Heart's Eyes Chapter 2

Next Day...

INT.CLASSROOM-DAY

Maulan ang panahon ngayon. Basa ang sahig ng classroom dahil sa ulan.Pumasok si Christian at lumapit kay Yolo at may binulong.

CHRISTIAN(Pabulong)

Kamusta ka Yolo?

*napangiti si Yolo tila ito na ang pinaka masayang tag-ulan na naranasan niya sa buong buhay niya ng marinig ang bulong ni Christian.

YOLO

A..a..ayos lang.

LIA

Ayos ka lang ba Yolo may sakit ka ba bat' parang namumula ka.

*habang sinisipat ng palad ni Lia ang noo at leeg ni Yolo

YOLO

May naaalala lang ako.

CHRISTIAN

*Inakbayan si Yolo

Siguro sobrang saya ng naaalala mo.

----------------------------------------------------------------------

EXT.GOING HOME ALONG THE STREET-DAY

Kinuha ni Christian ang bag ni Yolo at inalalayan ito pauwi at kasunod nila si Lia na tila sinukluban ng langit at lupa sa nakikita at naririnig.

CHRISTIAN

Yolo ano 'to?

YOLO

Aaaaaiissshhhtaaaa!! Bulag ako hindi ko yan makikita.

CHRISTIAN

Kapain mo kasi...

*Kinapa nito ang hawak ni Christian.

YOLO

Ano 'to? hahaha... Mahaba at matigas..

LIA

*Biglang sumingit at iritableng sumagot si Lia...

Tubo lang yan Yolo ilang beses ka ng nakahawak niyan... at Christian bakit ka may dalang tubo ano ka tubero o pabibo?

CHRISTIAN

Si..si..sige ito na lang...

LIA(May mataas na tonong pananalita)

Tsokolate!!!???Papatayin mo ba si Yolo allergic siya diyan!!

CHRISTIAN

Sorry hindi ko alam...ahm..ito na lang sabay abot kay Yolo ng isang...

YOLO(Excited)

Teddy Bear!!

*bigla nitong niyakap si Christian sa sobrang saya.

LIA(Pabulong kay Yolo)

Actually pink na baboy siya hindi siya bear.

At nandito na tayo kanina pa Christian baka gusto mo ng buksan yung gate para makapag pahinga na si Yolo...Ang weird niyong dalawa.

*Binuksan ang gate at nagpaalam na si Yolo sa kanyang mga kaibigan.

------------------------------------------------------------------------

ACT. TEN

EXT.ALONG THE STREET-DAY

Habang naglalakad ang dalawa papalayo sa apartment ni Yolo biglang kwinelyohan ni Lia si Christian.

LIA

Ikaw!!!...anong balak mo?!

CHRISTIAN

Ha?!

LIA

Kahit babae ako...nakikita mo 'tong kamao ko kaya nitong dumurog ng paminta.

CHRISTIAN

Si Yolo?

LIA

Ang sabi ko ng paminta at bakit ko naman dudurugin si Yolo paminta ba siya?Sinabi ko ba yun? May sinabi ba ako?

CHRISTIAN

Ha? Ang gulo...Hindi ang ibig kong sabihin si Yolo ba yung naglalakad mag-isa na 'yon?

LIA

Ay pisting bulag na 'to oh oh naman...

YOOOOOLLLLLOOOOO!! Diyan ka lang huwag ka nang maglakad baka masagasaan ka...

PEEP! PEEP! PEEP! PEEP! SSSKKKKRRRTTTTT....

CHRISTIAN AT LIA

Ay Pisti...

*Bumaba ang driver ng sasakyang muntik na makabangga kay Yolo. Matangkad ito,maputi,may singkit na mga mata,at matipuno...

STRANGER

Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?

*Tumakbo papalapit sina Christian at Lia...

CHRISTIAN

Ayos ka lang ba Yolo 'bat ka pa kasi lumabas ng apartment mo?

*habang hawak hawak ang baywang ni Yolo

LIA

Huwag ang baywang ang hawakan mo yung tuhod ang may sugat...

CHRISTIAN

Ito na nga eh...

