"I have something to tell you" sabi niya kaya naman medyo kinakabahan ako
"Ano yon?" sabi ko sakanya at medyo kabado sa sasabihin niya may nagawa bakong mali?
"Ahm-" sabi niya hindi matuloy ang sasabihin at bumuntong hininga at tumingin ng deretso sa daan.
Tinignan ko lang siya habang inaantay ang kanyang sasabihin kaya habang tinitignan ko siya ay pinagmasdan ko ang mukha niya grabe sobrang perfect ng mukha ni yves mapupungay na mata makapal na kilay makapal na pilik mata mapupulang labi napaka perpektong tignan ng kanyang mukha isama mo pa ang lalong nag pa gwapo sakanya ang undercut hair niya sobrang gwapo kaya madaming babaeng nagkakandarapa at madami ding babaeng umiiyak.
"Changes my mind bukas nalang ahm kasama nga pala natin sila liam at yung kaibigan mo" sabi niyang bigla kaya napaiwas ako ng tingin sakanya dahil baka mahalata niyang tinitignan ko siya nakakahiya.
"Hmm sige anong oras ba?" tanong ko sakanya
"After lunch susunduin kita dito don't worry and ahmm ipapaalam din kita kela tito and tita"
"Nakapag paalam naman nako sakanila laurent kaya okay lang at pumayag din naman sila"
"No mas okay pa din kung ipapaalam kita sakanila"
"Hmm sige ikaw ang bahala"
"Pumasok kana it's getting late goodnight" nakangiting sabi niya sakin kaya nginitian ko din siya pabalik.
"Salamat sa paghatid, goodnight din and seeyou tomorrow"
"Hmm seeyou"
Agad akong bumaba ng sasakyan niya para makaalis na siya bumusina muna siya bago siya umalis kaya naman pumasok na ako sa loob at naabutan ko sila mama sa sala na nanunuod ng tv kaya nilapitan ko sila at nagmano
"Mama" tawag ko kay mama pagtapos kong magmano tinignan naman niya ako at nag-aantay ng sasabihin ko.
"Pwede po ba akong umalis bukas? Kasama kopo si faith and yves"
"San kayo pupunta anak?"
"Sa star city daw po pa"
"O sige basta mag ingat ka" sabi ni mama kaya naman nginitian ko siya
"Kumain kana dun at magpahinga kana para bukas may lakas ka" sabi ni papa tinanguan ko lang sila at pumunta na ng kusina para kumain.
Habang kumakain ay nag text sakin si faith at sinabing excited na daw siya para bukas.
From Faith:
Grabe ave excited nako bukas di ata ako makakatulog neto
Sabi niya agad naman akong nagreply sakanya.
To Faith:
Baliw matulog ka baka antukin ka niyan don
From Faith:
Napaka panira mo talaga matulog na nga tayo seeyou ave
To Faith:
See you, goodnight
Pagtapos kong kumain ay niligpit at hinugasan ko lang ang pinagkainan ko at umakyat na sa kwarto ko at dumeretso sa banyo para maligo at pag tapos maligo ay nagbihis nako at dahil aalis kami bukas ay hindi muna ako nag-aral kaya natulog nalang ako
KINABUKASAN
Nagising lang ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko agad akong bumangon at dumeretso sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush at bumaba para kumain ng breakfast pagkababa ko ay wala sila mama kaya tinanong ko ang kapatid ko.
"San sila mama?"
"Nag grocery ate"
Habang kumakain ay biglang tumunog ang cellphone ko ng makita kung sino ang tumatawag ay mabilis ko itong sinagot
"Hello baket?" sagot ko
"Aveeeeeee" napalayo ako sa cellphone ko dahil bigla siyang sumigaw
"Hoy ano nangyari sayo?"
"Wala naman excited lang"
"Akala ko ba naman ano nangyari sayo"
"Hindi kaba excited?"
"Excited syempre"
"Ano palang susuotin mo ave? Grabe kinakabahan ako na naeexcite shet"
"Ako? Hmm pagiisipan kopa HAHAH sige na mamaya nalang"
"Tch KJ see you later bestfriend!"
Pagtapos ng tawag ay dumeretso na ako sa kwarto para maghanda ang napili kong suotin ay pants na maong sando na e tuck-in and denim jacket and white sneakers.
Nang mag alas 10:00 na ay naligo na ako dahil ang usapan namin ni yves ay susunduin niya ako ng 11:00 at magkikita kita kami nila liam ng 11:30 sa mall and aalis na dapat isang sasakyan lang ang dadalhin namin pero hindi pumayag si yves ayaw daw niyang maging driver naming lahat kaya ayon mag coconvoy nalang kami.
