Memories

Walter's Pov

"Grabe yung tensyon kanina noh?"tanong ni Josh.

Tahimik lang kami....Akala namin Mon'a talaga ang pakay nila....Mga Prinsesang Borealis pala...

Mukhang may paparating na digmaan....

Joshirield's Pov

Hindi nila sinagot ang tanong ko....Naintindihan ko ito dahil grabe ang nagyare kanina...Mukhang magagalit ng sobra ang hari...May digmaan kayang paparating?

Sa palagay ko kasi ito ang tanong na makakapagyanig sa lahat...first day pa kase ng eskwela at nasa 2nd grade palang kami...kawawa yung mga bata! Huhuhu

Sylviette's Pov

Nagbabanta ba ang prinsipe? O ano? Ano ang pakay niya saamin?

Nakapagbagabag...nandito sila Mom at dad..Ang hari at reyna, galit na galit si Dad...si Mom , kalamado...kay mama siguro nagmana si ate Thy ano?

Sana maayos nato...

Huanneyye's Pov

Tahimik ang clinic kung saan namin dinala si Thyriel...

Lokong Khaloiel! Ayan! Napahamak si Thy! Kainis...Kailangan kong matikom ang bibig ko para hindi mapahamak ang kapatid ko...

Naalala ko noon, bata pa si Khaloiel at Thyriel ay magkaibigan na sila...nang panahong iyon, pinagbubuntis ni Mama si Syl..nangako si Khaloiel kay Thyriel, hindi lang kay Thy kundi sa buong pamilya namin..Tuwang-tuwa si mama noon dahil

Prinsipe ang mapapangasawa ng ikalawang prinsesa..Nagkaroon na rin ng kasunduan...pero nagbago ang lahat noong nagalit saamin ang Reyna at Hari ng Lant, ang mga magulang ni Khaloiel...Nalamangan ng aming bayan ang kanilang bayan sa mga yaman...Sa inggit siguro? Kaya, naging kaaway namin ang Lant...Nawala ang memory ni Thyriel noon dahil babalik na nun si Khaloiel at nasa pier si Thy noon, nadapa siya at tumama sa bato....ang ulo ang natamaan, at dumating na si Syl at hindi pa siya nagising...pag nag two na si Syl ay nagising na siya at nakalimutan si Khaloiel at noong panahon na yun ay pinagbubuntis na ni mama si Thalia.....Simula noon ay umiwas kami sa Lant pero bantay pa rin ng mga mandirigma ang mga daanan na pwedeng mapasukan ng mga taga-Lant...

Alam ko ang gagawin nila ni dad, magkakaroon ng pagalingan at pag nanalo sila ay magkaroon ng digmaan, pag nanalo kami, hindi ko alam ang magyayare sunod.....

Haysss....

Thyriel's POV

"Hoyyy!!! Habulin mo ako, kung kaya mo" sigaw ko sa lalaking nasa likuran ko.

"Hintay ka lang diyan Thy, mahahabol rin kita" sabi naman ng boy

"Hahahahaha" tawa ko....

"Thy, paglaki natin, nangangako ako, papakasalan kita!" sabi naman ng boy

"Talaga?? Pangako??" tanong ko

"Oo, PANGAKO!!" sigaw niya.

Then we hug tightly....

"Ahhhhh!!" sigaw ko at nagmamadaling bumangon...

"THY!! OK KA LANG??!!" sabi ng unknown voice.

Paglingon ko ay si.....

"Ate?" sabi ko ng mahina

"Mabuti naman at gising ka na" sabi ni Ate at umupo...

"Ate?? Anong nangyari?" sabi ko, hindi ko kasi maalala ang nangyari.

"SI SYL, SI SYL ATE OK LANG BA SYA?" sigaw ko at na bigla si ate.

"Oiii,,,chill ka muna, OK lang si Syl, ang lakas kaya nun, tsaka, nahimatay ka kanina" explain niya.

Natahimik kaming dalawa....

"Ate? Pwede ba akong magtanong?"

"Ano yun?" sabi naman niya ng naka isa ang isang kilay

"May kilala ka bang lalaki nung bata palang ako, na nakalaro ko?" sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya natahimik kami....

"Hindi... Wala akong kilala" sabi niya ng napaka serious na tone.

Nag sisinungaling si Ate pero hindi ako sgurado dun, hindi kasi kami palaging nagsasama at mahirap basahin si ate.

"Tatawagin ko muna ang dalawa, mag pahinga ka muna" sabi niya at lumabas na sa kwarto.

Thalia's POV

OK lang ba si Ate Thy??? Halaaaa...!!!

Knock.... Knock..... Knock...

