Rhunzel's POV
Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa mga litrato ng aking kapatid rito sa aking cellphone Miss ko na si kuya, kailan kaya siya uuwi? Ikakasal na lamang ako, wala pa rin si kuya.
Napahilamos na lamang ako at agad na tumayo, pumanhik muna ako sa baba saka kumuha ng maiinom. Napapansin kong masyadong lutang ang aking isipan ngayon. I can't even concentrate.
Pakiramdam ko lumilipad kung saan-saan ang utak ko. Jusmiyo, ano ba 'tong iniisip ko. Sobra na talaga 'to. I'm so stressed about the upcoming wedding. Iilang araw na lang at kasal na namin.
Tatawagan ko na lang si Vincenzo. Hinugot ko ang aking telepono saka ko dinial ang numero ng bakla, sumagot rin naman ito kaagad.
"Bakla" walang buhay kong saad.
"(Yes, shokla? May kailangan ka ba? I'm all ears, ano ba 'yon?)" Matinig nitong sagot.
Humila muna ako ng upuan saka ko rin linapag sa mesa ang baso ng tubig. "Mall tayo" ani ko.
"(Sure, I'm free right now)" bakas ang saya sa boses nito. Ano nanaman kaya ang ginawa ng baklang ito?
"Okay ka lang?" Malumanay kong tanong.
"(Anong ako? Dapat itanong mo 'yan sa sarili mo. Are you okay?)" Umiling-iling ako kahit na hindi niya ito nakikita.
"Hmm, bakit ang saya mo ngayon?"
"(Break na kami!)" Masaya nitong sigaw. Medyo bumaliktad naman 'yong utak ko sa sagot nito. What did he just say? Masaya siya na break na sila ng boyfriend niyang bouncer?
"Eh? Bakit?" Nakakunot ang noo ko nang itanong ko iyon.
"(Ano ka ba, shokla. May baby Sky na ako, ano)" malandi nitong sagot. Putragis na bakla, ipinagpalit ang boyfriend niya sa isang mayaman na gwapo?
"What? All you want is money? Mayaman naman 'yong boyfriend mo, ah?"
"(Hindi 'no. Mayaman nga si Kashmir, pero alam mo na. Pakiramdam ko kasi maliit 'yong tito niya)"
Tito?...
"Tito? Maliit 'yong tito ni Kashmir kaya ka nakipaghiwalay? Ayaw mo sa mga pandak?" Narinig ko naman itong napahalakhak sa tanong ko.
"(No, hindi 'yon ang ibig kong sabihin, bebe. Maliit mismo 'yong tito niya)" napahawak naman ako sa aking ulo. What the hell is he talking about?! Who's that uncle?
"What you mean is his uncle, right? Kashmir's uncle is short?"
Bumuntong-hininga ito. "(No, 'yong alaga niya, maliit)" mabilis ko namang nasapo ang aking noo. Bwesitang ito.
"O tapos? Iyon lang ang dahilan kaya ka nakipaghiwalay sa kanya? What the fvcking fvck, Venice! Are you fvcking damn out of your fvcking vicious mind?!" Malakas kong mura rito. I drunk my water saka ko rin marahan na binagsak ang baso sa mesa. Medyo muntikan na rin itong mabasag sa lakas ng pagkabagsak ko rito.
"(Chill ka lang, that's not the reason)" kalma niyong sagot.
"Then what's the reason? Jusmiyo ka, Vincy. Nakakaloka ka, kaibigan ko pa naman ang bouncer na 'yon" tinakpan ko na lamang ang aking mukha. Nakakahiya ang baklang 'to.
"(Hay, kung alam mo lang talaga, shokla. I hate him)" tumahimik ako and I waited him to continue. "(Paano ba naman kasi, akala ko, ako lang 'yong mahal niya. May iba na pala siya)" habang pinapakinggan ko ang boses nito. Walang bahid na lungkot o sakit na bumakas rito. Is he really that happy?
"Maganda ba?" I questioned him seriously. He laugh horribly.
