Chapter 34

MEGAN

"MEGAN!! You need to eat your breakfast! Wake up na!"

Nakakarindi talaga boses ni Quinn kapag sumisigaw.

Nawala na rin antok ko at minulat ko ang aking mga mata. Istorbo naman sa maganda kong tulog.

Habang nagliligpit ako ng higaan, naalala ko na naman nangyari kagabi sa amin ni Scarlet.

It's already 12 midnight that time, naghihintay ako sa sala dahil tinext ako ni Quinn na matatagalan ang pag-uusap nila ni Scarlet kagabi. Mga around 10pm ito nagtext.

Kinakabahan ako lalo. Iniisip ko na baka may nangyari kay Scarlet kaya hating-gabi na, hindi pa rin siya umuuwi.

Inis na inis din ako dahil wala akong contact kay Scarlet. Nakalimutan ko rin kunin ang kanyang cellphone number.

Ayoko rin naman i-contact si Kenji dahil ayoko magkaroon ng communication mula sa kanya.

Hating-gabi na, mag-d-dalawang oras na sila nagd-date at wala pa silang balak umuwi?

Masyado na ako nag-ooverthink kung bakit wala pa si Scarlet kaya wala na rin ako magawa kundi bumaba sa labas ng entrance.

Doon ako nag-aabang ng ilang oras. Ilang oras ako naghintay at hindi mapakali sa pwesto ko.

Mababaliw na ako sa kakaisip.

Ilang oras na ang lumipas, napansin ko ang isang itim na sasakyan na pumarada mismo sa tapat ng entrance ng hotel.

Inaasahan ko na sana si Scarlet 'yon.

Aba! baka gusto niya mamaya matulog siya sa labas ng hotel?

Mayayari talaga siya mamaya sa'kin.

Nakita kong may bumaba sa driver seat at naniningkit ang aking mata dahil kay Kenji.

Psh! Pasalamat siya kasama niya ako dito sa Davao tapos may balak pa siya umuwi ng hating-gabi.

Kitang-kita ng malinaw kong mata na pinagbuksan ito ng pinto. Nasilayan ko ang isang babaeng dahan-dahan itong inaalalayan ni Kenji para bumaba.

Tss... Scarlet...

You make me feel crazy.

Nasilayan ko na naman kagandahan ni Scarlet. Hindi ko naman maitatanggi na bagay talaga sa kanya ang damit na pinahiram ko.

Inaamin ko naman na maganda siya. Konting ayos niya lang, maganda siya sa paningin ko.

Sadyang nab-bwisit lang ako sa kanya kapag kinukulit niya ako sa ibang bagay.

What the f*ck?!

Hindi ko inaasahan ang aking nakita na papalapit ang mukha ni Kenji kay Scarlet.

Ano na naman kababalaghan ginagawa mo, Kenji?!!

Pakiramdam ko nga tumaas ang aking dugo ko papuntang utak ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Naiinis ako. Sobra.

Kaya agad-agad akong sumugod sa pwesto nila at hinili ko si Scarlet papuntang loob ng hotel.

Kahit pinagtitinginan kami ng mga staff at mga tao sa lobby, wala akong pakialam.

Nababanas ako sa nakita ko kanina.

Hinila ko siya hanggang sa elevator at pagkatapos sumara ng elevator.

Pumiglas siya sa pagkakahawak ko sa kanya sa braso habang kinakalma ko ang aking sarili na nakatalikod sa kanya.

"Ano pong problema?" kabadong tanong ni Scarlet.

"Naiinis ako sa'yo."

"Bakit naman po?" inosenteng tanong niya.

"Uwi ba ng babae ang hating-gabi na?! Ang alam ko lang isang oras lang ang date niyo pero balak mo pa ata maki-stay kay Kenji." naiinis kong sabi sa kanya at hinarap ko sa siya.

Mukhang nararamdaman kong nagsalubong na talaga ang dalawa kong kilay ko.

