ROSSETTI'S POV
"Are you ready to meet Lady Cuevas?" tanong ni Miss Lei sa akin.
Bigla akong kinabahan nang makita ko ang malaking gate sa harapan ko. Sa natatandaan ko, mga anim na taon ako noong huli kaming nagkita. Sana 'di ako tarayan huhuhu.
"Miss Rossetti, napatulala ka ata," saad ni Miss Lei na siyang nagpabuhay sa katawan kong nilalamig.
"Uhm, yes. I'll go ahead." Nauna na akong naglakad habang sila ay nasa likod ko.
Hindi ako sanay na may nakabuntot sakin, hmpft.
Ang laki pala nito. Napatingala ako sa itaas ng makita ang terrace nila.
"A-Aray!"
"Miss Rossetti, tingnan mo 'yan dinadaanan mo." Inalalayan ako ni Miss Lei sa pagtayo.
Malay ko bang may salamin pala sa harapan ko, ang sakit noh! Ba't yung ilong ko pa, hay.
May dalawang babaeng naka-formal suit na nagbabantay sa mala higante nilang pintuan.
"Welcome, Miss Rossetti," pagbati nilang dalawa.
Nginitian nila ako at gano'n din ang aking ginawa. Pagkatapos kong pumasok, pumunta yung dalawang babae sa harapan ko para ituro ang daan.
May pa Waze si ate.
Sa paglalakad namin, dinala kami sa isang sala. At kung hindi ako nagkakamali, siya yung nakaupo at parang naiinip.
Lagot ako nito.
"Glad to meet you again, Rossetti," saad niya at nginitian ako.
"I'm glad to meet you again, Lady Cuevas," tugon ko sa kanya.
"What did I told to you Miss Lei? One o'clock in the afternoon, you should be here with Rossetti. And you're thirty minutes late," sabi ni Lady Cuevas na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"I apologize Lady Cuevas," saad niya at yumuko.
"But the important thing, Rossetti is here with me. Give your Abuela a hug." Inilahad niya ang kamay niya at akma akong yayakapin.
May pagkabata rin siya ha, in fairness.
Pumunta ako sa kanya at yinakap ng mahigpit. Kumalas siya at hinawakan ako sa braso habang tinititigan ako.
"Starting now, you will live in this mansion with me. Tomorrow in the morning, you're having an enrollment in Branden University. You must be early." I nodded as I agree on what she said.
"Miss Lei, samahan mo siya sa kuwarto niya para makapagpahinga na siya." Pag-uutos niya kay Miss Lei at nagtungo na kami sa hagdan papunta sa taas.
Bakit ang haba ng hagdan nila, nangangawit na mga legs ko. Nasa taas na ako nang makita ko ang lawak nito.
I'm living in a fantasy world, charot.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nilalanghap ang sariwang hangin galing sa terrace.
"Miss Rossetti, dito po ang daan papunta sa kuwarto niyo." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"A-Ah sabi ko nga," tugon ko at diniretso and daan na tinutukoy niya.
Bumungad sa akin ang isang malaking pintuan.
Heto na siguro 'yon.
Binuksan ko ito nang dahan dahan, at lumantad sa paningin ko ang isang malaking kama. Agad akong tumakbo at ibinagsak ang katawan ko sa mala bulak na foam. Mas malambot to kaysa sa higaan ko kina Papa.
"Maiwan ko na po kayo," pamamalam ni Miss Lei.
"Sige, salamat na rin," sagot ko sa kanya.
Naglinga linga ako sa paligid. Ang lawak nito para maging kuwarto lang, sabagay mayaman naman sila kaya why not diba.
*Kring! *Kring! *Kring!
Dinukot ko ang cellphone ko sa bag ko.
Si Papa, tumatawag.
"Uhm, hello Pa."
"Kumusta ka diyan nak? Mabait ba sayo si Mama?" Nagdalawang isip ako sabihin na medyo mataray siya pero huwag na lang.
"Mabait naman po siya, ba't po kayo napatawag?" tanong ko.
"Para malaman ko kung nakarating ka na."
"Oh siya, I'll go now to my work. Kung may problema tawagan mo lang ako ha?" dagdag niya.
"Sige po Pa, ingat ka."
"You too." Saka niya i-end ang call.
