Report

CLIONA P.O.V

  

   

  

  

 

Nagising ako dahil sa tunog sa cellphone ko. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw ko ng cellphone dahil abala lang ito sa pag tulog ko.

  

   

 

"Clio" boses sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag.

  

 

"Oh?"

  

  

  

"Can we meet?" Aniya, napa kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Bakit naman ako makikipag kita sakanya? At bakit naman ako ang sinasabihan nya imbis na si Tyreen na fiance nya.

 

  

"Baket?" Balik kong tanong sakanya.

  

  

 

"I just want to see and talk to you"

  

  

  

"Edi pumasok ka"

  

     

 

"I can't"

  

   

  

"I can't too. Kung gusto moko maka usap eh pumasok ka. Hindi ako mag aadjust para sayo" wika ko saka ko pinatay ang tawag at inoff ang cellphone ko.

  

  

 

Napatitig ako sa cellphone ko ng maalala ko ang pinag usapan namin ni Felix kagabe.

  

   

   

   

  

Oras ng trabaho ay biglang dumating si Felix sa Royal, tinawag ako ni BJ dahil nga hinahanap ako ni Felix kaya naman ay lumabas nako sa kusina at pinuntahan sya.

  

   

  

"Ngayon lang ako may oras sorry sa istorbo" aniya ng maka upo ako sa tapat nya.

  

  

 

"Ano bang kaylangan mo?"

  

 

 

"Here" wika nya saka inabot saakin ang folder na dala dala nya. Agad ko iyon binuksan ang tiningnan. Kunot noo kong tiningnan isa isa ang mga litratong naka imprinta doon. May parte saaking hindi naniniwala pero hindi naman mag papadala ng report si Zùmù kapag hindi mahalaga.

  

 

"Se enteró de que estaba en tu escuela y se escondió bajo el nombre de Justine Lucas Lim."

   

  

"Anong motibo nya?" Tanong ko

  

 

"We need to found out soon. Help me with this one. I need some information about him" aniya habang patuloy kong pinag mamasdan ang mga litrato nya.

 

  

 

  

 

 

  

Justine Lucas Lim

  

  

 

  

 

Agad akong tumayo at saktong pag bukas ko ng pinto ay kakatok na sana si Mika.

  

  

"Gising kana pala" aniya saka tiningnan ang hawak kong folder. "Ano yan?"

  

  

 

"Bilisan mo" sabi ko at nag paunang bumaba. Nang maka upo si Mika sa tapat ko ay agad kong binigay sakanya ang folder. Kunot noo naman nya iyong tinanggap.

  

  

 

 

"Si Justine?" Bakas ang pagka gulat sa itsura nya.

  

  

 

"Justine Lucas Lim, yan ang totoo nyang pangalan. Jayson Lim, yan ang kapatid na kakambal nya" Wika ko saka isa isang tinuro ang mga larawang naka latag sa lamesa.

  

  

 

"¿Qué está planeando?"

  

  

  

 

"Jayson ang pakilala nya saakin nung araw na tulungan ko sya, doon palang ay nag hihinala nako sakanya. Malaki ang pag kakaiba nilang dalawa" Paliwanag ko habang tinitingnan ang litrato ni Jayson at Justine. Mas matangkad at malaki ang katawan ni Justine kesa kay Jayson pero hindi ko maitatanggi na mas magandang lalaki si Jayson kesa kay Justine kung wala itong soot na salamin na nag papatunay na lunod sya sa pag aaral, pero mas maayos naman manamit at malinis si Justine sa katawan.

  

   

  

"Anong plano mo?" Tanong ni Mika, agad akong nag angat at tiningnan sya ng seryoso.

  

   

 

"Juega el juego que él comenzo"

  

  

  

  

  

  

  

 

 

  

  

AERO P.O.V

  

  

  

  

 

Kanina pa nag simula ang practice pero ni anino hindi ko nakita ni Cliona maski si Mika ay wala.

  

  

 

Hindi ba sila papasok?

 

 

Bakit naman?

 

 

May nang yari bang masama?

  

  

Nasan naba kase sya?

 

  

  

 

 

 

"Nasan na kaya sika Mika" biglang sulpot ni Aris kasama si Zaggy. Kakatapos lang ng practice namin, kaya naman ay papunta na kaming canteen ngayon.

