Nagising ako kinabukasan na may pangamba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung totoong nangangamba ako o talagang nasasaktan lang. Nasasaktan dahil inilatag na sa harapan ko, pinamukha pa sa akin, na wala na talaga… na 'yong maliit kong pangarap para sa anak ko ay hinding-hindi na mabubuo. Mukhang kalilimutan ko na rin ang nararamdaman ko sa kaniya. Total itinago ko lang din naman, mukhang habangbuhay ko na ring hindi masasabi sa kaniya. Dead end na kumbaga.
Sumilip ako sa may bintana nang marinig na nagwawalis si Nanay sa may bakuran. Linggo ngayon at bakit kaya iba ang ambiance ng paligid kapag Linggo, ano? Wala lang, natanong ko lang.
Nakita ko ring papalapit ang kapitbahay naming si Aling Minda sa nagwawalis kong Nanay.
"Helena, nakauwi na raw si Ayla?"
Napataas agad ang isang kilay ko dahil sa naging tanong ni Aling Minda kay Nanay. Pero 'yong Nanay ko, parang hindi man lang natinag at nagpatuloy pa sa pagwawalis nang hindi man lang tinitingnan ang direksiyon ni Aling Minda. The unbothered queen.
"Oo, noong isang araw pa. Bakit, Minda?" Sagot naman ni Nanay.
Umupo ulit ako sa kama habang nakatingin pa rin sa kanilang dalawa. Medyo nakakangalay tumayo habang nakikinig ng chismisan, e. Gusto ko lang marinig kung anong alam ng ibang tao, lalo na ng mga kapitbahay namin.
Naalala ko rin 'yong sinabi ni Fabio na usap-usapan na raw ako sa bayan. Ano namang pag-uusapan nila sa akin? Na buntis ako? Anong pakialam nila? Hindi kaya tama ang hinala kong alam nilang si Sonny ang ama nito? Paano? I mean, yeah, may kumalat na picture naming dalawa sa Facebook noon pero hindi pa naman halatang buntis ako noon. Kaya paano? Ilang buwan din naman akong hindi umuwi rito sa bayan namin at hindi naman kami madalas na magsama kaya paano nilang malalaman? Imposible.
"So, totoo nga'ng buntis si Ayla?"
Nagpatuloy pa rin ang unbothered queen sa kaniyang ginagawa.
"Oo, Minda, buntis nga ang anak ko. Anong masama roon?"
"Wala naman akong sinabing may masama roon, Helena, parang nagtatanong lang, e," aniya. "Napansin ko lang din, Helena, bakit pabalik-balik dito 'yong anak ng mga Lizares, 'yong engineer? Si Engineer Sonny Lizares ba? Bakit siya pumupunta rito? Totoo bang siya 'yong ama?"
Anak ng baboy!
Doon ako kinabahan. Kinabahan ako sa kung anong isasagot ni Nanay.
Natigilan si Nanay sa pagwawalis at matamang tiningnan si Aling Minda.
"Ano ngayon sa'yo, Minda, kung si Sonny Lizares ang ama?"
Nanay, bakit mo sinabi!
"So, totoo nga na si Ayla ang dahilan kung bakit hindi na si Engineer Sonny ang ipakakasal sa anak ni Resting Osmeña? Siya pala ang dahilan? Totoo pala talaga ang usap-usapan na nabuntis niya ang anak mo."
Ha?
"Ano pong ibig n'yong sabihin na hindi na si Sonny ang ipakakasal kay MJ, Aling Minda?" Dahil sa sobrang pagtataka sa sinabi ni Aling Minda, hindi ko na napigilan ang sumabat sa usapan nila Nanay. Pareho silang nakatingin sa akin. Pareho rin silang nagulat.
"N-Nand'yan ka pala, Ayla." Umiwas siya ng tingin sa akin at parang nahiya matapos maka-recover sa gulat nang makita ako. "Hindi mo ba alam? Kagabi ina-announce sa lahat ang kasalan sa pagitan ng Osmeña at Lizares. Matagal nang usap-usapan dito na si Miss MJ Osmeña nga at Engineer Sonny Lizares ang itinakdang magpakasal. Pero iba 'yong sinabi kagabi, si Sir Darry na raw ang ipakakasal kay Miss MJ."
Ano?!
"Ikaw pala ang rason, Ayla. Sige, Helena, Ayla, aalis na ako. Magandang umaga sa inyong dalawa."
Hindi ko na pinansin ang pag-alis ni Aling Minda. Tumayo ako at nilapitan ang cell phone ko. Gustong-gusto kong tawagan si Sonny para itanong 'yon sa kaniya. Anong nangyari? Totoo ba 'yong sinabi niya? Bakit? Teka, bakit si Boss Darry na? Anong nangyari? 'Di ba pumunta siya kagabi sa Bacolod para puntahan ang party? Anong nangyari!
