CHAPTER 65:SECRET MISSION

DRAVEN's POV:

Amanda:kuya ,hoy !! gumising ka na diyan ..(sigaw niyang sabi sa akin)

Na alimpungatan ako sa aking mahimbing na pagtulog ng marinig ko yung boses ng babaeng to ,wala talaga tong respeto ,kunti na lang masasapak ko na to ,pasalamat siya kapatid siya ni keith ,kaagad kung minulat yung mata ko nakita ko tong amanda na to na naka uniform na at galit na galit sa akin .

Ako:ano ba !! Kita mong natutulog yung tao ,ano ba kailangan mo ha !!(galit kung sabi sa kanya)

Amanda:grabe ,lumalabas na yang ugali mo,sige matulog ka lang diyan,tingnan natin kung ano na naman ang gagawin ni mama sayo,matapang ka na ngayon ha ! bahala ka ,ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong galit ,bahala ka sa buhay mo ..

Ng biglang nag ring yung cellphone ni keith na nasa akin na ngayon ,kaagad na kinuha ito ni amanda nasa lamesa kasi .

Amanda:kailan pa kayo naging close ni samantha yung famous sa school natin kuya ?(pagtataka niyang sabi sa akin)

Ako:akin na yan ,bakit ba nakikialam ka !

Sinagot ito ni amanda at pina loud speak niya ito ..

Amanda:hello !

Samantha:hello ? keith

nasaan ka na ?

Amanda:hindi ito si keith ,kapatid niya to ,kailan pa kayo naging close ni kuya ?

Samantha:ohh ! amanda ,

nasaan kuya mo ,sabihin mo na nandito na ako sa labas ng bahay niyo.

Pagkasabi nun ni samantha ay kaagad na tumingin na masama sa akin si amanda ,

Amanda:okey ,sige bye !

Kaagad niyang pinatay yung tawag at inihagis ni amanda yung phone sa akin.

Amanda:nagbago ka na talaga kuya,mabuti yan ,keep it up !! Sana maging kayo ni samantha ,sige na maligo ka na ,wag mong paghintayin yung babae ,papapasukin ko muna siya sa loob ,pasalamat ka wala na dito si mama umalis na .

Ako:may bahid ka naman pala ng bait ,akala ko .

Amanda:sige na bumangon ka na diyan,natutuwa ako kasi nagbabago ka na ,akala ko ibang tao ka na eh ! sige na kuya mag chichika muna kami ni sam ,tiyak maiinggit yung mga classmate ko na close ko na si sam,hehehe ! sige kuya .

Ayun umalis na si amanda ,hayssst ! teka bakit nandito si sam ,oo nga pala may pasok nga pala ngayon si keith ,bwesit !! muntik ko ng makalimutan ,bumangon na ako at kaagad na pumunta sa cr para maligo ,tang ina !! anong oras na kaya .

After ilang minuto ay natapos na akong maligo at kaagad kung kinuha ang uniform ni kieth ,grabe ang jologs naman ng uniform nila ,pero wala akong magagawa kasi ginusto ko to ,heto sinuot ko na ,kaagad akong humarap sa salamin para tingnan kung bagay ba ang suot ko ,medyo okey naman ,mukhang tao naman ako dito sa suot na to ,hehehe ..walangya !! ,

Good boy na good boy ang datingan ko ngayon ha , naka neck tie pa ,bwesit !! ..

Bumaba na ako at nakita ko si sam at amanda na nag seselfie ,kaagad na napatingin sa akin si sam at biglang napatawa ..

Samantha:hahaha ! grabe drav..i mean keith. Hahaha ! para kang si mr.bean ..

Walangya muntik pang sabihin ang pangalan ko .

Amanda:bakit sam ? Ngayon mo lang ba nakitang nag uniform si kuya diba schoolmate kayo ?

Samantha:hehehe ,ngayon ko lang kasi siya napansin ,hehehe

Kaagad akong lumapit kay sam at hinawakan ko ang kamay niya.