YOLO

Araaayyy...masakit din yata ang baywang ko.

*Kaagad namang hinawakan ni Christian ang baywang ni Yolo ng marinig ito.

LIA

Shiiiiiyaaaaa!!! Iba din...

CHRISTIAN

Sir mag-ingat naman po sana kayo maliit lang po kalye na 'to...

STRANGER

Sorry medyo nagmamadali kasi ako...

*Lumapit ito kay Yolo at hinaplos ang mukha nito at tila naluluha ito...napalingon ito sa paligid na tila may hinahanap...

CHRISTIAN

Sige Sige na po sa susunod po sir mag-iingat na po kayo...

STRANGER

Ah ah..pasensya na talaga here is my calling card...Lahat ng medical expenses ako ang sasagot.Kailangan ko lang talaga umalis na ngayon...

*Pasakay na sa kanyang kotse nang biglang...

BOOOOOOOGGSSSSHHHH!!! *isang tubo ang humampas sa ulo nito.

LIA

Ohh...infairness may sense ang pagdala mo ng tubo na 'to...

Ganon-ganun na lang yun? Ayos ka rin ah!! Christian buhatin mo si Yolo ipasok mo sa loob ng kotse nito... Ikaw Mister Criminal ihahatid mo kami sa hospital o ikaw ang maghahatid sa sarili mo sa hospital.

*habang hinahampas nito ang tubo sa kanyang palad.

STRANGER

Si...si..sige...

LIA(Tinitigan ang estranghero mula ulo hanggang paa)

Parang...

CHRISTIAN

Bilisan niyo na...

INT.CAR-DAY

Medyo mainit sa loob pero mukha namang bago ang kotse.Kapansin-pansin na maraming nakaditkit na stickers sa loob. Medyo iniinda pa rin ni Yolo ang mga galos na natamo,hawak-hawak siya ni Christian sa likod ng kotse habang si Lia ay nasa harapan hawak-hawak ang tubo at may pagtatakang tinititigan ang estranghero at habang ang estranghero ay tila naguguluhan kung saan titingin sa kalsada o sa tubo na hawak-hawak ni Lia na anumang oras ay hahampas sa kanya.

CHRISTIAN

Ganito ba talaga si Lia...nakakatakot siya.

YOLO

May pinagdadaanan siguro siya...kawawa naman

.

CHRISTIAN

Kung nakikita mo lang sarili mo Yolo mas kawawa ka...

*diniinan ang sugat nito sa tuhod.

YOLO

Aruy! Aruy!

LIA

Paano ba isara 'tong bintana na ito?

YOLO

Sa ikatlo mula sa kanan may pindutan diyan...

LIA

Sa wakas nasara rin...Paano mo nalaman kung paano 'to isara?

YOLO

Pamilyar kasi yung model ng kotse...Di ba Lia?

LIA

Hmmm...parang hindi naman...

YOLO

Hay...sige na nga...hindi na...

STRANGER

Hahaha...ganun ka pa rin...

LIA,YOLO AT CHRISTIAN

Ha?!! Ano?!!

STRANGER

Ang sabi ko nandito na tayo...

INT.HOSPITAL-DAY

Mukhang mayaman ang estranghero sa isang maganda at sikat na hospital nito dinala si Yolo...at habang naglalakad ito napapansin nila Christian at Lia na panay ang ngiti ng mga Doktor at Nurses sa estranghero.

LIA

Hoy...Mister Criminal naging pasyente ka na ba dito? Mukhang kilala ka na ng mga doktor at nurses dito.

STRANGER

Aa..ak..

LIA

Tsk...tsk...tsk... Alagaan mo kasi katawan mo kawawa ka naman.Sakitin ka ba alagaan mo rin kasi yung kalusugan mo 'wag lang ang mukha...

INT.HOSPITAL WARD-DAY

Nililinisan at ginagamot na nila ang mga sugat ni Yolo at nakapag x-ray at ilang medical exams na rin siya to make sure na walag problema lalo na ang baywang nito.

DOKTOR

Good Afternoon po Director nandito po pala kayo...