Kinuha ko ang cell phone ko hindi para tawagan si Sonny kundi hanapin sa internet ang ganoong klaseng balita.
'The CEO of Lizares Sugar Corporation, Darry Lizares and the Osmeña heiress, MJ Osmeña announced their engagement yesterday, April eight at L Fisher Hotel. The two are expected to tie the knot at the end of the month.'
Totoo nga. Totoo nga ang sinabi ni Aling Minda na si Boss Darry na ang ipakakasal kay MJ Osmeña. Pero bakit? Paano nangyari?
"Ayla, totoo ba 'yong sinabi ni Minda? Ayoko sanang paniwalaan pero-"
"T-Totoo 'Nay." Inabot ko sa kaniya ang cell phone ko kung saan naglalaman ang balitang kababasa ko lang kanina. Tinanggap 'yon ni Nanay at tahimik na binasa.
"Diyos ko. Anong nangyari? Bakit si Darry Lizares na? 'Di ba may nobya ito?"
"Hindi ko po alam, 'Nay, hindi ko po alam."
Natulala ako, pilit naghahanap ng sagot sa katanungan sa utak ko. Kailangan ko ng sagot! Isang sagot na galing mismo sa kaniya. Anong nangyari? Bakit? Imposibleng ako ang dahilan, imposibleng ang bata ang dahilan. Nagparaya na ako. Hinayaan ko na siya. Bakit ganoon? Nalaman ba ni MJ Osmeña? Nalaman ba ng mga magulang niya? Nang mga Osmeña? Ano ang rason at bakit hindi na siya?
"Magpapatuloy ang buhay natin. Wala tayong pakialam sa problema ng pamilya nila. Labas na tayo roon. 'Wag ka nang manghimasok, Ayla," sabi ni Tatay matapos ang pananghalian naming tatlo.
Tango na lang ang isinagot ko. Siguro nga dapat umiwas na lang ako. Labas na labas ako sa problema nila at hindi ko na dapat pino-problema 'yon.
"Ako na rito, Ayla, mag-siesta ka muna."
Gusto ko sanang tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan namin kaso hindi ako hinayaan ni Nanay. Tumango na lang ako at imbes na matulog sa kuwarto, lumabas ako ng bahay at pinuntahan si Tatay na nakaupo sa kawayang bangko sa ilalim ng puno ng talisay. Hawak-hawak niya 'yong manok na panabong. Umupo ako sa katapat niyang bangko at ang kawayang lamesa ang namagitan sa aming dalawa.
Nang makita ako ni Tatay ay agad niyang itinapon ang yosi niyang mukhang kakasindi niya pa naman.
"Masama sa mga buntis ang makalanghap ng usok ng sigarilyo," aniya habang hinihimas ang balahibo ng manok. "Naalala ko tuloy… noong pinagbubuntis ka ng Nanay mo, iritableng-iritable talaga siya sa akin noon sa tuwing nakikita niyang may sigarilyo sa bibig ko. Kahit na malayo naman ako sa kaniya, sinisigawan niya talaga ako na itapon ko 'yong sigarilyo at baka raw malanghap niya 'yong usok. Maski nga 'yong sigarilyong nilalagay ko lang sa bibig ko at hindi ko naman sinisindihan, nagiging iritable pa rin siya at binabato pa ako ng tsinelas."
Pareho kaming natawa ni Tatay sa naging kuwento niya.
"Kaya pala ayaw na ayaw ko sa usok ng yosi."
"Kahit noong hindi ka pa buntis?"
"Opo. Nagiging iritable agad ako sa tuwing nakaka-amoy ako ng usok ng yosi, e."
"Manang-mana ka talaga sa Nanay mo."
Natawa na naman kaming dalawa na agad sinundan ng kaniyang pagtayo para ilagay sa tali nito ang manok na hawak niya. Agad din naman siyang bumalik sa kaninang puwesto niya.
"Alam mo, Aylana, ngayon ko lang napansin, hawig na hawig mo pala ang Tatay ko."
"Si Don Crisostomo Encarquez? Edi mukha akong lalaki."
"Don Crisostomo, Don Crisostomo, Lolo mo 'yon, Aylana. Kahit wala na 'yon, magbigay-galang ka naman."
"Ikaw kaya nagsabi sa akin na Don ang itawag namin sa kaniya at hindi Lolo."
"Ako ba? Sigurado ka?"
"Oo kaya!"
