Series #2:Chapter 6

Zora's POV

Its been a week,Simula ng maikasal sila Papa at Tita Trinity...

The six of us: Moon,Cloud ,Sky ,Sunny ,Rain and Me.

Are now living together. Iniwan nila kami for their Work.

Nag handa na ako sa pag pasok,at bumaba na para mag almusal.

Pag baba ko,Si Cloud lang ang tanging wala.

"Good morning Guys" Bati ko sa kanila,They are busy doing staffs

Rain and Moon are Reading news papers.

While The Twins are cooking breakfast.

"Good morning" They said in Chorus saka Bumalik sa ginagawa nila.

"Na saan si Cloud?" Tanong ko sa kanila.

"Maaga syang umalis, may meeting sya para sa bagong Album nya" Rain said while still reading the news paper,medyo nasasanay na ako sa presence ni Rain .

"Kain na tayo" Sabi ni Sky,saka nila nilapag ang mga pag kain,

"Bacon and Egg? Nag hihirap na ba talaga tayo?" Bulalas ni Rain.

"Ang Arte mo,kumain ka na lang dyan,Kung ayaw mo akin na lang yung sayo" Akmang aagawin na ni Moon ang pag kain ni Rain ngunit nilayo nya ito mula kay Moon.

"Ano ka? Akin 'to no,?" Rain said saka nag simulang kumain.

"Oo nga pala Zora,Pwede bang iabot mo 'to kay Cloud" Sunny Sabay abot ng Bento box sakin.

"Bakit ako?"Tanong ko sa kanya habang ngumunguya ng bacon

" Ikaw na mag abot sa kanya"Kuntra ni Sunny.

Wala na ako nagawa kundi sundin sya.

After mag almusal,hinatid kami ni Rain sa Academy gamit ang kotse nya.

"Susunduin kayo ni Kuya  Moon mamayang uwian ,Hintayin nyo sya" Bilin ni Rain bago umalis.

Nag umpisa na kami mag lakad papasok ng Academy dahil hanggang gate lang pwede ang mga kotse.

"Love na love talaga tayo ng mga kuya natin" Sabi ni Sky sabay yakap sa sarili.

"Yuck nababakla ka na naman " Nag kunwaring nandidiri si Sunny kay Sky,at may pagpag action pa.

"Palibhasa walang nag mamahal sayo" Pananaray ni Sky kay Sunny.

"Bakit hindi mo ba ako Mahal?"Nag puppy eyes naman si Sunny kay Sky.

" Syempre Mahal kita kambal"Pinag dikit nila ang mga ulo nila.

I just laugh awkwardly,Hays masasanay rin ako sa kanila.

Pag pasok ko sa Academy agad na sumalubong sakin si Cailyn.

"Good morning Zora" She Joyfully said.

"Good morning Cailyn" Napatingin sya sa likuran ko kung nasaan sila Sky at Sunny.

"Kilala mo ba sila Zora?" Tanong ni Cailyn na para bang nag huhugis puso ang mga mata nya.

"Cailyn ,meet my Step brothers " Pakilala ko sa kanila

"Hi Im Sunny" nakipag kamay si Sunny kay Cailyn.

"I'm Sky" Ganun din ang ginawa ni Sky.

"Were twins" They said in Chorus.

"I'm Cailyn,Nice to meet you both Hehehe" pag papakilala ni Cailyn.Nag paalam na ang Kambal samin. Dumeretso naman kami ni Cailyn papuntang Center Fountain at saka Umupo sa isa sa mga beaches doon.

"Napanood mo na ba yung bagong MV ni Cloud?" Cailyn said habang kinikilig pa ito.Yup I already watch it a hundred times,pinapaulit -ulit kasi Cloud pinapanood.

"Yup,bakit?" Pinakita nya sakin ang Phone nya na nakaplay ang MV ni Cloud.

"Umabot na ng 10M views ang MV nya within 2 weeks lang,kaya trending sya ngayon" Sobrang sikat talaga si Cloud , ngayon ko lang napansin ang Pogi ni Cloud sa MV nya.Well always naman syang pogi may sira lang sya sa ulo.