So anong gagawin ko sa mansion na to? Tutunganga lang? Wala rin nahahagap na Wifi ang cellphone ko. Para tuloy akong isinumpa.
I fixed my clothes sa wooden closet ko. Natapos ko na rin agad dahil konti lang ang dinala kong gamit ko. Yung kailangan ko lang.
"You should shop more clothes." Nagulat ako ng makita siyang nakatayo sa pintuan.
"O-Okay na po 'yan sa'kin," saad ko.
Lumapit siya sakin habang may hawak na puting sobre.
"Take this," aniya.
"P-Pero–"
"No buts, Rossetti. It's for your self." Wala akong magawa kundi sundin ang sinabi niya.
Tinanggap ko ang sobre na naglalaman ng pera.
"Alis na ako, change your clothes now. Manong Dan prepared already." Tinalikuran niya ako.
Hinintay ko siyang umalis saka ko binuksan ang sobre kung magkano ang laman nito.
"Twenty Thousand?! P-Pang shopping l-lang? Puwede na ko makabili ng phone eh," ani ko.
"Ubusin mo lahat yan," sigaw ni Lady Cuevas sa baba.
Ubusin ko raw, sayang. Puwede ko na sanang ipunin to eh. Pero 'di niya naman malalaman na 'di ko naubos diba? Sabagay.
Agad akong nagpalit ng damit. Pumili lang ako ng simple kasi magshoshopping lang naman ako ih. Okay na ata tong white t-shirt tapos pants paired with white shoes.
'Di katagalan ay nakagpalit na ko. Ayaw ko 'yon may naghihintay sa'kin. Para kasing paimportante ako. Hinablot ko ang sling bag sa kama na siyang ginamit ko kanina.
Lumabas nako para hindi na mainip si Manong Dan kakahintay sa'kin. Bumaba na ako sa hagdang walang katapusan, charot siyempre meron. Nahagilap ko siyang nakatayo sa pintuan at halatang ako ang hinihintay niya.
"Kanina pa po kita hinihintay," aniya.
"Sorry po, biglaan kasi eh. Tayo na po," saad ko at sabay kaming lumabas.
Tumambad sa labas ng gate ang isang mahabang sasakyan na sobrang kinis. Mag mo-mall lang ako pero sobrang gara ang gagamitin ko. Pinagbuksan ako ni Manong Dan at saka ako pumasok.
—FAST FORWARD—
"Tawagan niyo lang po ako kung kailangan niyo ng magpabuhat sa'kin," aniya.
Inabot niya sa'kin ang isang maliit na papel na naglalaman ng kanyang numero. Tumango lang ako.
"Maiwan ko na po kayo," saad niya at nginitian ko siya.
So, ano unang target natin Rossetti?
Habang naglalakad ako, may nahagilap ang aking mata na isang coat. Kulay brown siya at sale pa! Omo, I can't wait. Nagtungo agad ako sa kinaroroonan ng coat. Tiningnan ko kung magandang klase ba ang ginamit. Ngunit hindi na ako nagdalawang isip ay binili ko na ito.
Oo nga pala, malapit na ang pasukan. Pumunta na ako sa counter upang bayaran ito at lumabas. Naglinga linga ako sa paligid at nagbabakasakaling may makita akong leather na bag. 'Di kalayuan ay may nakita na ako at agad sumugod roon ng may nabangga akong isang poste—este tao.
"I'm sorry hindi ko sinasad—"
Tumigil ako sa pagsasalita ng lampasan niya ako na parang hangin. Abay gago. Ako na nga 'tong humingi ng tawad siya pa mapride, hmpft. Dahil maganda mood ko 'di ko hahayaang sisirain niya lang araw ko.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko kung paano ko gagastusin ang ganitong kalaking pera.
—FAST FORWARD—
"Hay kapagod." Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.
Mabuti na lang at tinulungan ako ni Manong Dan. Namili lang ako pero halos tumulo na mga pawis ko. Ang hirap naman kasi ang pinapagawa, hindi naman kasi ako magastusin.
Naramdaman kong gusto ng bumagsak ang mga talukap ng mata ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag saka inilagay ang earphones at nagpatugtog. 'Di ko namalayan na nakatulog na ako sa pagod.
All rights reserved.
Sandy @ItsCommanderA