LIA

Direktor ka? As in yung sa T.V.?

STRANGER

I'm a Hospital Director not a T.V. Director

*Lumapit ito kay Yolo,lumuhod,hinawakan ang kamay nito at inilagay sa kanyang mga mukha.Hinalikan nito si Yolo sa noo at kinuha ang mga kamay nito at idinikit sa dibdib ni Yolo.

Nakikilala mo pa ba ako?

*Yumakap ito sa estranghero at...

YOLO

Kuya Luis...

LIA

Kuya Luis!!!! Kapatid mo? Akala ko solong anak ka?

LIA's P.O.V.

Parang narinig ko na yung pangalan na yun o nabasa kung saan baka sa t.v? Pero hindi naman siya direktor sa tv kaya imposible. Sa most wanted list? Hindi rin kasi hindi pa naman ako nakakapasok sa isang police station. Saan? Pamilyar talaga yung pangalan na Luis.Mukhang hindi naman ito si Luis Manzano so sino ka bang Luis ka.

*Nakatulala lang si Christian sa mga narinig at nakita pero mas pinili niyang huwag lagyan ng malisya ang nakikita at naririnig. (weh baka niyok Christian)

LUIS

*Pinaglalaruan nito ang pilikmata ni Yolo habang kinakausap ito.

Ang haba talaga ng pilikmata mo mas humaba pa nga yata.

LIA

Tsk...tsk..tsk.. Ikaw Christian nahawakan mo na ba pilikmata ni Yolo?

CHRISTIAN

Ha?! Ba...bat ko na naman hahawakan yung pilikmata niya ano ako...

LIA

Sobbbbrrrrrraaaaaaaannnnnnnnggggggg haba talaga... Pero maiba ako para talagang pamilyar sakin yang Luis na yan eh.

CHRISTIAN

*Napasigaw ito sa gulat at taranta sa nakita...

Ako na mag susubo sa kanya!!!

*sabay takbo papalapit kina Luis at Yolo.

LUIS

Okay lang ako na namiss ko kasi itong kyut kyut kyut na 'to...

* sabay pisil sa mga pisngi ni Yolo.

LIA(Pabulong kay Christian)

Ramdam ko sa awra mo ngayon hindi mo pa napipisil mga pisngi ni Yolo. Sobrang lambot at stretchable ang sarap kurot-kurotin...Promise worth it.

CHRISTIAN(PASIGAW)

Wala akong pakialam kung napisil niyo na pisngi niya at nahawakan ang mga pilikmata niya!!!

At least ako nakita ko na ang katawan niya!!

aahmm...ahmm...maganda walang kapares sa ganda...

*AKWARD SILENCE...

LIA

Legendary... An Enemy has been slained.

YOLO

*Hawak-hawak ang dibdib habang namumula na parang kamatis ang mukha.

Sa..sa..salamat...

*tumakbo papalabas ng hospital si Christian.

CHRISTIAN(Kinakausap ang sarili)

*Habang marahang tinatampal ang noo...

Haaaiisstt!! Ba't mo ba yun pinagsasabi kanina?

ACT. ELEVEN

INT.YOLO's APARTMENT-DAY

Kinabukasan dinalaw ni Christian si Yolo para makasigurong ayos na ito. May dala itong lugaw. Pagpasok nito sinalubong kaagad ito ni Luis at Lia.

LIA

Sino ka?

CHRISTIAN

Ha?nakainom ka ba?

LUIS

Uy Christian na kaibigan ni Yolo...tuloy ka...Lia si Christian hahaha...

*napabuntong hininga si Luis at pinatuloy na si Christian sa loob.

CHRISTIAN

Nagdala ako Yolo ng lugaw.

*isinalin ito sa mangkok at akma itong kukunin ni Luis.

LUIS

Ako na magpapakain sa kanya.

CHRISTIAN

Lugaw ko 'to ako dapat magpapakain sa kanya...sige na Yolo buka mo na yung bibig mo ipapasok ko na...

YOLO,LUIS At LIA

HA!!!

CHRISTIAN

Ang ibig ko sabihin isusubo ko na...