Nilapitan ko siya hanggang napasandal siya sa dingding ng elevator habang umaakyat pa ito.

Kitang-kita ko sa kanya na hindi ito mapakali sa pwesto namin ngayon.

Bahala siya kung hindi siya mapakali. Kasalanan niya 'to.

"Hindi mo ba alam na nag-aalala ako sa'yo?! Lalo na walang akong contact sa'yo. Responsibilidad pa rin kita bantayan dahil ako ang may pakana na samahan kita dito sa Davao. Paano kung may nangyari sa'yo? Nakakaloka k—"

Nagulat ako sa kanyang ginawa. Hinawakan niya ang aking labi para mapahinto ako sa kakasermon sa kanya.

Nakakabanas kasi.

"Kalma ka lang, Ms. Megan." may gana pa 'tong gumiti sa akin.

Naiinis na nga ako sa kanya, wala pang epekto sa kanya.

"Nandito na ako. Huwag ka na mainis sa akin." ngumiti sa akin at niyakap niya ako.

It is my first time someone hugged me na hindi ko masyado close.

I feel so warm no'ng niyakap niya ako.

Nawala lahat inis ko sa kanya. Nawala lahat mga gusto kong i-sermon sa kanya.

Biglang may nararamdaman ako sa puso ko.

'Yon ang pinakaunang beses sa ngayon, na masyadong mabilis ang tibok ng puso ko.

Malinis naman medical records ko, clear naman findings ko sa puso dahil lagi ako nagpapacheck-up. Ibig sabihin wala akong sakit sa puso, pero ang problema ang bilis ng tibok ng puso ko kagabi no'ng niyakap niya ako.

Dahil ba sa excitement? Sa gulat ba? Kabado?

"MEGAN!! IKAW NA LANG HINIHINTAY DITO! BAKA GUSTO MO PA IPATAWAG KO PA SI DUTERTE PARA LUMABAS KA SA KWARTO MO?!"

Nabigla naman ako sa pagsigaw ni Quinn sa akin habang kinakalampag niya ang pinto kong nakasara.

Makalabas na nga.

***

"Mukhang may lakad ka ngayon, Scarlet." ringi kong tanong ni Quinn habang busy ako kumakain ngayon.

I will feel so awkward kung kakausapin ko siya.

Lalo na nangyari kagabi sa elevator, wala talaga ako maihaharap sa kanya kundi dedma lang.

"May shooting po ako ngayon. 9 am to 11 am po schedule ko." patuloy pa rin ako kumakain at nakaramdam ako ng pagsiko sa braso ko.

Kaya napatingin ako sa katabi ko na si Quinn, "What?" walang-gana kong tanong sa kanya.

"Sasama ka sa kanya." utos sa akin ni Quinn at umiling ako.

"Meg, itutuloy mo talaga plano mo, 'no?"

"May lakad ako ngayon." pagsisinungaling kong sabi sa kanya.

"Wala kang meeting ngayon mula kay Kenji kaya ihatid mo siya." pamimilit niyang sabi sa akin.

"Tss. Ihatid mo na lang siya. Ikaw magbantay." walang-gana kong sabi habang kumakain ako.

"Sige. Dahil ayaw naman niya, Iipapahatid na lang kita kay Kenji."

Napatigil ako sa sinabi ni Quinn kay Scarlet.

Nainis na naman ako kapag narinig ko na naman pangalan ni Kenji. Naalala ko na naman nangyari kagabi.

Alam kong pasimuno talaga ako na makikipagdate si Scarlet sa kanya pero dahil ayaw ako tantanan ni Kenji, ngunit nag-eenjoy siya na kasama si Scarlet.

At ayokong makita kay Kenji na magtatagumpay siya.

Hindi porket naging kondisyon ko sa kanya na makikipagdate siya sa ibang babae, gano'n na kadali para balikan niya ako.

Hindi mangyayari ang kagustuhan niya.