Pag tapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos nag lagay lang ako ng liptint at konting clay blush sa cheeks and maskara. After kong mag-ayos ay bumaba na ako.
Nagulat ako dahil pagbaba ko ay nakita ko si yves sa sala namin na kausap sila mama at nagtatawanan baket ang aga niya?
"Oh ayan na pala si avery" sabi ni papa pagkababa ko tinignan ko si yves he's wearing a black v neck shirt with khaki short and a top sider simple lang yung suot niya pero sobrang gwapo niya.
"Ah papa aalis na po kami" sabi ko kay papa
"Oo nga pinagpaalam kana nito ni saint" sabi ni papa kaya tinignan ko si yves at nginitian niya ako
"Sige na umalis na kayo at baka ma traffic pa kayong dalawa" sabi ni mama kaya naman nagpaalam na ako sakanila humalik ako sa pisngi nila at tsaka kami umalis ni yves. Habang nasa sasakyan ay biglang tumunog ang cellphone ko ng makita kong si faith ang tumatawah ay sinagot ko agad
"Hello san kana?"
"Ah papunta na jan"
"O sige bilisan mo kanina pako dito na aawkward nako dito"
"Okay lang yan crushy mo naman yan e"
Magsasalita pa sana ako pero binabaan niya na ako ay bastos. Mabilis kaming nakarating at nahanap naman namin agad silang dalawa kaya umalis din kami agad. Nasa likod lang namin sila liam at faith.
"Nag lunch kana ba?" biglang tanong ni yves kaya naalala kong dipa nga pala ako nag lalunch buti nalang at pinaalala niya.
"Ah hindi pa nakalimutan ko hehe" sabi ko
"it's okay hindi pa din naman ako kumakain"
Napatingin ako sakanya ng may pinindot siya sa sasakyan at nakita kong tinatawagan niya si liam.
"Hello dude hinto muna tayo lunch tayo saglit" dinig kong sabi ni yves kay liam
"O sige dude fast food nalang tayo"
"Sige sige"
Dumeretso kami sa isang fast food at duon kumain bumili lang kami ng 1pc chicken and sundae. Hindi din kami nagtagal duon at umalis na ulet.
Dahil walang traffic ay nakarating kami ng star city hindi muna kami pumasok dahil mainit pa kaya naglakad lakad lang muna kami
"Ave baket antagal mo kanina?" biglang sabi ni faith
"Di ako matagal maaga ka lang talaga" sabi ko sabay tawa kaya naman inirapan niya nalang ako
Habang naglalakad lakad kami ay nagulat ako ng may humawak sa bewang ko kaya medyo naigtad ako at pag lingon ko ay nakita ko si yves.
"Sorry andami kasing tumitingin sayo ang simple mo lang today pero ang ganda mo pa din" sabi niya kaya naman nag iwas ako ng tingin sakanya dahil uminit ang pisngi ko lumingon ako para hanapin si faith pero nakita ko sila ni liam na may sariling mundo.
"Mainit pa naman kaya magkanya kanya muna tayo besides date natin to may sarili din naman silang date haha" sabi ni yves kaya napalingon ako sakanya date? Tama ba ang narinig ko date ito?
"D-date? W-what do you mean date?"
"Hmm yun dapat sasabihin ko sayo kagabi kaso medyo nahihiya ako kaya nag ipon mung ako ng lakas ng loob and yes this is a date" nakangiting sabi niya hindi naman ako nakasagot omg this is a date!
Naglakad lakad lang kami ni yves hanggang mag alas 3:00 kaya tinawagan niya na si liam at sinabing magkita nalang kami sa tapat ng anchor dahil iyon ang una naming sasakyan.
Lagi kong naririnig sa mga classmate ko na nakakatakot daw sumakay dito pero kung titignan mo naman siya hindi. Nung dumating sila faith ay sumakay na kami nung una ay hindi ako kinakabahan dahil mukhang e duduyan ka lang naman niya pero nung nakasakay na ako ay parang gusto kona bumaba at parang masusuka ako kaya napahawak nalang ako kay yves at sumigaw ng sumigaw.
Pagkababa namin ay tawa ng tawa ulet si yves kaya naman inirapan ko lang siya. Ang sunod na pinuntahan namin ay ang horror house. Pagpasok namin ay medyo kinakabahan na ako buti nalang at may mga kasabay kami at naglakad hinahanap ang exit ng nasa kalagitnaan kami ay bigla akong napasigaw dahil may biglang lumabas.
