KABANATA 16

"Sobra, mahal na mahal kita. Kaya ko nga ginawa ang lahat kasi gusto kong ipakita sayo kung gaano ako kaseryoso sayo. Alam mo iyon, kasi alam kong alam mo ang background ko. Kaya ginawa ko ang lahat ng hindi ko pa nagagawa sa ibang babae, kasi I want to make sure na makukumbinsi kitang totoo ako sayo. Na mahal na mahal kita, na gusto kitang ingatan at alagaan" ani Lemuel saka itinaas ang kamay niyang hawak nito at hinalikan.

"Ginawa ang lahat?"

"Right, hindi ba tinatanong mo kung bakit ako pumapasok sa pabrika every Friday? Gusto kong tuparin ang lahat ng pangarap mo, alam ko gusto mong magkapag-aral so kinausap ko si Dad na paaralin ka kapalit na pagtatrabaho ko sa pabrika every Friday, apat na oras sa buong semester" paliwanag ng binata sa kanya.

Sa narinig ay muling nag-init ang kanyang mga mata. "Ano?"

"Ano ka ba sinabi ko iyon sayo hindi para maguilty ka" anang binata.

"Iyon ba iyong sinasabi mong investment?" Tumango ang binata."Bakit mo ginawa iyon? Hindi mo naman kailangang gawin iyon, hindi mo obligasyon" guilt niyang sabi habang patuloy sa pagluha.

Noon hinawakan ng binata ang kanyang mukha saka nito inilapit ang mukha nito sa kanya. "Ginawa ko iyon kasi mahal kita, ngayon kung may alinlangan ka parin, sabihin mo lang. Kasi willing naman akong halikan ka, magkaintindihan lang tayo."

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ang binata. "The first time I saw you, totoong nagandahan ako sayo. Kasi sa kabila ng simplicity mo, ewan ko ba pero napakalakas ng dating mo sa akin. Pero iba ang nangyari nung nahalikan na kita. Noon ko narealized na kahit anong hingin mo ibibigay at pipilitin kong ibigay sayo." ani Lemuel. "You changed my world with just one kiss. and that's magic."

"I love you so much Careen, alam ko sinabi mo na sa akin noon na marupok ang puso mo. Madaling ma-in love, madaling masaktan. Pero kung bibigyan mo lang ako ng chance. I know I can handle it with care" nasa tinig ni Lemuel ang katiyakan. "Hindi ako vocal sa lahat ng nararamdaman ko ever since. Pero ngayon sayo, narealized ko na hindi lang ito dapat iparamdam, importanteng sabihin din. Kasi malaki ang pwedeng baguhin ng three magic words na iyon sa buhay ng isang tao, sa buhay nating dalawa."

Itinaas niya ang isang kamay saka hinaplos ang mukha ng kaharap. "Mahal na mahal din kita, ng sobra. Basta naniniwala ako sayo, lahat ng sabihin mo paniniwalaan ko kasi mahal na mahal kita. At kung dumating man ang panahon na magkahiwalay tayo.Mamahalin parin kita kahit pa sabihin nating hindi na kaya ng marupok kong puso, pipilitin ko para sayo."

Nakita niyang ngumiti si Lemuel, hindi na niya namalayan ang sumunod na nangyari. Basta naramdaman nalang niya ang mainit nitong labi sa kanya. Hinagkan siya ng binata ng buong pagmamahal, kaya gaya ng dati ay mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata saka pinag-aralang tugunin ang mga halik nito sa kanya.

Nang pakawalan ni Lemuel ang mga labi niya ay wala siyang naapuhap na kahit anong salita. Ganoon siguro talaga ang pakiramdam, ang labis na tuwang nararamdaman niya nang mga oras na iyon ay hindi kayang ipagliwanag ng kahit anong pangungusap. Pero magagawa ng mga ngiti niya.

"Promise gagawin ko ang lahat maging tayo lang hanggang sa huli. Ang lahat ng pagsubok haharapin natin ng magkasama. Kung kailangang mamatay ako kasama mo gagawin ko, ganoon kita kamahal" anito saka muling inangkin ang kanyang mga labi para sa isang mas maalab na halik.

