Kabanata 22

"Kuya, nagkamali ako." I bit my lower lip and looked down. Dinalaw ako ni kuya kinaumagahan so I had the urge to tell him. I told El to keep this as a secret to Sefa. I don't know if Tans already knew about this.

"No, hindi ka nagkamali. That is a blessing, baby." he hugged me and kissed me on my forehead.

"Nagkamali ako, kuya. Mali 'to." Paulit-ulit 'kong sinabi habang umiiyak.

"Kuya's here, baby. I'll be with you. That's a blessing, baby." he caressed my hair and tried to make me calm.

Sinamahan ako ni kuya sa Luke's Medical Hospital. Nagpacheck up ako sa OB Gyne and El is also with me.

"Congratulations, Architect Grospe! You are 7 weeks pregnant!" hindi ko mapigilang mapangiti at mapaluha. Binigyan nila ako ng copy ng ultrasound at inihatid ako ni kuya sa unit.

"Lumipat ka muna sa bahay ko so, I can check you from time to time." Kuya held my hand when we are both sitting in my bed. He's looking at the ultrasound.

I think its better this way. Na wala ako rito. Atleast, I am safe and also the baby when I am with kuya. He'll protect me.

"Kelan kuya?"

"Bukas ng umaga susunduin kita. Magtatawag ako ng mga magiimpake ng mga gamit mo." I nodded and looked at him. He's smiling like an idiot. Napabuntong hininga na lamang ako at lumingon sa iba.

I wonder what will be the reaction of Kyo when... I should stop overthinking.

"My little sister is not a baby anymore," he sighed and hugged me. Sumandal ako sa balikat ni kuya habang hinahaplos nito ang aking buhok.

"I will still be your little sister, kuya. Always and forever."

****

Kinaumagahan, maaga akong naligo at nagsipilyo. I wanted to eat pizza and burger but I don't want the cheese and besides, it is not healthy for the baby.

So, I ate vegetable salad and fresh fruit shake. I do water therapy also. Sefa called me kagabi and she cried. I asked her a favor to keep this as a secret. Inamin niyang may gusto di Trix kay Kyo but it doesn't matter anymore since I have to focus on my baby.

"Girl!" As I opened the door, Tans hugged me so tight. But she loosen it when she realized that I am pregnant.

"I love you," she whispered. Napagtanto 'kong nandito rin sina Jerv and Andre, El and her boyfriend, Sefa and Kuya. They are all holding a lot of boxes.

I was kinda shy because it is my first time to wear dress in the house. I used to wear shorts or pajamas. But now, eveything changed. I am wearing a gray loose dress with thin straps. Pinatungan ko na lamang white denim jacket and wear my slippers.

Hindi ko nagawang tumulong sa kanila kase ayaw nila akong patulungin. I was about to get my skincare products when I heard Jerv and Andre arguing inside the bathroom.

"Ako na 'nga kasi!" Andre shouted.

"Oh, ayan! Ikaw na lang palagi ang nagdedesisyon!" Jerv said in a low voice.

"Whatever! Bahala ka na 'nga d'yan!" That was the last I heard from them. It was Andre's voice.

Marami na rin ang tinawag ni Kuya para tumulong sa pag-iimpake. It took 10 large boxes, at wala pa duon ang sofa's and such. Apat na pick up ang nagamit. Before leaving my unit, I did a check first.

Napakaraming memories namin dito. Ang hirap pakawalan. Ang hirap kalimutan.

"Girl," someone hugged me from the back. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko.

"Everything's gonna be okay," I nodded and smiled at El. She's been there for me since then.

Nagulat na lamang ako ng may bahay na pala si kuya dito sa QC. Dito sa isang subdivision. Malaki at kasiya hanggang sampo pataas na tao rito. Sila rin ang nag-ayos ng magiging kwarto ko sa ikalawang palapag.

"Baby, sa New York ka manganganak. Duon, masisigurado natin ang kaligtasan ng bata at maging ikaw mismo." Kuya said habang inaayos ang kama ko.

"Kuya, pwede naman ako dito na lang sa Pinas manganak. Ayokong mawalay sa inyo," saad ko habang nakahawak sa aking t'yan.

"Okay. Ikaw ang magdesisyon, pero promise me not to work."

"Promise, kuya!"

****

5 months later, malaki na ang umbok ng t'yan ko. Nagpagupit ako ng buhok hanggang leeg dahil nakakasama ito sa bata kapag mahaba. Nasayangan 'nga kami dahil mahaba at bagsak ang buhok ko ngunit kailangan ko itong gawin para sa bata. Si Kuya, El, Tans, Sefa at Jerv ang nagsasalit-salit sa pagbantay sa akin.

Grumaduate na sina El. Hindi ako nakasama sa party niya dahil ayokong malaman ng iba na buntis ako. Besides, bawal din sa akin ang magpuyat.

