Chapter 5

Ang balak niyang pagkausap kay Dean ay hindi nangyari. Ilang araw na kasi itong hindi nagpapakita sa kanila ni Aimy. Namimiss na nga niya ito ih. Ilang araw na ring walang naghahatid sa kaniya sa hapon. Ni anino nito, wala. Pag may practice naman ang team nito sa basketball, wala rin ito. Kahit nga sina Mark walang balita sa mokong na iyon. Ganoon ba kalaki ang epekto ng pagkakabanggit ng pangalan ni Zuseth para bigla na lang itong mawalang parang bula? May kumudlit sa dibdib niya sa isiping iyon. Mahal na mahal niya siguro si Zuseth.

"Oh, tahimik ka na naman girl?" si Aimy na bigla na lang sumulpot sa tabi niya.

"Iniisip ko lang si Dean. Ilang araw na kasing missing in action eh." malungkot niyang tugon.

"Si Dean? Nakita ko lang sa canteen kanina ah." sagot ng kaibigan na ikinalingon niya.

"Talaga? Anong oras? Bakit di man lang nagpakita sa akin? Saan daw ba siya galing?" sunod-sunod na tanong niya na ikinatawa ni Aimy.

"Teka, isa-isa lang girl. Ikaw talaga basta pagdating kay Dean."

"Nami-miss ko na eh. 3 araw ba namang hindi magpakita." nakanguso niyang saad.

"Asus... Oh well, kaninang umaga nanlibre  wari sa kaniyang team kasama iyong Livia na nililigawan niya 'ata."

Natahimik siya sa narinig. May nililigawan ito? Akala ba niya... Ah, akala lang niya. Bigla siyang nalungkot sa narinig. Nawalan din siya bigla ng sigla sa nalaman. Kaya pala hindi na nagparamdam, may gf na ata ang lalaking iyon. Tss'.

" Natahimik ka na? Ok ka lang ba?"

Tumango siya. "Dont mind me." mahina niyang tugon. She's hurt.

"Friend, wag mo masyadong i-focus ang attention mo kay Dean. Marami pang boys out there. Baka masaktan ka lang." paalala nito.

"Thanks, Aimy."

And starting that day, hindi na ulit nagpakita sa kanila si Dean. Parang panaginip lang na naging kaibigan nila ito. At sa totoo lang, nasasaktan talaga siya ng sobra. Parang gusto niyang makarinig ng explanations kung bakit? Kung anong nangyari at bigla na lang itong umiwas? Kaso, paano pa. Wala na nga ito.

Tatlong linggo ang mabilis na lumipas at iyon din ang pinakamalungkot na mga araw niya. Sa tuwing nakikita niyang magkasama sina Dean at Livia, tila dinudurog ang puso niya sa selos. Lalo na at parang wala lang siya rito pag nagkakasalubong sila. Akala pa naman niya, may pagtingin din ito sa kaniya. Iyon pala, ginawa lang siyang libangan nito dahil sa break up nito kay Zuseth.

Natigil siya sa pag-iisip ng marinig ang boses ng kaniyang ina. Sabado noon at nakapaglaba na siya. Alas-kuwatro na nga ng hapon at magbabasa sana siya ng pocket book. Kaso, sinakop naman ni Dean ang kokote niya. Hayss...

"Laim, gising ka ba? Buksan mo nga itong pinto."

Dali-dali naman siyang bumangon para pagbuksan ang kaniyang nanay. "Bakit po?"

"May bisita ka sa baba, si Dean. Babain mo muna sa sala at hinihintay ka."

H-ha? Ano raw? Andito si Dean? Anong nakain nito at bigla na naman siyang naalala? Dali-dali niyang tiningnan sa salamin ang itsura at ng makontento naman ay mabilis nga siyang bumaba sa sala. Bumilis ang tibok ng puso niya ng masilayan ang guwapong mukha nito. Gusto niya itong takbuhin at yakapin ng mahigpit pero pinigilan niya ang sarili. May kasalanan pa kaya ito sa kaniya. Siguro break na rin ito at si Livia kaya nagpakita na naman sa kaniya. Balak na sana niya itong awayin dahil sa naisip nang biglang lumbas ang nanay niya mula sa kusina.

"Ano ka ba naman Laim at hindi mo man lang pinaupo ang iyong bisita." sermon nito.

Lumingo muna siya sa ina bago pinaupo si Dean. Inilapag ni Aling Rina ang dalang merienda para rito.

"Oh hijo, magmerienda ka muna."

"Naku, salamat, tita. Nag-abala pa kayo." nakangiting saad nito sa kaniyang nanay.

"Hala, maiwan ko muna kayo. Asikasuhin mo ang bisita mo Laim." bilin nito bago tumalikod.

Tumango na lang siya bago binalingan ang bisitang inuupakan na ang meriendang inihain ng kaniyang ina.

"Hmm.. Masarap pala magluto si Aling Rina ng ginataas." puri nito sa luto ng nanay niya. Sinimangutan niya lang naman ito.

"Anong ginagawa mo rito?" pagsusungit niya kunwari kahit pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa sobrang lapit nito.

Kumamot ito sa ulo bago sumagot. "Nangungumusta lang."

"Bakit, close ba tayo?" tinaasan niya ito ng kilay.

"Galit ka nga. Expected na."

"Sino namang di magagalit. Haler, 3 linggo kang deadma."

"Sorry na. Kaya nga ako nandito kasi gusto kong bumawi."

"Paano?" taas-kilay na tanong niya.

"Basta. So, let's go?"

"Ngayon na talaga? 5pm na, hindi na ako papayan ni nanay."

"Dont worry, naipagpaalam na kita." assurance nito sabay kindat sa kanya. Tila lumukso naman ang puso niya sa ginawa nito. Napangiti na siya. Nagpaalam sila sandali bago tuluyang lumabas ng bahay gang 7pm lang siya. Sa motor ni Dean sila sumakay. Habang nakaangkas dito, hindi niya maipaliwanag ang sayang lumukob sa puso niya.

Ganoon lang kabilis nawala ang lahat ng hinampo niya sa nakalipas na tatlong linggo. Ilang minuto palang ang lumilipas ay naramdaman na niya ang paghinto ng motor nito. Parang gusto pang tumutol ng puso niya. Pero dahil sa malamig na hanging nanggagaling sa dalampasigan, nabura ang agad na pagtutol na 'yon. Oo, dinala siya nito malapit sa tabing-dagat. Marahan siyang hinila nito sa isa  sa mga puno doon kung saan may nakalatag na kumot at may basket na rin ng mga pagkain. Mukhang pinaghandaan nga nito ang pagbawi sa kaniya.

Pinaupo siya nito sa nakalatag na kumot tsaka tumabi sa kaniya. Shocks! Kalma lang heart. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin ang isang pulang rosas na nasa harapan niya at inaabot nito. Tuluyan nang bumilis ang tibok ng puso niya. Ramdam din niya ang biglaang panlalamig ng kaniyang mga palad. At napapitlag siya ng dahan-dahan nitong kunin ang kanang kamay niya. OW-EM-GI! Hindi ako makahinga... Bakit ganito, pakiramdam niya ay may mga anghel na nagsisipag-awitan sa paligid niya. Ito na ba? Bumabawi lang ba talaga siya? Anong ibig sabihin nito Lord? Waaaaahhhh.. Kung panaginip man po ito, wag Nyo na akong gisingin pa😍...