Gusto ko tuloy ihinto ang plano ko kina Scarlet at Kenji.

"Tss. Ako na." inis kong sabi at tumayo na ako dahil nawalan na ako ng gana kumain.

"Labag talaga sa kalooban ni Megan." narinig kong sabi niya.

Dinedma ko na lang ang pagtawa niya sa akin.

***

"Get in." walang-gana kong utos sa kanya at sinimulan ko na ang pagbukas ng makina ng kotse.

Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat na balak ito umupo malapit sa akin.

Wala ako sa mood para makatabi siya.

"Doon ka sa back seat." utos ko sa kanya.

Kitang-kita kong napasimangot ito at pumasok siya sa back seat para doon siya pumwesto.

Tiningnan ko siya sa rear mirror na nakasimangot pa rin habang nakatingin sa bintana.

"Galit ka pa rin ba sa akin?"

Hindi na.

"Oo." walang-gana kong sagot sa kanya habang nagmamaneho ako.

"I thought okay na tayo. Nakapag-hug nga tayo, e."

Naubo ako ng 'di oras sa sinabi niya.

"You have no right to hug me na walang paalam sa akin." nagpapanggap akong naiinis sa kanya.

To be honest, I really like it. Nagustuhan ko ang pagyakap niya sa akin no'ng sobra akong nag-aalala sa kanya.

Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yon sa akin, pero napakalma niya talaga ako.

"Ano number mo?" tanong niya sa akin.

"Seven." pilosopo kong sabi sa kanya.

"Seve— Hindi number hinihingi ko~"

"Tinanong mo ko kung ano number ko kanina." asar kong sabi sa kanya at tumingin ulit ako sa rear mirror.

"Cellphone Number. Penge ako."

Kita kong nagpapacute sa akin para mabigay ko sa kanya ang cellphone number ko. Ano siya swerte?

Sige lang. Pagtritripan lang kita.

"Para kang humihingi ng pagkain sa akin. Wala akong candy, bata."

"Bata? Hindi na ako bata."

"E, ano? Lola?" asar ko sa kanya at napapansin ko na napipikon na ito sa akin.

"Isusulat ko na lang dito number ko. Mamaya rin magpapasundo ako sa'yo after ko magshooting." sabi niya at nakita kong sinusulat niya talaga number niya sa papel.

"Ano ako driver mo?" sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Oo." birong sabi ni Scarlet, "Para hindi ka na mag-alala sa akin. Text or tawag ka na lang."

"Hindi! I-text mo si Quinn. Hindi ako nagbibigay ng number sa fan ko." sabi ko sa kanya.

"Really? Pero ibibigay ko pa rin sa'yo 'to. Malay mo wala kang choice para tawagan talaga ako." pilit niyang sabi sa akin.

Napansin kong sa aking peripheral vision na may papel siyang inaabot sa akin.

Pero dinedma ko lang siya. Pake ko sa cellphone number niya?

"Nangangalay na ako, Ms. Megan." reklamo niya.

Mangalay siya. Bahala siya dyan. Ginusto niya 'yan.

Nagulat ako na tinapat niya sa paningin habang nagda-drive ako kaya hinawi ko agad ang papel.

Nainis tuloy ako dahil alam na nga nagmamaneho ako, hinarang pa ng papel sa paningin ko.

Parang gusto niya mamatay kami ng wala sa oras.

"Hala! Nahulog sa lapag!" gulat niyang sabi.

"Tss. Madidisgrasya tayo wala sa oras, e." inis ko sa kanya, "Huwag mo 'ko istorobhin sa pagmamaneho."

"Sorry." mahinang sabi niya sa akin.

Pagkatapos no'n, tumahimik na rin siya dahil sa kakulitan niya. Nagpatuloy na rin ako sa pagmamaneho ko.

Siguro mga 20 minutes, malapit na kami sa mismong venue kung saan mags-shoot si Scarlet.

Pinarada ko na mismo sa tapat ng venue, "Bumaba ka na." utos ko sa kanya.