Ako:tara na ,pumasok na tayo baka kung ano pa ang gawin ko sayo,pinagtatawanan mo pa talaga ako ..(inis kung sabi sa kanya)

Nakita ko si amanda na gulat na gulat ,yung reaction niya parang di siya makapaniwala

Amanda:teka nga (lumapit sa akin at hinawakan ang noo ko)ikaw ba talaga ang kuya ko para kasing ibang tao ka na ?

Biglang umubo si sam at lumapit siya kay amanda .

Samantha:alam mo bebe girl ,lahat ng tao ay nagbabago ,isa na dun yung kuya kieth,ayaw mo ba na nagbago na siya,kung dati ay isa siyang INTROVERT ngayon isa na siyang EXTROVERT,hehehe

Amanda:okey ,sana kuya tuloy na tuloy na yan ha ! tara na pumasok na tayo ..

Ayun lumabas na si amanda ,buti na lang at naniwala kaagad tong si amanda ,kaagad kung tinulak si sam pero mahina lang

Samantha:aray !!

,mapanakit ka na ngayon keith ha,porket isa na siyang extrovert,hahaha ..

Ako:siraulo ka talaga !! Ang ganda ganda mo tapos ganyan yang utak mo ,hehehe ! tara na nga !

Samantha:ayiehhhh !! Baka mainlove ka sa akin ha !! ,ano pa at naging miss campus ako sa school natin .

Ako:school niyo lang hindi sa akin at oo na ,dami pang sinasabi ..

Ayun umalis na kami sinirado ko na yung pinto .

Amanda:grabe ang saya saya ko ,close na tayo miss samantha ,hehehe(sabay hawak ng braso ni sam)

Samantha:hehehe ,thank you bebe girl .

Amanda:sana magkatuluyan kayo ni kuya keith ,bagay kayong dalawa ,hehehe

Ako:tsk ...

Samantha:choosy kasi yang kuya mo bebe girl ,kaya wala pang naging girlfriend yan kahit isa,hehehe ! tara na sumakay na kayo sa kotse ko ..

Sumakay na kami sa kotse ni sam ,si sam na ang nag drive magkatabi kami ngayon nasa backseat si amanda .

Amanda:kuya ,kailan pa kayo naging close ni miss samantha ..

Ako:kahapon lang ..ba't ba ang dami mong tanong ,manahimik ka na nga lang diyan(pagsusungit ko kay amanda)

Samantha:keith ,dahan dahan ka naman diyan nagtatanong lang naman si bebe girl ..

Ako:eh ! sa naririndi na ako sa mga boses niyo,kanina pa kayo maingay .

Amanda:pati ugali mo kuya iba na ang sungit muna ngayon ,bahala ka kung ayaw mong sagutin basta susumbong kita mamaya kay mama.

Ako:edi magsumbong ka ! di ako natatakot kahit samahan pa kita magsumbong sa kanya .

Amanda:speaking of ,tumatawag sa akin si mama,lagot ka ngayon ..

Samantha:hay naku ! draven ..(bulong niya pero narinig ko)

Sinagot na ni amanda yung tawag at pina loud speak niya ito ..

Maica:hello ,amanda nasa school na ba kayo ni keith ?

Amanda:papunta palang kami ,nandito pa kami sa kotse ni ate samantha

Maica:samantha ?

Amanda:yung sinasabi ko sayo na sikat sa school namin ,ma ! mag close na sila ni kuya at alam mo ba na malaki na ang pinagbago ni kuya ,

Maica:wala akong pakialam ! keith ,nakikinig ka ba ?

Ako:oh ! bakit ?(pabalang kung sabi)

Maica:pupunta mamaya yung ninong de paz mo sa school niyo ,magpapasama siya sayo

Teka parang narinig ko na yung de paz na yun ha ,sinabi na yun ni papa sa akin ,ewan ko kung nag iisa lang silang tao ,

Ako:eh ! may pasok ako ..

Maica:aba !! marunong ka na ngayong tumanggi ha ! kinakalaban muna ba ako keith ..(galit niyang sabi sa akin)

Amanda:yan ang sinasabi ko sayo ma ..

