"Also, kapag may nakasalubong kang apat na lalaki, 'yong palaging na sa gitna, 'wag mong gagalitin 'yon dahil baka ikamatay mo."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Nagulat na lang ako ng dahan-dahan akong tinulak palabas no'ng guard.
"What does he mean na baka ikamatay ko?" takang tanong ko habang tinutulak niya pa rin ako. Nagpapadala na lang ako dahil baka kung anong gawin nito sa akin.
"Don't mind what he's saying. He's a little bit crazy," sabi niya at tuluyan na nga kaming nakalabas sa building.
"Pero, wala akong mga gamit, paano niyan? Wala rin akong damit at mga school supplies," sabi ko sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtutulak sa akin.
"Oh, you don't need school supplies here. You just need your power to survive here," seryosong sabi niya kaya mas napakunot ang noo ko.
Sumasakit ulo ko sa inyo, eh. "What are you even talking about? I don't have powers, okay? And super powers doesn't exist. Are you still a kid?"
"No, I'm not. You'll discover your powers soon." Nagsimula nanaman siyang magtulak kaya wala nanaman akong magawa.
"Saan tayo pupunta? At saan ako titira?" takang tanong ko kaya napatawa siya. Anong tinatawa-tawa nito.
"You have to build your own house, just like theirs," sabi niya at tinuro ang mga bahay na sobrang ganda at antique.
"Woah, this is very beautiful tho." Mangha kong sabi at lalapit na sana ako doon sa bahay para kumatok nang pigilan niya ako.
"No, don't do that. They might hurt you." Napalingon ako sa kaniya at nakita ko sa kaniyang mata na galit.
"Nakakatakot naman 'yang mata mo." Umiwas ako nang tingin at naglakad palayo.
"Bakit bawal ko 'yan hawakan? Kakatok lang naman ako para tanungin kung paano gawin 'yang bahay na 'yan, eh," sabi ko at napairap. Psh, ang arte naman.
"Do you want to die?! I said you can't, because you're going to die!" sigaw niya kaya nagulat ako pero ang mas ikinagulat ko ay lahat ng bahay ay bumukas ang pinto at lumabas ang mga tao.
Lumapit ako kay kuyang guard at bumulong, "Ikaw ata mamamatay, ang ingay mo."
"Hey, what's going on?" tanong ng isang babae at lumapit sa amin.
Hahawakan na sana siya ni kuyang guard ng pumuti ang mata niya kaya napabitaw si kuya.
How can she do that?
"You must be new, I'm Liana Triguerro, and you are?" tanong nitong babae at inilahad ang kamay. Mukhang maarte siya pero sa ipinapakita niya ugali, mabait.
"Uh, Zahra. I'm Zahra Levesque," sabi ko at akmang hahawakan na sana kamay niya nang nanghina siya bigla at napaupo.
"Wait, are you okay? What happened?" takang tanong ko at nilingon si kuya guard pero napakibit balikat lang siya.
Lumapit saamin 'yong ibang estudyante kaya nagkakumpol kumpulan kami.
Umupo rin ako para tingnan itsura niya. Dumudugo na ang kaniyang ilong. "Hey, are you still okay?"
"Do you think that she's still okay? What did you do to her?!" Nagulat ako sa biglang sumigaw no'n at bumungad sa akin ang gwapong lalaki.
Kamukha niya itong si Liana. Kapatid niya ba?
Tinulak niya ako palayo kay Liana. "Liana, are you okay? What happened to you?" nagaalalang tanong nitong lalaki.
"Who has the power of healing? Please, help my sister!" galit na sabi nito kaya napasinghap ang mga tao sa paligid.
"U-Uhh, I think s-she can't be healed," nauutal na sabi ng isang babae.
"What did you say? Don't let her die! Just heal her, it's just an easy thing, f*ck!" pagmumura niya at napasapo sa noo.
Walang magawa 'yong babae kung 'di tulungan si Liana.
Nanonood lang ako sa kanila nang biglang nagsalita si Liana kaya napalapit ako nang onti.
"L-Liam, sh-she's th-the daughter o-of Sh-Shee..." Hindi na naituloy magsalita ni Liana nang nawalan na talaga siya nawalan ng malay.
"Liana, please no. No!" Chineck niya naman ang pulso nito ngunit parang nanghina siya lalo.
"This is your fault," biglang saad niya at napaangat ng tingin at tiningnan ako.
"I didn't do anything!" Pagkasabi ko no'n ay bigla niya akong sinakal dahilan para mahirapan akong huminga.
"Hey, stop!" sabi ni kuyang guard at lalapit na sana ng biglang umitim ang mata nitong Liam.
Tiningnan niya naman ako ng matiim. "I will not let you die this easily, but I will make sure that everyday, you will regret going here."
Binitawan niya na ako kaya nakahinga na ako ng maluwag at napaubo-ubo. My neck hurts.
Binuhat niya naman si Liana at lumayo na.
"Are you okay? Does it hurt?" biglang tanong ni kuyang guard kaya tumango ako. Tumayo naman ako kahit nanghihina ako.
Pinagkakatinginan kami ng mga tao dito kaya napayuko ako.
"B-Bakit gano'n ang itsura niya?" biglang tanong ko at nilingon si kuya.
Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kaniya at hinihintay ang sagot niya.
"Liana is Liam's twin sister. They're very close. And, if you're wondering why their eyes were like that, it's the part of their power. They're the most powerful here in this academy that's why everybody's scared of them. So be careful of Liam." Napahawak ako sa leeg ko at hinaplos-haplos. Medyo masakit pa ito kaya pinabayaan ko muna.
"Pero, ano sa tingin mo ang sasabihin sana ni Liana? At bakit siya biglang nagkagano'n?" tanong ko pa.
"I don't know either."
I'm getting curious about this.