 

  

"Sayang wala si cliona walang kakanta sa cafeteria mamaya" wika ni Aris sabay akbay saakin.

  

   

 

Bakit ba kase hindi sya pumasok!?

   

   

   

"Mika!"

  

  

  

(O __ O)

  

   

  

Ehhhhh nandito sila?

  

   

  

 

"Bakit hindi ka nag practice?" Tanong ni Aris. Seryoso naman syang tiningnan ni Mika.

  

   

 

(O __ O)

  

 

 

Anyayare!?

  

  

  

  

 

"Kakapasok lang namen" sagot ni Mika saka deretchong umupo sa pwesto nya palagi.

  

  

  

Namen? Ibig sabihin nandito din si Cliona!

 

  

  

 

"Te anong problema?" Biglang tanong ni Rumsel kay Mika.

  

 

 

"Wala naman" sagot nito. Kanya kanya kaming upo sa kanya kanyanaming upuan. Tangin upuan lang ni Cliona ang bakante na syang nasa tapat ko.

  

  

  

Nasan sya!?

  

  

  

Palinga linga ako sa paligid umaasang makikita ko si Cliona sa paligid.

  

  

 

"Nasan naba si mader ert mik?" Sa wakas may nag hanap din sakanya.

  

  

 

"Kasama ni Justine"

  

  

 

(O __ O)

 

 

  

 

S-Si Justine?

  

  

  

 

"Dre, naunahan ka nanaman"bulong nya saakin, hindi kona sya sinagot at kumain nalang ako kahit nawalan na ng gana. Bakit naman sila mag kasama? Atsaka bakit si Cliona pa ang kasama nya at hindi si Tyreen? Eto naman si Cliona bakit pa sya nasama eh alam naman nyang ikakasal na ang tao—.....

  

    

  

  

"Oh Justine nasan na si Cliona?" Agad ako napa angat ng tingin ng marining ko ang pangalan ni Justine. Nag tama pa ang paningin namin pero agad din syang nag iwas saka sinagot ang tanong ni Katty.

 

  

 

"Nanjan" sagot nya saka umupo sa kabilang gilid ni Mika. Lahat kami napa tigil ng biglang may nagsalita sa Radio na naka konekta sa AVR.

   

"KUNG AKO NALANG SANA"

  

  

  

( O __ O)

  

  

  

 

SI CLIONA!

  

  

(^__^)

  

   

   

 

-Heto ka nanaman

Kumakatok sa aking pintuan

Muling naghahanap ng makakausap

At heto naman ako

Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang

Nagtitiis kahit nasasaktan-

  

  

  

Narinig ko nanaman ang kantang yan. Nung una ay sa Bar ng Royal at si Cliona ang kasama ko.

  

   

  

-Ewan kung bakit ba

Hindi ka ba nadadala

Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya

At ewan ko nga sa'yo

Parang bale wala ang puso ko

Ano nga bang meron siya

Na sa akin ay di mo makita -

   

  

  

"Ang ganda ng boses nya" wika ko saka ko tiningnan si Cliona na naka titig lang sa harapan kung saan nakanta ang banda. "Pero mas maganda ang boses mo"

  

  

  

  

-Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Di ka na muling mag-iisa

Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling luluha pa

Di ka na mangangailan pang humanap ng iba

Narito ang puso ko

Naghihintay lamang sa iyo-

 

  

  

 

"Ikaw para sayo ano yung 8 letters na sinasabi sa kanta?"

 

  

 

"I love you"

 

  

 

 

  

  

-Heto pa rin ako

Umaasa ng puso mo

Baka sakali pang ito'y magbago

narito lang ako

Kasama mo buong buhay mo

Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan-

  

  

  

 

"Alam mo hindi talaga kita maintindihan minsan ang bait mo,minasan naman ang sungit mo naman, minsan naka ngiti ka pero madalas ang yabang mo" wika ko sakanya agad naman syang napa tingin saakin.

 

 

"Gusto moba ganto nalang ako sa palagi?"

    

 

 

-Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Di ka na muling luluha pa

Di ka na mangangailan pang humanap ng iba

Narito ang puso ko

Naghihintay lamang sa iyo.....-

  

  

 

 

Oo gusto ko ganyan ka nalang palagi....

  

    

 

 

  

MIKA P.O.V

  

 

  

 

Nanatili akong naka tingin kay Aero na titig na titig sa Radio ng Cafeteria kung saan namin naririnig ang boses ni Cliona na kumakanta.

