang ibang tao kayang kaya akong protektahan?

"Tama na po yan." Pagpipigil ni Tran at tumingin kay Jose na pigil pigil din si Ina sa mga braso.

"Mabuti po ay puntahan na natin si Rose sa kwarto nya. Nailipat na siya doon." Narinig kong sambit ni Jose.

Tumingin muna si Ina sa akin ng masama bago sumunod kay Jose papunta sa nurse station.

Nang balak kong sumunod ay mas hinigpitan lang ni Tran ang yakap sa akin. Napatingala ako sa kanya. Finally.. naramdaman ko na rin ang init ng mga yakap nya.. ang matagal ko ng pangarap. Pero bakit kailangang sa hindi kanais nais pang sitwasyon ito mangyari?

Nahihirapan din ba siya sa nangyari kay Ate?

"Everything will be okay. Hush..stop crying." he said huskily while caressing my hair slowly. His eyes showed concern.

Napalunok ako. "Kailangan ako nina Ina at Ate. Dapat nasa tabi nila ako." Paos kong sabi.

He tightened his arms around me and placed my cheek on his warm hard chest.. His heart was beating so fast.. I smiled bitterly. Of course.. he was concerned about my sister..

"It's better for you to let it rest. Jose will help them. Tita Guia has to calm down first Gia."he adviced.

Gusto kong maawa sa sarili ko at mahiya. Dahil alam ng mga kapit bahay namin kung paano ako itrato ng sarili kong ina mula sa pagkabata. Ang pambubogbog niya sa akin at pagpapahirap. Para kaming bukas na libro sa kanila..

"Let's go. You need to attend your class. Gusto mo bang ihatid kita?" Anyaya ni Tran sakin, kumalas siya nang yakap na nagpalungkot sa akin. Alam kong panandalian lang ito dahil si Ate pa rin ang gusto niya..

Inakay niya ako papunta sa labasan.

"Pwede bang pakibigay muna ito kay Ina?"paos kong tanong at ibinigay ang bag ni Ate.

"Of course. Just sit down here and wait for me." He said and quickly ran inside the hospital. I took a seat and waited for him patiently.

"Let's go." Inalok niya ang kamay niya sa akin pagkabalik niya.

I looked at his warm eyes and I noticed something has changed in him. Something beyond my understanding.

"Thank you Tran." I said and took his hand. I breathed a sigh and looked at the tricycles in line.

Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak niya at hindi na ito binitawan hanggang sa makarating kami sa bahay. He was even playing with our fingers na nagpangiti sa akin. Para kaming magboyfriend..

Nang makarating kami sa bahay ay mabilis niya akong inalalayan para makalabas at nagbayad. He then settled his eyes on me. His eyes that were showing something I couldn't comprehend.. then he flashed his gentle smile.

"Get ready and I'll just go get my car." Tran said almost in a whisper. I nodded and he turned his back.

Napayuko ako at tinignan ang kamay kong hinawakan niya kanina lang.. Siguro ito ang paraan niya para gumaan ang pakiramdam ko.. ang damayan ako. Dahil isa lang naman ako sa kapatid ng gusto niya.

I weakly smiled and held my chest when I felt the pain.

When I turned to his direction I found him looking at me with his hands inside his pockets. Napakagwapo..

I nodded at him and went inside our house.

Mabilisan akong naligo at nagbihis. I took my phone and my lunchbox on the table.

It was already late..

I locked our door and found Tran looking like a model leaning on his car with his hands inside his pockets, showered and fresh..

He opened the shotgun seat then helped me get in and put my seatbelt on before walking to the driver's seat.

Gentleman.

Sobrang swerte talaga ni Ate kay Tran.. lahat nasa kanya na. Stable job. Gwapo. Matalino. At may kaya sa buhay..

Sana maging sila ni Ate.. sana magustuhan na siya ni Ate..dahil alam kong magiging maayos ang buhay niya sa piling ni Tran..

At kailangan ko lang patuloy na itago ang nararamdaman ko.. dahil wala naman itong kwenta.

Silence stretched between us on our way to my school. Napabaling ako sa kanya nang huminto siya sa tapat ng gate ng school ko na sarado na.

Mabilis siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan. At inalalayan

"Thank you so much Tran." I smiled at him gratefully. He returned my smile.

I looked at his soulful eyes.. may pinapakita siya na kung hindi ko lang alam na gusto niya si Ate ay baka mapagkamalan kong ako talaga ang gusto niya.

Lumapit ako sa kanya sabay tingkayad at humalik sa pisngi niya. Nabigla siya sa ginawa ko pero hindi siya umiwas. At hindi nagkomento na laking pasasalamat ko.

Mas tumindi ang emosyon sa mga mata niya. Na hindi ko nakayanan kaya napaatras na ako at ngumiti ulit ng maliit.

"Thanks ulit.."pabulong kong sagot bago kumaway at nagpaalam na.

"Take care and call me anytime Gia." He said sincerely. He had a warm smile on his lips.

I nodded.

He was too good to be true.

I waved him goodbye before I went inside.

I sighed with heavy heart.