pagkarating ko sa school ay nagulat ako dahil sinabi ni faith na cancel daw ang klase dahil may gagawin daw mga prof ngayon kaya pinapauwi nalang daw ang mga students dahil wala din naman daw magtuturo
"Baket ano meron?" tanong ko kay faith nakikita ko na andami na ngang studyanteng naglalabasan
"Basta may gagawin daw mga prof natin. May pasok naman talaga kaso nagdesisyon ata sila na pauwiin nalang tayo kasi nga walang prof na magtuturo" sabi naman niya
"Alam mo ba kanina pag pasok ko nakita ko si tiffany at joshua magkasama sabay silang pumasok at mukhang sinundo ni joshua si tiffany kasi nakita ko yung sasakyan ni joshua nung dumating at sabay silang bumaba" sabi niya kaya napatingin ako sakanya talagang hindi niya titigilan ang paghihinala kay joahua at tiffany nakita lang nag uusap e at nagtatawanan e
"Oh tapos?" sabi ko sakanya
"Ayun buti nga di nila ko nakita e alam mo may naamoy talaga ko sa dalawang yon e" sabi nanaman niya
"Ano kaba nakita mo naman kahapon lang sila nagkakilala malay mo diba naging close sila agad parang tayo diba parehas tayong binubully ayun close tayo agad diba" sabi ko sakanya
"May point ka pero basta may kakaiba talaga sa dalawang yon tignan mo lang at malalaman ko din yon" sabi niya
Habang nag uusap kami di namin namalayang nakalabas na pala kami ng school.
"Uy ave mamaya ka na umuwi wala naman tao sainyo diba? Punta tayo grocery bili tayo pagkain tas punta tayo sa bahay or dun tayo sainyo? Movie marathon tayo" sabi niya
"Hmm sige magpapaalam lang ako kela papa. Ikaw san moba gusto sainyo o samin?" tanong ko sakanya
"Sige sainyo nalang tayo baka nandun si mama sa bahay e maingay yon e di tayo makakanuod ng ayos" sabi niya
Dumeretso kami sa grocery at bumili ng junk food habang namimili ay nag text ako kay papa na pupunta si faith sa bahay at manunuod kami pumayag naman si papa. Dahil kilala naman nila si faith at anak na din ang turing nila sakanya kaya pag nasa bahay siya ay spoiled kami pareho kasi talagang natutuwa sakanya sila mama at papa dahil si faith ang una kong naging kaibigan simula nung lumipat kami dito sa manila.
Kilala din naman ako ng parents ni faith actually close din ako sakanila mabait din ang parents ni faith. Parehas kami ni faith na hindi lumaki sa mayamang pamilya ang mama niya ay katulong at ang papa naman niya ay family driver hindi ganon kalaki ang sweldo kaya naman nag apply din siya ng scholarship sa school.
Kaya dalawa lang kaming scholar sa school ay dahil wala daw nakakapasa sa test dahil sobrang hirap at ang lahat ng nag-aaral dun ay galing sa mayayamang pamilya nagbabayad sila ng tuition kaya ayaw nila samin dahil scholar lang kami.
"Uy ano ave may bibilhin kapa?" tanong ni faith kaya napatingin ako sa cart namin na punong puno ng kung ano anong junk foods
"Okay na yan andami na niyan e" sabi ko sakanya at dumeretso na kami sa counter para magbayad.
Habang nakapila kami ay napatingin ako kay faith ng kalabitin niya ako sa braso.
"Baket?" tanong ko sakanya at tinignan siya at nakita kong may itinuturo siya sa akin kaya napatingin ako don.
Nagulat ako ng makita ko si joshua at tiffany na magkasama at namimili at si joshua naman ay nakahawak pa sa bewang ni tiffany.
"Sabi ko sayo may something talaga sa dalawang yan e feeling ko talaga niloloko ni tiffany si yves e akalain mong may itinatago din palang kasamaan yan si tiffany" sabi niya pero di nako nakasagot dahil kami na yung magbabayad.
Habang nagbabayad siya ay hindi ko mapigilang mapatingin kela josh at tiffany. Mukha silang masaya niloloko kaya talaga ni tiffany si yves? Pero bakit sa nakikita ko naman mahal na mahal nila ang isa't isa kaya baket lolokohin niya pa si yves?
Dahil ba may nahanap siya kay joshua na wala si yves ganon?
Hindi ko maintindihan sa mga tao. Baket pa nila hinayaang manligaw at sagutin yung mga mahal nila tapos pag may nahanap na wala dun sa taong mahal nila ay lolokohin nila.
Tama nga ang sabi nila na ang panloloko ay choice mo.
Pagtapos magbayad ni faith ay agad kaming sumakay ng jeep at pumunta na sa bahay. Pagkarating namin sa bahay ay pinaupo ko muna siya sa sofa namin.
"Uy gusto mo ng pasta?magluluto ako" tanong ko sakanya habang nakaupo siya sa sofa at kinakalkal ang mga dvds namin.
"Hindi ba magagalit sila tita?" tanong niya sakin
"Hindi naman baket naman magagalit?"