YOLO,LUIS AT LIA

Yung ano???!!!

CHRISTIAN

Yung lugaw.

LIA

O bahala na kayong tatlo magsubuan diyan. Maglilinis muna ako dito okay... Subuan lang ng lugaw huwag kung ano-ano ang pinagsusubo niyo kay Yolo dirty...

*namula ang tatlo sa sinabi ni Lia.

LIA

*Hawak ang bleach at brush habang papalayo sa tatlo..

Nangangamatis yang mga mukha niyo...

Hmmm...effective din kayang panglinis ito ng maruruming utak...

(I'm also pertaining to you reader...)

------------------------------------------------------------------------

HABANG NAGLILINIS NG CABINET SI LIA may nakita itong mga litrato na nagpaalala ng lahat sa kanya ng tungkol kay Luis.

*Tumakbo ito papunta sa silid kung nasaan si Yolo,Christian at Luis.

LIA

Luis Corazon Concho

LUIS

Oh bakit?

*Napatayo ito...kabado at namumula...

LIA

Wala lang nice to meet you...Hehe!

*lumapit si Lia kay Christian at hinila ang tenga

nito

LIA

Halika...

CHRISTIAN

Aaaaawww!!!..ara..ara..aray..aaraa...aaray bakit ba?

LIA

Isang tanong isang sagot. Mahal mo ba si Yolo?

CHRISTIAN

Ano kasi...mab...

LIA

Oo o Hindi!!!

CHRISTIAN

Oo!

LIA

Magkita tayo bukas sa library ng School...

ACT.TWELVE

INT.LIBRARY-DAY

As usual tahimik kasi nga library. Nasa pinaka dulo sila Christian at Lia ng library at nasa harap ni Christian ang isang maliit na blackboard na natatakman ng itim na tela.

CHRISTIAN

Kailangan ba talagang nakapang pulis ka pa mabuti pinapasok ka sa school na ganyang ang bihis mo.

LIA

Because I'm the owner of this school char!!! Doon tayo sa agenda natin...

*sabay tanggal ng tabing sa maliit na blackboard.

CHRISTIAN(Gulat)

*Kita ng dalawang mata niya ang mga litrato ni Luis...

Stalker ka ba? 'bat ang dami mong litrato ni Luis?

LIA

Take note maganda ako so hindi stalker ang tawag sakin admirer para sa mga pangit lang stalker... Erase erase erase hindi ako admirer ni Luis noh... Eeeewww... He is not my type...

CHRISTIAN

Stalker ka ni Luis eh promise hindi talaga?

LIA

Kahit makalimot pa ako hindi ko siya magugustuhan ...duh duh duh!!!

*hinarap patalikod ni Lia ang maliit na blackboard...

Makikita ngayon ang ang mga litrato ni Yolo na kasama si Luis...

CHRISTIAN

So magkapatid nga talaga sila Yolo at Luis.

LIA

Ako lang ang pwedeng maging b*b* dito... Ex ni Yolo si Luis!!!

CHRISTIAN

Ano?!!

*nagulat ito sa narinig...

LIA

Ganyan ang iniexpect kong reaksyon galing sa unang nakahalik kay Yolo.

CHRISTIAN

Ha? Pa..pa..paano mo nalaman.

LIA

Nakita ko hehe...nakalimutan ko lang sabihin may amnesia yata ako...hehehe

CHRISTIAN

Teka lang tama ba narinig ko ako ang unang halik ni Yolo.

*namumula nitong tanong habang matipid na kinikilig...

LIA

Oo naman... Hmm...oh kunin mo.

*Inabot kay Christian ang isang piraso ng papel.

CHRISTIAN

Ano 'to?

LIA

Translated yan mula sa braille(writing equipment for blinds) journal ni Yolo.

Nakasulat diyan lahat ng mga gusto niyang gawin kapag nagkaroon na siya ng jowa.

CHRISTIAN

Pandaraya 'to...salamat na lang papa-ibigin ko si Yolo ng walang tulong niyan...

Pero in case na kailanganin ko...itatago ko na lang muna.