"(Maganda ba?! Eh, mukha ngang bunot ang mukha no'n eh)" pinipigilan ko ang sariling matawa sa sagot nito.
Walang preno-preno nga naman talaga...
"Okay lang 'yan. Meron kasi siyang dibdib at ring" I crossed my arms while waiting for him to speak.
"(Ano? Duh, pareho lang naman kami. Mas maganda pa nga ako do'n eh)" mataray nitong sagot.
"Oo nga, babae naman siya. Baka ayaw niya talaga sa mga bakla" kumaripas pa ito ng tawa.
"(Shokla, pareho nga lang kami. Mga baklush ang peg ni kuyang bouncer. Hindi babae 'yong pinalit niya sa 'kin, mukhang bunot 'yong mukha at 'yong buhok nama'y mukhang mop)" natawa na lang rin ako.
Ang hilig pala talaga ni Kashmir ng mga bakla. Pfft, halata mga naman.
"Hahaha, bahala na bakla, okay lang 'yan"
"(Of course, I'm very okay. Nandyan naman si baby Sky eh. Mukhang mas mahaba at mas malaki 'yong sa kanya)" bigla nanamang naging malandi ang boses nito.
Ang landi ng baklang 'to, kahit kailan talaga.
"He's not your baby. I also think he like someone else, kaya nga hindi siya sumasama sa mga gala ng kaibigan niya"
"(Ah basta, I'm Sure. Mas maganda pa ako diyan sa babaeng gusto ng baby Sky ko)" he's really, hell of a kind.
"Don't be so competent, Vince. A decent guy like him will marry a beautiful lady" mahina kong sagot.
"(Support ka na lang. Malapit na ang linggo, we'll see)" bumuntong-hininga na lamang ako.
"Tsh, sige na. Pupuntahan kita diyan" mabilis kong pinatay ang cellphone saka ko ito binalik sa aking bulsa.
Matamlay akong tumayo saka ako naglakad patungo sa aking silid. Why am I so weak this day?
Nagbihis muna ako ng t-shirt saka long pants. Sumakay ako ng aking kotse at minaneho ko ito patungo sa café ng bakla.
"Vince, tara na" tawag ko rito. He faced me with a smile on his lips.
"Gora!" Sigaw nito habang may dalang pamaypay sa kabilang kamay nito.
"Your car or mine?"
"Mine na lang" sagot nito. "Bibili pa ako ng damit ko para sa kasal ninyo. Kailangan ko 'yong bonggang damit. Iyong mala Lady Gaga" mahina lamang akong natawa saka rin ako sumakay sa kanyang sasakyan. "Your wedding will be the day after tomorrow"
Natampal ko naman ang aking noo. Jusmiyo, Oo nga naman. Malapit na talaga ang kasal. Isang araw na lang, kasal na namin!
Grrrr!...
Naiinis na talaga ako. Bakit ba sa tuwing naaalala ko ang kasal na 'yan naiinis ako. Aish, I want to die! Mahal ko ang buhay ko, pero hindi naman ata tama na ikakasal ako sa taong hindi ko man lang kilala o hindi ko man lang mahal. Ang unfair kaya no'n.
Hay, please help me...
Habang nasa biyahe kami, hanalungkat ko muna ang aking sling bag. Kinuha ko mula roon ang aking pouch. Pagbukas ko niyon, laking gulat ko na lamang nang makita kong isangdaan na lang natira. Jusmiyo marimar, ano ba ang binili ko?
Mabilis ko itong sinarado at hinugot ang aking cellphone. Mabilis ko rin namang dinial ang numero ng aking ina. Sinulyapan ko muna si Bakla.
"Anong nangyari?" Ani pa ni bakla habang nasa daan ang tingin.
"Ano... Ubus na 'yong pera ko, hihingi muna ako kay Mommy" I answered him while waiting for my mother to answer my call.
"Wow, first time 'yan, ha" I tsked. Napansin ko naman na sinagot na ito ni Mommy.