Samantha:sige na keith pumayag ka na(mahina niyang sabi sa akin)

Ako:anong oras ba siya pupunta dun ?

Maica:mga alas 12 ,sige na ibababa ko na to ,may meeting pa ako ..

Amanda:okey po ma ,ingat ka bye ..

Ayun pinatay na niya yung linya ..

Ako:sino ba yung de paz na yun amanda ..

Amanda:nagpapatawa ka ba kuya ? ,di mo kilala si tito roland ,

Samantha:kaibigan yun ng mama at papa mo keith ,ninong mo siya .

Amanda:talagang nag explain ka pa talaga sa kanya miss samantha ,ikaw ba talaga yung kuya ko ?(sabay tingin sa akin)

Ako:pwede ba amanda,tumahimik ka na ,kanina ka pa ! isa na lang masasaktan na kita(galit kung sabi sa kanya)

Ayun buti naman at natakot tong amanda na to sa akin,di na nagsalita ..

Maya maya ay nandito na kami sa school ,bumaba na si amanda ..

Amanda:una na ako miss samantha,thank you ,hehehe,bye ..

Samantha:sige bebe girl ..

Dalawa na lang kami na nandito ni sam ,

Samantha:alam mo draven,bawas bawasan mo nga yang pagka masungit mo at mainitin yung ulo pati si amanda pinapatulan mo ..

Ako:inuubos niya pasensya ko,ginagawa ko namang kumalma pero di ko magawa at isa pa kriminal ba yang de paz na yan ?

Pagkasabi ko nun kay sam ay bigla siyang natahimik ..

Ako:oyyy !! bakit bigla kang naging statwa diyan

Samantha:bakit mo nasabi na kriminal si de paz ,ay alam ko na kasi pulis pala tatay mo ,

Ako:so ibig sabihin iisa lang yung de paz na iniisip ko ,grabe ang liit talaga ng mundo ,

Samantha:baka iba yung tinutukoy ng papa mo draven ,baka ibang de paz yun .

Ako:di mo pa nga sinasabi kung kriminal ba yung de paz na yun

Samantha:okey ,oo kriminal yun ,sinabi lang sa akin ni papa ,kaya nga gusto niya na layuan ko kayo ni amanda i mean layuan ko sila amanda at keith,lalo pa't magka schoolmate kami nila keith,isa na rin yun kung bakit marami ang nagbubully kay keith kasi ninong niya si de paz at tatay niya si menard ,walang kaibigan si keith dahil dun.

Ako:ano bang klase kriminal yung si de paz at pati yung tatay ni keith kriminal rin

Samantha:murder

,parehong murder yung kaso nila,ni minsan di pa nahuhuli si de paz at yung papa ni keith,kaya draven pag malaman ng papa mo na si keith yung kasama nila ngayon ay tiyak madadamay si keith

Ako:bakit alam ba ni papa na si keith at si amanda yung anak ni menard

Samantha:di ko alam ,hehehe ,basta mag ingat na lang kayong dalawa ni keith,lalo na ikaw draven,lalo pa't magkikita kayo ngayon ni de paz ,wag kang magpapahalata na hindi ikaw si keith

Ako:may iniisip ako sam ,sige na pumasok na tayo sa loob ,

Samantha:okey ..tara na ..

Ayun bumaba na kami ni sam sa kotse niya ,at biglang hinawakan ni sam yung braso ko ,papasok na kami sa loob ng school ,habang naglalakad kami ay nakatingin sa amin yung mga studyanteng nakakasalubong namin

Student 1:ang swerte naman ni kuya ..

Student 2:totoo ba ang nakikita ko,si keith ba yung kasama ni miss samantha ,lagot siya kay bossing ..

Biglang umalis yung matabang studyante na yun,mukhang magsusumbong yata sa bossing niya

Ako:sam ,sino yung bossing na tinutukoy ng mataba na yun

Samantha:si raffy ,yung patay na patay sa akin,yung leader ng fratboy dito ..

Ako:mukhang mapapa away ako ngayon ha !

