Kabanata 5.0

Dear Diary,

Bakit ganon? Ilang buwan na ang nakalipas simula nung first day of school tapos ganun ang nangyare? Mali rin naman ako kasi muntik ko ng saktan yung gwapo kong kaklase. Eh nangaasar kasi eh tas di ako natuwa, parang yung pangit na kaklase ko noong elementary. Nakakainsulto ang inaasar sa akin.

Tapos ang nangyare pa nagkaisa silang lahat laban sakin. Tas may isang araw pa na pinagbintangan nila akong naninira ng tao? Eh di ko nga kilala yung kaibigan nila eh tapos ako pagbibintangan nila? Masaya na nga ako sa dalawang kasama ko tapos pagbibintangan nila ako?

Hindi naman porket sa tagal nilang magkakakilala at magkaklase ay hindi sila sisiraan nung tao kasi diba nga, dadating ang panahon na mismong best friend mo ang magiging kaaway mo.

Bakit kailangang ako ang pagbintanga? Porke ba nagalit ako sa gwapo nilang kaklase? Tapos kinompronta ko yung lagi kong kasama sa school kung bakit lumayo siya sa akin, ang sabi niya eh majority lumalayo na sakin kaya lumayo na rin siya sakin.

Tas yung isa naman na akala ko kaibigan ko eh sinabihan akong di na niya ako gusto as a friend, tama ba yon? Porke nakagawa lang ng isang pagkakamali aalis siya? Bawal na ba mag-sorry at bigyan ng isa pang pagkakataon?

Tapos nakapag-absent ako ng ilang araw kasi nilagnat ako tapos pinaringgan akong pumasok na raw ako? Bakla ba siya? Anong masama sa pagpasok ko? Tapos nung nag-patest yung teacher namin hinihingi nila sagot sakin, eh akala ko magiging okay na kami kaya binigay ko answer.

Tapos pati teacher lumalayo na rin sakin tas laging pagalit ang tono kapag sinasagot mga tanong ko pero ang lambing kapag kausap na yung iba kong classmate. Malamang ganun yon kasi matagal na nilang kaibigan yung teacher.

Pero kalimutan na lang nga yon! May nakatitigan ako sa jeep kanina, ang ganda ng mata niya kaya ilang beses akong tumititig tapos titingan sa labas ng jeep tas titingin ulit sa kanya.

Nagtataka rin ako kasi walang naglalarong mga estudyante sa school, bakit kaya? Sa school ng dati kong kaklase naglalaro pa rin sila pero dito sa school namin wala.

Gusto ko na mag-second year diary! Baka sakaling magkaroon ulit ako ng friend.