Welcome Party

The best way to find your self

Is to lose yourself in the

Service of others-Miss_matured

Aubrey POV

Grabe ka girl, kinabog mo ang beauty ko" pabirong sabi sa akin ni Kaila pag kakita nila sa akin ni Liam.

Pagkatapos kasi ng jollibee naming eksena ni Phoenix ay saglit akong humiwalay dito para hanapin sina Kaila.

Hindi naman, kamag-anak lang talaga ako ni Jollibee" nitong sagot ko dito na agad naman nilang tinawanan.

Liam pogi natin ngayon ah" bati ko dito.

Ano pa bang bago" mayabang na sagot nito at inayos ang coat.

Ang yabang talaga ng kupal....

Ano, kamusta naman ang pakiramdam maging partner si Phoenix Ramsey" tanong ni Kaila at hinigit ako sa barcounter.

Water" Sabi ko sa bartender na agad naman sumunod habang humingi naman si Kaila ng red wine.

Okay lang" casual na sagot ko at naalala na naman ang kahihiyan ko kanina....

Dika mag iinom" tanong nito ng makita na tubig ang binigay sa akin ng bartender.

Hindi muna " sagot ko at tumango lang ito.

Ano bang gagawin natin dito" tanong ko sa kanya at tumingin sa paligid.

Iinom, kakain, babawi sa mahal ng tuition natin" sagot nito at ngumisi.

Ano nga" tanong ko,sasagot na sana sya ng biglang mamatay ang ilaw.

Kaya naman nabahala ang lahat tapos yung mga lalaki nag sigawan.

Grabe...mga lalaki nga naman...

Kaila anong nangyayari" kalma na tanong ko.

Good evening to all the interns. As part of our program all the interns must follow what I said. This program called How much trust you can give to a person." Sabi ng kung Sino man.

Agad naman umingay lalo ang mga lalaki.

Quiet" saway nito sa mga lalaki na interns kaya agad naman nanahimik ang mga ito.

Everyone must obey. So first rule ang lahat ng babaeng intern ay mag gagawa ng malaking bilog at ang lalaki ay gagawa din pero ang bilog na ginawa ng mga babae ay nasa loob ng bilog ng mga lalaki" paliwanag nito.

Hindi naman sobrang dilim dahil naaaninaw ko pa ang paligid dahil sa liwanag ng buwan ngayong gabi.

Kasi ang disenyo ng kwarto na pinagganapan nito ay ang bubong ay gawa sa glass or skylight kung baga.

Para tuloy kaming nasa outerspace...hahahaha...

Pagkatapos mag gawa ng bilog ay doon na talaga kami walang makita dahil ang glass na bubong nito ay unti-unting natatabunan ng kung ano. Pero kahit na ganto ang nangyayari ay tahimik lang ang lahat. Ang mga lalaki na maingay kanina ay ngayon ay tahimik na.

Now everyone tumalikod ang mga babae pagkatapos, ang sunod nyong gagawain ay gagalaw kayo pakaliwa dapat pag urong nyo hahawakan nyo sa balikat ang makakatapat nyo pati narin ang katabi nito sa kaliwa. Uurong kayo hanggat di bumubukas ang ilaw. Ang utos na ito ay gagawin lamang ng mga babae" Utos nito at agad naman naming sinunod.

Isa.....

Agad naman akong umurong pakaliwa at hinawakan ang balikat ng lalaki na katapat ko pati ang katabi nito sa kaliwa.

Pwesto namin:

Lalaki- ako- lalaki

Habang ginagawa namin ito ay biglang may tugtog kaming narinig.

Welcome party ba talaga toh parang prom naman toh eh amp...

People say we shouldn't be together

We're too young to know about forever

But I say they don't know what they talk, talk, talkin' about (Talk, talk, talkin' about)

Dalawa

Cause this love is only getting stronger

So I don't wanna wait any longer

I just wanna tell the world that you're mine girl

Oh

Tatlo

They don't know about the things we do

They don't know about the "I love yous"

But I bet you if they only knew

They would just be jealous of us,

Apat

They don't know about the up all nights

They don't know I've waited all my life

Just to find a love that feels this right

Lima

Baby, they don't know about (They don't know about us)

Anim

They don't know how special you are

They don't know what you've done to my heart

They can say anything they want 'cause they don't know about us

Sa panganim na urong ko ay bumukas ang ilaw at agad naman akong napapikit dahil ang sakit sa mata.

Shemmmssss.....

Pero nakahawak parin ako sa balikat ng dalawawang lalaki.

