CHAPTER 17

"Anak" sabi ni mama habang umiiyak kaya naman lumapit agad ako sakanya

"Ano pong nangyare?" tanong ko ng hindi ako sinagot ni mama ay nilingon ko si papa at bumuntong hininga siya at saka ako hinarap.

Aaminin kong kahit hindi pa sila nagsasalita e kinakabahan na ako dahil alam kong hindi sila iiyak ng ganto kung walang nangyari.

"Natanggal kami pareho sa trabaho anak at sa tingin namin ay hindi namin kayo kayang tustusan sa pag-aaral niyo." malungkot na sabi ni papa

"Po? Edi mag tatrabaho nalang po ako para may pang-aral kami ian" sabi ko dahil ayokong huminto sa pag-aaral sayang ang nasimulan ko

"Anak kasi pinapaalis na din tayo dito sa bahay kasi matagal na din kaming hindi nakakabayad" sabi ni mama na ikinagulat ako ANO? matagal ng hindi nakakabayad pero.

"PO? PANO PO NANGYARI IYON? MAMA SAYANG YUNG SCHOLARSHIP KO KUNG TITIGIL AKO!" sabi ko at pinipigil ang inis na nararamdaman ko.

"Anak yung perang pinangluwas natin dito sa maynila at ang pinambayad natin sa bahay at sa school ni ian ay puro utang lang ngayon siningil na nila kami kaya kahit sa ipon namin ng mama mo walang natira dahil pinambayad namin lahat kaya naisip namin ng mama mo na tumigil muna kayong dalawa at uuwi tayo ng probinsya ikaw titigil ka muna sa pag-aaral at tulungan mo kami ng mama mo kasi anak hindi na din namin kaya" sabi ni papa at nakita ko ang luhang nalaglag sa mata niya

Tanginang buhay to! Baket naman sabay sabay? Pagkatapos kang lokohin titigil naman ngayon sa pag-aaral pinaparusahan naba ako sa mga naging kasalanan ko?

Eto ang unang pagkakataon na makikita kong umiyak si papa siguro nga wala na talaga kaming pera kasi si papa yung tipong pag may problema hindi iiyak ng ganto kasi lagi siyang nakakahanap ng paraan dahil ayaw niya kaming ibalik sa probinsya kaya naman ng makita ko siyang umiiyak ngayon siguro ay talagang wala na siyang paraan na mahanap.

Napagdesisyunan nilang umalis the day after tomorrow pumayag nalang kahit nanghihinayang ako sa mga maiiwan ko dito si faith ang wcu ang pag-aaral pero alam kong kahit ako ay walang magagawa. 

Kaya pag tapos naming mag-usap ay dumeretso ako sa kwarto ko at doon umiyak hanggang sa makatulog ako kinabukasan ay nagpaalam lang ako kela mama para pumuntang school at magpaalam sa guidance office at sa bestfriend ko. 

Hindi na kami nag-usap ni faith tungkol sa nangyari kagabi pero nagtext siya kaninang umaga sinabing magkita nalamang daw kami sa labas ng gate kaya ng makarating ako doon ay agad ko siyang nakita at nilapitan

"Faith" bati ko sakanya na ikinagulat niya

"Aveee" sabi niya at nagyakap kami

"Kamusta?" sabi ko habang naglalakad kami papasok syempre like the old times pinag uusapan nanaman kami pero dahil sanay kami ay hindi nalang namin sila pinansin

"Hmm okay lang naman ikaw ba? Baket hindi ka naka uniform?" tanong niya kaya naman huminto ako sa paglalakad at dahil maaga pa ay hinatak ko siya dun sa may malaking puno na nasa field at naupo kami sa damuhan

"Nandito ako para mag paalam" sabi ko sakanya at napalingon naman siya

"Ha? mag paalam? Baket? Aalis ka?" tanong niya

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya nahihiya ako sakanya dahil iiwan ko siya dito sa gitna ng problema.

