CHAPTER 1

Sandra's POV

"Dad saang school ako magtratransfer?" I asked my dad while drinking my tea.

"Your going to Mèrlian Hoxxè University." my dad answered.

Bigla kong naibuga yung iniinom ko kay kuya at sabay sabay kaming napasabi ng--

"WHAAAATTTTT!!!!!!"

"Bakit sa school pa nina kuya dad, andami pang ibang school dyan na pwede kong pagtransferan bakit pa sa MHU?! Its an all boy school for pete's sake."

Hi, ako pala si Cassandra Monteverde, 16 years old. I'm 5'7 and currently a 4th year Highschool Student. May 4 akong kuya, let me introduce them one by one.

Ace Lowell Monteverde, ang panganay saming lima. 22 years old, 5'11 and currently taking Business Course in MHU. Siya minsan ang pinakaseryoso samin at maotoridad. Siya rin ang nagmamanage ng iba pa naming business.

Tyrone Joshua Monteverde, our second oldest brother. 20 years old, 5'11 and an Engineering student in MHU. Siya ang tumutulong kay kuya sa mga business matters niya. Minsan seryoso pero sumasabay sa mga kalokohan namin.

Matthew Grey Monteverde, pangatlong pinakamatanda samin. 19 years old, 5'10 and a Criminology student in MHU. Siya ang playboy samin, palagi nga siyang sinesermonan ni kuya kasi kung sino-sino yung dinadala niya rito tas di rin lng naman sineseryoso. Mahilig rin siyang makipag-away katulad ko.

Khendrick Louise Monteverde, my identical twin. 16 years old, 5'9 and a 4th year Student in MHU. Siya ang kasa-kasama ko sa lahat ng tournament ko. Palaging akong binubwisit and isa ring playboy katulad ni kuya Matt.

Nagtatampo ako ngayon kay daddy dahil sa dinami dami ng paaralan na pwede kong pagtransferan, sa MHU pa! Eh puro lalake ang mga nag-aaral dun eh, Oo boyish nga ako at mahilig makipag-away pero babae parin ako, baka gahasain lng ako ng mga yun, Ayoko nga!

"Your aunt asked me to transfer you there, she has a good reason so I agreed." seryosong sabi nya.

"Eh ano naman yung rason ni tita dad?" Pagtataray ko.

"MHU has been having problems and your aunt think that theres someone behind it and its one of the students..." paliwanag ni dad.

"Eh ano naman po ang connect nun?" Tanong ko sabay taas kilay.

"Your going to be a spy." seryosong sabi nya.

"WHAT!!! Why me?! Andyan naman sila kuya,"

"Ahh...bunso...may sasabihin pala kami sayu," sabi ni kuya TJ at humarap ako sa kanila.

"Anu yun kuya?"

"Spy rin kami ni tita." sagot nya at napanganga ako, ba't ngayon lng nila sinabi?

"What??!!! You guys are a spy?" Gulat kong tanong.

"Oo nga bunso! di mo narinig?" Iritang sabi ni kuya Matt

"Naniniguro lng naman ako ah. Ano pa ba ang hindi ko alam dad?" Tanong ko sa kanya.

"Pamilya tayu ng mga spies." sabi niya at nagulat ako, pano naman eh ngayon lng nila sinabi-- nakakainis, kaya pala sinasali ako ni dad noon sa martial arts at mga training nina kuya.

"Babae ako dad, baka ano gawin nila sa akin dun," pagpapaalala ko da kaniya.

"Andyan naman ang mga kuya mo at huwag kang mag-aalala dahil you're going undercover. Since tomorrow will be your first day, you'll going to have a makeover this afternoon."

'Tsk kainis' sabi ko sa isip ko. Di na ako umimik at pumunta sa aking kwarto, humiga ako sa kama ko at nag-open ng fb, nakita kong nakaon yung bespar kong si Liam Mendez kaya nagchat ako.

♤BESPAR KONG PANGIT♤

Me: Hoy par

Liam: Oh bakit par?

Me: May sasabihin ako..

Liam: Ano?

Me: huwag mong sasabihin sa iba ah, mag-aaral ako sa school mo this school year.

Liam: ANO???!!!!!! bakit? Eh all boys school yun!

Me: sabi ni dad eh may importante daw akong mission kaya ayun.

Liam: di ka tumanggi?

Me: tumanggi ako opkors pero sabi nya para daw sa tita ko eh kaya sumang-ayon na lng ako.