"Fifty thousand" saad ko and I directly ended the call.
"Anong fifty thousand?" Asked, Vince.
"The amount of money that I want" sagot ko. Hindi ko ito sinulyapan at nakatingin lang ako sa daan.
"Gano'n?"
"Hmm?"
"Gano'n ka lang ba manghihingi? You're really spoiled" sagot nito.
Ngumisi naman ako saka ko ito tiningnan. "Thank you, I will take that as a compliment" bigla naman itong nainsulto sa sinabi ko kaya mahina akong natawa.
"Don't laugh" anito at ngumuso.
"Sige na, malapit na tayo"
Huminto ang sasakyan malapit sa mall sakto rin na tumunog'yong cellphone ko kay mabilis ko itong tiningnan. Napangiti na lamang ako nang makita ko kung sino 'yon. Mabilis ko itong sinagot.
"(Hi, how's my baby?)" I missed him so much! I missed his voice.
"Hiiii! Keydan!" Masaya kong bati rito. I'm glad he called me.
"(How are you? Malapit na akong uuwi diyan)" bumuo ang saya sa aking buong katawan. Para g nasasabik ako sa kanyang sinabi.
"Kailan?"
"(Surprise lang 'yon, baby. I don't want to tell you about this)"
"Keydan, I'm getting married" malungkot kong saad rito. Narinig ko naman itong nagmura.
"(What?! Sino?! You're getting married, by who?! What the hell)" tumaas ang boses nito kaya bumuntong-hininga pa ako.
"Let's talk about this kung uuwi ka na. I'll be looking forward to it" matunog pa itong bumuntong-hininga.
"(Okay, fine. Take care, okay? I love you, baby)" tumango naman ako bago sumagot.
"Love you too" pinatay ko na ang tawag saka ko rin sinundan si bakla.
I don't know kung ano ang magiging reaksyon ni Keydan. Medyo kinakabahan naman ako, masungit pa naman 'yon. Aish, I have many problems! I have millions of problems.
"Sino 'yong kausap mo kanina?" Umiling-iling lang ako at pumasok sa loob ng pintuan.
"Bakla, tara na" pumasok kami sa isang boutique saka bumili ng mga kung ano-anu. Hanggang sa mapuno ng mga samot-saring mga bag 'yong kamay ko, gano'n na rin si bakla. Sa dinami-rami ng mga pinamili namin, halos hindi na namin mahahawakan lahat ng mga bagay.
"Sabihin mo lang sa akin kung nahihirapan ka na, mabigat pa naman 'yan" ani ko.
Dala-dala ni bakla ang ibang mga bag ko, siya rin naman ang nagpresenta na siya na raw bahala sa ibang mga bagay. Timing rin na marami ang nabili namin.
"Ang dami, nahihirapan na ako, shokla" sagot nito.
"Okay, thanks for reminding. Tara na" saad ko at naglakad papasok sa loob ng sasakyan.
Napansin ko naman na walang nakasunod sa akin kaya umikot ako upang lingunin ito.
"What? Are you just going to stand there?" Pataray kong tanong. Umirap naman ito at nahihirapang maglakad. Nauna na akong pumasok saka ko ito pinabayaan na ipasok sa loob ng compartment ang mga dala naming pinamili.
"Uwi na tayo?" Sinulyapan ko si bakla nang makapasok ito ng sasakyan. I shake my head
"Punta muna tayo sa SS" saad ko rito.
"OMG, may porblema ka girlalu?! Bakit gusto mong pumunta sa club?" Hindi ko ito sinagot. I turned on the radio and listen to the music. "Hoy, tinatanong kita" saad ni bakla saka niya rin pinatay ang radyo.
"Aish" saad ko and I turned on the radio, again.
"Shokla, naiinis na ako sa 'yo, ah? You're nakakairita na. You're very kalerky na" pag-iinarte nitong saad at pinatay nanaman 'yong radyo. Masama ko itong tiningnan. I turned on the radio, once again.
