CINQ

KREIYA

"MAHAL pwede bang manligaw?" he repeated.

Dahil na rin sa gulat ko hindi agad ako nakasagot sa kanya, natulala lang akong nakatitig sa napakaamo niyang mukha.

Makikita kong kinakabahan at naghihintay siya ng sagot ko.

"Liligawan kita, mahal. Bukas na bukas din, kahit hindi mo ko payagan, uumpisahan ko pa rin ang panliligaw ko sa iyo."

"Hala siya! Totoo nga? May mali ka bang nakain Syd? Baka epekto lang yan at nawala na sa huwisiyo yong utak mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, napakahirap kasing paniwalaan.

Kasi namen heler, Sydtron po ang kaharap ko, popular to sa school, isa lang akong hamak na estudyante sa unibersidad nato.

It earned a hearty laugh from him, mas ikinabilis ng tibok ng puso ko, para akong kinukuryente sa kilig. Iba ang shine na ibinibinigay sayo ng taong naging inspirasyon mo ng matagal ng panahon.

"100% sure ako, mahal. Gusto ko lang na pormal na ipaalam sayo ang saloobin ko. Matagal ko na tong gustong gawin kaya please? Hayaan mo akong ligawan kita. Promise, hindi ko aaksayahin yong oras mo." Puno ng pangako niyang binitiwan ang mga salitang ito.

Parang sasabog na ako sa sobrang kilig at pagkamangha, totoo ba talaga to? Parang kanila lang tinatamad na akong tapusin ang event nato tas ngayon may ligawan ng mangyayari?

Lord anong kabutihan ang ginawa ko ngayong araw at biniyayaan mo ako ng isang Sydtron? Tell me? Magpapakabait na po ako, araw-araw.

Mygosh! Nagkakatotoo na ang panalangin ko.

"Hindi kaya pagsisisihan mo to Syd? Baka paglaruan mo lang ako. Ayoko ko pang masaktan dahil lang sa isang lalaki." Mahinang pag amin ko sa bumabagabag sa isip ko.

He will be my first boyfriend if ever, ay matinde.

Na predict ko na agad na marupok ako. Ligaw pa lang Krei ang pinaalam, hindi pa kayo magiging magkasintahan agad-agad.

Ang landi na agad kasi self, isa kang dalagang pilipina. Dapat umayos ka ng naaayon sa isang binibini, wag masyadong obvious.

Umiling siya bilang tugon. "Then I will prove to you my sincerity, Krei. Seryoso ako sa iyo, mahal. Ikaw pa lang ang babaeng nakahooked sa puso ko, ang handa kong ligawan at mapasagot ng matamis mong OO. I will be the man who's worth your time and loving." Hinawakan niya ang kamay ko pinaparating na hindi siya nagbibiro.

Kamag-anak ba siya ni Rizal? Nakakalaglag damdamin kasi ang mga katagang binibigkas niya. Para siyang isang maginoong binatang lalaki sa paningin ko. Matikas at magalang.

"Shige." Tumikhim agad ako para maiayos ko ang tono ng pananalita ko. Ang arte kasi pakinggan. I nodded my head, smiling sweetly at him. "Sige Syd, I'll let you court me. I hope you really meant what you said."

His face shined in glee, para siyang nag glow bigla. "Really? Hoooo! Yes! Promise mahal, hinding hindi kita sasaktan. I will do all the things that will make you happy."

I nodded my head in agreement unable to hide my wide smile as I stare at his happy face.

Bakit? Aarte pa ba ako? Hello, siya ang lalaking matagal ko ng pinapantasya, lalo na ngayong nalaman kong siya pala ang misteryosong lalaking nagpapadala ng mga sulat sa akin. Ang asukal niya grabe, lalanggamin na yata kami dito ngayon.

AT HINDI nga ako binigo ni Syd, araw-araw niya akong nililigawan, hatid-sundo sa bahay o di naman kaya isasabay niya ako sa kanila ng barkada niya, sa gimik o sa galaan. He's also supportive and attentive, lahat ng kailangan ko, kung kaya niya siya ang magpro-provide. At ganoon din naman ako sa kanya, give and take kumbaga.

Patuloy parin siyang nagpapadala ng sulat sa akin, kung gaano siya ka thankful makasama ako araw-araw or kung ano lang basta trip niyang magsulat. Minsan may pabulaklak or chocolate pa si mayor. Mas lubusan ko siyang nakikilala pagkalipas ng ilang buwan.