"Hey are you okay?" tanong ni yves tinanguan ko lang siya nagulat ako ng pumunta siya sa likod ko
"You go first nandito lang ako sa likod mo" nakangiting sabi niya kaya naman naglakad na ako at buti nalang ay nahanap din namin agad ang exit. Nang mapagod ay nagpahinga kami saglit
"Here" sabi ni yves at inabot ang isang mineral water
"Thankyou" nakangiting sabi ko
"Are you okay?"
"Hmm medyo napagod lang"
"Let's rest for a while maaga pa naman"
Nagpahinga pa kami dun at ng maging okay ay lumabas kami ay nakita namin na madalim na pala nag-uusap silang tatlo dahil gusto sumakay ni liam and faith sa extreme tower pero dahil may takot ako sa heights ay sabi ko ayoko at hihintayin ko nalang sila.
"Sige na ave please" pamimilit ni faith pero inilingan ko lang siya
"Sorry ayoko talaga haha" sabi ko sakanya
"Pwede naman kayong tatlo nalang tapos iintayin ko kayo" nakangiting sabi ko sakanila
"Edi maiiwan ka dito" nakangusong sabi ni faith
"Sige kayo nalang iintayin nalang namin kayo dito" biglang sabi ni yves kaya napatingin ako sakanya
"Ano laurent okay lang naman sumama kana sakanila"
"No it's okay nagpunta ko dito para makasama ka since ayaw mo din edi sasamahan nalang kita" nakangiting sabi niya at bumaling kay liam
"Sige na dude antayin namin kayo dito"
"Sure ka bro?"
"Of course pagkakataon mona din yan"
"Gago HAHA"
"Antayin namin kayo dito"
"Sige" sabi ni liam at umalis na para pumila kami naman ni yves ay umupo dun sa may bench
"May gusto kabang gawin?" tanong ni yves
"Ikaw ba?" tanong ko din sakanya
"Hmm wala naman"
"Intay nalang natin sila"
"Sure after nila ay sakay tayong perris wheel? Let's watch fireworks while nasa perris wheel tayo"
"Hmm that's a good idea i love fireworks"
"You love fireworks why?"
"Wala lang kasi napaka ganda nilang tignan at kapag nakakakita ako ng fireworks para bang ito ang nagsasabi sakin na wag kang mawawalan ng pag-asa at may bagong simulang darating kasi" sabi ko sakanya
Nilingon ko siya at nakitang nakatingin saakin.
"Why? May dumi ba ako sa mukha?"
"Hmm haha wala iniisip ko lang kung baket ginawa ko sayo yung mga bagay na ginawa ko sayo noon"
"Ano kaba wala na yon at tsaka tapos na din naman yon"
Sabi ko sakanya hindi din naman nagtagal ay dumating na din sila faith.
"Hoy ave may kwento ako sayo kaya lang bukas nalang tatawag ako sayo" sabi ni faith
"Sure yan ah? Baket may something naba?"
"Secret" nakangiting sabi niya at pumunta na kay liam.
Hmm i think may nangyari sa extreme tower mukhang ang saya saya ni faith.
Dumeretso kaming apat sa perris wheen pero hindi namin sila kasama sa loob pero katabi lang namin yung sinasakyan nila nang umandar yung perris wheel ay medyo kinakabahan ako ng makita yon ni yves ay lumapit siya saakin at hinawakan ako sa bewang na ikinagulat ko
"Don't worry nandito ako wag kang matakot remember what i told you? We'll face you fears together so don't be scared" sabi niya
"Look sofia ang ganda ng fireworks" sabi niya at dahil katabi ko ang bintana ay tumagilid lang ako at pinanuod ang fireworks si yves naman ay nasa likod ko at nagulat ako ng niyakap niya ako patalikod at ipanatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.
"Hmm you're right fireworks is so beautiful. Beautiful like you" sabi niya kaya napalingon ako sakanya at nakitang nakatingin din siya sa akin sobrang lapit ng mukha namin konting galaw ay mahahalikan kona siya.
"Sofia Avery i know medyo mabilis dahil hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin at ganon nalang kabilis ang naramdaman ko" sabi niya
"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal na sabi ko sakanya
"Avery Can i court you? Pwede ba akong manligaw?"
END OF CHAPTER 9..
|BLYTHE KIM|BK💜|
OMG CHAPTER 9 NA TAYO!!! 😭 I THINK THIS TIME MAKAKATAPOS NA TALAGA KO NG STORY HUHU THAANKYOU SO MUCH GUYS!!! KEEP SAFE ENJOY!!!