"Basta, punta na lang tayo doon. Faster, you're annoying me" inis kong saad.
Pinatay nanaman nito 'yong radyo kaya in-on ko ito. Then our fight wad on the radio.
"Stop!" Sigaw ko kaya ngumuso ito nang tumigil kami.
"Ikaw naman kasi eh. Why don't you tell me kaya?"
"Sekret lang 'to. Tara na, malapit na tayo. Mabuti na lang at hindi tayo nabangga. Kung mababangga talaga tayo, ililibing talaga kita ng buhay" banta ko rito saka ako ngumisi ng nakakatakot.
"Sige na nga, kaloka. Ayaw ko pang mamatay, ano"
Hindi rin ako pumapatay, ano...
"O, nandito na pala tayo" mabilis naman akong lumabas saka pumasok sa loob niyon.
"Ano ba kasi ang gagawin natin dito?" Tanong ni bakla.
"Let's play billiard" I answered while walking towards the billiard room in this club.
Kumunot naman ang noo ni Vince. "Ano? Billiard?" Tanong nito.
"Hmm, I'm one of the members here. Ako na ang bahala sa 'yo" sagot ko at binuksan ang pintuan ng billiard hall.
"Hey, your back!"
"Good afternoon, Ms. Rhunzel"
"Yow, nandito ka pala"
"Hi"
Samot-sari ang aking naririnig rito sa loob ng billiard room nang makapasok ako. I'm quite popular, huh?
"Good afternoon" ngumiti naman ako.
"Sino po 'yang kasama niyo?" Tanong ni Maury. Si Maury ang tagabantay rito sa tuwing wala ang manager ng club na 'to.
"By the way" hinila ko muna si bakla papalapit sa akin. "This is my bestfriend, Vincenzo, you can call him Vince or Venice" pagpapakilala ko sa kanila.
Kumaway naman si bakla, dinaig pa 'yong mga beauty queen. "Bakla po?" Anang ni Maury. I smiled as I nod.
"Hindi ako bakla, babae ako" pataray na sagot ni Vince kaya mabilis ko itong pinalo.
"Manners" saad ko pa kaya tumahimik ito at pinagkrus ang kanyang mga braso.
Tsh, bakla nga naman.
"Tara na" saad ko at binigay sa kanya ang membership card. "Vince, laro tayo. If you can beat me, ililibre kita ng isang buwan. I don't care how much it costs, I don't care kung gaano man 'yon karami. But if I beat you, ililibre mo 'ko ng isang buwan" nakangisi kong saad while holding the cue.
Kinuha ko rin 'yong chalk na nakapatong sa billiard table and I rub it on the tip of the cue. The chalk is not that important, tho. But it's up to the player if he or she wants to use it or not.
"Ano?! Hindi nga ako marunong eh. Kaloka, talo na ako, ano" saad nito at hinaplos ang kanyang buhok patalikod.
"Tsh, Dame!" Tawag ko kay Dame na kanina pa nakatingin sa amin. Dame is one of the best player.
"Yes?" Mabilis itong lumapit sa akin.
"Kindly teach him" utos ko saka rin ako umupo sa upuan. I placed the cue on my lap while facing at them. Nakita ko kung paano mamula ang dalawang tenga ng bakla.
Ayan nanaman siya, umarangkada nanaman ang kabaklaan niya.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Panay sulyap naman si Vince kay Dame. Halatang kinikilig eh.
Gwapi naman talaga si Dame, matipuno, makisig, mayaman and I don't know what else. Maybe, I can describe him as magnificent.
Yeah, tama nga naman.
Habang naghihintay ako, panay sulyap lang ako sa pinagagawa ni Vince, jusmiyo, nakakadiring bakla.
Ang landi-landi, pweh!
"Done?" Irita kong tanong saka ko inayos ang aking damit. I stood up as I get the cue that I placed on my lap.
"Hmm" sagot ni Dame at ngumiti sa akin. Nang makalapit ako kay Dame, napapansin ko namang namumula ang tenga nito.