"Wala naman sige sarapan mo ah" sabi niya kaya natawa naman ako at dahil maaga pa naman alas 8:00 palang ng umaga nagluto ako ng pasta dahil hindi pwedeng junk foods ang almusal namin.
Mabilis lang akong nagluto kaya pagkatapos ay naghain nako at kumain kami ng sabay ni faith.
Pagtapos namin kumain ay dumeretso kami sa sala at nagkwentuhan sabi niya mamaya na daw kami manuod dahil mamaya na daw siya uuwi dito nalang daw siya mag dinner.
"Sabi ko sayo ave may something talaga dun sa dalawa" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at napatigil sa ginagawa
"Pero kung sinasabi mong niloloko ni tiffany si yves bakit naman niya gagawin yon?" sabi ko sakanya
"Malay ko sakanya hindi naman natin siya masyadong kakilala e at diba sabi nila galing ibang bansa si tiffany malay mo dun palang magkakilala na sila at sumunod lang si joshua dito" sabi niya at napaisip ako na may point nga siya pero wala akong makitang dahilan para lokohin ni tiffany si yves.
Pero ave wag kang tanga pwede din naman lokohin ni tiffany si yves. Baka nagsawa siya kay yves ganon
Pero bakit ganon siya ganon umasta kay yves ano yon mahal niya pareho?
"Ikaw ano sa tingin mo?" napatigil ako sa pag iisip ng tanungin ako ni faith
"Ewan ko wala naman tayong ebidensya kaya hindi natin masasabj na ganon nga" sabi ko sakanya
"Hindi pa ba ebidensya yung kanina? Nakahawak sa bewang na akala mo may aagaw sakanya kay tiffany?" sabi niya sakin
"Pero hindi pa din yon sapat malay mo naman related sila sa isa't isa magpinsan ganon?"
"Magpinsan? Nakahawak sa bewang?!"
"Ano kaba naman pwede naman yon edi ba ganon naman mga tiga ibang bansa medyo clingy"
"Ah basta maghahanap ako ng ebidensya nasisiguro kong may hidden agenda yan si tiffany"
"Ano kaba baka pag nalaman yan ni tiffany magalit satin yun ambait pa naman satin non"
"Malay mo nga diba pati tayo kasama sa agenda non kunwari mabaet masama naman pala ugali" sabi niya
Hindi kona siya sinagot at nagpatuloy nalang sa ginagawa siya naman ay hindi pa din tumitigil sa pagsasalita.
Kaya naman napapaisip din ako kung ano talaga meron dun sa dalawang yon.
Pero hindi ko na sila inisip at nag patuloy nalang sa ginagawa kaya ng mag alas 12:00 ay tinawag kona si faith at sabay kaming kumain habang kaumain ay hindi pa din tumitigil sa faith about dun kay josh at tiffany.
Kaya natagalan pa kami sa lamesa kaya ng matapos kumain ay umakyat na kami ng kwarto ko at nanood ng horror habang nakapatay ang ilaw at madilim din sa labas dahil mukhang uulan ata sabi ni faith pag di tumigil ang ang ulan ay dito na siya matutulog at lalabhan niya nalang daw ang uniform niya.
Tahimik lang kaming nanunuod ng biglang may nag dorbell kaya naman natakot si faith pero sabi ko baka sila mama or yung kapatid ko lang yon kaya naman iniwan ko siya dun at binuksan yung ilaw sa kwarto para hindi siya matakot.
Pagbaba ko ay agad kong binuksan ang pinto at nakita ko ang kapatid ko at sila mama sabay sabay silang umuuwi dahil malapit lang ang school ng kapatid ko sa pinag tatrabahuhan nila mama hindi ko namalayan ang oras kaya nagulat akong nandito na sila.
Nagmano lang ako sakanila at sinabing nandon si faith sa taas sabi naman nila ay umakyat na ako at sila na daw bahala don kaya naman umakyat na ako at nanuod na ulet ng matapos ay nagsalang ulet si faith ng isa pang CD.
Kaya ng matapos hindi namin namalayan na gabi na pala dahil sobrang dilim pa din sa labas kaya nagpaalam si faith na dito matutlg.
Pagtapos magpaalam sabay kaming bumaba at sumabay kela mama kumain habang kumakain ay kinakausap nila si faith.
"Kamusta kana hija? May boyfriend kana ba? " tanong ni papa ng naka ngiti
"Ay naku tito study first po ako pa crush crush lang po ako dahil sayang ang scholar 2 years nalang din po at gagraduate na ako sayang naman kung mawawala pa ang scholar" sabi ni faith kaya natawa kami
"Aba'y mabuti nga iyan magtapos muna kayo" sabi naman ni mama
"Oo naman tita gagraduate kami ng may high honor niyan ni ave" sabi ni faith
Pag tapos namin kumain ay naligo si faith kaya pinahiram ko muna siya damit pag tapos niya ay ako naman ang sumunod at pagtapos maligo ay nagbihis nako at nagsimula ng mag review ulet dahil baka bukas ituloy ang recitation mabuti na yung sigurado.
