CHAPTER 2

andito kami ngayon ni faith sa classroom inaantay ang prof namin para sa first subject pero mukhang walang papasok dahil second day of class palang naman kaya karamihan sa mga classmate namin ay nasa labas

"Grabe ave hanggang ngayon diko pa din makalimutan yung nangyari kahapon alam mo yung nasa harap ko siya grabe sobrang gwapo" tuwang tuwa na sabi niya hanggang ngayon dipa din nakaka move on don e halos ipahiya nga kami don tapos siya tuwang tuwa pa din tss basta talaga pag crush niya ok lang kahit ipahiya na kami dito

Ayon din yung isa sa mga dahilan kung baket galit ang mga studyante samin dito kasi akala nila nung 1st year nilalandi namin yung F3 nila kaya ngayon patago nalang kaming nagkakagusto at humahanga sakanila hindi kami tulad nung ibang babae na sobrang vocal sa nararamdaman nila para lang mapansin sila nila yves pero kami ni faith okay na saming dalawa yung nakikita namin sila dahil mas importante talaga ang scholarship namin at kami lang dalawa ang scholarship dito sa school kaya nagagalit sila kasi mahirap lang daw kami porket ba mahirap bawal na pumasok dito sa wcu? At bakit daw kami running for latin honors e nandadaya naman daw kami.

Tch puro accusations wala namang ebidensya imbes na mag aral ng mabuti para running for latin honors din sila e mas pinag tutuunan pa nila ng pansin kaming dalawa e wala naman kaming award na ibibigay sakanila.

"Uy marinig ka nila jan sabihin inaagaw mo yung chua nila" bulong ko kay faith kasi napaka lakas ng boses

Si faith palaban talaga yan siya nga tagapagtanggol ko e hindi niya hinahayaang inaapi kami dito sa school kaya pag may narinig siya na salita na below the belt dun na siya pumapatol pero pag kung ano ano lang hinahayaan lang namin kasi iniiwasan talaga namin mapaaway dahil baka tanggalan kami ng scholarship.

Hindi ko alam kung baket sila galit kay faith eh sobrang bait naman neto tapos sobrang ganda pa papasa nga tong artista kasi maganda talaga siya mukha nga siyang mayaman eh.

"Eh pake ba nila sila nga may crush dun pinigilan koba sila?" mataray na sabi niya sabay irap sakin

"Eh alam mo naman ugali ng mga studyante dito akala mo pag nag ka crush tayo aagawin na natin sa kanila tss"

"Hayaan mo sila threatened lang yan sa beauty natin haha and you know me ave pag dating sa crush ko wala akong pakeelam sa sasabihin ng tao"

"Pero worry lang ako kasi diba baka mapaaway tayo scholarship natin ang nakasalalay"

"Ay basta wala silang pakeelam kung magkagusto ako dun hindi nila pag-aari yun at kung scholarship naman wag ka mag-aalala kasi di din pwedeng mawala sakin yon alam mo naman diba ako nalang inaasahan ng pamilya ko kaya mag-aaral ako at magkakagusto sakanya wala silang pake!"

"Okay support naman ako sayo e basta gagraduate tayo ng di natatanggalan ng scholarship"

"Support din naman ako sainyo ng yves mo" bulong niya sakin sinabi ko sakanya kung tutuksuhin niya ako kay yves ay wag niyang nilalakas kasi nung unang beses na tinukso niya ako ayun dinumog ako ng mga studyante at buti nalang hindi nakarating kay stacey.

Si stacey siya ang tinitingala nila dito maganda mataray maldita mayaman karamihan sa mga studyante ay takot sakanya dahil kapag nakabangga mo yon e siguradong bukas wala kana sa school kaya iniiwasan ko din yon kasi alam kong may gusto siya kay yves

"Tara labas tayo? May 1hr pa naman mukhang di naman papasok prof natin" sabi ko sakanya dahil 2hrs ang bawat subject namin at mukhang di naman na papasok yun

"Tara ikot ikot nalang tayo hihi baka makita natin yung baby ko dahil mukhang wala talagang first subject dahil andaming studyante sa labas" excited na sabi niya kaya naman lumabas na kami at paglabas namin ay narinig namin ang bulong bulungan

"Uy narinig mo sabi na dadating yung crush ni laurent at dito na daw mag-aaral"

"Ang ganda ni tiffany bagay na bagay sila ni yves"

"Eh di may bagong war dito dahil kilala mo naman si stacey obsess na obsess kay laurent yon"

"Hayaan mona yung babaeng yon tch di naman sila bagay ni laurent mukha siyang coloring book dapat dun siya sumasama kaila faith at sofia e"

"Grabe sobrang ganda ni tiffany"

Puro ganyan ang naririnig namin pag labas namin puro bulungan tungkol dun sa tiffany na crush daw ni yves?