  

  

 

Tsk! Laki ng ngiti ng loko.

   

   

   

  

 

"Oo gusto ko ganyan ka nalang palagi"

  

   

  

  

 

(O __ O)

   

    

  

 

Nag di day dream si loko!

 

  

 

 

-Kung ako nalang sana-

  

  

  

Pag tatapos ni Cliona sa kanta. Katulad ng dati ay kanya kanya silang palakpakan at bulungan na ang ganda daw ng boses ni Cliona.

  

  

  

Maganda naman talaga pch!

  

  

  

 

"Wala talagang kupas ang boses nya" pag sasalita ng nasa tabi ko.

  

  

Pch!

  

  

  

"Ang galing nya paren" dagdag pa nya.

  

  

  

Ang galing mo den mag panggap gago!

Nalinlang mo man ang iba saamin pati na rin ako pero hindi ka makaka isa sa pakiramdam ni Cliona! Alam kaya ni Tyreen mga plano mo sira ulo ka? O nililinlang mo din sya katulad namen? O baka naman ka sabwat mo sya. Kung ano man ang motibo mo para gawin to, malapit nanamin malaman yun, wala kang maitatago saamin Justine or should I say Louie.

  

  

  

"Juega el juego que él comenzo"

  

  

 

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Anong play the game ang sinasabi nya? Hindi ba namin sisirain ang plano ni Justine?

  

  

 

"Kung ano man ang plano nya ay kaylangan malaman natin sa lalong madaling panahon" sagot nya habang kunot noong pinag mamasdan ang litrato ni Justine at Jayson.

  

 

 

"Anong plano?"

  

  

 

"Alamin lahat ng tungkol sakanya"

  

 

lo que pretendas no tienes éxito...

  

   

   

   

  

 

"Mik are you ok?"

  

  

  

"MIKA!" nabalik ako sa reyalidad ng biglang may tumapik saakin.

 

  

 

"Huh?"

  

  

"Are you with us?" Tanong ni Zaggy, isa isa kopa sila tiningnan habang mag tama ang mata namin ni Justine.

  

  

 

"Mauuna nako" wika ko saka nag madaling lumabas ng canteen. Kanya kanya pa silang tawag sa pangalan ko pero maski isa ay hindi nagawang lingunin.

  

   

 

Hindi ko ma digest na malapit lang saamin ang ahas at malapit na kaming matuklaw, hindi namin alam ay pagapang gapang na sya at unti unti kaming pinag aaralan para tapusin.

  

  

  

Lakad takbo ang ginagawa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Felix.....

  

  

  

"hola"  

  

  

 

"Donde estas?" Tanong nya. Hindi ko mapigilan sarili ko na makaramdam ng kaba lalo na't mukang target na ng organisasyon si Justine.

 

  

  

(Where are you?)

  

  

"¿Por qué?"balik na tanong ko sakanya.

  

   

 

(Why)

 

"Tengo un nuevo informe de nuevo. Ven a reunirse coming en un café cerca de su escuela."

     

 

 

(I have a new report again. Come and meet me at the cafe")

     

  

    

"esperanos" wika ko saka nag mamadaling pinatay ang tawag at patakbong bumalik sa cafeteria, pero sa hindi inaasahang pag kakataon, Nakita ko si Justine sa likod kung saan naging tambayan ng mga loko dito at naging labasan ng galit ni Cliona. Dahan dahan akong lumapit doon at nag tago.

  

  

 

(Wait for us)

     

 

 

 

 

"What the hell are you doing!?" Sigaw ng lalaking kausapan nya, naka talikod ito saakin kaya hindi niya ako nakikita o napapansin manlang.

  

  

  

"Just give me enough time" sagot naman ni Justine.

     

   

 

Sino ka naman?.....

  

   

 

"Make it sure Louie" anang ng lalaki saka tinalikuran si Justine. Halos matuba ako mula sa pinag tataguan ko ng makilala ko kung sino yun.

  

  

 

This can't be, What's the relation between them?

  

  

  

Dali dali akong tumakbo papasok sa cafeteria kung saan nandoon silang lahat maliban kay Justine. Humahangos akong lumapit kay Cliona na kunot noong naka tingin saakin.

  

  

 

"What's wrong Mik?" Bakas ang pag aalala sa tono ng boses niya. Tiningnan ko silang lahat na kapwang naguguluhan na sa inaasta ko.