Samantha:marunong ka bang makipaglaban ,baka mamaya nagtatapang tapangan ka lang,hahaha

Ako:makikita mo nalang mamaya ..

At ayun na nga,dumating na yung grupong fratboy na sinasabi ni sam,potcha !! heto na ba yung kakalaban sa akin,tang ina !! mukhang kulang to sa mga vitamins eh ? puro ribs yung katawan,,kaagad kaming napahinto sa paglalakad ni sam kasi humarang silang lima sa dinadaanan namin,

Raffy:gusto mo talagang mapunta sa I.C.U keith ano !!(galit niyang sabi sa akin habang lumuluwa yung mata)

Randy:mukhang gusto yatang mabugbog na naman yang lampang keith na yan boss,

Ako:nagpapatawa ba kayo ,kasi di ako natatawa umalis na kayo diyan sa daaanan namin at male late na kami sa klase namin .

Pagkasabi ko nun ay nagulat silang lima ,pati yung mga studyante na nandito na nanonood ,

Samantha:wow ,sana ganyan rin si keith ,matapang ..

Raul:ano boss ,sisimulan ko na bang wasakin yung pagmumukha ng keith na yan ..

Raffy:wag ako na ang bahala sa kanya,wag kayong makikialam ,laban ko to ..

Biglang lumapit sa akin tong unggoy na to .

Raffy:matapang ka na ngayon ha ! lumuhod ka sa harapan ko ,kung ayaw mong masaktan ..

Ako:okey po master ..(malumanay kung sabi sa kanya)

Grabe pinipigilan ko yung tawa ko,akala niya talaga luluhod ako ,ano siya diyos ..

Yung aakmang luluhod ako sa harapan niya ay bigla kung sinapak yung tiyan niya ng malakas ,ayun kaagad na napaluhod sa akin ,

Lalapit na sana yung mga kauri niya pero pinigilan niya ito

Raffy:aray !! Diyan lang kayo ..

Ako:oh! bakit ikaw yung lumuhod,di pa nga yun yung full force ko ,pero nasaktan ka kaagad ,masarap ba !(sabay himas ng magaspang niyang mukha)

Kaagad na tumayo si raffy at balak niya akong sapakin pero sinalo ko ito gamit ang isang kamay ko,ayun nagulat na naman yung mga nandito ,si sam nakita ko na kinukunan niya kami ng video ,

Raffy:paano mo nagawa yan ,

Ako:ganito oh ..

Kaagad ko siyang sinipa sa tiyan at sinapak ko ang mukha niya at siniko ko ito ,ayun kaagad na nawalan ng malay yung unggoy na raffy na ito,kaagad na lumapit sa kanya yung mga kauri niya ,napatingin lahat sa akin yung mga studyante ..

Student 1:wow ..grabe di ako makapaniwala sa ginawa ni keith,grabe crush ko na siya ,

Student 2:from bully to monster ,keith idol na kita ,hehehe

Ako:puro lang naman pala kayo porma,uminom muna kayo ng vitamins para lumakas kayo,tang ina !! Mga basura !!

Lumapit sa akin si sam ,

Samantha:grabe draven,pinahanga mo ako,tiyak magiging proud sayo si keith,tara na pumunta na tayo sa klase natin,hehehe

Ako:dapat lang .tara na ..

Kawawa naman yung unggoy na yun,nagkamali siya ng hinamon niya,hahaha ..

Heto papunta na kami sa klase namin ..

Samantha:sige draven,punta na ako sa klase ko ha ..maya na lang ulit ,,pumasok ka sa first subject mo .

Ako:di pala tayo magkaklase ,tang ina ..

Samantha:ahead ako kay keith ng one year ,,sige na pumasok ka na ..bye ..see yahh ..

Ayun umalis na si sam ,heto papasok na ako sa room ,ano kayang subject to ,pagpasok ko ng room ay nagulat ako ng biglang nagpalakpakan yung mga classmate ni keith ..

Ako:anong meron ?(pagtataka kung sabi sa kanila)

Biglang may lumapit sa akin na lalaki at inakbayan ako ..