"Uy ave mukhang dito na mag-aaral yung crush ng crush mo alam mo ba narinig ko nung nag cr ako sabi nila e matagal na daw crush ni laurent yun at hinihintay niya lang daw kasi nga dipa daw ready mag jowa yun at alam mo ba? Narinig kopa na pinagkasundo din daw sila na pag graduate nila e engaged sila at magpapakasal 6 months after graduation siguro nalaman niyang andaming may gusto kay laurent dito kaya umuwi at dito na nag aral" tuloy tuloy na sabi niya

Crush ko lang naman si yves e di naman ako umaasang magugustuhan nun sakanya na nga mismo nanggaling na hindi ako maganda kaya impossibleng magustuhan ako non e puro maganda lang gusto nun.

Dito sa school puro laurent ang tawag sakanya dahil nung may nagtangka na tumawag sakanya na yves or saint eh nagalit siya dahil mommy niya lang daw ang tumatawag sakanya kaya simula non walang tumawag sakanya ng yves or saint pero ako yves ang tawag ko sakanya dahil mas gusto ko ang yves kaysa laurent.

"Ahh" nasabi ko nalang dahil hindi ko talaga alam anong irereact ko sa mga sinasabi niya

"Uy ok kalang? Ok lang yun crush niya lang naman yun" sabi niya na nakangiti

"Okay lang ako saka diko naman na crush yun tinigilan kona kasi baka lumala pa yung pag ka crush ko sakanya at baka pag lumala e masaktan lang ako at makalimutan kong scholarship lang ako dito masayang yun" sabi ko sakanya at nag patuloy kami sa paglalakad ng malapit na kami sa quadrangle ay narinig namin ang mga tilian at ng makarating kami sa tapat nakita namin sila yves liam james

"Uy ave lapit tayo gusto kong makita si liam" sabi sakin ni faith magsasalita nasa na ako na wag na kaso bigla niya akong hinila at mabilis na tumakbo dun at sobrang bilis e hindi namin nakita ang bato kaya napatid kaming dalawa.

"WTF! BOBO BA TALAGA KAYONG DALAWA?! KAGABI PA KAYO HUMARANG SA DINADAANAN ko!" galit na sigaw nung nabangga namin

Nung marinig ko ang boses na yun at tawanan ng mga studyante ay mabilis akong tumayo at tinulungan si faith na nakayuko dahil napahiya kami sa nangyari

"S-sorry yves" nanginginig na sabi ko

"malandi talaga e"

"nako lagot lalong ginalit si laurent"

"anlakas ng loob tinawag na yves si laurent"

"oo nga diba ayaw niya ng tinatawag siyang yves"

Kaya naman ng ma realized ko ang sinabi ko ay agad akong napaangat ng tingin kay yves

"I mean s-sorry laurent" sabi ko at kinakabahan kasi alam kong magagalit siya saken

"Tangina dude sabi sayo crush ka e tinawag kang yves" sabi ni james kaya mas lalo akong kinabahan.

Kaya lalo akong napayuko naramdaman ko namang hinawakan ako ni faith sa braso at bumulong sakin nag sosorry.

Kaya lalo akong nagulat ng may biglang humila sa braso ko at mahigpit na hinawakan at ng mag angat ako ng tingin ay nakita ko si yves at nakita ko ang nagtatagis na panga niya at mahahalata mong galit kaya mas lalo lang akong kinabahan kaya napahawak ako ng mahigpit kay faith

"Ang lakas ng loob mong tawagin akong yves" sabi niya sakin habang deretsong nakatingin sakin kaya naman lalo akong kinakabahan gusto ko ng umalis tumakbo ngunit sobrang higpit ng pagkakahawak sakin ni yves.

"S-sorry s-orry l-aurent diko sinasadya" nauutal na sabi ko sakanya at nagulat ako nung bigla siyang tumawa pero mararamdaman mong sarkastiko ang pag tawang yon halatang nauubusan ng pasensya

"Hindi sinasadya kahapon pa kayo anlakas ng loob niyo humarang daraanan ko tapos ngayon humarang nanaman kayo at tinawag mo pakong yves ano ba yan para mapansin kita?" hindi ako nakasagot at lalo nalang yumuko habang hawak pa din niya ang braso ko gusto kong sabihin na nasasaktan ako kaso baka mas lalo siyang magalit

"Eto tatandaan mo! Hinding hindi kita magugustuhan kahit araw araw kapang magpapansin at humarang sa daraanan ko naiintindihan mo? Hindi kita magugustuhan kasi isa ka lang basura sa paningin ko ang lakas ng loob mong magpapansin eh di ka naman maganda" nangigil nasabi niya

"At ayokong lalabas ang pangalan kong yves jan sa bunganga mo naiintindihan mo? Wala kang karapatan tawagin akong yves naiintindihan mo?! Ang basurang gaya mo wala karapatan sakin naiintidihan mo?!" sigaw niya sakin ngunit hindi padin ako sumagot kaya naman parang lalo siyang nagalit at akmang sasaktan niya ako ng may biglang sumigaw sa pangalan niya

"YVES SAINT!"