Magaan din siyang kasama pag may date kami, halos buong linggo na yata kaming magkasama, palagi kaming foodtrip saka gala pag may time. Alam ko na din ang mga bagay na asar siya, unang-una doon ang topic sa Daddy niya.

Wala pa siyang ikinukwento pero ramdam kong hindi sila okay. Maghihintay naman akong si Syd na mismo ang kusang magsabi sa akin no. Siguro hindi pa siya handa ngayon.

"Okay class, dismissed!"

Mabilis akong tumakbo palabas nong room ko nong dineclare na ng prof namin na tapos na ang class. May date kasi kami ngayon, kanina pa yong naghihintay sa akin eh.

Narinig ko pa ang sigaw ng mga kaklase ko. "Hoy, Krieya madapa ka na niyan. Hindi tatakbo si Syd palayo sayo no, dahan-dahan lang. Sayong-sayo lang si Papi Syd walang aagaw."

Napangisi nalang ako at kumaway sa kanila, ayaw ko lang namang maghintay siya ng matagal sa akin. Saka maiinis yon, si prof kasi na enjoy masyadong maglecture, napasobra na tuloy siya sa oras.

Hinihingal akong nakarating sa tagpuan namin, nandoon na siya nakaupo. Inip na inip na ang mukha, dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Gugulatin ko sana siya noong lumingon siya sa gawi ko.

Agad akong napangiti at binati siya. "Hi pogi. Sorry kung natagalan. Peace!" I sat beside him kinikiliti ang tagiliran niya para naman mawala ang buryong niya sa akin.

Napatawa ko naman siya, infairness. "Hahaha, oo na. Tagal tagal kasi eh. Akala ko lulumutin na ako dito eh."

I bite my lower lip, guilty naman kasi talaga ako, isang oras akong atrasado sa call time namin. Nagsusumamo akong tumingin sa kanya.

"Sorry na nga kasi, ano sisisihin ko na ba si Sir Rolter? Ayaw niya kasi kaming bitawan eh, sana all hindi bumubitaw noh?." Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.

Tapos bumalik ulit ang poker face niya, ano ba yan ang serious, joke lang kasi.

"Halika na, kain na tayo gutom na ako. Saka bati na tayo, Syd. Huwag ng busangot diyan." I added as I held his hand, entertwined it with mine.

"Ang supladito naman. Tara na kasi, naghihintay na sa atin ang lafang."

I cutely give him a smile, pabebe lang baka maawa siya at kausapin niya na ako. Napabuntong-hininga naman siya ng malalim. Tila sumuko na sa kakulitan ko. Massaging the bridge of his nose.

"Phew. Fine, hindi ko naman kayang magalit sa iyo. As if naman, mahal. Mabuti nalang mahina ako sa kacuetan mo." Kinurot niya pa ang pisngi ko.

"Aray naman, may galit kapa yata eh!"

He just smirked. "Dali na mahal, alis na tayo. Kung hindi lang terror yang si Rolter, tinakas na kita eh." He said completely annoyed.

Giniya niya na ako palabas ng school habang hawak hawak ang kamay ko ng mahigpit. Tahimik lang akong nakasunod sa tabi niya. Maraming napapatingin saming estudyante habang naglalakad kami, sa ilang buwan naming landian ni Syd. Sila lang yata ang di parin makamove on sa balitang iyan.

Pero wala akong care sa pangba-bash nila, masaya na akong nasa tabi ko si Syd no? Maalaga at mapagmahal. Wala na akong mahihiling pa sa kanya, he's my dream guy.

May kunting attitude lang pero keribels lang, maldita rin naman kasi ako tas topakin pa. May pagkamaingay ako tapos medyo seryoso siya. Masyado akong hyper tas siya ang taga saway ko. O diba? Bagay talaga kami.

Hinatak ko ang executive uniform niya. "Syd, bili muna tayong kwek-kwek." Ungot ko sa kanya noong makita ko si Kuya Master, ang vendor ng street food sa harap ng School.

Tumawid kami at lumapit kay Kuya. Gutom na kasi talaga ako. "Gusto mong soimai?" He asked umiling naman ako, siya ang may favorite ng somai.

He asked again. "Eh kikiam? Fishball?"

"Cheesestick lang tas kwek-kwek akin."