LIA

Hindi tulong yan... Php. 150.00 bawat page so 2 pages yan kaya Php. 300.00

CHRISTIAN

Ano? Binebenta mo kaibigan mo?

LIA

Ang O.A. mo joke lang tres lang bawat isang copy balik puhunan... Joke...

------------------------------------------------------------------------

INT.CLASSROOM-DAY

Nakaupo at naghihintay si Yolo,kanina niya pa hinahanap sina Lia at Christian halos buong araw niya nang hindi nakikita ang dalawa-ang ibig kong sabihin nagpaparamdam(bulag nga pala si Yolo so hindi niya talaga makikita si Lia at Christian).

LIA

Tada!!! Namiss mo ba ako Yolo...

YOLO

Saan ka ba nagpunta akala ko iniwan mo at nakalimutan mo ako... Huwag mo kong tinatakot.

LIA

Diyan lang sa tabi-tabi naghahanap ng magiging jowa.

YOLO

Hindi pwede...

LIA

Bakit naman??

YOLO

Kasi may...

*Isang bulong ang narinig ni Yolo,ramdam niya ang mainit nitong hininga na tila kumikiliti sa kanyang tenga papunta sa kanyang leeg.

CHRISTIAN

Si Lia lang ba ang hinahanap mo paano naman ako? Hindi mo ba ako hinahanap?

YOLO

Lia...pakinggan mo na lang ako bawal kang magka boyfriend.

*Binubulungan ni Lia si Christian...

LIA

Ano ka ba ayusin mo ang pag-suyo kay Yolo... Mukhang nawawala ang interes niya sayo. Tandaan mo ikaw ang first kiss at si Luis ex lang.

CHRISTIAN

Ahm..Yolo? Ah eh..Pwede bang maglaro tayo?

YOLO

Laro?

LIA

Ang ibig sabihin ni Christian siya ang maghahatid sayo sa apartment mo papaturo siyang magbasa ng braille(equipments and books for blinds)

CHRISTIAN(Pabulong)

Diskarte ko 'to

LIA(Pabulong)

Anong diskarte mo yayayain mo yung crush mo makipag laro sayo anong paglalaruan niyo? Bola?okay lang sana kung malaki yang bola mo...

YOLO

Ah...gusto ko sana kaso lang susunduin ako ni Kuya Luis eh...

LIA

Ako nang bahala sa Luis na yun...

YOLO

Okay walang problema...Ayos na ayos yan sa akin.Sobrang ayos...

------------------------------------------------------------------------

ACT. THIRTEEN

INT.APARTMENT OF YOLO-DAY

Hinatid nga ni Christian si Yolo sa kanyang apartment. Pinapasok nito si Christian.Habang nakatalikod ay akmang huhubarin na Yolo ang kanyang T-shirt.

YOLO

Ahm...Christian...mag bibihis ako ta...ta..talikod ka muna.

CHRISTIAN

Naiilang ka ba??...Sorry hindi ko naman talaga ginustong makita yung katawan mo.Wala akong masamang intensyon sayo.Promise.

YOLO

Hindi naman ako naiilang nahihiya ako kasi pangit ang katawan ko at saka hindi man kita ng mga mata ko ang mukha mo kita ng puso ko na mabuti ang loob mo.

CHRISTIAN

Seryoso ako sa sinabi ko maganda ang katawan mo. Okay...Nakatalikod na ako...nakapikit pa ako at para sure tinakpan ko na rin mga mata ko.

*Tila nahihirapan si Yolo sa paghubad ng kanyang T-shirt at naririnig ni Christian ang pagrereklamo nito...

YOLO

Awww...ano ba 'bat hindi ko ito mahubad hubad...

*Lumapit si Christian kay Yolo hinawakan nito ang dulo ng t-shirt ng uniform ni Yolo at dahan-dahan itong inangat at tuluyang hinubad ito. Ngayon malapitan niya nang nakikita ang katawan ni Yolo,ang likod nito ay tila nangungusap. Idikit ni Christian ang kanyang ilong sa likod ni Yolo amoy niya ang pabango nito...amoy strawberry at cherry blossom... Unti-unting dumadampi ang mga palad ni Christian sa likod ni Yolo at...