"Babalik na kasi kami sa probinsya"

"HA?" sabi niya

"Oo e nagka problema kasi sila mama at nagkasunod sunod na kaya nag desisyon silang bumalik na ng probinsya" sabi ko habang nakayuko dahil nahihiya talaga akong sabihin to sakanya ngayon pareho kaming may problema iiwan ko siya. Inaantay kong magsalita siya pero hindi niya ginawa kaya naman napaangat ako ng tingin sakanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya

"Ano yan? makikinig ako"

"Natanggal kasi sila mama sa trabaho at pinapaalis na din kami sa bahay tapos andami pang utang nila" sabi ko at hindi na napigilang lumuha

"Sasabihin ko sanang wag kana umalis at tutulungan kita pero mukhang malaki nga ata ang problema mo kaya sige di ako magagalit sayo basta alagaan mo ang sarili mo don okay? Bibisitahin kita don magkalapit lang naman tayo e" sabi niya sabay yakap saakin

"Thankyou faith you're the best best friend sobrang mamimiss kita" sabi ko at ginantihan ang yakap niya

Pagkatapos naming mag usap ay dumeretso na ako sa guidance office para e process ang papers

"Sayang naman at titigil ka running for latin honors ka pa naman hija" sabi ni mrs mendoza

"Ako din po ma'am nanghihinayang pero wala po akong magagawa e kailangan ko din po tulungan muna sila mama" sabi ko

Pagkatapos kong mag paalam sa guidance ng school namin ay tsaka ako lumabas at naabutan kong nag-aantay sakin sa faith nagulat akong nandon pa siya dahil start na ng first subject kaya naman nilapitan ko siya

"Hey, start na ng class ah" sabi ko at napalingon naman siya saakin

"Hmm hindi ako papasok ngayon pwede bang mag bonding tayo ngayong araw?" sabi niya

"Sigurado ka? Baka may quiz ngayon"

"Quiz lang yon mas importante saken ang araw nato ngayon di natin alam kung kelan pa tayo ulit magkikita"

"Kung ganon edi sige saan ba tayo?"

"Dito muna tayo sa school hangganh lunch break since hindi ako papalabasin jan sa gate ikot nalang muna tayo?"

Alam kong paulit ulit kona tong sinasabi pero nagpapasalamat talaga ako kay god kasi binigay niya saakin ang best friend na katulad ni faith akala ko magagalit siya saken kasi iiwan ko siya pero hindi inintindi niya ako sana dumating ang araw na ako naman ang gagawa non para sakanya sobrang daming sacrifices ni faith para saken.

Pag nagkita tayong muli faith pangako susuklian ko lahat ng ginawa mong pagtatanggol pagtulong pakikinig saakin.

Naglakad lakad kami sa loob nh campus huminto lang kami nung nakarating na kami sa aming tambayan sa may loob ng gymnasium pagkarating namin doon ay umupo kami

"Sorry faith kung iiwan kita" sabi ko sakanya

"Ano kaba ave okay lang basta mag promise ka sakin dapat pag nagkita tayo successful na tayo dapat okay?"

"Promise"

Nagkwentuhan lang kami habang nakaupo binalikan ang nakaraan ang masasaya malungkot na mga memories naming dalawa. Hanggang sa mag lunch time na lumabas na kami ni faith ng gym pagkalabas namin ay marami ng studyante kagaya ng dati pinagbubulungan pa din nila kami pero hindi namin sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa may mabunggo kami.

Magagalit na sana ako kasi hindi tumitingin sa dinadaan pero nung nakita ko kung sino ay iniwasan ko nalamang si yves pagkapulot ko ng mga papers na hawak ko kanina ay aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso kaya napalingon ako sakanya

"A-avery C-can w-we t-talk?"

END OF CHAPTER 17

|BLYTHE KIM | BK |

HI HERE'S AN UPDATE ENJOOY