Pag kaadjust ng mata ko sa liwanag ay masasabi ko na talaga na kamag-anak ko si Jollibee.

They don't know what we do best, that's between me and you, our little secret

But I wanna tell 'em

Agad akong napatingin sa dalawang lalaki na nahawakan ko.

LUNOK!!!!!

Nanlalaking mata na napatingin ako kay Phoenix na walang reaksyon na nakatitig sa akin.

But I wanna tell 'em

I wanna tell the world that you're mine girl....

At kay Cole na seryosong nakatitig sa akin sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa balikat nya.

They don't know about the things we do

They don't know about the "I love yous"

But I bet you if they only knew

They would just be jealous of us,

They don't know about the up all nights

They don't know I've waited all my life

Just to find a love that feels this right

Agad naman akong kinakabahan lalong napatitig sa kanya..

Letse... Yung puso ko...

LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB

Baby they don't know about

They don't know about the things we do

They don't know about the "I love yous"

But I bet you if they only knew

They would just be jealous of us,

They don't know about the up all nights

They don't know I've waited all my life

Just to find a love that feels this right

Baby they don't know about

They don't know about us

They don't know about us

Sa pagtatapos ng kanta doon ko lamang napansin na nakatingin lahat sa amin ang mga tao na nandito ngayon.

Kaya agad naman akong napayuko dahil hindi alam ang gagawin.

Pero nabigla ng malakas na tanggalin ni Cole ang kamay ko.

Masyadong mabigat ang kamay mo" supladong sabi nito at saka nilagay ang kamay sa loob ng pantalon na suot nya.

Kaya agad ko naman syang siniringan..

Ang sungit.....

Sa dalawa nyong nahawakan na balikat pumili kayo ng isa sa kanila at iyon ang magiging gabay nyo para sa susunod na laro" Sabi nito kaya agad naman akong lumingon kay Phoenix na walang reaksyon at sumama dito.

Bahala ka dyang...bwiset ka.....

Pag kasama ko kay Phoenix ay may laro daw na susunod kaya agad akong napatingin dito pero inisnab lang ako.

Okay na toh kesa naman sa bwiset na yun.

Sa susunod na laro ang lalaki ay kukuha ng panyo at itatakip sa mata ng babae" bigay instructions nito.

Kaya agad naman akong tumingin ulit kay Phoenix at binigyan sya ng...

Kunin-mo-na-ang-panyo-look

Dahil sa tingin ko ay agad na syang lumakad at kumuha ng panyo doon sa staff na may hawak na panyo.

Sa pangyayaring yun ay gusto ko humalakhak ng sobrang lakas...

Double ang sungit neto kesa kay Cole.....

Tsssss...parang di naman....hahahhahahhhhahah...

Hahahhhaha" sa sobrang tuwa ko ay napatawa na pala ako at nasa harapan ko na ngayon si Phoenix.

Kaya napatigil naman ako ng tawa at saka inosente na tumingin sa kanya. Pero pinandilatan ako nito.

Talikod" Sabi nito kaya agad naman akong tumalikod sa kanya para mailagay sa akin ang panyo.

Aray" daing ko dahil ang higpit ng tali nya. Sa inis ko inapakan ko sya gamit ang sandals na suot ko ngayon....

Aray" gigil na bulong nito sa akin.

Sorry sinasadya, gusto ko lang naman itesting kung matibay tong product nyo" Sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis sa kanya.

Ang mga kapartner nyo na lalaki ang magsasabi sa inyo ng direksyon para mapuntahan nyo ang pinaka dulo na doon nakalagay ang isang bagay. Bagay na dapat sasabihin nyo ang ibig sabihin at pagkasabi nyo dito ay ang papalit naman sa inyo ay lalaki. So mag enjoy lang kayo. Just obey....

Galingan mo ha, siguraduhin mo lang na tama sasabihin mo kundi, nako " Sabi ko at may nag salita na stafff.

Ready" sigaw nito kaya naman nag simula na ang kaguluhan.

Deretso" Sabi nito kaya agad naman akong sumunod.

Tiwala ka lang... Di naman bulag yan....

Kaliwa" sabi nito kaya kumaliwa din ako. Pero mali yata ako bulag pala kasapi ko amp...

Dahil natalisod ako at babagsak na....

Ahhhhh!!!" Reak ko at iniintay na ang matigas na sahig pero matigas na braso ang sumambot sa akin kaya agad ko naman tinanggal ang panyo na nakatakip sa mata ko at pilit inadjust ang mata para makakita.

Cole" sambit ko sa pangalan nya habang napatitig sa mata nya.