"Hey, why are your ears turned into red when I always come near you?" Tanong ko kay Dame. Umiling-iling naman ito.
He's always quiet.
"Okay, salamat sa pagtuturo" saad ko rito at agad ko ring linapitan si bakla. "Bakla, marunong ka na ba talaga?"
"Hindi masyado" bulong nito sa akin at nag-iwan ng tingin kay Dame.
"Ayan, landi pa kasi" inis kong singhal rito.
"Ang gwapo kasi eh. Pero loyal pa rin ako sa baby Sky ko" napailing na lamang ako.
"Dame" umikot ako saka ko ito hinarap. Bigla nanamang namula ang mga tenga nito.
What the hell is he up to?
"Let's do two against one. Tulungan mo na lang si Vincenzo, since you are one of the best player that I've known" mas lalo namang namula ang tenga nito at naglakad papalapit sa amin. "Are you sick?" Yumuko ito saka umiling-iling.
Hay, baliw.
Agad naman kaming nagsimulang maglaro. Halos lahat ng mga tao rito sa loob ng billiard room nakatingin sa akin.
Tahimik lang kaming naglalaro samantalang ang mga tao namang nakatingin sa amin ay humihiyaw.
"Shokla, ang galing mo naman" saad ng bakla nang matapos kaming maglaro. Ngumisi lang ako rito.
"Libre mo 'ko" natatawa kong saad saka ko rin ito binelatan. "Dame, thank you so much" baling ko kay Dame. Namumula ang buong mukha nito at tumango-tango.
Lumapit ako rito, tumingala naman ako nang makalapit ako rito. Masyado siyang matangkad.
"May lagnat ka ba? Bakit ka pa pumunta rito kung may lagnat ka naman pala?" I pouted. I met his gaze, his eyes wanted to speak, but his mouth was shut. "May gusto ka bang sabihin sa akin? Parati na lang namumula 'yang buong mukha mo pati na rin 'yang dalawa mong tenga. Do you have a problem, Dame? Huh?" Hinipo ko ang noo nito pero hindi naman siya mainit.
"C-can I... C-can I h-ha... H-ha" Kinakabahan nitong saad.
"Can I?" Mabilis itong tumalikod saka umiling-iling. Nakita ko pa ang namumula nitong tenga, kaya mahina na lamang akong natawa.
"Dame!" Tawag ko rito, nag-aalinlangan naman itong lumingon sa aking gawi.
"W-what?" Tanong nito without looking at me.
"Your cute" ani ko saka ngumiti. Nahihiya naman itong yumuko skaa hinawakan ang kanyang tenga. Kinuha ko naman 'yong sling bag ko na nakapatong sa upuan. "Okay guys, we're leaving!" Sigaw ko at kinawayan sila habang nakatalikod rito. Pagbukas ko ng pintuan bigla namang may bumagga sa akin na kung sino kaya nakarinig ako ng mura. Sakto rin na bumagsak ako sa sahig, mabuti na lang at hindi iyon malakas.
"Shokla, okay ka lang ba?" Tanong ni Vince at tinulungan akong tumayo. Tumango lang ako and I faced the person who bumped me.
"Act with a little bit more of dignity, will you, Ms. August" saad ko roon. Pataray naman itong humarap sa akin and she crossed her arms. May kasama pa itong isang babae na kapareho lang rin naman sa kanya. Mga prostitute sa bar.
"Oh, Rhunzel Marchenko" ngumisi naman ito kaya gano'n rin ang ginawa ko. "Nandito ka rin pala" anang nito.
"This is not only a place for someone like you. I can come here whenever I wanted to" ngumisi ako, mabilis ko rin naman itong tinalikuran.
Unang hakbang ko pa lamang ay may humila na sa brsao ko. "Yah! What do you want?" Inis kong tanong saka ko ito matalim na tiningnan.
"What do you mean someone like me?" He held my wrist tightly. Wow, kailan pa naging inglesera si Agosto?
