Dear Diary,
Tapos na ang natitirang 2 months ng pagtatrabaho ko sa kompanya, naghahanap na rin ako ng trabaho. Sobrang busy ko na rin since mag-isa na lang nga ako sa school, not literally pero mag-isa kong inaasikaso mga gawain sa school dahil more on solo ako sa mga projects at reportings.
'Yong "kaibigan" ko gusto na ulit makipag-kaibigan sa akin porke naa-amaze ang mga professors na kayang-kaya ko ng mag-isa. 'Yon bang hindi na ako nahihiya at kinakabahan mag-isa.
Pero sa kasamaang-palad, I stopped studying. Wala na akong pambayad sa tuition fee ko eh. Since tapos na nga ang 2 months, umabot lang ako ng 3 months sa school at pagkatapos niyon ay napatigil na ako sa pag-aaral.
Since malaki nga ang utang ng pamilya namin sa bangko, hindi ako mapag-aral ng mga kapatid ko. Wala akong magagawa. Tsaka thanks to those backstabbing bitches, nakakayanan ko na lahat.
Pero wag ko dapat lokohin sarili ko. Kasi the past few weeks, hindi ako okay. Hindi na ako nakakapagligo ng ilang linggo, puro na lang ako kain at tulog. Lumalala na rin ang eyebags ko dahil sa pagpupuyat ko sa cellphone.
'Di naman ni mudra napapansin na may pinagdadaanan ako kung bakit ganito ako. Kung magtanong man siya pagalit. Kaya mas lalo akong nawawalan ng gana.
Naghahanap na rin ako ng trabaho pero hindi katulad noon na active kung maghanap. Ngayon kapag nakakatanggap lang ng message galing kay God, saka lang ako gagalaw.
Ang hirap pala magkaroon ng magulang na isip-bata(demonyo kong ama) at hindi marunong pumansin ng mood kung tama bang sigawan 'yong taong may pinagdadaanan o hindi(mudra).
Ang hirap kasi sa matatanda ngayon, hindi lang naturuan sa Psychology dahil noong kapanahunan nila ay hindi naman 'yon ang focus ng education system, iisipin nilang puro na lang drama 'yong bata.
Kaya imbyerna, nakakairita. Sarap isampal sa kanila mga psychology books para naman may matutunan sila at hindi puro kakitiran ang laman ng utak nila.
Buti pa si diary, tahimik lang na nakikinig at hinahayaan akong ilabas lahat ng sama ng loob. Naiintindihan niya ako at tikom lagi bibig niya kapag may pinapaalam ako sa kanya. Sana naging tao na lang ang diary para naman kung mapunta ang mga tao sa ganitong klase na pamilya, may mapagsasabihan mga taong tulad ko.
Right. Andyan naman ang mga psychologists pero mahal sila magpabayad. Sana kasi magbigay ang gobyerno ng libreng serbisyo. Kaya lang baka maging gahaman 'yong psychologist at imbes na sundin ang protocol na libre dapat serbisyo, eh magpabayad siya bigla.
Mga pinoy kasi, nakatira pa sa Spanish era na puro kakurakutan ang alam kaya hindi maalis-alis sa katawan nila ang pagiging gahaman. Sana magbago na silang lahat.
Kung hindi na magbabago demonyo kong ama, at least 'yong ibang pilipino na lang, para naman 'di na ganito ka-toxic ang mundo.