They will judge me. Sasabihin nila na ang aga-aga pa para mabuntis ako. Na wala pa akong bahay at permanenteng trabaho ay buntis na ako. At ang masaklap pa, iniwan ng tatay ng bata.

Alam ni Daddy ang tungkol sa batang nasa sinapupunan ko. He transfered a lot of money from my bank account para sa pangangailangan ko at ng anak ko. Also, mommy and Maple knows this.

Tuwing Sabado ay binibisita nila ako at kinakamusta. Kapag morning weekdays, si Manang Aleth ang nag-aalaga sa akin. Siya ang kinuha ni kuya para may kasama ako rito sa bahay niya. May kinuha rin siyang dalawang maids para maglinis ng bahay at dalawang security guard at isang driver just in case may gusto raw akong puntahan.

During evening weekdays, Salit-salitan ang mga kaibigan ko sa pagaalaga sa akin. Sefa and Kuya can't see me in the evening kase masyadong hectic ang sched at toxic ang trabaho. Sa umaga naman ay sandamakmak na meetings ang meron sila o di kaya hearings. Madalas ay madaling araw lamang nila ako nabibisita. Of course, tulog ako 'nun.

Tuwing Linggo naman ay sinasamahan ako ni El at Tans kasama na rin si Jerv para sa check up ko or therapy for the baby. Kuya is asleep the whole day and also Sefa. Mahirap pala ang buhay abogado. Maging si Tans din ay madalas walang tulog dahil sa pagbabalanse ng debit at credit sa kompanyang pinasukan niya.

Nahihiya na 'nga ako dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit pinipilit pa nilang gumising e, dapat na natutulog na lamang sila. Pakiramdam ko din ay palamunin na lamang ako rito sa bahay ni kuya.

Wala akong trabaho. Wala akong pera.

Pera ng daddy ko ang ginagamit namin para sa check up, mga gamit ng bata, at maging sa pagkain ko. Madalas ay pera ni kuya.

Laking pasasalamat ko dahil may mga kaibigan pa rin akong tumutulong sa akin at gayundin sa pamilya ko.

Kung nandito kaya si mommy, ano ang masasabi niya?

I deactivated all my social accounts and changed my sim card. Madalas lamang akong nakahiga at puro kain dito sa bahay ng kuya ko. Ngunit kada umaga ay nagpapaaraw ako and do some exercise for pregnant women.

"Kamusta ang little sister ko?" napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko. Kuya's holding two large paper bags and a maid also went in to place the tray in my table. It's 8 in the evening.

"I'm fine, kuya. Take some rest. You look ugly na," we both chuckled. Gulo-gulo kasi ang buhok niya. Wala na rin ang kaniyang coat. Ang pinakataas na butones ng kaniyang puting polo ay nakabukas at masyadong loose ang kaniyang necktie.

"For my little sister," he handed me the paper bags.

"Kuya, you don't have to. Hiyang-hiya na ako sayo. Andami dami mo ng ginagastos samantalang ako, wala akong pera." I started crying. Nataranta si kuya kaya agad niya akong niyakap.

"Baby, please don't say that. It's not all about the money. Money isn't the issue here. Wala akong pake kahit maubos ang pera ko basta ligtas at nakakakain kayo ng pamangkin ko. I'm sorry if you felt that way. I am just trying to help." he said.

"Alam ko kuya. At sobra-sobra akong nagpapasalamat sa inyo, lalo na sa iyo. Pero hindi ko kase mapigilang makaramdam ng hiya lalo na kapag nakikita kitang halos wala ng tulog, wala ng kain at puro pagod." he kissed my forehead which made me calm.

"Kapag nakikita mo akong ganun, please close your eyes. I don't want you to feel that way, again. I am helping you because I want to. Kain ka muna and then sleep. I have readings, lil sis. I-checheck kita maya-maya." I know he is just making an excuse so I just nodded and kissed him on the cheeks.

Halos palagi kaming ganito ni kuya. Nagsasabi ako tungkol sa nararamdaman ko pero he always choose to do play safe. I mean, ayaw niyang iniisip ko na wala akong pera, palamunin ako, kaawa-awa ako, and such.

I ate my dinner and drink a lot of water. Nagsipilyo muna ako at nagpalit ng kasuotan. I chose the black sweatshirt pullover and partnered it with a white pajama. Nagsuot ako ng itim na medyas at itim na beanie.

Nang buksan ko ang dalawang paper bags, puro mga dresses at mga pajama and pullovers ang nanduon. Meron din mga medyas at beanie. Kuya really knows what I love.

He is the best kuya in the world. I mean it.

Binalot ko ang sarili ko ng comforter at tumingin sa ceiling. Naroon nakadikit ang mga glow in the dark at ang ibang paintings ko sa walls. Napahaplos ako sa umbok ng t'yan ko.

Baby, pasensya na kung wala ang daddy mo. Palalakihin kita kahit magisa lamang ako. I will do everything just to give you what you deserves.

Napabuntong hininga ako at natulog na lamang.