"Oo nga" Tugon ko sa kanya na nanatiling nakatingin sa MV ni Cloud

*Bell ring*

"Aww pasukan na agad" Nalungkot ang mukha ni Cailyn ng marinig ang Tunog ng bell.

"Hahaha Sige Cailyn, Kita na lang tayo mamayang Launch time" Nag paalam na ako kay Cailyn.

"Bye bye" Kumaway sya sakin saka patakbong pumunta sa Classroom nila.Cailyn please lang wag kang tumakbo may umaalog eh😅.

Napailing na lang ako saka pumuntanm ng Classroom namin.

Habang nag kaklase napansin kong wala si Cloud,Mamaya pa yata sya papasok.

After ng Klase pinauna ko na si Cailyn sa Rooftop dahil may gagawin lang ako saglit.Hindi ko sinabing pupuntahan ko si Cloud.

Pumunta ako kung saan lagi nakatambay si Cloud ,at di nga ako nag kakamali ,nandun sya at natutulog.

Lumapit ako sa kanya saka sya ginising.

"Cloud..." Kinalabit ko sya  para magising.

"Hmmm..." Nagulat ng bigla nya akong yakapin.

"C-Cloud?" Nanatili syang nakapikit mukhang pagod na pagod sya

"Please dito ka muna" mahinang sabi nya, binaba ko muna ang dala kong bento saka hinawakan at hinimas ang Ulo ni Cloud. Sobrang lambot ng Buhok nya at ang bango.

"Cloud,Pinapabigay pala ni Sky yung bento box mo" Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sakin,naramdaman ko ang init ng katawan nya.Kaya naman agad kong sinapo ang noo nya.

Ang taas ng lagnat nya.Anong gagawin ko?

Kinuha ko ang phone ko para kontakin sila Sunny at Sky.

"Hello Sky,Si Cloud kasii---" Narinig ko ang boses ni Sunny sa background mukhang kumakain sila kasama si Cailyn

"Anong nangyari sa kanya?" May halong pag aalala ang boses ni Sky

"Nandito kami sa storage room sa may second floor,Dito ko nakita si Cloud Na natutulog at mataas ang lagnat" Napatingin ako kay Cloud na Kasalukuyan nakayap sakin.

"Sige sige pupunta na kami dyan" Agad nyang binaba ang tawag.

Niyakap ko pabalik si Cloud saka hinimas ang ulo nya para maging comfortable sya.

Ilang sandali lang ay dumating na ang kambal kasama ni Cailyn,Agad namang inakay ni Sky at Sunny si Cloud.Kinuha ko ang mga bento box saka Sumunod sa kanila Sa Infirmary.

Habang nasa daan kinuwento ko kay Cailyn ang Tungkol sa pamilya namin at kung bakit malapit kami kay Cloud.

"What? Step brother mo din si Cloud?" Bulalas ni Cailyn.

"Hush wag kang maingay" Nag aktong siniper nya ang bibig nya.

Pag kadating namin sa Infirmary pinahiga nila si Cloud sa higaan saka sya kinunan ng Temperature ni Cutie Nurse.

"Napainom ko na sya ng gamot kaya ano mang oras bababa na ang lagnat nya,Kaylangan nya muna manatili dito para makapag pahinga sya" Sabi ng Nurse saka ito umalis at bumalik sa upuan nya.

"Zora pwede ba na ikaw muna mag bantay kay Cloud?" Sky said,while dialing something on his phone

"Sige okay lang sakin"Napatingin ako kay Cloud,mahimbing ang tulog nya.

Nag paalam na sila Cailyn at ang kambal nag papasok na sila. Cailyn told me na mag kwento next time.Tumango lang ako at nag paalam sa kanya.

Kaming dalawa na lang ni Cloud ang nandito. Cloud is sleeping peacefully.

Inayos ko ang uniform nyang na gusot.

Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko ngunit na natiling tulog ito. Hinayaan ko lang sya dahil mukhang nagaganip ito. Hindi ko na namalayang nakatulog na din pala ako...

.

.

.

Cloud's POV

Where Am I?

Pag bangon ko,napansin kong nakahiga pala ako sa higaan ng Infirmary.

Akala ko na nanaginip lang ako,Zora is really with me. And I'm holding her hand.

Napangiti ako,I don't know why but...