"Gusto mo softdrink hija?" Alok ni kuya sa akin.

"Bawal siya, master." Pigil agad ni Syd sabay abot na ng pagkain ko. Masaya ko yong tinanggap, naglakad kami habang kumakain, nagaabang ng masasakyan. "Thank you, master! Alis na kami." Kumaway din sa amin si kuya.

"Sarap, gusto mo?" Alok ko sa kanya ng pagkain ko. Sinubuan ko siya ng cheesestick. Kinain niya naman.

"Huh! Iba talaga ang may jowa, may taga subo! Syd punyeta pre, sana all. Diba repang Creo, sana all may jowa, sana all maaaahaaal." Adik na sigaw samin ni Rageon, barkada niya.

I chuckled hard, gagong Rage yon. "Saan tayo Syd?"

"Mall tayo, gala lang, mahal." He suggested.

"Okay, gusto ko arcade tayo. Gusto kong magvideo-oke." Naeexcite na agad ako sa lakad naming dalawa.

Hanggang mapadaan sa harap namin ang barkada ni Syd, sa pangunguna ng nakangising si Rage, may masamang binabalak na naman to panigurado.

"Hi Krei, masaya akong makita ka muli, diba nagkita tayo ngayon-ngayon lang? Kita ko nga ring sinubo ka ni Syd este sinubuan mo si Syd." Pangasar nitang bungad nong malapit na sila sa amin.

Pinektusan agad siya ni Gykre. "Kaabnormalan na naman yang pinapaiiral mo."

Tumawa lang si Rage pabalik sabay ngisi sa akin. Punyeta talaga mangasar tong bwesit nato, mabuti nalang nandito sila Gykre, kundi putok labi nito sa akin.

"Hahaha. Joke lang Krei, to naman parang others. San tayo, bae?" Tanong niya sa akin.

"At bakit?" Napataas naman agad yong kilay ko na ikinatawa nila Yvanne. Pati si Syd nagaabang din sa mangyayaring bangayan samin ni Rage.

"To naman, nagtatanong lang. Sungit mo!"

"Pangit mo!" Ganting asar ko din sa kanya, hindi makapaniwalang tinuro ako ni Rage.

"Grabee Krei ha! Ang sakit mong mambintang, hindi yan totoo! Wala kang feelings." Inarte niya pa.

"Heh! Magsumbong ka sa barangay!" Inis kong sagot sa kanya.

"Ay ang harsh niya oh! Nagtatanong lang eh." Si Syd naman ang binalingan niya ng pansin, wala pa ngang sinasabi sa kanya si Rage nabusangot na agad yung mukha.

Sinadya niyang paangasin bigla yung boses niya. "San kayo pre?"

Parang tanga talaga tong si Rage. Lakas ng saltik sa buhay. Napailing nalang ako sa kanya, mas malala siya sa akin. Ako maluwang palang ang turnilyo, siya kasi wala na talaga, isang certified na malaking siraulo lang.

"Mall, magda-date kami ni Krei, mahal." Si Syd na ang sumagot. I smugly smirked at Rage idiotic long face, tigil na kasi. "Uwi na kasi, Rage wag na ipilit."

Nginisihan lang ako ng pangasar. "Whaaaa. Sama!" Sigaw pa ni Rage. " Arcade tayo mga par. Sama kami Syd." Wala talaga hiya ang punyetang to. Kaasar lang!

"HINDIII! Magdidate kami!" Angal ko sabay ninoohan siya.

Nginisihan niya ulit ako, tinasaan pa ng kilay. "Wala akong paki. Saka hindi ikaw ang mayari ng mall. Makabawal ka, may karapatan ka ghorl?"

Tinaasan ko din siya ng kilay. "Istorbo ka lang sa amin."

"Hala siya, hoy, iyo yang si Syd, buong buo. Hindi ako mikikiamot sa kanya no. Wala akong pagnanasa sa kapwa ko no. Magvivideo-oke lang ako, huwag kang kontrabida diyan." Sagot niya pa.

Pwede ko na ba siyang suntukin? Si Rage lang talaga ang nakakawala ng pasensiya sa barkada ni Syd eh. Pangasar to, kahit sila Gykre walang pinapatawad basta trip ka niyang bwisetin, igo-goal niya talaga yon.

Tawa-tawa akong hinila ni Syd paalis sa tabi ni Rage, at sumakay na kami sa naparang tricyle niya. Inikutan ko pa ng mata si Rage na nang belat sa akin.