     

 

 

"W-wala naman" sagot ko sakanila saka bumaling kay Cliona na mas seryoso pa sa seryoso. "Otro informe que Félix consiguió." Baling ko kay Cliona.

 

 

"¿dónde?"

 

  

(Where)

 

 

"Cafe" sagot ko sakanya, agad naman syang tumayo at nag paunang umalis sa cafeteria na wala manlang iniwan na kahit anong salita. "Kayo na bahala sakanila mag hatid sa room" baling ko sa tatlong lalaki na kunot noong naka tingin saakin.

  

  

 

"Ano ba talagang nangyayari?" Inis na tanong ni Aero, gusto ko man sabihin sakanya pero ayoko, ang gulo diba? Oo magulo nga katulad nalang nang nang yayari saamin ngayon. May parte saakin na gusto ko sabihin sakanila para naman sila na mismo ang umiwas sa kapahamakan pero may parte saakin na ayaw ko, dahil hindi ko naman hawak ang desisyon nila, at isa pa hindi ko pwedeng pangunahan ang desisyon ni Cliona dahil, lahat kami ay naka depende sa bibitawan niyang salita.

  

  

 

Tipid ko syang nginitian at huminga pa muna ako ng malalim bago sumagot. "Sundin nyo nalang ako" wika ko saka baling kila Rumsel,Roi at Katty. "Dumikit lang kayo sakanilang tatlo, tawagan nyo ako o si Cliona kung may nangyaring hindi maganda"

  

   

 

"Saan ba kayo pupunta te? Kinakabahan ako sainyo" wika ni Roi.

  

  

 

"May aayusin lang kame, hindi ko alam kung makaka pasok pa kami ni Cliona kaya wag nyo kalimutan ang binilin ko" baling ko sakanilang lahat, lahat naman sila tumango kaya naka hinga ako ng maluwag. "Aalis nako" paalam ko sakanila at patakbo muling lumabas ng Cafeteria papunta sa parking lot kung saan nag hihintay si Cliona. Nang makita ako ay agad niyang binuhay ang motorsiklo nya kaya naman ay mabilis akong sumakay sa motor ko at binuhay iyon.

  

   

  

"Mag kita nalang tayo don" aniya saka pinaharurot paalis ang motor niya. Pinainit ko muna ang makina ng motor ko bago sumunod kay Cliona.

  

   

 

Sigurado ako sa nakita ko, sigurado din akong konektado sila sa isat isa pero isa lang din ang hindi ko sigurado. Kung sino at ano ba talaga ang pakay nila...

   

  

  

Madaming madadamay sa gagawin nila, kung sino man ang pakay nila ay hindi kopa alam pero muka malalaman kona ngayon.

  

  

  

 

"I research about their family ang I found out this man." wika ni Felix saka pina kita saamin ang bagong litratong naka imprenta. Gusto ko magulat dahil sa nakita ko pero hindi ko magawa dahil sa nasaksihan ko kanina. Kung ganon ay tama ang hinala ko konektado nga sila sa isa't isa. "Do you know him?"

  

  

  

  

  

 

 

"Zandro"

  

   

  

  

  

  

  

  

 

ARIS P.O.V

  

   

   

  

 

Naguguluhan ako sa inaasta ni Mika ngayon, para bang may mang yayaring masama kung makapag bilin sya. Kanina habang nakain kami ay para gusto nyang saksakin si Justine ng hawak nyang tinidor dahil sa sama ng tingin nya kay Justine. Tapos nung bumalik naman sya pagka walk out ay biglang nag bilin naman sya.

 

   

  

   

 

Bumalik naba si Banjo kaya ganyan sila?

  

   

  

Bigla akong kinalibutan sa sarili kong naisip. Lahat kami ay nasa gym dahil sa magaganap na announcement para sa nalalapit na inter high kaya naman ay lahat ay excuse sa klase. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ni Cliona kapag nakita nya na nandito ang pamilya niya.

  

  

 

Isa pa iyong isipin na iyon. Masyadong magulo ang buhay nya yung tipong masisiraan ka ng ulo kapag inisip mo kaya pipilitin mo nalang kalimutan, pero hindi ko din magawa dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako maka paniwala. Kung paano ni Cliona kausapin si President Veron ay para bang magka kilala lang sila, kung pano nya tratuhin si Cameron para bang may relation sila at syempre under si cameron.