"Text mo ako. Hihintayin kita." sabi niya at tumingin na lang ako sa bintana para dedmahin siya.

"Si Quinn i-text mo." walang-gana kong sabi sa kanya.

Bumuntong-hininga na lang ito at lumabas na siya sa kotse. Pagkatapos niya isara ang pinto, nagsimula na ako magmaneho pauwi.

***

Ngayon, nandito ako sa gilid ng venue kung saan nags-shoot si Scarlet.

Hindi ko kagustuhin na ako ang susundo sa kanya ngayon.

Kagustuhan ni Quinn na sunduin ko siya dito dahil may inaasikaso rin siya para sa mga ibang artists ng EyeRed. So ibig sabihin, wala akong choice kundi ako mismo ang susundo sa kanya.

Maghihintay na lang ako sa labas mismo sa cafe shop na nakatapat lang sa venue nila.

Lumabas na agad ako sa kotse at nakasuot na rin ako ng itim na mask at cap para 'di ako makilala. Nagsimula na akong pumunta.

Ngunit bigla ko nakita sa lumabas sina Scarlet at Kenji.

Why my heart is so heavy? Biglang may kumirot sa akig ouso ngayon.

Mukhang si Kenji na lang susundo kay Scarlet.

Nagsayang pa ako ng oras maghintay pero para sa wala lang.

Nakita kong tawang-tawa si Scarlet habang nakangiti si Kenji sa kanya. Inalalayan pa nga ni Kenji para pumasok sa van.

Nakaramdam ako ng inis na hindi ko alam kung bakit.

Kagustuhan ko naman 'to mangyari dahil sa plano ko kaya tinutupad lang ni Scarlet ang plano ko.

Pero pakiramdam ko hindi ko gusto 'tong nakikita ko.

Kaya lumabas ako ng kotse ko, para iuwi si Scarlet.

Naghahalo na ang aking emosyon ngayon. Pansin ko nga na napatingin sila sa akin at kita ko ang pagkagulat nilang dalawa.

"Ms. Megan..."

"Megan, why are you here?"

Wala ako sa mood para sagutin ang kanyang tanong.

Kaya hinala ko si Scarlet kahit sa ayaw niya papunta sa loob ng aking sasakyan.

Basta ito lang ang gusto ko kahit sa labag sa kalooban niya.

***

Andito na kami sa loob ng room dito sa may hotel habang hindi kami nagkikibuan ni Scarlet.

"Anong problema?" nabigla ako sa seryosong tanong sa akin ni Scarlet.

Ngunit dinedma ko lang siya kaya naglakad ako papuntang kwarto ko.

Nagulat ako bigla niya ako hinatak papaharap sa kanya.

Kitang-kita kong nakakunot ang kanyang noo. Puno ito inis sa kanyang mukha.

Nainis ako at tiningnan ko siya ng masama, "Wala nga." singhal ko sa kanya at pumiglas ako.

"Bakit bigla-bigla ka naghahatak? Hindi pa kami tapos mag-usap ng maayos ni Kenji." rason niya at bigla akong nairita sa sinabi niya.

Mas gusto niya pa talaga makasama si Kenji kaysa sa akin.

Nakakainis ka, Scarlet.

"Kitang-kita ko nagtatawanan kayo, hindi pa ba sapat na mag-usap kayo ng dalawang oras sa shoot?" iritang sabi ko sa kanya, "Pansin ko nga mas masaya ka pa sa kanya kaysa sa akin." mahinang sabi ko sa kanya at tumalikod ako.

Bigla ulit kumirot ang aking puso.

"N-nagseselos ka ba?"

Napalingon ako sa kanya sa kanyang tanong.

Selos? Bakit ako magseselos sa kanya?

Napangisi ako sa kanya at kita kong nagtaka ito kung bakit ako napangisi.

"Mangarap ka sa wala."

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto at iniwan siya mag-isa.