Memoirs : Prologue

Third Person's P.O.V

"Itigil mo na yang Mission mo! Hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi pati mga anak natin!" Nagtatalo ang dalawang mag asawa nang hindi nararamdaman ang presensya ng tatlo nilang anak na nasa harapan lamang at nakikinig.

"Ginagawa ko ito para sa bansa! Kilala mo ang Gozum, habang maaga pa dapat solusyonan na ang mga illegal nilang gawain bago pa sila mas maging makapangyarihan!" Sigaw ng kanilang ina.

"Isusugal mo ang buhay mo para sa kapakanan ng iba? Paano naman kaming pamilya mo?!"

"Police ka, intindihin mo naman ako please?"

Huminga ng malalim ang kanilang ama. "Pwede ba Max, Matagal na kitang inintindi! Bago kapa mapahamak magresign kana! Kaya ko naman kayong buhayin, mas mahalaga ba yan kesa sa Pamilya?"

Umiling iling ang kanyang asawa. "Mahalaga kayo, Alam mo yan. Mahal ko kayo pero Alam mo rin na matagal na tong mission na to at marami na akong ebidensya, konting tiis pa please." Naiiyak na ang kanilang ina dahil nahihirapan ito sa sitwasyon nilang mag asawa.

"No! Kung mahalaga kami sayo, kung ayaw mong mapahamak ang mga anak mo, magresign ka!"

Hindi na natigilan ang pagbuhos ng luha ng kanyang asawa. "Alam mo kung gaano ko kagusto tong trabaho na ito Lameitre."

Umiling ang kanilang ama. "You're choosing your work over your family?!" Galit na sabi ni Lameitre.

"Kuya, maghihiwalay ba sila Mom and Dad?" Tanong ni Iris, ang pangalawang anak nila Maxine at Lameitre.

Walang expression ang kanyang kuya. "I don't know." Tugon nito.

"It's not like that hon, don't make it complicated please?"

"You are so selfish! Ikaw nagpapakumplikado ng lahat!" Sigaw ni Lameitre at kita sa kanyang mata ang hinanakit habang nakatingin kay Max.

Tumayo si Iris galing sa couch. "Where are you going?" Tanong ng kanyang kuya.

"Upstairs. Nakakasawa na yang away nila." Nagtungo sya sa kanyang kwarto at humiga sa kama sabay titig sa kisame. Rinig parin nya ang sigawan ng kanyang magulang sa loob ng kanyang kwarto ngunit hindi na niya ito binigyan importansya.

Umupo si Iris sakanyang higaan. "Gozum." Sambit nito.

Inalala nya ang mga araw na laging pinag aawayan ng kanyang magulang, sawa na ito sa paulit ulit na dahilan ng kanilang pag aaway.

Napatingin ito sa mesa kung saan naroon ang lampshade. Bumangon ito at napatitig doon sa isang baril. Iyan ang baril na lagi nyang ginagamit upang makapag insayo. Magulang nila mismo ang nagtuturo kahit na trese anyos pa lamang si Iris at kense anyos naman si Inley para sa self-defense. Hindi pa natuturuan ang bunsong si Irazel dahil limang taong gulang pa lamang ito. Kinuha nya ang baril at tinignan ang magazine kung may lamang bala. Nahulog ang magazine sa sahig at nagkalat ang mga bala. Inisa Isa nya itong dinampot at binabalik sa compartment ng magazine hanggang sa nakarinig ito ng sunod sunod na putok ng baril. Gumapang si Iris at nagtago sa ilalim ng kama. Iyak ito ng iyak dahil minuto ang lumipas bago natapos ang pagpapaulan ng bala. Tumahimik ang paligid ng makarinig ito ng kalabog.

"Search all the Areas." Sabi ng isang lalake na naka mask sa labas ng kwarto ni Iris. May nagbukas ng pinto at tunog ng takong ang naririnig nya kasabay ang napakalakas na pintig ng kanyang puso. Tinakpan nya ang kanyang bibig para makasiguradong hindi ito makagawa ng kahit anong ingay.

"Clear." Rinig nito kaya nakahinga sya ng maluwag. Naghintay sya ng ilang oras bago lumabas ng kwarto. Hawak nya parin ang baril para maprotektahan ang sarili. Sumilip sya mula itaas para makatiyak na wala na yung mga taong iyon pero laking gulat nya ng may nakita syang nakahandusay sa ibaba kaya nagmadali sya.

Hindi sya makapag salita at puro hikbi ang maririnig sa buong bahay. "Mom! Dad!" Niyugyog nya ang kanyang magulang, nagbabakasakaling buhay pa ang mga ito. "Mom! Dad!" Tawag nya ulit ngunit walang nangyayari. Nakita nya ang kanyang kapatid. "Irazel!" Sigaw nya at lumapit sya sabay yakap ng mahigpit sa kapatid.

"Kuya?" Tawag nito. "Kuya Inley?!" Hindi nya mahagilap ang kanyang kuya. Iniisip nya na baka nagtatago lang ito sa paligid. "Nasaan ka kuya?!"

Humagulgol siya at halos hindi na makahinga. "Mag Isa nalang ako." Iyak sya ng iyak. "Mom! Dad! Irazel!" Sinusubukan nya ulit na gisingin sila pero wala syang magawa.

"Mom, Dad, Irazel." sambit nito at may luhang pumatak mula sa mga mata ni Freya. Ang hinagpis ng anak mula sa magulang. "Mom! Dad! Irazel!" Ulit muli at nanghihinang sambit niya.

"FREYA!" ginising sya ng kanyang ama. Napaupo ito at hinahabol ang hininga habang humahagulgol. "Are you alright?" Inabutan sya ng tubig at ininom ito. "Same dream again?"

"Yeah."

"Come here." Sabi ng ama at niyakap ito. "Too much pain for the both of us."

"I wont forgive them til my last breath." Freya said on her mind. Malaki ang pasasalamat niya dahil buhay parin ang kanyang ama kahit ito ay paralisa na.