"Hoy, kumalma ka na. Magdidinate pa tayo." He kissed my temple gently. Hinaplos niya din ang balikat ko para kalmahin.

"Kasi eh kaasar iyang Rage na yan. Punyeta, panggulo na naman yan mamaya."

He chuckles and pinched my nose. "Normal na siyang ganon. Mapipikon kalang kay Rage pero wala siyang paki, aasarin at aasarin ka lang niya."

Napairap lang ako sa kanya.

"MANONG SA MALL PO TAYO! SUNDAN NIYO PO YUNG TRICYCLE NA YON. INIGAW PO NG BABAENG YAN ANG MAHAL KO!"

Gulat akong napatingin sa likuran ko. Pambihira! Rinig na rinig ko ang boses ni Rage habang papapasakay siya sa loob ng sasakyan. Nagtatawanan lang sila Theo at sumunod na kay Rage

"BILISAN MO KUYA! MANGAAGAW TALAGA SIYA NG MAHAL KO! HOY! WALANG SAYO NICOLE!"

"PUNYETA KA TALAGA RAGEON! HUWAG SABING SASAMA! IPAPA BAN KITA DOON! PUTANG INA MO NG TIMES TWO!" I shouted angrily at him and show him my middle finger.

Syd's laughter radiated in the air, tuwang tuwa talaga silang magbarkada sa bangayan namin ni Rage, parehas kasi kami ng kagaguhan sa buhay kaya ilag kami sa isa't isa, benta naman kami sa kanilang magbabarkada. Nakikitawa nadin yong ibang studyante na nakasabay namin ngayon.

Inis akong bumaba sa tricycle na sinakyan namin ni Syd, si Rage agad ang bumungad sa paningin ko, ngisi-ngisi niya akong kinawayan. Hinawakan naman ni Syd ang kamay ko at naglakad na kami palapit kila Gykre.

"Hi Kreiya. Pano ba yan nauna pa ako sa iyo dito." Si Rage agad ang nangasar sa akin.

"Heh! Tigilan mo ako." Nilampasan ko siya ng tingin at hinarap ko si Syd. "Pwede bang paki layo sakin yang kurimaw na yan? Asar na talaga ako."

"Wala! Walang hanapan ng kakampi." Angal agad ni Rage. "Fight me bae, payt mi!"

"Tahimik, hindi kita kausap. Walang may gusto sa iyo dito." Asar ko ring banat sa kanya.

Naramdaman ko nalang na pilit akong nilalayo ni Syd kay Rage. "Hayaan mo na si Rage, mahal."

"Kulang or nasobrahan lang talaga sa aruga yang kaibigan mo Syd, masyadong papansin. May ADHD ba yan?" Inis kong tanong kay Syd at pilit kong kinakalma ang self ko.

Natawa pa siya sa sinabi ko. "Di ko rin sure eh. Pero parang." Pagsang ayon naman ni Syd at sabay pa kaming tumawa ulit.

Maingat niya akong inakbayan at inalalayang humakbang sa hagdan, nakaheels kasi ako. Kaya medyo, madulas. Inabot ko naman ang kamay niya para support. Hay, ang gentleman talaga.

"Bili tayong slippers, mahal. Baka magkapaltos ang paa mo." Bulong na paalala ni Syd sa akin, nginitian ko siya at tumango.

"Sana all, may jowa sana all mahal." Ayan na naman ang pangasar na boses ni Rage. Panira talaga siya ng moment.

Paulit-ulit niya pa talagang kinanta yan sa likuran namin. Naririnig ko naman ang impit na tawanan nila Gykre, Theon, Yvanne, Drave at Creo sa likod ko.

"Ang sarap ng paputukin yang bunganga ni Rage, pigilan mo ko Syd. Makakatikim na talaga sakin yan." Asar kong bulong ko sa kanya na ikinatawa niya ulit.

"Oh, paano? Kami muna gagala ni Krei, mahal. Kita na lang tayo maya, dude." Nagpaalam muna si Syd kila Gykre, bago kami nagiba ng landas sa kanila.

Gusto pa sanang sumunod ni Rage pero nahablot at nahila na siya ni Creo paalis. Binelatan ko pa siya at kinawayan ng pangasar.

"Heh! Maghihiwalay din kayo. Walang Forever Krei." Rage shouted unminding the crowd.