YOLO

Okay ka lang ba Christian mukha kasing masyadong malalim ang hinga mo...

CHRISTIAN

Te...te..teka lang...

*nauutal nitong sambit ng bumalik ito mula sa pagkakagising mula sa pantasya...

YOLO

Lumapit ka sakin... Titignan ko kung may lagnat ka kasi naramdaman ko kanina sobrang init ng hininga mo.

CHRISTIAN

Teka lang hintayin ko lang lumambot 'to...este isasampay ko lang yung hinubad mong damit...o...o...okay lang ako.

YOLO

Sige sabi mo eh...gusto mo tulungan na kita diyan...

CHRISTIAN

Tu...tu...lungan mo ako dito?

*napatingin ito sa kanyang ibaba...

YOLO

Oo sa pag sampay ng pinaghubaran ko.May ipapagawa ka ba sakin o ihihingi ng tulong?

CHRISTIAN

Woooo!!! Wala okay na ako rito...

YOLO

Okay...

*walang ano-ano ay hinubad ni Yolo ang kanyang pantalon.Nakita ni Christian ang matambok nitong pwetan. na nagkukubli sa puti nitong brief...

CHRISTIAN

Wow...

*pagkamangha nito...

YOLO

Ha?

CHRISTIAN

Ang sabi ko Na..na..Nakapikit ako. Nakatalikod din ako.

*Nakapagbihis na si Yolo at pumunta ito sa lamesa at kinuha ang braille books upang maturuan na si Christian ng pag gamit nito.

----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE...

EXT.UNIVERSITY GATE-DAY

Naghihintay si Lia sa labas ng gate ng University. Isang pulang kotse na pamilyar sa kanya ang huminto sa harapan niya. Bumukas ang bintana nito.

LUIS

Lia si Yolo? Susunduin ko siya.

*tinititigan ni Lia ng matagal si Luis tila inoobserbahan ng masyado ang lalaking kumakausap sa kanya at hinarap nito ang side mirror ng kotse kay Lia.

LIA

Oh Luis...Bat ka nga ulit nandito?

LUIS

Susunduin ko si Yolo.

LIA

Nauna nang umuwi.

*Akmang bubuksan ang pintuan ng kotse.

Haaaiisssshhhhttttttaaaa!!! 'bat hirap na hirap talaga buksan 'tong kotse mo kahit noon pa.

LUIS

Ha?

LIA

Ha? May sinabi ba ako?

*Binuksan ni Luis ang pintuan ng kotse at sumakay na si Lia.

LUIS

Wala...Ang sabi ko hatid na kita pauwi.

LIA

Surprise me. Ayaw ko pang umuwi eh paghuhugasin lang ako ng pinggan sa bahay.

*Kinukutkut ang mga stickers na nakadikit sa loob ng kotse ni Luis.

LUIS

Weird ba? Masyado na ba akong matanda para maglaro ng stickers?

LIA

Hindi naman... ang paglalaro ay para sa lahat walang age limit ang weird lang ay bakit spelling ng "I Am Luis" stickers ang nakadikit sa bawat sulok ng kotse mo? Pwede namang animals o di kaya cartoon characters...

LUIS

Para hindi ako makalimutan ng taong mahal ko para kapag makakalimutan niya na ako maaalala niya ulit ako because my name is everywhere.

LIA

Mukhang hindi effective.

LUIS

Mukha nga eh...

LIA

Pero wag kang mag-alala ang puso may sariling utak na kahit kailan hindi nakakalimot.

------------------------------------------------------------------------

INT. YOLO's APARTMENT-DAY

Nakakalat ang Braille Books (Books for blinds) sa lamesa ni Yolo.Masakit na ang ulo ni Christian kakaintindi ng mga tinuturo ni Yolo.

CHRISTIAN

Aaaarrrhhhhhggggg!! Pagod na ako,ang sakit na ng ulo ko.

*sabay higa nito sa kamang malapit sa lamesa kung saan sila nag-aaral. Maya-maya maririnig ang isang old groovy song...