Liam: makakaya mo ba?

Me: Oo naman pare, andyan naman kayu nina kuya eh.

Liam: hay naku! Ikaw talagang bespar ko hays sige proprotektahan kita,

Me: Yieeehhhh tenkyu parekoy! Thankful talaga ako na may bespar akong tulad mo, I love you pare!

Liam: Love you din pare,

Me: Geh out nako may pupuntahan pa ko bye pree.

Liam: sige bye.

Nag-out na ako at naghanda para sa lakad namin mamaya

[3:00 pm]

"Bunsoooo! Tayo na bilis!" Tawag sa akin ni kuya Tyrone sa baba

"Opo! Pababa na po!"

Bumaba na ako at pumunta na sa sinasabi ni dad na magmemake-over daw sa akin. Di ako mapakali dahil kinakabahan ako bukas, Hayy naku huwag ko na nga lng isipin. Nakarating na kami sa mall at pumunta sa isang salon.

"Ano ginagawa natin dito kuya?" Tanong ko kay kuya Ace.

"Magpapamake-over ka." simpleng sagot nya at itinulak ako ni Khen papasok at may ibinulong si kuya Matt sa lalaking yun, siguro siya yung magmemake-over sa akin. =_=

"Ok po sir, Ms. Sandra pls follow me." sabi ng lalaki kaya sumunod ako sa kanya.

"Umupo ka muna dyan at may kukunin lng ako," sabi nya at umalis, umupo ako at nagscroll muna sa IG. Ilang sandali ay bumalik ang lalaki, nagulat ako ng lagyan nya ako ng blindfold.

"Luhh bakit may blindfold?"

"Supresa po daw yung magiging result ng make-over nyo kaya nakablind fold kayo." paliwanag nya, hinayaan ko na lng, ilang sandali lamang ay nakatulog ako.

[After 30 mins.]

Nagising ako nang nay naramdaman akong tumapik sa balikat ko

"Huy kambal gising na!" Panggigising sa akin ni Khen

"Tapos na ba?" Tanong ko dahil nakablindfold pa ako.

"Are you ready to see your new self?" Tanong nya sa akin

"Yes, I'm ready." sagot ko at dahan dahan nyang tinanggal ang blindfold ko, iminulat ko ang aking mga mata at nagulat ako sa taong nasa harapan ko.

'Luhh gwapo namam nitong nasa harap ko, sino kaya toh?'

"Sino sya? Bakit magkamukha kami? May isa pa ba tayong kambal? At ang gwapo nya." tanong ko sabay turo sa harapan ko. Nagtinginan sila at parang nagpipigil ng tawa.

"Oh bakit ganyan mukha nyo?" Naiirita kong tanong

"pfft HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawa nila, ang lakas ha =.=. Pinagtitinginan na kami ng ibang costumer.

"Ikaw yan bunso hahahaha," sabi sa akin ni kuya TJ

"Ehhh??!! Ako ba talaga yan?" Gulat na tanong ko

"Oo nga kambal" sagot naman ni khen

"Ang gwapo ko pala hehe," sabi ko at hinawi ang buhok ko sabay pogi pose.

"Hahahahahaha ang hangin mo bunso hahahaha" pang-aasar naman ni kuya Matt

"Totoo naman eh." sabi ko sabay pout

"Ok, ok lika na bibili pa tayo ng school supplies at mga damit mo." sabi ni kuya Ace kaya nagsitigilan na kami at sumunod sa kanya. Una kaming bumili ng damit ko syempre panlalaki, ngayon ko lng nalaman na ang gwapo ko pala pag lalaki ako hehe. Binilhan ko rin si Liam bespar ko. Tapos na kaming bumili at mga school supplies naman ang binili namin.

[After 1 hour]

Phew, tapos na kaming bumili, nandito kami sa Mcdo, pauwi na sana kami kaso nagyaya si Khen na kumain since nagugutom rin kami kaya ayun...nakakapagod pala magshopping, kinakabahan parin ako para bukas, ano kaya yung magiging reaksyon ni Liam sa bago kong itsura hmmm.

Atlast nakauwi narin kami andito ako ngayon sa kwarto ko naghahanda na para matulog, hay bukas na magsisimula ang bago kong buhay ~.~, matulog na nga lng ako.

Pero ano kaya yung magiging resulta ng pagpapanggap ko? Baka may makaalam sa sekreto ko maliban kina kuya at liam. Haayyss nakakastress talaga. Dahil sa pag-iisip ko di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.