MEGAN
"Are we done?" tanong ko kay Kenji habang nakatayo na ako at busy sa pagliligpit ng mga folder para ibigay kay Quinn.
"No. Not yet." sabi niya sa akin na mukhang seryoso i
to.
Kanina lang kami nakarating dito sa Davao at wala pa kaming hotel na matutuluyan pero sinabihan ko na si Quinn na maghanap na siya ngayon.
While si Scarlet, nasa lobby lang siya naghihintay lang sa amin na matapos ang meeting namin ni Kenji.
Umupo ako ng maayos at tinaasan ko siya ng kilay para magsimula na siya magsalita.
Alam ko naman kung ano pag-uusapan namin.
"Kayo na ba ni Diego?" tanong niya sa akin at kumunot ang aking noo.
"No. We're just friends. Binusted ko siya." walang-gana kong sagot sa kanya.
"Ah... I see..." patango-tango siya habang nakatitig kaming dalawa.
I don't feel anything.
"How's your life without me?" seryoso kong tanong sa kanya.
Gusto ko malaman kung anong buhay niya noong iniwan niya ako mag-isa.
Noong araw na pagkatapos niya ako iwanan, hindi ko alam kung kaya kong mabuhay ng wala siya.
Hindi ako makakain dahil wala akong gana. Ilang linggo ako nagkulong lang ako sa kwarto ko dahil sa kanya.
Kakaisip kung may nagawa man ako ikakasira ng relasyon namin o pagkukulang sa kanya.
Pero hindi ko rin masisisi siya sa kanyang desisyon, na pinili niya yung pangarap niya kaysa sa akin.
Ang hindi ko lang matanggap...
'Yong iwan niya ako mag-isa at wasakin yung relasyon namin kaysa maghihintay ako sa kanya basta balikan niya lang ako.
Kaya ko naman maghintay.
Kaya ko kasi mahal ko siya...
dati.
"I am really okay, Megan. Nakapagtayo na ako ng business. Mukhang magiging kompleto na 'yong pinangarap ko dati." ngumiti siya sa akin.
Naalala ko sa mga sinabi niya noong kami, pangarap niya talaga na makapundar siya ng sariling business at makapagtayo ng sariling bahay naming dalawa.
'Yong time na 'yon nasa gubat kami na nakahiga kaming dalawa na magkayakap habang tinitingnan namin yung mga bituin sa langit.
Iniisip namin ang mga magiging future naming dalawa kapag tumanda kami.
Pero hindi ko akalain ganito na kami sa future naming dalawa...
Na hindi na kami.
"Ikaw kamusta ka?" tanong niya sa akin.
Pakiramdam ko lumambot yung puso ko. 'Yong tipong walang bahid na pagmamahal para sa kanya.
Siguro tinanggap ko na lang desisyon niya kahit masakit.
Dahil wala naman ako magagawa.
Kailangan kong tanggapin na hindi ako pinili niya.
Tinatak ko sa aking isipan na pinili niya yung pangarap niya kaysa sa akin.
Na mas mahal niya yung pangarap kaysa sa akin.
"Eto CEO na ako ng EyeRed. Masaya naman ako nang wala ka." mapait kong sabi sa kanya.
Nakita kong huminga siya ng malalim.
"I am really sorry, Megan."
Nakikita ko sa kanya na sincere siya sa kanyang sinabi.
Alam kong wala siyang pinagsisihan na pinalitan niya ako sa kanyang pangarap.
Ngunit yung pangarap naming dalawa, tinapon niya.
"I am really okay, Kenji. You don't have to be sorry to me. It is your choice. Nirerespeto ko 'yon." ngumiti ako sa kanya pero sandali lang 'yon.
Alam kong peke lang pinakita kong ngiti sa kanya.
When it comes to him, hindi ko mapakita yung pagiging masungit ko.
Nagiging malambot puso ko pagdating sa kanya.
Siguro nga ganito pakiramdam ng may frst love.
"I know it's sounds stupid." sabi niya at nagtaka ako sa kanya, "Dahil iniwan kita mag-isa hindi para sa pangarap ko." nabigla ako sa kanyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo naman na mahirap lang kami, Megan. Wala ako mapagmalaki sa pamilya mo. Gusto ko magkaroon ka ng maginhawang buhay na hinahangad ng Mama mo para matanggap niya ako."
Nakaramdam ako ng galit.
Sa kanya at kay Mom.
Sinalo ko na lahat ang gusto niya para kay Hexyl sa akin.
Dapat hindi ako magiging CEO ng EyeRed, Si Hexyl dapat nasa posisyon niya ako.
Pero naawa ako sa kapatid ko, ayokong magsakripisyo siya para lang sa pag-ibig niya kay Quinn.
Ayokong mahirapan kapatid ko kaya inako ko na lang.
Pero sa pinagdaanan ko, sinuko ko ang pangarap ko para lang sa kagustuhan ni Mom.
Hindi gano'n kadali dahil ang hirap. Sa totoo lang.
Ang hirap mawalan ng kaligayahan.