"Ummm... Who's that?" tanong ko

"Buksan mo nalang ang pinto Lia"

Huh???!!! Si Ate Waney yun ahh!!

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Ate Waney with her arms crossing to each other.

"Gising na si Thy, bantayan mo siya, may gagawin pa ako" sabi niya at umalis na

Gising na si Ate Thy??!! Salamat naman.

Tumakbo ako papunta kay ate Thy at kumatok..

Knock... Knock... Knock..

"Pasok" sagot niya.

"Ummm... It's good to see you ate" sabi ko, lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng hug.

"Nasan ang ate Syl mo?" tanong niya.

Sa sagot na sana ako na hindi ko alam ng biglang bumukas ang pinto.

"Thy, hindi maka punta si Syl, nag Tra-training siya, and I must say.... she's not in the mood... Its like she a whole different person now"sabi ni Ate Waney at umalis na.

Nakita ko ang face ni Ate Thy, it's my first time seeing that kind of face.

Hindi kasi ganyan ang nakikita ko kay ate, palagi siyang serious at naka ngiti.

"Lia, pwede ba akong mag pahinga, kahit sandali lang?" tanong niya sa akin ng naka ngiti.

"Ummm.. Oo naman ate, mag pahinga ka muna" sabi ko at ningitian siya.

Natulog na si Ate at nagbasa lang ako ng libro, para pampalipas oras.

....... *Any Minutes Later*.....

Hala umulan.....

I stand up from my seat to the window....

Nakita ko si Ate Syl na hawak ang sword niya at nag tra-training...

Kahit umulan na patuloy parin si Ate Syl, gaano ba kalaki ang galit niya sa lalaking yun..... At tama nga si Ate, she's like a whole different person, her eyes, ang mata na gustong-gustong pumatay.

Sa nalalaman ko ang mukha na pinapakita ni ate Syl.. Yan ang mukha niya pag galit na galit siya...

Ate Syl, magkakasakit ka niyan...

Thaddeus POV

"BRO, nabalitaan ko na nahimatay daw ang 2nd princess" sabi ni Josh sa amin

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya pero deep inside,nag-aalala na ako....

"Talaga?! Anong nangyari?" tanong ni Walter kay Josh

"Ewan" yan lang ang sagot ni Josh.

Natatakot na ako sa tanong ni Walter... NAG-AALALA SIYA??? Possible kaya na may gusto rin siya sa kanya??? Pero paano naman ako???

Zurich POV

Nakita ko ang 4th princess na pumasok sa clinic, gusto ko siyang makita kaya pumunta ako sa rooftop at nagmamasid sa kanya, gamit ang telescope ko... Oo alam Kong stalker ako pero... Who cares...

Nakita ko ang 2nd and 4th princess na nag-uusap, parang nasugatan ang 2nd princess... Ano kaya ang nangyari??

Sa pagmamasid ko nakita ko na natulog na pala ang 2nd princess at nagbabasa lang siya ng libro... Ang cute niyaaa!!!.

Sa kaka-stalk ko hindi ko namalayan na umuulan na pala, kaya nag-decide akong bumalik na sa loob ng dorm, gutom na rin ako eh.

Sylviette's Pov

Umuulan na, ng malakas.Pero hindi ako titigil sa pagpapractice! Bahala na!

Nilakasan ko pa ang hampas habang palakas ng palakas ang ulan, wala na rin akong halos makita dahil fog.Naramdaman kong nahihilo na ako pero nakatayo pa rin ako at may naaninag akong lalaki, mukhang galing sa class namin...si Walter ba ito?

Walter's Pov

Nandito sa room namin, kung saan tanaw ang fencing field..Nakita ko ang third princess, si Princess Syl..at may papalapit na lalaki sa kanya!

"Ayos ka lang ba, Walter?"tanong ni Thaddeus sa'kin.

Hindi na ako sumagot pa at lumabas sa room na kinaroroonan naming lima at pumunta kung saan naroon si Princess Syl..Mukhang nasa panganib sya!

Huanneyye's Pov

Nandito lang kami nila mom and dad sa office, office ni Lolo Rushienne, ang emperor kasama si Lola Siannette, ang empress na magulang ni papa...Sina Grand Duke, Lolo Donnette at si Lola Masiyielle, ang Grand Duchess na magulang ni mama,ay nasa labas, sila na mismo ang nakipag usap sa mga saksi....

Kinakabahan na ako kung anong susunod na magyayari, mukhang may digmaan nanaman....

Thyriel's POV

Bumabalik na ako sa normal self ko, I looked everywhere pero Syl is cannot be seen, nasan na naman yang batang yun??. Wait.... Don't tell me she.....!!!

