PROLOGUE

"Waahh! I can't believe this!" Inis kong sigaw at pinigilang ma-luha.

Nandito kami ngayon sa condo ko at inaya kong uminom 'yung mga best friend ko.

Otomatikong lumapit sa 'kin si Xylas, boy best friend ko, upang aluin ako. "What? What happened?"

"Wala lang 'yang jowa," singit ni Saiah, boy best friend ko din. Kinuha ko 'yung unan sa sofa at hinagis 'yun sa kaniya. Naka-ilag naman siya kaya dumila siya.

"Tumahimik ka nga, Saiah! Naiinis ako sa 'yo! Umalis ka nga! Nakakairita ka!" tuloy-tuloy kong sabi.

"Aba! Inaya mo kami dito tapos ngayon paaalisin mo 'ko? Abnormal ka ba?" namewang pa talaga siya!

"Aish! Tama na nga!" awat sa 'min ni Xylas. "Ano ba'ng meron?"

"Kasi ano, e..." nahirapan akong mag-salita nang maramdaman kong para akong malu-luha. "S-Si.. Attorney Tanez.."

"Oh bakit? 'Yung si Chase ba 'yun?" kunot-noong tanong ni Xylas.

"Oo.." naka-tungong sagot ko. Kinuha ko 'yung beer sa lamesa saka dinere-deretsong ininom 'yun bago nag-salita ulit. "Nakita ko na siya.."

"Oh, tapos?" parang sawang-sawa na si Saiah sa mga kadramahan ko nang tanungin niya 'yun. Bwisit talaga 'to, e!

"Kasi diba? S-Seven years 'yun! Seven years nang huli kaming mag-kita tapos.. ngayon.. magki-kita kami.. d-doktor na siya," saka na tumulo 'yung kanina pang nagba-badyang luha ko.

"Gago?!" napatayo pa si Xylas sa gulat. "Siya 'yung? Sinendan ko ng e-email?!"

"Tangina, sinendan mo pala ng email, bakit 'di mo sinabi sa 'kin?!" hindi ko na napigilang mag-taas ng boses.

"Sorry.. Hindi ko alam na siya 'yun.. Promise."

"Hindi ko kayo ma-gets," iiling-iling na sabi ni Saiah. Napa-buntong hininga nalang ako. "Sino ba 'yang tinutukoy niyo? Chase? Tanez?"

"Tangina ka, 'di mo ma-alala?" inis na tanong ni Xylas sa kaniya. "Siya 'yung nanakit kay Van!"

"Shit."

"Ano ba'ng nangyari, dre?" tanong ni Xylas.

-FLASHBACK-

"Vanyah!" tawag sa 'kin ni Vander, kuya ko.

"Ano nanaman?!" inis kong tanong sa kaniya.

"Magka-karoon daw tayo ng emergency meeting. Tungkol lang naman sa bagong lawyer. He's good, I heard," naka-ngising sabi niya saka nilabas 'yung phone niya para may ipakita sa 'kin pero biglang may tumawag. "Yes, I'm on my way." then he hung up.

"Anong Lawyer? Ang daming lawyer ngayon na naka-pila, Vander." irita kong sabi.

"Tsh! Tawag na tayo nila mom. Doon mo siya makikilala, tara na!" hinila pa ako ng kumag.

"Okay, Vanyah, magka-karoon tayo ng bagong lawyer since Attorney Vincent died. May he rest in peace," pabulong pa na sabi ni ma sa huli.

"Sinasayang niyo oras ko, sino ba 'yan? Kapag 'yan tinalo ko pa, kokotongan kita Vanlas!" dinuro ko pa 'yung ading ko.

"What?! Ako nanaman?!" parang batang sabi niya.

"Attorney Chase Lee Tazen will be our new lawyer for this company," si daddy na ang nag-sabi. Otomatiko akong tumayo at hinarap sila.

"Wala na bang iba? Dad! Please! I don't like this!" pagmamakaawa ko.

"Don't let your personal feelings affect anything in this company, Vanyah Mill." paalala ni Daddy. Inis akong tumakbo papalabas ng office pero may naka-bungguan ako.

"Sorry."

"Sorr--" otomatiko akong na-pahinto nang makarinig ako nang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya at pigil ang luha kong pinag-masdan ang kabuuan ng mukha niya.

"I'm sorry, miss but you're blocking my way," he said in a cold voice. And Miss?! Ugh! Kailan pa niya akong tinawag na miss?!

"A latte for Vanyah!" tawag ng babae sa cashier. Nasa isang coffee shop ako ngayon para man lang makalimutan ko 'yung mga nangyari kanina. Tumayo ako para kuhanin iyon pero napahinto din nang tumawag ulig ang babae. "A frappe for Chase!"

Halos manginig ako at hindi ko makuha nang maayos 'yung inumin ko dahil nandoon nanaman siya! Ayos naman talaga ang tadhana ano?

"Sorry!" I have to say sorry again because I spilled a little on his coat.

"Yeah, right!" halos umirap na siya sa inis. "You again," bulong niya sa sarili pero nag-panggap nalang ako na hindi ko narinig.

-END OF FLASHBACK-

"Bakit ba kasi nagp-panic ka kapag nalalaman mong nasa paligid mo 'yang ex mo?!"