LUB DUB LUB DUB LUB DUB...

Umayos ka ang bigat mo" bulong nito kaya agad naman akong napaayos ng tayo...

Dahil ramdam ko na naman ang mga mata na nakatingin sa akin.

Panalo na kami" masayang sigaw ni Liam ang tumapos sa pagkakatitig ng lahat at pumalakpak ang mga tao.

Hooooo...

Agad na akong tumalikod at pumunta ng banyo.

Hooooo...my god*inhale* *exhale*" sabay paypay ng mga palad ko sa akin.

Ngayon lang ulit yata ako nakahinga...

Sabi ko pagkapasok sa banyo at sumandal sa sink dito sa CR my god bakit ganto tibok ng puso ko....

LUB DUB LUB DUB LUB DUB...

Siguro kinakabahan lang ako.

Oh kaya may sakit na ako sa puso..... Hindi ko pa alam.....

Eh bakit ngayon lang lumabas ang symptoms....

Tanong ko sa sarili ko.....at umiling iling...

Naprapraning nako....my goodnessss...

Aubrey" tawag ni Fiona na ngayon ay kakapasok lang sa cr.

Fiona" sambit ko sa pangalan nya pagkatapos ko syang titigan...

Ang ganda nya.....

Ang ganda mo " Sabi nito at ngiting ngiti na lumapit sa akin.

Mas maganda ka sa akin. " Sabi ko dito at niyakap sya.

Ang bango pa nya....

Sino ka partner mo" tanong ko sa kanya.

Syempre dapat gwapo kapartner nya kundi edi hindi sila bagay sana kahit hindi kagwapuhan hindi naman masungit.....

Hindi katulad ng kapartner ko pinaglihi yata sa sama ng loob.....

Si Sean (Shawn) Grey" sagot nito. Kaya tinanguan ko ito.

Hindi ko naman kilala yun.....

Ikaw" tanong nito habang nag aayos ng make up nya.

Si Phoenix Ramsey" sagot ko dito.

Ahhhh, diba gwapo yun atsaka mayaman " natutuwang Sabi nito at sinaraduhan ang pouch na dala.

Gwapo nga masungit naman" reklamo ko dito.

Hayaan mo na, ganoon lang talaga sya" sagot nya sa reklamo ko.

Tsssss" angal ko pero tumawa naman sya..

At least gwapo" Sabi nito at nagpaalam na lalabas nasa cr.

Sige dyan kana, au revoir" paalam nito at lumabas ng cr.

Humarap naman ako sa salamin at kinausap ang sarili.

Kaya mo yan Aubrey, relax ka lang" Sabi ko at saka sumunod narin palabas.

Pagkalabas ko ay sumalubong na sa akin ang mga nagsasayawang mga interns.

Nabi na eh prom toh...

Dapat talaga di na ako pumunta dito.

Sa panghihinayang na naramdaman ko na dapat sa oras na toh tulog na ako ay agad akong pumunta sa labas ng venue.

Nakakainis talaga " inis na sambit ko at padabog na naglalakad makalayo lang sa venue.

Nang makita ang maliit na parke. Walang tao pero rinig ko ang agos ng tubig na nanggaling sa fountain

Sa inis ko diko namalayan na ang layo ko na pala sa venue" pagkausap ko sa sarili ko at lumingon sa venue na malayo layo na sa akin.

Hindi ko naman mapigilan ilibot ang paningin ko sa buong lugar at umupo sa isang bench dahil nanakit narin ang paa ko

Anong gagawin ko dito tutunganga" pagkausap ko na naman sa sarili ko.

Bwiset baka mamaya mapagkamalan akong baliw dito.

Tiningnan ko ang kalangitan at naalala ko na naman ang dahilan kung bakit pinili kong maging doctor.

Flashback.....

Aray" iyak na sabi ko sa kanya. Dahil nadapa ako. Ang hapdi eh..

Huhuhuhu....

Tumahan ka na ang panget mo" sagot nito sa akin at hinagod ang likod ko dahil nakayakap ako sa kanya.

Ang sama mo, Sabi kaya sa akin ni mommy maganda ako." Sagot ko dito at suminghot singhot.

Ang panget mo na nga, ang dugyot mo pa" pangaasar ulit nito kaya hindi ko mapigilan na pingutin ang tenga nya.

Aray" reklamo nya

Ang sama mo di na kita kabati" Sabi ko at humiwalay sa yakap nya at nakanguso pero masama parin ang tingin sa kanya.