Umusok na yong ilong ko sa kanya kaya I shouted back. "Ikaw ang walang forever, punyeta ka. Kaya hanggang sana all ka lang magaling. Papansin! Wala kasing nagmamahal sayo, kulang ka sa aruga, Pangit!"

Kanya-kanyang halakhak sila sa isinagot ko sa punyetang Rage nato. Nana-speechless yata sa pagkatacless ko.

"Wala pre, sunog ka!". Gykre laugh.

"Bars!" Sabay tampal pa ni Yvanne sa batok.

"Sapol ka Rage."

"Nice Krieya." Nagthumbs up pa sila sa akin.

Syd laugh too, kissing my temple. "That's my girl. Halikana, bili na kitang slipper, mahal."

"Tara, tas bookstore tayo Syd." Naexcite na ulit akong bumili ng book.

"Sure mahal."

Hinawakan niya ulit yong kamay ko, HHWW kami ngayon. Maraming napapatingin at lumilingon samin ni Syd habang naglalakad kami, ang gwapo lang ni Syd at ang ganda ko pa. Huh! Perpek talaga kami sa isat isa. Relationship goal kumbaga.

I stared and lingered my eyes in his face. "Ang pogi mo Syd." Panghaharot ko sa kanya.

Totoo naman kasi, palagi siyang looking fresh at mabango. Ang tangkad niya pa at ang angas lang ng pormahan. With his piercing and mysterious eyes, effortlessly he made everyone turn and drown to his over oozing charisma.

Nakangisi kong inulit sa kanya. "Oo nga, ayaw maniwala. Ang gwapo mo talaga."

He stared at me, chuckling. "Sus basic. Ako lang to." Nagpacute pa siya sa harap ko.

Napangisi naman ako. Ay alam ko yan. Uso to sa meme eh, magaya nga. Tumawa muna ako bago nagsalita. "Sino? Si Natoy? Na mahal na mahal ka?"

But my laughter died down when I heard him speak.

"At mahal din kita. Sobra." He said smoothly, winking his right eye. He pinched my nose, softly and sweetly.

Giving me his lopsided smirk. Na agad na nagpatigil sa tibok ng puso ko at biglang kumabog ng mabilis. Hunyeta, ang harot ni Syd. Ang smooth lang kasi ng pagkapasok niya ng line, kinikilig ako. Hindi ko mapigilan ang kilig ko kaya sinapok ko siya.

He laugh at my flush face. "Oy kinikilig.." kiniliti niya pa ako sa leeg. "Hahaha. Ayiee, namumula ka mahal."

"Heh, tigilan mo ko Syd." Hindi naman kasi ako nainform na may pabanat palang baon si mayor. Nahihiya kong sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Niyakap niya naman ako ng mahigpit. "Hahaha, I love you, mahal. Ang ganda ganda mo din. Ang swerte swerte ko talaga sayo." Hinaplos niya ang buhok ko ng marahan, kissing my temple softly.

Sige pa Syd, pakiligin mo pa ako. Dagdagan mo pa ang kasiyahang nararamdaman ko, hindi pa ako nangingisay dito pero feeling ko malapit na. He's very outspoken sa feelings niya, pag gusto niyang mag I love you sa akin, sasabihin niya. Kahit saan or kahit sino pa ang kaharap namin, wala siyang pinipili.

Nagumpisa siyang maglakad habang yakap-yakap ako sa bisig niya, hindi ko pa kasi naaahon ang sarili ko sa sobrang kalandian. Feel ko parin ang pag-iinit ng pisngi hanggang leeg ko. Ang init grabe! Bukas pa ba ang ventilation ng mall nato?

"Kilig ka pa din?" He teased after we bought a pair of slippers, for him and for me, same kami. "Grabe ang smile kasi, inlove ka na lalo sa akin?"

Ang pang asar lang, natawa nalang din ako. "Heh, ayusin mo buhay mo Syd, kanina mo pa ako pinapakilig, pag ako nangisay at natumba dito, kawawa ka talaga."

He laugh and mess my hair. "Sasaluhin kita, mahal. Huwag kang matakot mahulog, ako ang sasalo sa iyo. Nandito lang ako, na mahal na mahal ka." Sabay lip bite at kindat pa sakin.

