ISANG LALAKING naka-bonet at nakasuot ng purong itim ang agad na lumusong sa tubig at siya'y iniahon, naka dilat lang ang kaniyang mata at nananatili itong nag oobserba ngunit kahit ano man ang pumasok sa isip niya'y wala siyang maintindihan at mas nahihilo lamang siya.
May dumating pang isang lalaking nakabonet upang tulungan ang naunang lalaki na maialis sila sa lugar na iyon at agarang umalis sakay ng abong van.
SA KABILANG BANDA nagkakagulo na ang pamilya nila Ishie dahil sa nangyare, kung sino ang taong dumukot kay Clowie ay hindi nila alam, ang mga kapatid ni Ishie nang oras na iyon, maging ang mga katulong at guwardiya ay walang nagawa matapos palibutan ng mga armadong nakaitim na lalaki.
Samantala dinala naman si Clowie sa isang maliit at lumang apartment na ang layo sa kaniyang kaibigan at bahay ay tatlong bayan. Itinapon siya nito sa malambot na kama at saka pinatungan, hinalik-halikan ang bawat parte ng katawan niyang nadaraanan ng labi nito, hinawakan, hinimas ang kung anong magustuhan. Nananatili siyang dilat sa lahat nang pangyayare pero ni isa sa mga nagaganap ay hindi niya mabigyang pangalan, dahil pinainom siya ng isang uri ng droga na makakapagpawala ng katinuan ng sinumang uminom nito ay tila nagiging paralisado.
NAGAWA NANG LALAKI ang lahat ng masamang plano sa kaniya, nagising nalamang siya dalawang araw matapos ang pangyayare sa isang hospital at doo'y nalaman na natagpuan siya sa isang damuhan matapos magkaroon ng panloloob sa bahay ng kaniyang kaibigan at dinukot siya. Ngunit wala siyang maalala.
"Doc, bakit po walang maalala ang anak ko?" ang ina ni Clowie na noo'y labis parin ang pag aalala kahit gising na ang anak matapos ang dalawang araw na pagtulog nito dala ng gamot at pagod ng katawan.
"Nagawa po naming i-test ang huling ininom at kinain ng inyong anak, at lumalabas po sa resulta na mayroon pong Rohypnol o Forget-me pill sa inumin na siyang ininom ng anak niyo. Ang Rohypnol po ay isang uri ng droga na makakapag-paralisa ng buong katawan ng tao bente hanggang trenta minuto after ito i-take na tumatagal ang epekto hanggang dose oras o higit pa, isa sa side effects nito ang pagkakaroon ng amnesia o hindi pagka-alala ng mga nangyare sa kaniya at kahit na gising siya sa mga oras na may epekto ang gamot at kaya niyang mag obserba sa mga nangyayare."
"Diyos ko po!" Iyak ng ina ni Clowie na niyakap nalang ang anak na noo'y naguguluhan parin.
Ipinaliwanag din naman ng dalawang pulis na naroroon para interview-in ang biktima sa ama ni Clowie na ang Rohypnol ay kadalasang ginagamit sa date-rape kung saan ang kadate ng biktima ang naglalagay ng gamot na ito sa inumin ng ka-date ng suspek upang maparalisa o makatulog.
MATAPOS MASURI NG doktor si Clowie ay kinausap naman ito ng detective at inspector para sa ilang katanungan ngunit gaya ng kanilang inaasahan wala itong maalala, at kung mayroon man ay hindi masyadong klaro at maaaring maging isa pa itong hallucinations na epekto parin ng gamot.
Matapos niyon ay muling kinausap ng magulang ni Clowie ang mga pulis tungkol sa kaso niya, at sinabi nilang maraming posibleng kuwento sa kaso. Maaaring ang kaibigan nitong si Ishie ang puntirya ngunit siya ang nakita sa bahay ng mga Sandoval at hindi si Ishie. Marami kasing kaaway ang daddy ni Ishie dahil sa pagtakbo nito bilang mayor ng kanilang lugar, kaya't isa iyon sa tinitignang motibo ng mga kriminal. Maaari rin naman na planado ang krimen kung saan hindi nila inaalis ang litrato kung saan maaaring planado ni Ishie ang lahat, mula sa pag aya nitong mag sleepover at biglang pag alis at may binayarang tao para gawin ang krimen at kasabwat nito ang lahat ng tao sa loob ng bahay nila sa mga oras na iyon. At ang main motive para gawin ng kaibigan ay tinitignan pa ng mga pulis.
AYAW MAN maniwala ng magulang ni Clowie at maging ni Clowie na magagawa iyon ng mga Sandoval lalo na ng kaibigang si Ishie ay hindi nila puwedeng balewalain ang konklusyon ng mga pulis dahil ang mga iyon ay propesyonal sa larangan ng krimen. At dahil wala ngang maalala si Clowie, kahit nalaman niya ang nangyare sa kaniya at nakita pa sa katawan ang ilang marka ng paglalapastangan sa kaniya, bagamat nalulungkot sa sinapit halos wala siyang maramdaman dahil wala siyang alam. Magulo parin ang kaniyang isip at patuloy parin ang pagkalito at pagkahilo, kaya naman sinabi ng doktor na manatili pa siya for monitoring incase hindi pa kaya labanan ng kaniyang isip at katawan ang droga.
TO BE CONTINUED.