Sa susunod kasi mag iingat ka. Hindi sa lahat ng oras may manggamot sayo. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ko " sermon nito sa akin.

Oo na, gusto mo maging doctor ako. Para hindi na ako ang gagamutin,ako na ang manggagamot" inosenteng sabi ko dito at ngumiti.

Bahala ka kung ano gusto mo pero dapat kasi nag iingat ka" inis na sabi nito.

Sa susunod ako na ang nanggagamot" nakangiting sabi ko dito at napangiwi ng kumirot ang sugat ko. Hindi namn ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya sa halip ay ginulo nya ang buhok ko.

Tara na" Sabi nya at tumalikod sa akin para ippigyback ride ako.

Yehey, bubuhatin mo na naman ako" masayang sabi ko sa kanya at mahigpit na humawak.

Umayos ka ang bigat mo" Supladong sabi nito at naglakad na habang buhat ako.

End of flashback...

Nasaan ka na kaya?sana masaya ka na ngayon Ramram" Sabi ko habang nakatingin sa mga bituin ngayong gabi.

Alam mo bang doctor na ako" malungkot na sabi ko at bumuntong hininga.....

Feeling ko naman maririnig nya ko...

Ako na ang nanggagamot ngayon " dagdag ko at malungkot na ngumiti.

Agad naman akong napayuko ng maramdaman ko ang patak ng tubig...

Mukhang uulan pa....makabalik na.....baka maabutan pa ako ng ulan dito.

Kaya agad na akong tumayo at naglakad na pabalik ng venue.

Wuhooo, ang lamig" sabi ko habang naglalakad pabalik dahil ramdam ko na ngayon ang lamig ngayong gabi.

Kaya nagmamadali na ako maglakad habang nakayakap sa sarili ko.....

Kasi naman bakit sleeve less yung damit ko.....

Pagkapasok ko sa venue ay nagsasayaw parin ang mga interns pero iilan na lang at may nakatapat na ilaw.

Nagsasayaw si Kaila kapartner si Liam at si Fiona kapartner si Sean... at isang partner pa ng interns na hindi ko kilala.

Natapos na ang kanta pero nasayaw parin sila at pumalit naman ang isa pang kanta....

Talagang sa susunod na may sasabihin na welcome party hindi na qko aatend...letse...

Sabi nila

Balang araw darating

Ang iyong tanging hinihiling

At nu'ng dumating

Ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli~~~~~

Pagpasok ng bagong kanta.

And now are guest will gonna choose the girl he want to dance with" rinig na sabi ng staff at agad naman nag ingayan ang mga tao.

Agad naman akong napatingin sa entablado kung saan naglalakad na pababa si Cole habang may nakatapat na ilaw.

Daming fans...Sana oil...

Dr.Cole marry us" sigaw ng mga intern na babae.

Mga baliw.....naging doctor lang nawala na sa katinuan.....

May Cole syndrome yata tong mga toh ahahahhahaha...

Ang pag-asang nahanap ko

Sa'yong mga mata

At ang takot kong sakali mang

Ika'y mawawala~~~~~

Pagtugtog ng kanta...

Nilibot ko naman ang paningin ko sa mga tao ngayon na nakatingin lahat kay Cole na seryoso lang nanaglalakad.

Gwapo sana kaso masungit....

Daig pa may regla....

Nagtaka naman ako ng lumingon lingon ito sa mga tao at parang may hinahanap.

Nawawala si Cinderella kung kailan nandyan na ang prinsipe nyang si Cole.

Sige lang maghanap ka hanggang sa mapagod ka hahahahaha

Dr. Cole ako na lang' sigaw ng isang babae at sumigaw sigaw naman ang iba pang babae.

Tumingin naman ito sa mga nagsasayaw sa gitna at inalok ng sayaw si Fiona.

Lumapit si Cole at naglahad ng kamay sa harap ni Fiona na nakikipagsayaw kay Sean.

Sabagay maitsura naman si Sean.....cute.....

Agad naman itong humiwalay kay Sean at nakangiting inabot ang kamay ni Cole.....

At ngayon, nand'yan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon

Hanggang ngayon

Ikaw at ako~~~~~

Ngiting tinanggap ni Fiona ang kamay nito at nakipag sayaw kay Cole. Habang si Cole naman ay walang reaksyon ang itsura at marahang hinawakan ang bewang ni Fiona.

Namatay ang ilaw na nakatapat kina Kaila at Liam at ngayon nasa gitna ng dance floor sina Cole at Fiona habang nakatapat sa kanila ang ilaw.