Halika Yolo sayaw tayo.

YOLO

Ayaw ko hindi ako marunong sumayaw.

CHRISTIAN

Anong hindi...nakikita ko yang mga paa mong sumasabay sa tugtog.

YOLO

Pero hindi talaga ako marunong sumayaw.

CHRISTIAN

Lahat marunong sumayaw.May mga taong magaling sumayaw pero wala pa akong nakikilalang hindi marunong sumayaw.

YOLO

Siguro sa susunod na lang.

CHRISTIAN

Kill Joy...

*tumayo si Yolo...

YOLO

Ehem...

CHRISTIAN

Yehey...

*hinawakan nito ang balikat ni Yolo at ginewang-gewang

Ganyan kaliwa kanan...kaliwa kanan...

*Biglang napalitan ng isang sweet song ang kaninang groovy na music. Tila nahulog ang dalawa sa isang mahika ng tugtog.Mula sa balikat ni Yolo bumaba ang mga kamay ni Christian sa baywang ni Yolo. Maliit lamang si Yolo at ramdam niyang may kakaibang nangyayari ang mga paa niya nakatapak ito sa mga paa ni Christian buhat-buhat siya nito...sa kadahilanang ito nagkadikit ang mga noo nilang dalawa ramdam nila ang hininga ng bawat isa ...sa oras na ito tila nakikita ni Yolo ang mukha ni Christian...

CHRISTIAN

Ang sabi mo sa akin dati hindi mo gusto si Lia...ahm ngayon may nagugustuhan ka na ba?

YOLO

Oo

CHRISTIAN

Sa palagay mo gusto ka rin ba niya?

YOLO

Gusto pero hindi siguro katulad ng pagkagusto ko sa kanya.Ikaw,may nagugustuhan ka na ba?

CHRISTIAN

Ahmm...sa totoo niyan may nagugustuhan ako.

YOLO

Kilala ko ba?

CHRISTIAN

Oo.

YOLO

Sa tingin mo gusto ka rin ba niya?

CHRISTIAN

Hmmm...hindi ko masabi eh... Ang totoo niyan nahalikan ko na siya,pero saglit lang...sobrang bilis lang na halik. Kinabahan kasi ako kaya hindi na ako nakapagsalita,hindi ko rin tuloy nalaman kung gusto niya ako...

Yolo,kapag nanakawan ka ng halik paano mo babawiin yung halik na yon?

*Hinawakan ni Yolo ang mga labi ni Christian,ang ilog at mga mata yun ang unang pagkakataon na mahawakan ang mukha nito. Tama nga si Lia matangos ang ilong nito--gwapo nga si Christian. Idinampi ni Yolo ang kanyang mga labi sa mga labi ni Christian,isa dalawang segundo lima,anim pitong segundo sampu labing-isa...isang matamis na halik ang kanilang pinagsasaluhan.

--------------------------------------------------------------------------

ACT. FOURTEEN

EXT.ABANDONED PLACE-NEARLY DARK

Abandonado na ang lugar pero may isang parte sa lugar na ito na tila isang paraiso sa isang sira at magulong lugar. Puno ito ng pananim na sunflower at orchids at isang maliit na bahay ang makikita na nasa tuktok ng isang malaking puno.

LUIS

Na surpresa ba kita?

LIA

Oo ang liit pala ng bahay mo...

LUIS

Puhahaha...pumasok ka sa loob para makita mo...

*Pumasok sila Lia at Luis sa loob ng tree house... Parang nasa kalawakan sila puno ito ng glow in the dark stars at planets...para silang nasa kalawakan.

LIA

*Lumuluha ito ayaw tumitigil ang pagpatak ng mga luha nito sa kanyang mga mata. Humahagugol ito...at niyakap si Luis ng napaka higpit.

Luis...nandito ka...patawad nakalimutan kita.Hindi ko sinasadya...hindi...

LUIS

Shhhh...hindi mo kasalanan,ang importante naaalala mo ako ngayon.

LIA

Pero paano kung makalimutan kita ulit...