Nasasakal na ako sa pagkontrol ng buhay namin ni Hexyl pero kinakaya ko lang.
Kasi pinaghuhugutan ko ng lakas, yung Dad ko.
Tinayo niya 'tong kompanya ko dahil sa akin.
Gusto niya makita niya ako nagpeperform sa stage at ipagmalaki niya na anak niya 'yon.
Pero ayokong malugi ang kompanya na pinaghirapan ni Dad.
Sinakripisyo ko ang lahat para maging masaya sila.
Kahit sa totoo lang hindi ako masaya para sa sarili ko.
"Pinaniwalaan kong iniwan mo ko mag-isa dahil mahal mo yung pangarap mo kaysa sa akin. Masakit 'yon, Kenji. Nahirapan ako sobra kung alam mo lang." inis na sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi yung totoo sa akin? Para mapaglaban kita kay Mom. Kakayanin ko naman 'yon pero napaka-selfish mo." galit na sabi ko sa kanya na kita kong napapikit na lang siya dahil alam kong inaamin niya ang pagkakamali niya.
"It is all for you, Megan. Matatawag mo 'yon na selfish? Ginawa ko ang lahat kahit mahirap. Nahirapan din ako. Gusto ko ipakita sa nanay mo na karapat-dapat ako sayo. Ganito kita kamahal."
Ngumiti ako kahit napakapait ito.
"It's too late, Kenji."
Huli na ang lahat para balikan mo ako.
"Why? Anong problema, Meg? We can fix our relationship."
"Binigyan mo ko ng rason kung bakit mo ako iniwan. Tinanggap ko 'yon kahit mahirap at masakit." tumayo ako sa upuan ko habang pinapakita ko sa kanya na galit ako, "Pero isang araw nawala lahat pagmamahal ko sa'yo, Kenji."
"Wala na dapat pang ayusin kasi winasak mo na." mariin kong sabi sa kanya at tuluyang umalis sa mismong pwesto.
"Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako. Kakayanin ko." napatigil ako sa kanyang sinabi kahit nakatalikod ako.
Hindi mo ko mapipigil, Kenji.
At tuluyang umalis na ako.
Pagkabukas ko ng pinto para lumabas, nakita ko si Scarlet nakatunganga sa harapan ko.
Nagulat siya.
Narinig ba niya ang usapan namin ni Kenji?
"Why are you here?" tanong ko sa kanya habang sinara ko dahan-dahan ang pinto.
"Ah..e... Pinapatawag ka sa akin ni Quinn." kinakabahang sagot niya.
She's too nervous kaya alam kong narinig niya lahat ng usapan namin ni Kenji.
Tumalikod na lang siya kahit natataranta siya kung aalis ba siya o hindi.
"Let's go." utos ko at nagsimula na siyang maglakad sa aking harapan.
Sumunod lang ako sa kanyang likuran.
***
"Do you want this?" alok ko kay Scarlet ng beer ngunit umiling siya.
Nandito kami sa sala ng hotel na pinagtutuluyan namin ngayon.
Magkaiba lang kami ng kwarto pero isang room lang ako.
Si Quinn naman nasa tabing room lang namin kahit pinipilit niya sa akin na siya sumama dito.
Pero hindi ako pumayag dahil gusto ko makasama si Scarlet.
Ngayon, nanonood si Scarlet ng tv na nakaupo sa sofa at ako naman nakaupo sa lapag habang naka-balandra sa aking harapan ang mga beer at chips.
Wala rin naman ako gagawin tomorrow kaya pwede ako uminom ngayon.
Hindi naman ako magpapakalasing. Mas gusto ko lang uminom.
Tumingin ako kay Scarlet na mukhang busy siya sa panonood.
Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nagtitigan kamin dalawa.
I felt something strange in my heart.
Nabigla ako na hindi na siya nakatingin sa akin at tinuon ang kanyang atensyon sa panonood niya.
"Samahan mo ako uminom." utos ko sa kanya sabay alok sa kanya ng beer.
Umiling siya pero pinilit ko ibigay sa kanya kaya wala siyang choice kundi kunin ito.
"Did you know everything tungkol sa amin ni Kenji?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Painom na sana siya kaso nasamid siya, "H-hindi po." utal niyang sagot sa akin.
"Tell me the truth."
Ayaw pa niya sabihin sa akin kahit alam ko naman narinig niya usapan namin.
"A-ano k-kasi... hindi naman po sinasadyang pakinggan. Tatahimik na lang po ako." natawa pa ito ng peke at tinuon na lang niya ang kanyang tingin sa panonood.
"Tss. Alam ko naman na alam mo na lahat." pailing-iling kong sabi sa kanya.
Kinuha ko ang remote para isara ang tv at sa akin lang siya magfocus.
"Pasensya na." nahihiyang sabi niya sa akin sabay inom ng beer.
Napapansin ko lang noong nasa hotel pa kami ni Scarlet sa Manila bigla siyang nagtransform.
Dati-rati sobrang kulit niya sa akin pero ngayon nandito kami sa Davao, nababalot na siya ng hiya sa katawan kapag kasama ko siya.