Grabe.... Diko akalain na Jollibee din pala tong si Cole ahahahhaha....

Lumingon naman ako sa paligid. Ang lahat ng atensyon ng tao ay nakuha nila.

Eh sino bang hindi.....

Tumabi ka nanonood ako" Sabi ko at sabay tingin kina Cole na natatakpan nya...

Masaya akong nanonood dito tapos haharang sya.

Diba partner kita, let's dance" seryosong sabi ni Phoenix at tumingin sa isang staff.

Nagtaka naman ako, kung bakit sya tumingin don at nabigla na lamang ng may nakatapat naring ilaw sa aming dalawa ni Phoenix.

Letseeee.....talaga...

Kaya naman na agaw namin ang atensyon ng mga tao at ngayon samin na sila nakatingin pati ang pagsayaw nina Fiona at Cole ay tumigil pero hindi halata ng mga tao.

Naglahad ng kamay si Phoenix at dahan dahan ko naman itong inabot...

Wala akong kawala....bida bida kami dito...

At sa wakas

Ay nahanap ko na rin

Ang aking tanging hinihiling

Pangako sa'yo

Na ika'y uunahin

At hindi naitatanggi~~~~~

Pagkaabot ko ng kamay dito ay inakay ako nito papunta malapit sa pwesto nina Cole at ngayon dalawa na ang nagsasayaw ako nakapartner si Phoenix at si Fiona na kapartner si Cole. Agad ko naman binalik ang tingin kay Phoenix na seryoso pa din. Dahan dahan nitong hinawakan ang bewang ko at dahan dahan akong sinayaw kaya ang mga tao naman ngayon ay nagkakaguko na....

Yieeeeee,wooooooooo PHOBREY" malakas na sigaw ng mga lalaki na sinabayan pa ng mga babae.

Kaya naman na patawa ako...

PHOBREY daw tunog Phobia" pagkausap ko kay Phoenix at saka ngumiti para mapigilan ang tawa.

Nayyyyyy,ngumiti sya" pangaasar ko kay Phoenix dahil may konti konti akong nasilayan na ngiti habang nakangiti sa kanya.

Ang tadhanang nahanap ko

Sa'yong pagmamahal

Ang dudulot sa pag-ibig

Natin na magtatagal~~~~~

Pero sumeryoso ulit ang itsura nito at dahan dahan akong sinasayaw habang nakapatong ang mga braso ko sa balikat nya.

Buti na lang....marunong akong sumayaw kahit konti.....

At ngayon, nand'yan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon (mula noon)

Hanggang ngayon

Ikaw at ako~~~~~

At ngayon nandyan kana~~~~" sabay kanta ng mga intern...

Uhmmmm....Phoenix may galit kaba" biglang tanong ko sa kanya.

Dahil nakakapagtaka lagi na lang syang seryoso. Napatigil naman sya at tumingin sa akin pero sumayaw ulit.

Wala naman" seryoso na sagot parin nito.

Pwede ngumiti ka, sige ka mabilis kang tatanda nyan" pagbibiro ko sa kanya. Dahil nga makapal ang mukha ko ay dahan dahan kong hinawakan ang mukha nya at pinilit syang ngumiti.

At ngayon, nandito na

Palaging hahawakan

Iyong mga kamay

'Di ka na mag-iisa

Sa hirap at ginhawa

Ay iibigin ka~~~~

Sige na ngiti ka na" pilit ko at pilit syang pinapangiti.

Sige na, sige na " pilit ko.

Oh ayan na, happy " Sabi nito at ngiting aso na ngumiti sa akin.

Yan, Hindi yung laging seryoso para ka tuloy laging may galit sa mundo" Sabi ko at tumingin sa mata nya at saka ngumiti.

Parehas sila ng mata ni Cole....

Sa pagtatapos ng kanta, ay nabigla naman ako sa ginawa nya.

Mula noon

Hanggang ngayon~~~~~

Ay hinawakan ang bewang ko gamit ang isang braso nya at ngayon nasa gilid ko na sya at bumulong sa tenga ko...

Maraming salamat" Sabi nya kasabay ng pagtatapos ng kanta.

Mula ngayon

Hanggang dulo

Ikaw at ako~~~~

Ayieeeee,PHOBREY" sigaw na naman ng mga boys kaya wala na akong ibang nagawa kundi matawa.

Sana maging masaya na toh....para maiwasan ang mga tao na nagpapakamatay dahil sa depression.....

#AdvanceMag-IsipSiAubrey

Don't forget to vote this Chapter kung nagandahan ka sa Chapter na ito❤️ Thank you