*Ring*

I pulled up  my phone, 60 missed calls from my manager? May problema kaya?

" Hello?" Sagot ko sa tawag ng manager ko.

("My God ,Sa wakas sinagot mo din")She sound frustrated.

"Bakit may problema ba?" Hinaplos ko ang kamay ni Zora,pati ang kamay nya malambot rin.

("You still don't know?") Narinig ko ang footstep nya sa background, at bigla na lang naging maingay.

"Ano ba kasi yun?" Umayos ako ng upo.

("Check your social media account ,mahirap I explain,Sige na bye")After she hang up the call ,agad kong Binuksan ang social media account ko at doon tumambad sakin ang ibat-ibang reaksyon Sa mga pictures nakumakalat.

Its me and Zora sa storage room,at magkayap kami,that time sobrang taas ng lagnat ko,the other pictures ay noong nandito na kami sa Infirmary.

I read the reaction of my fans.

'Waaaaa who' is this girl?'

'Girlfriend ba sya ni Cloud?'

'My God may Girlfriend na ang Primo natin T_T'

Karamihan sa mga nag comment sa photo ay nag sasabi na girlfriend ko si Zora.

Agad kong tinext ang Manager ko na mag arrange ng press conference.

I called kuya Moon too para ipag drive kami ni Zora.

"Zora wake up" Gising ko kay Zora agad naman itong bumangon saka kinusot ang mata nya.

"Bakit uwian na ba?"Agad ko syang hinila palabas ng Infirmary,saktong uwian na din kaya makakaalis na kami.

" Aalis tayo" Maraming mga Estudyante ang pinag titinginan kami.maski sila siguro alam na ang Tungkol sa mga litrato.

"Saan tayo pupunta?, Teka na sasaktan ako"Inayos ko ang pag hawak sa kamay nya.

" Sumama ka na lang at Wag kang maingay" Pag dating namin sa gate agad naming nakita si Kuya Moon.

"Let's go kiddos" Kuya Moon said,Binuksan ko ang pinto para makapasok si Zora.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Moon?"Pag mamaktol ni Zora. Tinulak ko sya papasok ng sasaktan sobrang ingay nya.

Buong byahe syang nag tatanong sa pupuntahan namin.Nginitian lang sya ni Moon at sinabing mag hintay na lang. Sa huli tumahimik rin sya.

Pag dating namin sa labas ng Agency namin agad sumalubong ang maraming reporter.

" Te-teka,bakit ang daming reporter ,ano ba kasing meron?"I drag her palabas ng Sasakyan.

"Cloud Primo totoo ba na girlfriend mo ang kasama mo sa Litrato?" Humarap ako sandali sa kanila at Ngumiti.

"Halika kayo sa loob doon tayo mag usap" Agad naman silang nag tanguan.Tsk... They can easily fool...

Nag Simula ang conference ,Zora sit beside me still confused.

"Cloud Primo,Anong masasabi mo sa mga kumakalat ng litrato sa social media? Totoo bang Girlfriend mo ang kasama mo ?" Ngumiti ako bago mag salita.

"Yes she is my girlfriend" Agad naman nag taas ng kamay Ang isang reporter.

"Anong ginagawa nyo sa Storage room?" Madumi talaga mga utak ng mga to

"That storage room is my place,where I can rest peacefully, and my girlfriend find me  their ,na mataas ang lagnat and because of her naagapan agad ang sakit ko" After I answer that question agad naman nag tanong ang iba pang reporter.

"Pwede mo bang sabihin samin kung sino ang babaeng sinasabi mong Girlfriend mo?" Napatingin ako kay Zora na kanina pang gulong-gulo.

Hinila ko sya patayo at hinigit sa bewang.

"Everyone meet my Girlfriend Zora Emarrie Arlond" Bago pa makapag salita ang maingay na babae ,agad ko syang hinalikan sa harap ng maraming reporter.

I heard the camera flashing, Medyo nahihilo na naman ako,hindi pa pala ako kumakain mula kaninang umaga.

Humiwalay ako kay Zora at tiningnan ang Mukha nya.

Unti-unting lumabo ang Patingin ko.

At naramdaman ko na lang ang katawan kong bumabagsak

.

.

.

.

.