  

  

  

"Good morning students" lahat kami ay natahimik, lahat ng mata ay nasa harapan at handang makinig sa sasabihin ni Dean. "Alam nating lahat na excited na ang bawat isa sainyo sa darating na lunes dahil sa wakas ay masisilayan na muli natin ang kahusayan nang manglalaro ng ating paaralan" wika ni Dean habang sunusuyod ang paningin sa kabuan ng gym na napuno na ng mga estudyante.

  

  

 

"Narito si President Veron para mag iwan sainyo ng mensahe" dagdag pa ni Dean saka naman tumayo si President Veron at kinuha ang mic mula kay Dean. Akmang mag sasalita na si President Veron ng biglang mamatay ang mga ilaw sa loob ng gym.

  

  

  

 

Anong nang yayari!?

  

  

  

 

"What the hell is happening?"

 

  

  

"Ang dilim!"

  

  

  

"Nakaka takot!"

  

  

  

"Nawalan ba ng supply ng kuryente?"

  

  

 

Kanya kanya nang ingay ang ginagawa ng naka paligid saakin, naramdaman ko ang pag kapit ni Katty saakin kaya naman niyakap ko sya.

 

   

"Ano bang nangyayari?" Si Aero na naka bukas na ang flashlight kaya naman ay isa isa kaming nag bukas ng cellphone at ginamit ang flashlight doon.

 

  

 

"Calm down students!" Anunsyo ni Dean gamit lamang ang boses nya.

  

  

 

"Dean sarado po ang mga pinto mula sa entrance hanggang exit!" Biglang sigaw ng lalaki na syang napa puno ng ingay sa kabuuan ng gym.

  

  

  

"Tawagan nyo sila Mika at Cliona" si Roi na naka yakap na kay Rumsel at parehas na naka bukas ang flashlight.

  

  

 

"I'll call mika, Ae call Cliona" utos ni Zaggy habang nag titipa sa cellphone nya. Pinanood namin silang dalawa hanggang mapa sapo si Aero sa noo nya.

  

  

 

"Walang signal!" Sigaw nya kaya naman napa tingin ako sa cellphone ko.

  

      

 

Wala nga!

  

  

  

"Same" wika ni Zaggy.

  

  

  

"Ano nang gagawin natin?" Naiiyak na tanong ni Katty kaya naman ay mas hinigpitan ko ang pag yakap sakanya.

  

  

  

"Aero come here with your friends" sabi ni Dean habang naka tapat saamin ang flashlight na hawak niya. Nagka tinginan pa kaming lahat bago lumapit kila Dean kasama ang mga luna star maliban kay Cameron.

 

  

 

"Lo?"

 

  

"Nasan si Clirity at Mikachan?" Biglang tanong ni President.

 

  

 

Mikachan? Si Mika ba ang hinahanap niya?

  

  

  

 

"Umalis po sila kanina, hindi papo nabalik" sagot ni Aero, rinig ko naman ang pag buntong hininga ni President Veron.

 

  

 

"Sinabi pa nya sainyo kung saan sila pupunta?" Biglang tanong ng  Chairman. Ang boses nya ay napaka buo yung tipong matatakot ka talaga dahil sa sobrang makapa pangyarihan niyang tao.

 

  

 

"Hindi po" sagot ni Aero.

 

  

 

"Nag mamadali po kase sila umalis kanina" sagot naman ni Katty. "Pero may binanggit po si Mika na pangalan, siya po siguro yung pupuntahan nila"

 

  

 

"Who is it?" Tanong ni President Veron.

    

  

  

"Diko po maintindihan yung pinag uusapan nila kase ibang language po pero narinig kopa ang pangalan ni Felix" sagot ni Katty, kita ko naman ang pagka bigla ni President Veron habang naka ayos naman ng upo si Chairman at tila malalim ang iniisip.

 

  

 

"shénme?" Seryosong tanong ni President Veron, gamit ang sarili nilang lenggwahe, ang weird talaga nila, alam kona kung saan nag mana si Cliona.

 

  

  

"Po?" Takang tanong ni Katty. Halatang hindi rin nya naitindihan ang sinabi ni President Veron. Lahat naman ata kami, pero imbis na sagutin si Katty ay binalingan nya si Chairman na prenteng naka upo sa upuan niya.

