CHAPTER 3

"Lady nandito na po si Lady JL." kumatok muna si Yaya bago papasukin si JL.

"Thank you Yaya." sabi ko ng magiliw dahil nag pi-piano ako nung dumating si JL.

" For Milady, ahm the dinner is ready and Lady JL I'll also cook your favorite adobo and for milady I'll cook buttered vegetable, tempura, and shanghai." umalis na si Yaya pagkasabi nya nya nun she's the best yaya talaga.

And I'll continue playing 'A Thousand Years by Christina Perri' on my piano. Tapos si JL walang anu-ano humilata sa kama ko.

"Arghh ang lambot talaga ng kama mo pang princess!" nagpapagulong-gulong sya na parang bata. Kala mo yung kanya hindi ganon kalambot. Well yung design ng kwarto ay plain pink tapos may baloon letters na 'FHRAIGHN' na naka dikit sa pader sa mataas ng kaunti sa headboard ng queen size bed ko tapos yung piano nasa may malapit sa kama ko tapos may parang upuan sa may bintana yung sa mga princess tapos may sarili walk-in closet.

"JL akala ko ba mag re-review tayo kaya nandito?" tanong ko sa kanya tyaka ko tumabi sa kanya sa kama ko.

" Syempre may sasabihin muna ako di ba kanina sabi ko kung napansin mo na halos ng nasa dream guy list mo na kay JAX? What if-----" pinutol ko na yung sasabihin nya di ko maisip yung sarili ko na kasama ko yung ma attitude na yun and mukha sya malandi kase nung nag introduce sya nakakagigil.

" JL how many times do I have to tell na hinding-hindi ako ma iinlove sa lalaki na napaka pride na matangkad na gwapo na may broad shoulders na yung mga mata nya na nya na hazel brown at yung la--" shet ano yung sabi ko? I describe him already.

"See di ka ma iinlove? Eh kung maka describe ka napaka detalyado mo HAHAHAHAH" nang-aasar na sabi at humagalpak ng tawa sira talaga etong si JL.

"Shh.. mag review na nga tayo napakagulo mo panay kwento." Ayon nag review na nga kami pagkatapos kumain na kaming dalawa tapos dito nadin sya matutulog kase daw mag kwentuhan pa kami about kay Troy and Jax kukulitin ako nyawaaaa. Bukod kila Troy and JL may isa pang akong kaibigan cute sya may brown eyes din sya yung smile nya napaka sweet awwww. His name is JAJA di ko alam real name nya pero sabi nya JAJA nalang itawag ko sa kanya. Pero di ko na sya nakita pa ulit how sad.

FLASHBACK ( 10 years)

Nasa park ako nun kasama sila Yaya and Mang Dan tapos may batang lalaki na lumapit sakin. 8 years old ako tapos siya din I think.

"Hello bata anong name mo?" ang cute nya juskooo yung mga mata nya.

"Hello ako si Angel" tapos nagkipag shake hands ako sa kanya Angel ang tawag nila sakin noon pero nung magdalaga ako mas gusto kong they call me Rai or Raighn.

"I'm Jaja ang cute mo Angel gusto mong ice cream?" tapos nagpasama kami kay Yaya para bumili tapos naglaro kami sa duyan, seesaw, tyaka tagu-taguan.

Pero di na ulit kami nagkita kase pagka-uwe ko inatake ako at di na ulit ako pinayagan mag punta sa park. Dun na nila nalaman na may epilepsy ako pero yung sa heart failure ko since birth na.

END OF FLASHBACK~

Nasan na nga kaya si Jaja? May girlfriend na kaya sya? Kamusta na kaya sya? San sya nag-aaral. Napaisip nalang ako kase na miss ko na sya sayang lang di ko alam real name nya. Haytsss. Si Jaja pa naman ang first crush ko.

KINABUKASAN nagising si Rai na katabi si JL nang mga bandang 4am aga neh? (Excited ka Rai?) author di ako excited I just want to play piano. So ayun nag piano muna ako para namang mantika matulog si JL kaya di yun magigising tinugtog ko ulit favorite kong tugtugin 'A Thousand Years'.

Mga banda 5:00 nagising na si JL tapos.

"Goodmorning Rai" humihikab-hikab pa yan with kusot mata.

"Goodmorning tulog mantika HAHAHHA" alam nyo bakit ako tumatawa kase ni record ko lang naman hilik nya at pictures nya habang tulog. Shh secret lang natin yan bibigay ko kay Troy yun HAHAHHA. "Bilisan mo na maligo kana anong oras na bagal mo pa naman pag nag-aayos." naka ligo nako readers don't worry palabas na ako ng walk-in closet ko ng magising yan mag-aayos nalang ako blower and konting pulbo and tint Tada!.

Nakatapos na maligo si JL after 30mins. Told you guys matagal maligo yan HAHAHA.

"Rai papasok ba si Troy today?" ayan agad tanong nyan saken kaaga-aga pinsan ko hinahanap sakin.

"Hindi siya papasok for a month kaya tumawag si Mom sakin kahapon kailangan talaga nya mag focus sa business kase si Uncle may sakit di kaya ma-managed ni Auntie yung company mag-isa." well ako naman kase di ako pinipilit nila Mom and Dad na mag-focus sa business namin mas gusto nila sa studies ko kase daw para iwas stress. Totoo naman kase iba ang stress sa school sa business kaya ako chill lang pero syempre kailangan ko talaga aral ng ayos.

"Oh I see magiging busy ang Baby ko so tayo lang magkasama for a month. It means makakapag shopping tayooooo!"

"JL tara na nag aantay na sila Yaya sa baba ready na yung breakfast."

So ayon nasa byahe na kami papasok ng school. Buti nalang at hindi traffic kaya di kami na late. And as usual pag dating namin sa school deretso agad kami sa room para maka pag review din pero pag dating namin sa room nag kakagulo sila kanya-kanyang hawak ng reviewer at nag rereklamo----

"Hala paano yun?" tanong nung isa kong kaklase

"Patingin ng iyo paano mo na balance!?" isa na namang kaklase ko nag tatanong.

Ganyan kagulo sa room namin pag may quiz akala mo entrance exam na HAHAHA.

"Goodmorning class" dumating adviser ibig lang non mag ready kana sa quiz.

"Goodmorning Ma'am" matamlay na sabi ng mga kaklase ko at kami chill lang. Well HAHA.

"Ok let's start get your 12 columnar ready for the quiz." at yan na ang kinakatakutan ng mga kaklase ko HAHAAHAH.