Warren:grabe keith,pinahanga mo kami,lalo na ako ,di namin akalain na mapapatumba mo yung leader ng fratboy na si raffy,hehehe

Carnela:oo nga keith,grabe ka ha ..totoo nga sinabi ng kapatid mong si amanda,na nagbago ka na ..

Grabe para yun lang nagulat na sila ,sabagay kilala nila si keith na lampa at palaging sinasaktan dito ,

Inalis ko yung pagkaka akbay ng lalaking to sa akin at umupo na ako sa last seat ..di ko na sila pinansin ..

Warren:wow ..hanep !! di man lang kami pinansin ,

Ako:wag niyo akong kausapin ..

Carnela:ang genius boy ng section natin naging bad boy na ,hahaha

Nagpalakpakan na naman sila at bigla silang napatigil ng dumating yung isang classmate nilang babae,mukhang siga tong isang to ,naka cap pa at may tattoo sa kamay niya ,bigla siyang lumapit sa akin at

Cassandra:umalis ka !! .(galit niyang sabi)

Ako:(tiningnan ko siya ng masama)sino ka ba at pinapaalis mo ako dito,kita munang nakaupo ako dito ..ikaw ang umalis diyan sa harapan ko(galit ko rin sabi sa kanya)

Biglang naghiyawan yung mga classmate ni keith dito

Woooooooohhhhh !!(sabay sabay pa talaga sila)

Pati tong siga na babaeng to ay nagulat ,bigla niyang hinawakan ang kwelyo ko ,

Ako:bitawan mo yan,papatulan kita kahit babae ka pa ..

Cassandra:tinatakot mo ba ako ,baka di mo ako kilala ,

Ako:wala akong balak kilalanin ka ,alisin mo na tong kamay mo(kaagad kung inalis yung kamay niya sa kwelyo ko )

Balak na sana akong sampalin ng babaeng to pero sinalo ko kaagad yung kamay niya at tumayo ako ..

Ako:alam mo miss ,pag pinatulan kita,sasabihan akong bakla at di ko nirerespeto yung mga babae pero sa pinapakita mo,ikaw tong walang respeto sa lalaki ,

Ayun tinulak ko siya pero mahina lang,nakita ko ang reaction ng babaeng to gulat na gulat ,

Warren:keith ,ikaw ba talaga yan ,grabe pati si cassandra di ka natakot,

Nagulat ako ng bigla akong sapakin ng cassandra na to ,bwesit ! Ang lakas ng sapak niya ha ! parang hindi siya babae .

Lalapitan ko na sana siya ng biglang tumawag tong de paz na to sa phone ni keith.

Ako:babalikan kita,sasagutin lang to ..

Ayun umalis ako sa room ,

Carnela:grabe ..nakakagulat naman yun ..

Nandito na ako sa labas ng room at sinagot ko na ang tawag ni de paz

Ako:hello ..

De paz:keith ,iho nasaan ka ?

Ako:nandito sa school bakit ?

De paz:nandito na ako sa labas ng school niyo,pumunta ka muna dito

Ako:akala ko ba mamaya ka pang alas 12 pupunta dito

De paz:teka parang hindi ikaw yung keith na kilala ko,marunong ka na ngayong magsalita ng ganyan .

Patay mahahalata pa yata niya na di ako si keith .

Ako:pasensya na po ninong,sige papunta na po ako diyan sandali lang(malumanay kung sabi sa kanya)

De paz:okey..

Ayun pinatay ko na yung tawag ..

Aalis na sana ako ng biglang tinawag yung pangalan ko ..

Cassandra:keith

Paglingon ko nakita ko yung maangas na cassandra na to

Ako:bakit ? Pwede ba wala ako ngayon sa mood makipagtalo sayo,nagmamadali ako ..

Cassandra:yung ninong de paz ba yung tumawag sayo,nandito ba siya ?

Ako:wala kang pakialam ..

Ayun kaagad akong umalis bakit kaya nasabi ni casssandra sa akin yun ?

Itutuloy.