Kaya naman napunta sakanya ang lahay ng atensyon at napaangat din ako ng tingin at nakita ko ang isang babae na mahaba at itim na itim ang buhok sakto lang tangkad maputi maganda sobrang ganda at mukhang mayaman katulad ni stacey

"omg siya na ba si tiffany"

"ang ganda niya talaga"

"ang ganda niya na kahapon ang ganda niya pa ulet ngayon"

"grabe bagay na bagay sila ni laurent"

"What are you doing? Nanakit ka ng babae?" galit na sigaw nung babae at mabilis akong hinila sa pagkakahawak ni saint sa braso ko

"T-tifanny diko alam na ngayon ka pala papasok?" sabi ni yves at akmang lalapit kay tiffany pero pinigilan niya ito

"Stay there! Yes i want to surprise pero ako yung na surprise really saint? Nambubully ka ng babae?" galit na sabi ni tiffany kay yves at tinago ako sa likod niya kaya naman hinatak ko din si faith at tinabi sakin at pareho kaming nakayuko

"She pissed me off!" sigaw ni yves

"Pero hindi mo dapat saktan babae pa din to! For heaven sake yves saint laurent!!" galit na sigaw ni tiffany kay yves kaya naman napatingin ako kay yves at nakita kong nakatingin siya sakin at galit na galit pero ng tinignan niya si tiffany parang lumambot ang itsura niya

"Okay i'm sorry ok? Di na mauulet" sabi ni yves

"Don't say sorry to me! Say sorry to her" sabi ni tiffany kaya naman napatingin ako sakanya seryoso ba siya? 

"Ahm ate tiffany no need to say sorry naman po di naman niya po ako sinaktan" lakas loob kong sabi kaya napatingin sila apat sakin

"No pinahiya ka niya what now saint?" sabi niya

"Okay fine!" nauubusang pasensya na sabi ni yves at tumingin sakin na may galit pa din sa mga mata

"I'm sorry diko dapat ginawa yon" sabi niya

"A-ah o-okay lang" sabi ko at nagulat ako ng biglang humarap si tiffany sakin at hinawakan ang dalawang pisngi ko

"Are you sure okay ka lang?" nakangiting sabi niya at tumango naman ako

"I'm tiffany kiel" sabi niya sabay lahad ng kamay kaya napatingin ako dun at mabilis na nakipag kamay sakanya

"Sofia Avery" sabi ko ng nakangiti

"What a beautiful name let's be friends?" nagulat ako dun sa sinabi niya pero tumago nalang din ako at bigla siyang tumingin kay faith

"Hi sorry sa ginawa ni saint sayo sainyo anyways i'm tifanny kiel" sabi niya ng nakangiti at naglahad ng kamay kay faith nagulat si faith pero agad din naman siyang nakipag kamay

Pagkatapos ng nangyari yung ay bumalik na kami sa klase namin at dumating din ang second prof namin at sinabing may ipapakilala na bagong classmate namin dahil nasa star section kami siguro matalino din

"Okay class i want you to meet miss tiffany kiel lopez" sabi ng prof namin kaya naman napatingin kami sa pumasok sa pinto at nakita namin si tiffany!

"Omyghad classmate natin siya"

"shet ang ganda"

"hi ate tiffany"

"Ate dito ka samin maupo"

Sabi ng classmates ko pag pasok ni tiffany.

"Miss lopez please introduce yourself" sabi ng prof namin kaya naman pumunta sa gitna si tiffany

"Hi guys my name is tiffany kiel lopez you can call me kiel tiff or tiffany i hope we can be friends" nakangiting pagpapakilala niya

"Okay you can choose your seat miss lopez" sabi ni sir coro

Nagulat nalang ako ng tumabi siya samin ni faith pero di na namin siya nakausap dahil nag umpisa na mag lecture si sir

Kaya ng matapos ay nagulat kami ng sumabay samin si tiffany mag lunch at nagulat din kami ng ilibre niya kami ni faith kaya after nun ay bumalik kami sa classroom at nag umpisa na ulet mag discuss

LESSON

LESSON

LESSON

DISSMISAL

After ng last subject ay mabilis kaming nag paalam kay tiffany at lumabas na kami ni faith ng classroom

"Grabe ave ambait ni kiel no?" sabj ni faith habang naglalakad kami palabas ng WCU

"Oo nagulat nga ako sa ginawa niya kanina" sabi ko sakanya

"Grabe lang maganda na sobrang bait pa" nakangiting sabi niya ng makarating kami sa gate ay naghiwalay din kami at ako ay mabilis na naglakad pauwi at ng makarating sa bahay mabilis lang ako kumain at nag-aral na natulog na

END OF CHAPTER 2

|BLYTHE KIM | BK 💜 |

HI IF NAGUSTUHAN NIYO TONG CHAPTER PLEASE COMMENT DOWN BELOW ABOUT YOUR THOUGHTS IN THESE CHAPTER SO I CAN IMPROVE OR CHANGE IT THAAANKYOU!!!  KEEP SAFE BORAHAE💜💜💜💜

PS. DIKO INEEXPECT NA MAHABA YUNG MAISUSULAT KO NGAYON HAHAHAHAH NAKA 2.2K WORDS AKO E HANGGANG 1.2K LANG NAMAN AKO SO AYON ANOTHER ACHIEVEMENT UNLOCKED KEKE THAAAANKYOU SO MUCH GUYS ENJOY