Wala na! Hulog na hulog na ako. Wala ba siyang ibang gagawin kundi paserkuhin ang puso ko? Pakabugin ng todo? Gawing makulay ang mundo ko? Lord, deserve ko ba talaga ang isang Sydtron Luces? Sobrang swerteng babae ko naman yata para mahalin niya.

Hinwakan ko yong kamay niya ng mahigpit. "Yes."

"Huh?" Nagtatakang tanong niya.

Sure na ako sa desisyon ko. Todo na to! Wala na akong mahihiling pa sa kanya. Tama na ang ilang buwang panliligaw niya, lumampas pa nga siya sa inaasahan ko. He's funny, caring, thoughtful, gentleman, respectful and totally sweet guy. May pagka maniac din pag may time.

"Sinasagot na kita. Yes, tayo na." Deserve na deserve niya ang OO ko.

I cup his face, staring straightly in his eyes, I can feel our connection. "Mahal din kita Syd. Let's make levelup our label. Magkasintahan na tayo. Mahal na mahal na kita." I whispered softly, nanginginig pa ako habang nangungumpisal sa kanya.

That made him unmoving and breathless, naka-awang pa ang labi niyang nakatulala lang sa akin. Hanggang sa lumapad na ang ngiti niya at niyakap ako ng mahigpit. Swaying me back n' forth in glee. I hugged him back, burying my face on his neck. I feel contentedly complete with him by my side.

I can feel his trembling state. "You don't know how happy I am right now, mahal. I even love you more. You won't regret this day, Krei. I love you, mahal. Sobra-sobra." He was whispering in my ear sweetly, making my heart beats eratically, pounding hard in pure bliss.

Masayang masaya ako ngayong kami na talaga. I will love him forever, I promise. Si Syd lang ang tanging kokompleto sa buhay ko. Matagal ko nang balak na sagutin siya pero ngayon lang ako nagkalakas loob. Yung umaapaw talaga.

Nagaalinlangan kasi ako kung deserve niya rin ba ang isang tulad ko.

He kissed my nose and temple softly, and held my hand, entertwined our fingers perfectly. I close my eyes in contentment. Wala na akong mahihiling pa. Syd is enough for me. Siya at siya lang.

Giving me his wide grinned he spoke. "It's official. You are mine Kreiya Thyrienne Relimbo, finally. I'm all yours, my love. Simula ngayon iyong iyo na ako. Sa bawat araw na nagdaan mas lalo kitang minamahal, Krei. At asahan mong hindi ako magbabago. " He promise sincerely, caressing my cheek gently.

Looking at his eyes that intensely staring back at me. Puno ng pagmamahal habang nakatingin sa akin at mababanaag mo talaga ang saya niya. Same as mine, feeling the explicit happiness in my heart as I stare at him.

I caress his handsome face, wanting to feel his warmth against my palm.

I will confessed all my loving to him right now. Alam kong hindi niya ako iiwan. I deeply breath calming myself as I uttered these special words to him.

I lovingly trace the face of the man who owns my heart, my mind and my soul. He is now my man.

I mumbled honestly. "Mahal na mahal din kita, Syd. Walang araw na nakaramdam ako ng pagsisi simula noong pinayagan kitang manligaw, sobra ka pa sa hiniling ko kay God. You have a beautiful heart that sends pure love, maswerte ako kasi ako ang babaeng minahal mo. Syd for me, you are my everything. Tanging ikaw lang, ikaw lang sapat na sapat na. I love you too, mahal." I give him a peck on his cheek after I bared my true feeling infront of him.

Hinalikan niya ulit ako sa noo ko, at niyakap ng mahigpit na mahigpit. "Same here Kreiya, mahal kita sobra. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito, aalagaan at mas mamahalin pa."

Kilig na kilig ang pakiramdam ko ngayon, parang sobrang ganda ko ngayong araw, para akong dinuduyan sa alapaap sa sarap ng feeling ko, yung parang ang ganda lang ng mundo sa paningin ko. Para akong nakalaklak ng isang bote ng enervon at centrum. Kilig level from A to Z. Parang nagaawitan ang anghel sa amin ngayon ni Syd at pareho kaming kontento sa loob ng bisig ng isa't-isa, feeling our loud heartbeats together

I finally found my man and my home.