Tumakbo ako papunta sa office ni lolo dahil baka alam niya kung nasaan si Syl.. Dahil sa kanya naman nag mana si Syl.

Kumatok ako at pumasok na. I can't believe what I saw... Nandoon si Ate Waney Si dad at si mom sa room kasama si lolo at Lola. Anong nangyayari??.

"Umm...??" tanong ko lang

"We are going to war" sabi no lolo with a serious face and so as everyone else....

"So you really know where Syl is?" I asked them but no response

"Yes... We know the attitude of Syl.." sabi ni Ate Waney.

"Where is she?" tanong ko with my tone.

I care for my sisters especially kay Syl. Hindi niya itong pinag-isipan ng mabuti sa lahat ng desisyon niya. That's why I have to be there for her...

"You can't, Thy" sabi ni Dad.

"Why? Hindi niyo ililigtas ang anak niyo?" tanong sa kanila na may galit pero hindi ko ipinakita

"Kaya to ni Syl apo, alam Kong kaya niya to, tiwala lang." sabi ni Lola with a soft voice.

"Look... Bata pa ang isip ni Syl, alam nating lahat yun" I tried to complain pero wala pa rin akong nagawa kaya pinuntahan ko na lang si Lia

Thalia's  POV

Hindi ko na nakita si Ate Syl ha... Nasan na ba si ate???

"Lia??"

"Ate?? KAMUSTA ka na??" tanong ko sa kanya sa ay hug.

"Ayos naman, pero ang ate Syl mo hindi" sabi niya.

Hindi ko na tinatong kung bakit dahil nakita ko naman siya sa ulan kanina.

Ano ang nangyayari??? Tinatanong ko lang sa isip ko..

Thyriel 's POV

'hindi ko pwedeng sabihin kay Lia na we' re at war' sabi ni Thyriel sa isip niya.

Sylviette's POV

Argghhh! Sakit ng ulo ko! Teka asan nga ba ako?!?! Nagising ako sa kwartong.....wait, this is a royal room! Pero di saamin to!

Lumingon ako at nakita sa di kalayuan ang isang lalaki, infairness, ma itsura..

"Siguradong mag-de-declare na ng digmaan ang Lolo mo,"paninimula niya..

"Sino ka ba!?!Anong kailangan mo sa'ken?!?! Sa'min?!?"galit na asik niya

"Sobrang mahalaga kayo sa kanya, kaya paniguradong mas lalo syang magagalit pag ginalaw namin kayo!"Masayang sambit niya at inirapan ko lang..

"Well, my princess, my name is Jhaydounne Bryne, kung makikilala mo ko, well ako ang pinsan ni Khaloiel Bryne,"dagdag pa niya habang papalapit sa'kin...

Malapit na ang aming mga mukha at tinulak ko siya, ng malakas na nagpapatawa lang sa kanya...May gana pa talaga syang tumawa! Pasalamat sya at hindi ko kabisado ang lugar na to, kailangan ko pa sya para makalabas sa kahariang Lant...

Huanneyye's Pov

Nandito lang ako sa sala, sila lolo at lola at sila mom and dad, nandun sa office, may pinag-uusapan ata....Nang biglang malakas na bumukas ang pintuan...

"Nasaan si Syl?!?!?"tanong niya na nagpagulat sa'kin, hindi ko pa sya nakitang galit na nagtanong....

Hindi na niya akong hinintay pang sumagot at pumasok sya sa office, sinundan ko na lamang sya...

"Nasaan si Syl!?!"tanong niyang muli at nagpatuloy sa pagsasalita...

"I have to find her, nawawala siya at kung hindi kayo tutulong, wag nyo na akong pigilan."dagdag niya at umalis na...

"Tell the guards to find the third princess, Now!"utos ng lolo kong emperor, at may dumating na sulat...

GALING SA KAHARIANG LANT!

To the official of Sceo Kingdom,

Alam nyo na siguro, nawawala ang third princess? Hmm..she is safe under our hands, pero natatanong ba ninyo sa inyong sarili kung hanggang kailan?

From the officials of Lant Kingdom

Patay!

Walter's Pov

Nandito ako sa labas, matayog ang mga gusali ng kahariang Lant, ilang ikot ko na lang at makakabisado ko na ang simpleng daan palabas, pero kailangan kong hanapin si Princess Syl.....

"Handa ka na ba sa digmaan part?"

"Oo, handang-handa na, ilang taon din tayo nagsanay para gapiin ang Sceo"

Rinig kong pag-uusap ng mga mandirigmang Lant kaya nagtago ako, mahirap na at mahuli, hindi ko na maililigtas ang prinsesa....