 

   

  

"zhǔxí" ayan nanaman sila sa chingchong words nila, ang selfish naman nila para hindi ipaintindi saamin ang sinasabi nila.

 

  

 

 

"zhèlǐ yǒu shénme wèntí" sagot ni Chairman lahat kami ang naka titig lang sakanilang dalawa nag hihintay na may maiintindihan kami sa pinag uusapan nila. "Where's Cliona—"

 

  

  

 

Naputol ang pag sasalita ni Chairman ng maka rinig kami ng kalabog mula sa labas. Nag simula nanaman umingay ang paligid, pero mas naka agaw ng atensyon namin ang kalabog na mula sa labas. Napatingin kaming lahat kay Aero ng biglang tumunog ang cellphone niya.

 

  

 

"Si Cliona" wika nya saka sinagot ang tawag. "Walang ilaw dito, wala naman, ayos lang kami, oo nandito sila" aniya saka tingnan si Chairman at President Veron "sige ingat" aniya saka tingnan kami. "Nasa labas daw si mika pilit na binubuksan ni Mika ang pinto dahil naka lock daw yon sa labas"

 

  

  

"Nasaan ang anak ko?" Tanong ni President Veron. Pero bago pa maka sagot si Aero ay tumunog naman ang cellphone ni Zaggy.

 

 

"Si Mika" aniya saka ni loud speaker ang tawag para marinig namin lahat. Sana naisip ni Aero kanina diba, pch! Sinasarili ang boses ni Cliona tch!

 

 

  

"Ang laki ng lock hindi ko mabuksan" hinihingal na sabi ni Mika, halatang nahihirapan nga sya sa pag bukas non.

 

 

 

"Try something hard Ms. Santiago" utos sakanya ni Dean.

 

 

 

"Ginawa kona Dean pero ayaw talag— CLIONA SA LIKOD MO!"

 

  

  

"Anong nang yayari jan!?" Tanong ni Aero hinawakan pa ang cellphone ni Zaggy, pero hindi sumagot si Mika himbis ay harurot ng motor ang narinig namin!

 

  

 

Ano bang nangyayari!

 

  

 

"AHHHHHH!" Sigaw ni Mika dahilan para maalerto kaming lahat na nakikinig sa tawag.

 

  

 

"MIKA!"

 

  

Pag tawag namin lahat sa pangalan nya pero mura lang ang naririnig namin mula sakanya.

 

    

"Gago masaket yun!" Boses nya sa kabilang linya kasabay ng pag kalabog ng pinto sa entrance ng gym.

 

  

  

"Pakeelamera kayong dalawa!"  boses ng lalaki mula sa tawag.

 

  

  

"Bobo lang talaga kayo kumilos" boses ni Cliona mula sa kabilang linya kasabay ng pag sigaw ng lalaki. "Hello?"

 

 

  

"Cliona! Ayos kalang ba!?" Si Aero agad unang nag tanong.

 

     

 

"Tss, bukas na ang exit door, isa isahin nyong palabasin ang mga estudyante. Naiintindihan nyo bako?"

 

  

 

"Oo" sagot naming lahat maliban kila Dean, president Veron at chairman.

 

  

 

"Naka abang sila Juancho sainyo sa pinto ihahatid nila kayo palabas ng school, ngayon ibigay nyo ang tawag kay President Veron" aniya kaya naman ay inabot ni Zaggy kay President Veron  ang cellphone nya.

 

  

 

"Clirity, nǐ xūyào xiàng wǒ tǎolùn zhègè wèntí,  hēi! hēi!" Mukang binabaan din sya ni Cliona ng tawag.

 

  

  

 

Pfft! Kakaiba talaga!

 

  

  

 

"Paunahin ang mga bata na maka labas" utos ni President Veron kay Dean sakto namang pag bukas ng pinto ng exit door, kanya kanya silang gawa ng ingay at kanya kanya din silang takbo palabas ng gym pero agad silang pinigilan ng mga tauhan ng Luna star. Pinanood naming lahat na mabawasan ang mga estudyanteng maayos na naka pila palabas ng gym, hanggang sa matanaw namin si Juancho, hindi lang si Juancho, silang lahat na purong naka itim, mapa babae man o lalaki. Mas lalo silang umayos ng tayo ng makita nila kami.

 

 

 

Ano ba kami lang to!