Matatanggap mo kaya ito, Kyo? To my kuya, babawi ako. Pangako 'yan.

****

Maaga akong nagising dahil nakaramdam ako ng uhaw. Dahan-dahan akong bumaba at nagtungo sa kusina. Nagsalin na lamang ako ng gatas sa isang baso at nagpunta sa hardin ng bahay ng kuya ko.

Mabuti na lamang at may suot-suot akong itim na pullover at nakapajama pa para hindi malamigan. Lalo na dahil sa beanie at ang medyas. Malamig ang simoy ng hangin ngayon at napakatahimik.

Hindi ko magawang umupo sa damuhan kaya't nakatayo na lamang ako.

Kamusta ka na, Kyo?

Halos mapatalon ako ng may nagsuot ng comforter sa likuran ko. Nang makita ko, si Jervous pala. Siya ang nagbabantay sa akin ngayong gabi.

"Tinignan kita sa kwarto mo pero wala ka dun. Andito ka lang pala." inayos niya ang comforter at ang beanie ko.

"Nagising kase ako dahil nauuhaw. Pasensya na dahil lumabas ako. Gusto ko lang magpahangin." saad ko at muling tumingin sa kalawakan.

"Anong nangyari sa inyo ni Kyo?" napatingin ako sa kaniya. Si Sefa, El at Kuya lamang ang may alam ng buong istorya. I sighed heavily at ikwinento sa kaniya ang buong nangyari.

"Bakit hinahayaan 'mong saktan ka ng ganyan?" tanong niya. Uminom ako ng gatas bago sumagot.

"Tangina Jerv, mahal ko 'yung tao, e." pinigilan 'kong wag umiyak dahil makakasama ito sa bata.

"H'wag 'kang umiyak, lalo 'kang pumapangit Settang." itinulak ko siya ng malakas.

"Gago ka, nagiinarte ako dito, e! Kuhanan mo 'nga ako ng gatas!" utos ko.

"Bakit ako?"

"Para may kwenta ka naman!" I joked.

"May kwenta 'nga, pinagpalit naman." I heard him whispered.

"E, ikaw? Iniwan?"

"Oo, malas 'nga, e"

"Bakit naman?"

"Ayaw sa 10 years," he joked. I can see pain in his eyes and he only tried to cover it by laughing. I hugged him and leaned my head on his chest.

"Ang malas natin sa pag-ibig, Settang." I heard him said.

"Sila ang malas, 'pre. Sinayang nila ang isang maganda't gwapo. Pinagpalit sa isang palaka," we both laughed.

"E, ikaw din naman. Iniwan ako, e. Ayaw din sa 10 years?" that made me stop. He keep on laughing kaya kumalas ako sa yakap.

Bakit 'nga ba hindi ikaw na lang ang pinili ko? Bakit hindi kita minahal tulad ng pagmamahal mo sa akin?

"Kase alam 'kong masisira ang pagkakaibigan natin kapag minahal kita ng higit pa duon," I went in the kitchen to leave the glass on the counter and went back in my room. I left him there.

Sumandal ako sa headboard at inayos ang comforter. I was about to sleep again when I saw Jerv coming inside my room. May dala-dala siyang sandwhich at gatas.

"Uy, Settang, galit ka ba?" inilapag ni Jerv ang mga pagkain sa tabi ko.

I laughed, "Baliw! Kelan ako nagalit sayo?" sumimangot naman siya at umupo sa harap ko.

"Nagalit ka kaya sakin nuong may crush akong iba," halos matawa ako sa sinabi niya. He can't even look at me! Nakatingin lamang siya sa baba.

"Pinagsasabi mo?" I joked.

"Kase, di na kita crush." mahina ko siyang sinuntok sa braso at kumain ng sandwhich.

"Woi, hindi ako nagagalit sayo."

"Nuong nagkahiwalay kayo ni Phil, nakipaghiwalay ka na rin sakin. Iniwasan mo kaya ako 'nun kaya pakiramdam ko wala na akong kaibigan." Itinigil ko ang pagnguya at uminom ng gatas.

"Umiwas lang ako pero hindi ako nagalit!"

He pouted, "Basta wag na wag 'kang magagalit sakin, ah? Ayokong mawala ka sa buhay ko."

"Drama mo, 'pre." Inirapan ko siya at muling kumain.

"Nagmomoment ako, girl. Wag 'kang panira," he sounded like a girl so I laughed. Napahawak naman ako sa tyan ko ng makaramdam ako ng sakit kakatawa.

Kumain kami pareho ng sandwhich at kinuhanan pa uli niya ako ng gatas.

"Ninong ako n'yan ha" saad niya at iniabot sa akin ang gatas. I rolled my eyes.

"Basta ba hindi ka magtatago, ha!" We both laughed.

"Magbibigay ako isang milyon!" I punched him in his chest.

Kalokohan.

Hindi ako nagkakamaling kaibigan kita, Jerv.

Ang swerte ng babaeng mahal mo. I wish you all the best, my dearest best friend.