CHRISTIAN

Edi papakilala ulit ako sayo paulit-ulit. At saka tiwala ako na maaalala ako ng puso mo dahil...

CHRISTIAN AT LIA

Ang puso ay hindi kailanman nakakalimot.

*sabay nilang sambit

-----------------------------------------------------------------------

INT.YOLO's APARTMENT-NEARLY DARK

Habang nakahiga si Yolo sa bisig ni Christian... may napasing mga litrato si Christian na nakadikit sa kisame.

CHRISTIAN

Ngayon ko lang napansin puno pala ng litrato mo,ni Lia at ni Luis ang kisame mo.

YOLO

Ah,oo para hindi ako makalimutan ni Lia.

CHRISTIAN

Ha? Makalimutan?hahaha imposible...Bakit ka naman makakalimutan ng bestfriend mo?

YOLO

Well posible... May sakit kasi siya.

CHRISTIAN

Ha??!!

YOLO

Meron siyang Transient Global Amnesia,Bigla-bigla niyang nakakalimutan ang mga bagay-bagay,minsan bumabalik kaagad pero minsan matagal bumalik o baka hindi na bumalik yung mga alaala niya na nakalimutan niya na okaya mga taong importante sa kanya tulad ni Kuya Luis.

CHRISTIAN

Si Lu...Lu..Luis??!!

YOLO

Oo.Magboyfriend sila pero napilitang iwanan ni Lia si Kuya Luis dahil ayaw niyang masaktan si Luis sa paulit-ulit na pagkalimot sa kanya. Bakit parang g

ulat na gulat ka?

CHRISTIAN

Akala ko kasi ex mo si Luis...

YOLO

Aaahhh kaya pala... ang cute mo pala magselos...

CHRISTIAN

Hindi noh...walang pagseselos na nangyari...unti lang... Siguro...

*napakamot ito sa ulo sa hiya...

YOLO

Sabi mo eh boyfriend...

CHRISTIAN

Ano yun?

YOLO

Wala...

CHRISTIAN

Dali na ulitin mo na...tawagin mo ulit akong boyfriend...

*pinilit nitong marinig ang masarap na salita sa kanyang pandinig...

---------------------------------------------------------------------------

SPECIAL SCENE

INT. YOLO's APARTMENT-NIGHT

Medyo madilim ang kwarto ni Yolo tanging ang mga patay sinding L.E.D. lights ang nagbibigay liwanag sa loob ng silid niya...

CHRISTIAN

Ang dilim naman dito...

YOLO

Hmmm...sanay na ako sa madilim...hahaha ikalawang drawer ng cabinet sa kaliwa mo may flashlight diyan...

*Laking gulat ni Christian ng buksan niya ang drawer ng cabinet na binanggit ni Yolo...

Ako na lang pala ang kukuha!!!!

*napatalon si Yolo sa pagmamadaling mapigilan si Christian mabuksan ang cabinet.

CHRISTIAN

Ahmm...hahahhaahha...

YOLO

Hindi akin yan...at saka hindi pa ako handa sa mga ganyan...

CHRISTIAN

Alam ko ang importante lang sakin ako lang ang nakikita ng puso mo at wala ng iba...

*Isang katok ang narinig nila...pinagbuksan ito ni Christian.

LIA

Yolo...gusto kong ipakilala ang boyfriend ko si...

Sino ka nga ulit?

LUIS

Luis ang nagiisa at mapagmahal mong boyfriend...

YOLO

Masaya ako para sa inyong dalawa...

*Ngumiti ito

LUIS

Hulaan ko kayo na ni Christian...

*may pang-aasar na tingin nito...

LIA

Oh my gollywow! Magagamit mo na yung mga regalo ko sayo...

*Dali-dali itong nagtungo sa cabinet at...

May iba't-ibang flavor 'to may mint,spicy lemon...oooohhhh orange,wow may chocolate din...

YOLO(Napasigaw ito habang nakatakip ang tenga)

Lia!!!

YOLO,CHRISTIAN,LUIS AT LIA

HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

spread your colors baby rainbows lav yeah