 

 

 

 

Nang maubos ang estudyante sa loob ay sumunod naman sila President Veron at Chairman kasama si Dean. Nagulat ako ng bigla silang yumuko lahat ng dumaan sila President Veron at Chairman!

 

  

 

Sabay sabay!

 

  

 

Hindi sila nag angat ng ulo hanggang hindi pa nakaka layo sila President Veron, Chairman at Dean, nang mawala sila sa paningin namain ay seryoso kaming tiningnan nilang lahat.

    

 

 

"Sumunod kayong lahat saamin" seryosong sabi ni Juancho.

 

 

"rodearlos!" Utos ni Mildren dahilan para maalerto silang lahat, nagkatinginan kaming amin ng bigla nila kaming palibutan.

 

  

 

"Juancho ano bang nangyayari!?"inis na tanong ni Aero.

 

 

 

"Sumunod nalang kayo, ako malalagot kay Clirity pag may nang yaring masama sainyo kahit na isa" kamot noong sagot ni Juacho. Napa tingin ako kay Katty ng bigla syang humawak sa braso ko.

 

 

 

"B-Baril" aniya dahilan para maalerto ako.

 

  

 

"Hoy! Itago nyo yang baril nyo!" Sigaw sakanila ni Juacho agad naman nila iyon tinago. Bakit may baril sila!?

 

  

 

" si Cliona? Ayos lang ba sya? Nasaan sya?" Sunod sunod na tanong ni Aero.

Himbis na si Juacho ang sumagot ay biglang sumingit si Mary.

 

 

 

"Kalma lover boy, may inaasikaso lang sila. Wag ka mag alala binilin nya naman saakin na ihatid ka sa bahay mo"

 

 

  

 

"Bakit ikaw?!"

 

 

 

"Aarte kapa!? Hoy for your information ang iba sakanila ay ihahatid ang mga kaibigan mo at inutos yon ni Mika duhhhh mag thank you ka nalang dahil hindi ko kayang tanggihan si Cliona" taas kilay na sagot sakanya ni Mary.

 

 

 

"A-ano?" Utal na tanong ni Aero. Wala na tumatalon nanaman ang puso nento!

 

  

 

"Binilin ka nya saakin na ihatid ka sa bahay nyo duhhhh! Bilisan mo may pinapasabi sya sayo!" Wika ni Mary saka nag paunang mag lakad. Malalaking ngiti namang humarap saamin si Aero.

 

  

 

"Bye!" Aniya saka patakbong sumunod kay Mary!

 

  

  

 

Bumigay na ang manok ko!

  

 

 

  

 

Nanatili kaming tahimik hanggang sa maka rating kami sa parking ay walang nag salita maski isa saamin. Si Roi at Rumsel na kapwang naka alalay sa isat isa, si Zaggy na prenteng nag lalakad habang nasa bulsa ang mga kamay pero nililibot ang mata sa paligid, si Katty na naka kapit sa braso ko at ako na pinag mamasdan ang bawat galaw ng isa saamin. Usual na ugali na ng iba sakanila ang tahimik at seryoso sa lahat ng bagay pero ang kina babahala ko ay ang pananahimik ni Juacho, dahil para syang boy version ni Mika, nanahimik lang sila at nagiging seryoso pag may nangyaring hindi maganda o kaya naman ay importante ang nang yayari, pero mukang may hinding magandang nangyayari ngayon base na lamang sa mga nakita at narinig namin.

 

 

  

  

Merong tinatago saamin si Mika, hindi ko masabing nag tatago din si Cliona saamin dahil unang una ay hindi naman talaga nya hilig ang mag kwento o mag sabi saamin. Pero kung ano man yun ay sana naman sinasabi nila saamin para sa oras ng gantong pangyayari ay hindi kami nangangapa sa nang yayari, lalaki parin naman kami kahit na sabihin nating mas malakas sila saamin pero dapat kami ang nag poprotekta sakanila.

 

  

  

 

"Hindi mo nga ako magawang sapakin"

 

  

  

Biglang bumulong saakin ang sinabi noon ni Cliona kay Aero nung panahon na delikado ang buhay namin pare pareho dahil kay Banjo. Totoo ngang mas malakas saamin si Cliona pero kahit anong mangyari babae parin sya at kami ang lalaki.

 

  

  

  

Kung ano man ang nang yayari ngayon ay sana sabihin nila saamin sa lalong madaling panahon.