Nag-uumapaw ang tuwa sa puso ni Careen na tinugon niya ng maiinit ring halik ang binata. Hindi siya expert pero alam niyang mauunawaan iyon ni Lemuel. Tanggap naman kasi siya nito. At iyon ang isa sa napakaraming dahilan kung bakit abot-langit ang pagmamahal niya sa binata.

"MUKHANG maganda yata ang mood mo ngayon?" ang bungad sa kanya ni Bianca.

Nakangiti niyang hinarap ang kaibigan. "Paano mo alam?"

"Maaliwalas kasi ang bukas ng mukha mo" anitong sandali siyang nilingon. "siguro may boyfriend kana ano?" tukso pa nito.

Natigilan siya sa narinig. "B-Boyfriend?"

"Huwag ka ng mag-deny, nagkausap kami ni Lemuel kanina lang sa canteen. Inamin niya sakin na kayo na raw, and before that may isa pa muna siyang sinabi sa akin" si Bianca na ibinitin ang susunod na gustong sabihin.

Kinabahan siya pero pinilit niyang huwag magpahalata. "Ano?"

Mabait siyang nginitian ng kaibigan. "Iyong tungkol sa naramdaman niya para sa akin four years ago? Alam mo ang totoo niyan ramdam ko rin iyon noon" pagtatapat ni Bianca.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ramdam mo ang alin?"

Noon isinara ni Bianca ang libro saka siya hinarap. "Iyong feelings ni Lemuel para sa akin, pero dahil mahal ko si Marc hindi ko nalang binigyang pansin ang lahat, at wala akong regrets doon."

Sa narinig ay lihim niyang pinagalitan ang sarili. Ang buong akala pa naman niya ay may gusto si Bianca kay Lemuel. At talagang nagdulot ng relief sa kanya ang nalaman.

"And to tell you the truth, alam ko ring mahal mo siya pero nagpipigil ka lang. Kaya naisipan kong ipakita sayong attracted ako sa kanya kunwari, para lalong mag-grow ang feelings mo para sa kanya. Para maging masaya kana" ang huling sinabi ni Bianca ay humaplos sa puso ni Careen.

"B-Bianca?" anas niya.

Noon ginagap ni Bianca ang kamay niya saka marahang pinisil. "Gusto kitang makitang masaya, bago manlang kami magkita ni Marc."

"What do you mean?" naiiyak niyang tanong.

Nagyuko ng ulo nito si Bianca. "Si Marc ang high school boyfriend ko na namatay sa isang car accident. Siya ang dahilan kung bakit ipinilit kong bumalik dito sa Pilipinas, dahil kung sakaling dito man ako datnan. Gusto kong mailibing katabi ng puntod niya" paliwanag ng kaibigan niya. "hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako, sa uri ng sakit ko pwede akong bumigay anytime. Kaya natutuwa akong makita kang masaya."

"I-Isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko Bianca, sana lang hindi maikli ang ibigay na panahon ng Diyos para sating dalawa" totoo iyon. Sino ba naman ang mag-aakalang ang unang pag-ibig at lihim pang minamahal noon ni Lemuel. Ang lalaking pinakamamahal niya ngayon ang magiging kaniyang matalik na kaibigan?

"Kung sakali, hindi naman ako mawawala. I will stay in your heart and your memory. Hindi ko rin maintindihan kung anong meron ka, the first time I saw you kahit ang daming estudyante sa classroom natin, kahit hindi naman kita kilala, ikaw ang nilapitan ko. Kasi siguro kahit mahina na ang puso ko malakas parin ang pakiramdam niya sa mabubuting tao na kagaya mo. At hindi nga siya nagkamali, kasi alam mo hindi man ako pinagkalooban ng kapatid na babae, nakita ko naman iyon sa'yo. Naniniwala kasi akong true friendship is like true love. Dumarating sa mga panahong hindi mo inasahan pero perfect ang timing" ang comfort na ibinibigay sa kanya ni Bianca ay parang comfort ng isang anghel na ipinadala ng langit sa kanya.

Alam niyang masasaktan siya ng husto kapag dumating na ang sinasabing iyon ng kaibigan niya pero kung doon ito nararapat talaga. Tama nga naman ito. Mananatili ito sa kanyang puso, magpakailanman.