Kabanata 3

Dear Diary,

Grade 6 na ako ngayon diary pero pang grade 5 muna ang ikuwento ko ha? Kasi nanghihinayang ako eh. Kaka-summer lang ngayon pero feeling ko nasa winter season pa rin ako. Eh kasi, may crush ako sa school tas nagsulat siya sakin sabi niya crush niya rin daw ako pero nainis ako.

Bakit naging crush niya ako? Nawalan tuloy ako ng gana magkacrush sa kanya. Hindi ko siya pinansin kahit na sulat siya ng sulat sa akin, pinapabigay niya lagi sa kasama niya para maiabot sa akin pero tinatapon ko kasi nga nawawalan ako ng gana sa kanya magkacrush.

Kahit na inaasar ako ng mga kaklase ko sa kanya, kahit na korni ng mga jokes niya pero natatawa ako, hindi ko pa rin na siya crush. Hmp!

Pero naiinis talaga ako kasi may isa pa akong crush, ang pangalan niya ay Joseph. Ayaw niya saken kasi masama raw ugali ko. Nakakainis diba? Anong pinagkaiba ko sa mga kaklase naming masama rin at plastik? Kung hindi naman ako maki-ride sa mga ginagawa nila ay hindi nila ako kakausapin tas ako pa ngayon ang masama?

Eh nakikisama lang din naman ako sa kasamaan nila ah. Tsaka kung masama ako bakit niya ako niyayang maging partner niya sa paper dance? Natuwa ako dun pero tinanggihan ko siya, nahiya kasi ako eh. Pero gusto ko nun na yayain niya ulit ako pero di na niya ginawa. Kaya nanghihinayang tuloy ako nung nakauwi na kami ni mama.

Christmas Party din kasi namin yun kaya may pa-games. Ang saya-saya kaya lang inasar ako ng kaklase ko na mukha raw kawayan ang paa ko, hindi na tuloy ako natuwa. Umupo na lang ako doon. Ang saya ko pa naman kasi naka-dress ako tas nakasuot ng magandang heels tas sasabihan niya ako ng ganun?

Nakakainis diba? Eh mas masama nga yun eh, tas nakiki-ride lang din ako sa kanila sa mga paganun-ganun nila kasi natutuwa yung mga tao sa kanila pero kapag ako na ang gumawa ako pa yung sobrang masama? Nakakainis diba?

Pero ngayong school year High School na ako, nakakatakot! Ayaw ko pang umalis sa elementary kasi feeling ko dapat matalino ka na bago ka mag-high school. Pero sabi ni mama okay lang daw kasi madami naman akong matututunan kaysa sa elementary.

Babye na diary, inaantok na ako. Sorry nga pala kasi ilang buwan kang nakatengga sa kwarto ko, tinatamad na kasi akong magsulat eh.