Hello sorry sa super matagal na update super busy lang talaga sa module huhu. i'm not supposed to post this chapter here but since i made a promise so here ya go HOPE YOU ENJOY READING!💜 this chapter is ahead on wattpad you can search my username there "andreaaaariego" ENJOY LOVES BORAHAE💜
--
"C-can we talk?" sabi ni yves
May dapat paba kaming pag usapan? May hindi paba siya nasasabi? Kulang pa ba yung nangyari kahapon sa party niya?
Napatingin ako sa mga studyanteng nagbubulungan ng makita ang ginawa ni yves kukunin kona sana ang braso ko pero naramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya doon. "Ah--" magsasalita na sana ko ng hatakin ni faith ang braso ko sa kamay ni yves.
"Pwede bang tigilan mo na? Ano pa bang gusto mo?" sabi ni faith kay yves. Baket namamaga ang mata niya? Nasaktan ba siya dahil sa nangyari kahapon? Well deserved.
"Gusto ko lang naman makausap si avery i want to explain please avery let me explain" sabi niya
Magsasalita na sana ulit ako kaso biglang tumunog ang cellphone at mabilis itong sinagot
"Ma" Sabi ko
"Nasan kana? Umuwi kana aalis na tayo"
"Sige po" sabi ko at binaba tinignan ko si yves gusto ko sana siyang kausapin para malaman kung baket niya ginawa sakin yon pero siguro hindi pa eto yung tamang panahon para don.
"Sorry pero kailangan ko ng umalis" sabi ko at tumingin kay faith
Mabilis kaming tumakbo ni faith narinig ko pang tinawag ni yves ang pangalan ko pero hindi kona siya nilingon pagkarating namin sa gate ni faith agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit mamimiss ko tong best friend kong to ng sobra sana pag nagkita kami parehas na kaming angat sa buhay.
"Sorry kailangan kitang iwan ang dami kong gustong sabihin sayo pero wala na akong time kaya sana basahin mo yung sulat na binigay ko sayo mag iingat ka dito sa manila okay? Wag ka magaalala iingatan ko ng sobra yung phone ko para may komyunikasyon pa din tayo i love you faith thankyou for everything" sabi ko sakanya habanh nakayakap ang kaninang panipigilang luha ay tuluyan ng nagbagsakan
"Ave promise magkikita pa tayo ulet mag-ingat ka don okay? Wag mo papagurin sarili mo masyado sa trabo and please tapusin mo study mo okay? Sabay tayong mag aapply okay? I love you too you know that mamimiss kita sobra" sabi niya
Bumitaw ako sa yakap ko sakanya at mabilis na pinahid ang luha sa mata ko at mata niya nararamdaman kong kanina pa nag vibrate ang phone ko kaya nagpaalam na ako sakanya
"Bye faith "
"Bye Ave.. "
Pag katapos kong mag paalam kay faith ay mabilis akong umuwi sa bahay pagkarating ko doon ay nakaayos na ang lahat aalis nalang kami.
Labag sa loob ko na bumalik ng probinsya kasi nangako ako sa sarili ko na magtatapos ako dito sa maynila at tutulungan ko si mama pero nabigo ako dahil nainlove ako.
Habang nasa byahe patungo sa aming probinsya hindi ko maiwasan maisip ang mga masasayang alaala ko kasama si faith at si yves yung mga panahong lumalabas kami mga panahong hinahatid sundo niya ako sa totoo lang hindi ako naniniwalang niloko ako ni yves kasi sa tuwing magkasama kami nakikita ko na masaya siya.
Hindi ko napigilan ang luha ko na bumagsak ng bumalik sa akin ang mga alaalang iyon mahal ko na ata talaga si yves. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pagkagising ko ay nasa tapat na kami ng aming bahay.
"Bukas ay susubukas kong mag apply sa munusipyo sabi ni nena ay naghahanap daw ng janitress ang munusipyo kaya susubukan ko" sabi ni mama habang kumakain kami
"Mama wag nalang po may nakita po ako kanina sa bayan pag daan natin na restaurant hiring po sila ako nalang po ang mag tatrabaho tapos dito nalang po kayo ni papa magpahinga muna po kayo ng mga ilang buwan" sabi ko kay mama alam kong hindi siya papayag kasi lagi niyang sinasabi samin ni ian na pagtatapusin niya kami ng pag-aaral sa abot ng makakaya niya pero siguro eto na yung oras para ako naman gumalaw sa aming pamilya madami nadin silang sakripisyo para saming dalawa ni ian.
"Sigurado kaba jan anak?" sabi ni papa tumango naman ako "Pano ang pag-aaral mo?"
"Siguro po pag nakaipon nalang po ako tsaka po ako mag-aaral sa ngayon si ian muna po ang pag-aaralin ko" sabi ko kahit gustong gusto ko mag tapos ay wala akong magagawa ang tanging magagawa ko lamang ay mag trabaho at mag ipon para makabalik sa pag-aaral.
"Pasenya kana anak alam kong gusto mo makapagtapos sa maynila pero hindi mo magagawa iyon dahil sa amin" sabi ni mama kaya napalingon ako sakanya at nakita kong umiiyak siya
"Mama okay lang po baka hindi pa po eto yung time para makapag tapos ako sa ngayon si ian muna" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain alam kong magagalit sakin si faith pag nalaman niya ang desisyon kong ito pero alam kong maiintindihan niya ako
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis at inayos ang mga papeles ko para sa papasuking trabaho bukas.
Pagkatapos ng interview ko sa restaurant sa bayan ay dumeretso naman ako sa isang bar kilala itong bar na ito sa buong syudad dahil mga bigating tao ang mga napupunta kaya naman ay sinubukan ko din mag apply.
Pagkalabas ko ng bar ay nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan masyadong malayo ang mga sakayan dito kailangan mo pang sumakay ng jeep hanggang dun sa pangalawang sakayan. Pagkarating ko doon ay sumakay na ako at hindi naman nagtagal ay nakauwi na ako sa aming bahay.
Sana matanggap ako kahit isa sa mga inaapplayan ko)):
Pag pasok ko sa bahay nakita ko sila mama at papa na nanunuod ng TV sa sala na magkaakap napangiti ako kahit matanda na sila hindi parin talaga nawawala ang sweetness sakanila dalawa.
"Oh anak nandito kana pala kamusta ang lakad mo?" sabi ni mama kaya lumapit na ako sakanila at nagmano
"Ayos naman po" nakangiting sabi ko
"Oh siya kumain ka na ba? "
"Hindi pa po pero mamaya nalang po magpapahinga muna po siguro Ko "
"Oh siya sige"
Pag akyat ko ay nahiga na ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.
END OF CHAPTER 18
|BLYTHE KIM|BK|
hello this chaper is ahead on wattpad