Masyado na siyang conscious kapag nandito ako.
Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan.
Tumayo siya at umupo siya sa aking tabi pero malayo ang agwat naming dalawa.
Ayaw niya talaga lumapit sa akin.
Lumapit ako sa kanya at ginulo ko ang buhok niya.
Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko, "B-bakit?" tanong niya sa akin.
"Tss. Wala." sabi ko at uminom ako ng beer.
She's too cute kapag nahihiya siya sa akin pero may halong weird.
"Pinagsisihan mo bang minahal mo siya?"
Natawa ako sa kanya. Biglang siya nagtatanong ng ganyan sa akin.
Sobrang seryoso kasi ng kaniyang mukha tapos hindi ko inaasahan itatanong niya sa akin 'yon.
Kita ko sa kanyang mukha na nagtataka siya, "Bakit? May nakakatawa ba?" tanong niya sa akin habang tawang-tawa ako pa rin ako.
Ilang minuto lumipas, tumigil na rin ako sa kakatawa.
"Gusto mo ba malaman?" tanong ko sa kanya at nakita ko ito na tumango siya.
Uminom muna ako ng beer at pagkatapos tumingin ako sa kanya na mukhang naghihintay siya ng sagot mula sa akin.
"Hindi ko pinagsisihan na mahalin siya, Scarlet." tumingin ako sa harapan ko habang uminom ulit ako ng beer, "Kung tutuusin masaya kaming dalawa ni Kenji dati." tumungga ulit ako para maubos na ang laman ng beer.
"Isang araw, nagtext siya sa akin na gusto niya makipagbreak dahil doon na siya titira sa London." natawa ako ng mapiit, "Siguro siya ang taong pinangarap kong pakasalan. But he ruined our relationship. He ruined our future dahil pinagpalit niya ako sa pangarap niya." tumingin ako sa bote na hawak ko.
"Ikaw tatanungin ko ngayon, babalikan mo pa rin ba yung taong iniwan ka at sinira relasyon niyo?" tanong ko sa kanya at ang napaisip siya sa tanong ko.
"Depende sa rason niya." sabi niya at pinagmasdan ko siyang uminom ng beer. Pagkatapos, tumingin siya sa akin at umiwas siya ng tingin sa akin, "Mapapatawad ko pa rin siya kung pinagpalit niya ako sa pangarap niya. Mahirap kalabanin ang pangarap pagdating sa relasyon." sabi niya.
"Kahit iniwan niya ako ng walang paalam, tatanggapin ko pa rin siya."
"That is really ridiculous." pailing kong sabi sa kanya, "Paano nararamdaman mo? Hindi ka ba masasaktan?" tanong ko sa kanya.
"Sa totoo lang, walang makatarungan talaga sa nararamdaman ko. Siyempre masasaktan ako, Ms. Megan. Pero hindi naman ako makasarili dahil lang hindi niya ako pinili kaya sinaktan niya ako at sinira niya ang relasyon namin ng gano'n lang.
Alam ko sa sarili ko na para sa kanya ang pangarap na 'yon. Kaligayahan niya 'yon."
"Bakit ko ipapagkait sa kanya ang kanyang kaligayahan?"
Naisip ko dati na pigilan siya pumunta sa London pero hindi ko magawa.
Bakit nga ba, Megan? Bakit mo gusto ipagkait ang pangarap niya?
Siguro makasarili ako kung ipagkakait ko sa kanya. Iniisip ko pa rin ang nararamdaman ko kaysa sa kanyang kaligayahan.
Pero tama nga si Scarlet. Mahirap talaga kalabanin ang pangarap.
Dahil mismo ako, hinayaan ko siya magdesisyon para sa sarili niya kahit masakit na pinagpalit niya ako sa pangarap niya.
Dahil wala naman talaga ako magagawa.
Naiintindihan ko na kung bakit hindi niya sinabi ang katotohanan kung bakit siya pumunta sa London.
Kasi kung sasabihin niya sa akin, pipigilan ko siya pumunta sa London at ngayon, hindi kami magkaayos ni Mom.
Ngayon, pinipilit ko pa rin si Mom na pumayag siya sa relasyon naming dalawa.
Siguro wala pa rin business ni Kenji. Mahirap pa rin siya ngayon.
Pero kahit mahirap siya, kaya ko naman bigyan siya ng maginhawang buhay.
Basta makapiling namin ang isa't isa.
Kaya hinding-hindi ko pinagsisihan ngayon na minahal ko siya.
Kahit hindi kami para sa isa't isa.
Kaya siguro, Isang iglap lahat ng nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Masyado na ako nasaktan sa kanya at tinanggap ko na lang na iniwan niya ako.
Tinanggap ko 'yon kahit hindi madali sa akin.
Simula noon, pinangako ko na hindi na muli ako magmamahal ng iba.
Dahil natatakot na ako magmahal ulit.
Kinuha ko ang aking beer at inalok ko si Scarlet para magcheers kami.
"Cheers?"
Ngumiti siya sa akin at kinuha niya ang kanyang bote.
"Cheers."