Si faith naman ay nag scroll lang sa cellphone pero nung pinaalala ko yung sa recitation ay agad din siyang nag-aral mataas kasi ang grade ng recit kaya talaga nag-aaral kami para dun sayang din yon pag hindi nasagot.
Habang nag-aaral kinalabit nanaman ako ni faith at may pinakita siya sa akin na picture ni josh at tiffany pero sa instagram ni josh nakapost at naka private ang instagram ni josh kaya ang mga inaaccept niya lang ang makakakita.
Hindi ko na yon pinansin at nagpatuloy nalang sa pag-aaral at ng matapos mag-aral ay sabay kaming natulog ni faith
KINABUKASAN...
pagkatapos ko maligo at magbihis ay ginising kona si faith at ng matapos siya ay sabay kaming bumaba para kumain ng breakfast. Napuno nanaman ng tawanan ang ang dining namin dahil kay faith.
Nangmatapos kumain ay naglakad ng kami ng makapasok ay nagulat ako ng hinila ako ni faith papuntang parking lot
"Uy ano ginagawa natin dito? Baka malate tayo" sabi ko sakanya
"Sandali lang" sabi niya
"Uy ano b-" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng hinila niya ako at nagtago kami ng may biglang dumating na sasakyan at sinenyasan niya ako na wag maingay at nagulat ako ng inilabas niya ang cellphone niya at itinutok ang camera dun sa kotse.
At mas lalo akong nagulat ng lumabas si tiffany at joshua at biglang hinalikan ni joshua si tiffany sa labi. Omyghad
Napatingin ako kay faith ng makita kong vinivideohan niya sila josh at tiffany kaya naman ng maglakad na yung dalawa ay hinila kona si faith at mabilis kaming nakarating sa room.
"Hoy ano ba gagawin mo jan?" sabi ko sakanya
"Basta kung may binabalak man yan sila dapat meron din tayo"
"Hay nako" nasabi ko nalang dahil dumating na din ang prof namin at nagsimula na magtawag ng pangalan at natawag si faith akala ko hindi pa siya makakasagot pero buti nalang at nakasagot siya kaya ng tinawag ako ay nakasagot din naman ako nagpasalamat na hindi mahirap ang napuntang question sakin kaya ng mag break ay sabay sabay kaming nagpunta ng canteen
"Uy kamusta na kayo? Sorry di nako nakakasabay masyadong busy e" tanong ni tiffany samin ng makaupo kami
"Ayos lang naman oo nga e sobrang busy mo na nung dumating si joshua" sabi ni faith nagulat ako don kaya pinalo ko siya sa ilalim ng mesa inirapan niya lang ako
"Uy hindi ah busy lang talaga ako" sabi naman ni tiffany
"Pwede magtanong sainyong dalawa?" sabi ni faith kaya napatingin kami sakanya.
"Sure" sabi nilang dalawa
"Magkakilala ba kayo? Bago pa naman pumasok dito si joshua?" tanong ni faith kaya pinalo ko siya sa ilalim pero di niya ko pinansin kaya nakanig mlang din ako dahil curious din naman ako.
"Kami? No haha baket mo naman naisip yan?" tanong ni josh
"Wala naman mukhang magkakilang magkakilala kayo at nung pinakilala ka sa buong class non at nung tumabi ka kay tiffany e di man lang kayo nakipagkilala sa isa't isa at parang sobrang close niyo ganon"
"A-ah hindi haha"
"buti di nagseselos si yves jan kay josh? Balita ko seloso yon?"
"Ah hindi ko na sinabi besides ok lang naman na magkaroon ako ng guy na friend at saka for sure hindi yon magseselos kahit malaman niya mahal na mahal ako non e" nakangiting sabi ni tiffany
Mahal na mahal siya pero niloloko niya kawawang yves.
Nang matapos kami kumain ay bumalik na ulet kami sa room at saktong pag pasok namin ay papasok na din ang prof kaya nagsimula ng mag lesson
LESSON
LESSON
LESSON
DISSMISAL
Nang matapos mag turo ay dumeretso kami sa faculty ni maam dahil may sasabihin daw siya at ng matapos niyang sabihin ay tuwang tuwa naman kami ni faith dahil kami parin daw ang highest.
Kaya ng makalabas kami ay wala ng masyadong studyante at habang naglalakad ay napahinto kami ng biglang humarang si yves sa dadaanan namin.
"A-ah sorry" sabi ko at gumilid kasi baka sabihin. Nanaman niyang nakaharang kami sa daanan niya
"Ah no actually i want to talk to you" sabi niya kaya napatingin ako sakanya
"M-me?" sabi ko at tinuro pa ang sarili
"Yes"
"Ah sure"
"Tayong dalawa lang sana"
END OF CHAPTER 4.....
HI IF NAGUSTUHAN NIYO TONG CHAPTER PLEASE COMMENT DOWN BELOW ABOUT YOUR THOUGHTS IN THESE CHAPTER SO I CAN IMPROVE OR CHANGE IT THAAANKYOU!!! KEEP SAFE BORAHAE💜💜💜💜
|BLYTHE KIM | BK |