DON'T FORGET TO STREAM "BE" ALBUM ESP LIFE GOES ON 💜💜
--
Pagkatapos ng pag uusap namin ni yves kagabi gumaan ang pakiramdam kona parang wala ng mabigat na dinadala pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa confession niya kagabi.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano. Dapat ba akong maniwala? Sa pagkakataon bang ito hindi na siya nagsisinungaling?
I like him, I liked yves but i'm scared na baka hindi nanaman totoo pero meron saakin nagsasabing totoo ang sinasabi niya. Totoo nga ba? O baka naman hindi? Ugh! Mababaliw na ako kakaisip.
Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya pero may parteng ayaw maniwala this is so frustrating.
Naputol ang pag iisip ko ng makita ko sa harap ko si yves na nakangiti saakin at saka lang bumalik sa isipan ko na nagpaiwan nga pala siya at hindi siya sumama pabalik kela faith sa maynila dahil babawi daw siya saakin.
"Good morning" sabi niya ng nakangiti.
"G-goodmorning" sabi ko ng nauutal dahil hindi ko makayanan ang presensya niya sobrang gwapo lang sa umaga! Totoong tao ba to?
"Is it okay if i invite you for breakfast?" sabi niya nagulat naman ako mag bebreakfast kami?
"Ahm sure sige" sabi ko at ngumiti sakanya nakita ko namang ngumuso siya at nagpipigil ng ngiti.
Naglakad kami papunta sa sasakyan niya medyo malayo ako sakanya dahil medyo na aawkwardan ako normal lang ba to?
Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto sa front seat medyo nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko pinahalata sakanya.
Pagkasaya niya ay agad niya din naman pinaandar ang sasakyan wala akong ideya kung saan kami kakain ng maalala kong kakain nga pala kami ay mabilis kong hinanap ang wallet ko sa bag at mukhang napansin niya iyon kaya napalingon siya saakin.
"Is there a problem? May nakalimutan kaba?" sabi niya kaya naman ay napalingon ako sakanya kaya nagtama ang mga mata mabilis naman akong nag iwas ng tingin dahil hindi ko talaga kayang makipag titigan sakanya!
"A-ah ahm wala naman may chineck lang" sabi ko at ngumiti tumango naman siya saakin at nagpatuloy sa pagmamaneho at ako ay nagpatuloy sa paghalungkat ng bag ng makita ang wallet ay mabilis kong tinignan ang pera sa wallet ngunit hindi ko inalis ang wallet sa bag dahil nahihiya ako.
Nang makita na 300 nalang ang pera dahil pinambayad sa kuryente at tubig ay tsaka naman kami huminto sa isang hotel.. Damn it! Mukhang sa mamahalin pa ata kami kakain wala akong pera.
Naramdaman kong napalingon saakin si yves ng hindi ako bumaba sa sasakyan. "Is there a problem? Ah a-ayaw mo ba dito?" sabi niya at nakita kong medyo kinabahan siya napailing naman ako.
"A-ah h-hindi" sabi ng nauutal at yumuko "W-wala kasi akong p-pera p-wedeng sa mura nalang tayo kumain? Mahal ata diyan e" sabi ko habang nakayuko dahil nahihiya talaga ako.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Don't worry my treat" sabi niya habang nakangiti.
"A-ah nakakahiya naman" sabi ko ng hindi makatingin sakanya.. Bat ba kasi sobrang gawapo netong tao nato? Sobrang blessed sanaol!
"This is just small thing don't worry so ano? Let's go?" sabi niya at pumunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"Babayaran nalang kita sa sweldo ko" sabi ko at bigla naman siyang tumawa kaya naman napatingin ako sakanya anong nakakatawa?
"You haven't changed huh" sabi niya at na realized na siguro naalala niyang hindi talaga ako nagpapalibre napangiti naman ako don at inirapan siya pero tinawanan niya lamang ako.
Naglakad kami papasok at habang papasok ay naramdaman kong panay ang tingin saamin at alam ko na agad na sa kasama ko sila nakatingin dahil kahit simpleng black na jeans white na shir at sneakers lang ang suot niya ay sobrang gwapo niya pa din. Kaya naman lumayo ako ng kaunti dahil bigla akong nahiya buti nalang hindi ko pa suot ang uniform ko sa trabaho kaya nakasuot lang ako ng isang high waist jeans and oversized shirt na tinuck in ko at isang white rubber shoes.
Pagkaupo namin ay agad kaming umorder "What's yours?" sabi niya tumingin ako sa menu pero dahil wala naman akong pera ay hindi na ako pumili.
"Kung ano nalang sayo yun din akin" sabi ko
"Sure?" paninigurado niya tumango nalamang ako sakanya at ngumiti umorder siya ng dalawang pancake at mango juice.
"Ahm anong oras ang tapos ng trabaho mo?" tanong niya
"Hmm depende pag weekdays ay 9:30 pag weekend ay 10:30" sabi ko sakanya iba ang oras namin pag weekend dahil madaming customers pag weekend kaya naman late din kaming nakakauwi minsan nga ay umaabot ng 11:30 ng gabi pag talagang madaming kumakain.
"So 9:30 ka ngayon?" tanong niya actually pwede din gabihin kung madaming Customer pero nagpaalam ako kay lance kung pwede ba akong umuwi ng 9:30 dahil nga may isa pa akong trabaho. Nakatanggap ako ng text kagabi at sabi ay natanggap daw ako sa inaapplayan ko sa club bilang waitress.
Ang club tilt ay iba sa mga club dahil ang club tilt ay hindi masyadong wild ang mga tao at talaga responsable ang mga umiinom kaya wala akong panganmba ng mag apply ako dahil wala pa naman nababastos doon dahil sa oras na mambastos ka doon ay ibabanned ka sa club at ipinapakulong nila.
"Ahm actually no. Kasi may isa pa akong trabaho kaya baka mga 3am na ako makauwi" sabi ko at nakita ko medyo nagulat siya sa sinabi ko.
"3am?" tanong niya at tumango naman ako
"May isa pa kasi akong trabaho sa club tilt nag apply kasi ako don dahil hindi sapat ang sweldo ko sa pangangailangan namin sa bahay" sabi ko.
Magtatanong pa sana siya ngunit dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya na ako bababa na sana ako ng pigilan niya ako.
"Susunduin kita mamaya is that okay?" sabi niya nagulat naman ako don.
"Pero gabi na ako makakauwi" sabi ko
"It's okay kesa naman umuwi ka magisa" sabi niya napangiti naman ako don damn it! Hanggang ngayon talagang sweet pa din siya.
"Ahm hindi naman kailangan kasi baka nakakaabala ako sayo pero sige kung gusto mo" sabi ko at ngumiti
"Then can i get your number? So i can text you later?" sabi niya ako naman ay natigilan na talaga number ko? Hinihingi niya? Okay kalma avery number lang ang hinihingi.
Binigay ko ito sakanya at mabilis nagpaalm at pumasok sa trabaho na masaya kaya naman habang nagtatrabaho ay nakangiti ako at maganda ang mood.
END OF CHAPTER 22
|BLYTHE KIM | BK |
THIS CHAPTER IS AHEAD ON WATTPAD