"Ano ba ang tawag diyan sa trabaho mo? Iyon ang ibig kong sabihin, Agosto" sagot ko rito at tumingin kay bakla. Nakita ko itong masamang nakatingin kay Agosto.
Kalam ka lang bakla.
"Ah, so sinabi mong malandi ako? Gano'n ba Kendal?" Tumaas ang boses nito.
"Bakit? Hindi ba? Tsh" kumulimlim ang mukha nito sa galit.
"Wow, Rhaniella. Bravo naman talaga, kailan pa naging malandi ang babaeng August?" Umirap ako sa kawalan.
"Matagal na. You work as a prostitute, you sell yourself for money. Hindi naman sa sinasabi kong malandi ka talaga. But why can't you find a job that is worthy for you? Iyong trabahong naaayon sa 'yo bilang tao, hindi 'yong naaayon sa 'yo bilang bigay, na kapag nagsawa na 'yong taong gumamit sa 'yo, basta-basta ka na lang iiwanan? What if they got you pregnant? Hindi mo malalaman kung sino ang magiging ama ng anak mo, because you slept with different kinds of men's, ni hindi mo na lang alam kung ano ang mga pangalan nila. Be mature enough. Maraming magagandang trabaho na naghihintay sa 'yo. Don't waste yourself to this kind of job, August" Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Agosto.
"How dare you!" Inis nitong sigaw.
"I'm not concerned, tho. Kung ayaw mong makinig sa sinasabi ko, I don't give a fvck. It's up to you. I just want you to realize what you've done. Just a schoolmate's advice"
I turned around and walk away leaving her speechless. Totoo naman kasi, we were schoolmates back then. Ngayong malaki na kami, we went on a different paths.
"Wow, bongga! Ano 'yon? Speech?" Tanong ni Vincenzo nang makalabas kami ng club. Tumawa ako at umakbay rito.
"That's not a speech, only and inspirational words"
"Ugh, na hu-hurt ako. Shokla, ang ganda no'n, ha" ani ni bakla at hinaplos-haplos ang kanyang imaginary hair.
Napangiwi naman ako. "Ewan ko sa 'yo. Tara na nga" I hopped in the car saka rin ito minaneho ng bakla.
"Nga pala, shokla"
"Hmm?" I hummed. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
"Nakasalubong ko si Baby Sky kahapon. Like Oh My Gosh! Ang gwapo niya sa malapitan! I fell like... My heart went boom boom boom, parang tatalon na 'yong puso ko"
Ayan nanaman ang boses niya.
"O, tapos?"
"Galing ata 'yon sa trabaho, gabi na kasi 'yon. Ang gwapo niya shokla!" Kinikilig nitong saad at hinampas-hampas ang manibela.
"Hoy! Mababangga tayo!" Sigaw ko. "Tandaan mo talaga 'yong sinabi ko sa 'yo kanina. Ililibing talaga kita ng buhay!" Malakas kong sigaw sa loob ng sasakyan.
"Sorry na, kinikilig ako!" Saad nito. I have goosebumps on my body.
"Nakakakilabot!" Kinikilabutan kong saad at hinaplos-haplos ang aking mga braso.
"Support ka na lang, excited na ako. Makikita ko na ang baby Sky ko na nakasuot ng Tuxido. Ay! Shokla, may papi na oka!" Mabilis kong tinakpan ang aking tenga sa matinig nitong boses.
"Tumigil ka na nga, kinikilabutan ako eh" suway ko dahilan nang mapairap ito. Binuksan ko naman 'yong bintana at napansin ko rin ang isang sasakyan na sumabay sa amin.
Napalingon ako sa nagmamaneho, nakatingin ito sa akin habang seryoso lang ang mukha. "Kajick?" Mahina kong bulong at sinundan ko ng tingin ang sasakyan na papalayo.
Si Kajick 'yon?! Oh My Gosh! Si Kajick?! Bakit ang saya ng boses ko? Si Kajick 'yon?