"HAY ANO BA YAN! Dito talaga sa harap ko naglalampungan, ang sakit sa mata. Mga bata, usog nga kayong konte. Masakit sa heart makita kayong naghaharutan sa harapan ko. Kakabreak ko lang, kaya maawa kayo sa walang jowa. Ang peste! Nasa stage palang ako ng pagmomove on, kaya huwag kayong hahara-hara diyan sa daananan ko. Ang sasakit niyo sa bangs. Mga walang konsensya sa single! Ang harot!"

Bigla naman kaming napatingin sa babaeng masama na ang titig sa amin ni Syd at galit na naglilintaya sa harap namin ngayon. Nakacross arm pa siya at nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin ni Syd.

Marami na pala kamaing naattract na spectator, nakakahiya. Napayuko, ngumiwi at napahawak sa braso ni Syd ng mahigpit. "Syd, pagbilang ko ng tatlo, sunod ka sa akin ha? Nahihiya na ako." Bulong ko sa may tenga ni Syd.

Hindi niya yata ako magets. "Huh?"

"Tatakas tayo. Ready, One, threeeee. Takbo na Syd, dali." Natarantang sigaw ko sa kanya.

Hinila ko na ang braso niya pasunod sa akin. Tumakbo na ako papalayo sa umpukang kami pala ang centro, nakita ko ngang may nagvi-video at kumukuha pa sa amin ng litrato. Ganoon ba kami kaharot ni Syd kanina? Hindi ko kasi napansin, lulong lang ako sa presensiya niya at hindi ko na napansin ang iba.

Puro pa naman yung taga-Univ namin, marami ding HS student na kilig na kilig sa amin. Hala siya! Baka viral na kami bukas, este maya maya nito.

Pa-fame lang sa feels.

"Syd, siguro EX mo yon no? Grabe ang galit satin eh, sagad hanggang core." Tawang tawa kung puna sa babaeng kaharap namin kanina.

Lalim kasi ng hugot niya sa buhay, nadamay pa tuloy ang moment namin ni Syd.

He laugh. "Hala siya, nambintang oh. Ipaalala ko lang mahal, ikaw lang ang tanging babae sa buhay ko. Alam na alam mo yan. Loyal ako sayo." He said as a matter of factly.

Okay, shut up nalang ako. Nagpeace sign lang ako sa kanya at dineretso na namin ang way papuntang arcade ng mall, nakabili na din naman ako ng books at nakbihis nadin kami ni Syd.

Pwede na kaming maglaro at magpapawis. Nakita naman namin sila Gykre sa may video-oke machine, nandoon talaga sila sa labas habang nagwawala este kumakanta si Rage ng Byaheng impyerno.

Kinalabit ko siya. "Ano ba yan ang pangit lang! Wala bang iba?" I raised my brow.

"Huwag kang pengkom Krei, maganda kaya boses ko. Makinig ka kasi palibhasa ikaw ang sintunado." Pagyabang niya naman.

I rolled my eyes at binalingan na sila Gykre. Kalimutan mo na natin ang kulang sa arugang nilalang nato. I widely smile at them. Nakaakbay sa akin si Syd ngayon, holding my hand tightly.

Wanting to share my happiness to them right now.

"Guys, kami na ni Syd! Official na kami!" I announced in glee.

Nagtakang-taka namang napatingin sakin si Rage. "Oh hindi pa pala kayo mag-on dati?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay? Parang sira din siyang tumawa after.

"Lol! May pa official statement pala muna bago maging kayo? Hahahaha amaziiing earth. Congrats dude. Tatagan mo lang ang sarili mo ha? Wag agad magsawa kay Kreiya, though kapalit palit naman to." Ingos niya pa sa akin.

Asar kong binalingan si Rage at sinabunutan. "Ikaw talaga sapaw ka sa moment ko. Pengkom ka eh. Inggit ka lang walang may paki sayo." Gigil kong sabi sa kanya.

Habang tawang tawa na sila sa aming dalawa, kanya-kanya silang pagbati sa aming dalawa ni Syd, puro batok at hampas ang naabot niya kila Gykre at sa iba, ang kukulit lang.

Sabay kinantahan nila si Syd, sa pamumuno ng promotor na si Rage. "SANA ALL MAY JOWA! SANA ALL MAHAAAAL!"

"HOY! ANG GULO NIYO, MGA GAGO!" Natatawang sigaw namin ni Sydtron sa kanila habang yakap-yakap ako.

*****

______________________________________________________________________

HAPPY READING!

🤙👍✌

#Sana all may jowa, sana all mahal.- Rageon