Ilang luha paba ang kailangan?
Para iyo'y malaman,
Na ako din ay nasasaktan
Sa mga ginagawa mong ako mismo ang na ka alam.
Hindi lang isa,hindi lang dalawa,
Hindi na mabilang sa daliri't paa.
Ang mga pagtataksil na yong ginawa.
Pero heto parin ako lumalaban sating dalawa.
Alam kong masakit pero ako'y nangako,
Hanggang Kaya ko ako'y hindi susuko.
Pagod na akong sa kasinungalingan mo.
Pero nandito parin ako sa tabi mo.
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba,
Dahis gusto ko sa bibig mo magmula.
Totoo ba ang lahat ng aking nakita?
Or dahil lng ba sa inggitirang mapanira?
Sa loob ng isang taon na kita'y kasama.
Nakilala kita lubos pa sa kanila.
Kaya alam kong may rason ang lahat ng aking nalaman at nakita.
At totoo nga ang aking winiwika.
Kong walang mapanira,
Ang relasyon natin ay hindi magagambala.
Hawak kamay natin itong haharapin.
Dahil nasa ating dalawa ang sulosyon sa hinaharap na suliranin.
Patuloy na magiging matatag.
Ipaglalaban ang pagmamahalan na ating tinatag.
Na Puno ng pangako,
Na sana'y hindi mapapako.