Napakamot si Tatay sa batok niya at bigla na lang natawa.
"Ano bang mga pinagtuturo ko sa inyo rati?" At akmang nag-isip pa siya sa nakaraan kaya mahina na lang akong natawa. "At saka hindi ka naman mukhang lalaki. Ang guwapo kaya ng Lolo mo kaya maganda ka rin."
Sumama ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Weh?"
"Oo sabi."
"Sabi mo 'yan ha? Na nagmana ang kagandahan ko kay Lolo at hindi sa'yo."
"Ay iba na 'yon, sa akin ka nanggaling, kaya dapat lang na sa akin ka magmana." Pareho ulit kaming natawa dahil sa sinabi ni Tatay. Nang humupa ay nagsalita ulit siya. "Alam mo ba kung bakit Aylana Rommelle ang ipinangalan ko sa'yo? Kung bakit Romelena ang Ate mo at ikaw naman ay Rommelle?"
"Kasi po galing sa pangalan n'yo?"
Sumilay ang maliit na ngiti galing kay Tatay.
"Tama ka nga naman. Matalino ka talagang bata ka." Tinapik pa ni Tatay ang ibabaw ng ulo ko at natatawa akong tiningnan. "Bukod doon meron pa akong ibang rason. Pinangalanan ko kayo ng pangalan na galing sa pangalan ko para lagi kong iisipin na anak ko kayo, na galing kayo sa akin, at hindi ko dapat kayong sasaktan." Tahimik akong nakinig sa naging eksplenasyon ni Tatay. "Kaya pasensiya ka na, Ayla, kung nasaktan man kita noon. Ang dami-dami kong kasalanan sa'yo. Nasaktan kita. At hinding-hindi ko na yata mapapatawad ang sarili ko na napagbuhatan ko ng kamay ang sarili kong anak."
Heto na naman tayo…
Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Tatay. Hindi sa hindi ko gusto ang mga sinasabi niya pero ayaw ko lang kasing umiyak kaya ganoon.
"'Tay… okay na tayo 'di ba? Matagal na kitang napatawad. Sa katanuyan nga po, hindi naman po talaga ako nagtanim ng galit sa mga nangyari noon. Naiintindihan ko po ang naging galit n'yo. Naiintindihan ko po kung saan galing ang galit n'yo. Kaya, 'Tay, kung ano man 'yong nangyari noon, mas mabuti pong kalimutan na lang natin. Siguro naman po, sobrang payapa na ng buhay ni Ate kung nasaan man siya ngayon."
Nahawa ako sa naging ngiti ni Tatay kaya para kaming mga timang na dalawa na nagngingitian sa isa't-isa. Napabuntonghininga ulit siya at nginitian na naman ako.
"Hindi ko alam na ganito pa lang lumaki ang anak ko. Ang dami ko tuloy na-miss na ganap sa buhay mo."
"Panigurado ngayon, 'Tay, hindi mo na mami-miss ang lahat ng ganap sa buhay ng batang ito," sabi ko sabay lahad ng malaking umbok sa tiyan ko. Napalingon din sa Tatay sa tiyan ko.
"Sisiguraduhin ko 'yan. At saka, totoo bang lalaki talaga ang laman n'yan?"
"Oo nga sabi. "
"Mukha nga talaga. Ang pangit-pangit mo, e."
"Hala, anong pangit? Ang sabi mo kanina maganda ako, a?"
"Maganda ka nga, pero ang pangit mo talaga."
"Hala! Si Tatay talaga! Edi pangit ka rin? Sabi mo sa'yo ako nagmana, 'di ba?"
Sumimangot ako dahil sa mga pinagsasabi ni Tatay pero heto siya't tumatawa lang sa harapan ko. Mukhang nagugustuhan ang simangot sa mukha ko. Tatay talaga!
"Aba, aba, aba! Ano 'yang pinag-uusapan n'yong mag-ama? Puwedeng maki-join?" Lumapit si Nanay sa amin na may dalang isang pitsel ng tubig at tatlong plastic na baso. Inilapag niya ang mga dala niya at sinalinan ang isang baso at agad ibinigay sa akin. Umusog na rin ako para makatabi siya sa puwesto ko. "Uminom ka muna, bawal ma-dehydrate ang mga buntis."
"Salamat po."
Uminom ako sa malamig na tubig at tahimik na pinagmasdan ang mga magulang ko. Kapag talaga napatawad n'yo ang isa't-isa, automatic talagang mawawala ang bigat sa inyong mga puso, ano? Never in my life na sumagi talaga isipan ko na magiging maayos ang pakikitungo ng mga magulang ko sa akin, na makakapag-kuwentuhan kami nang ganito, na makakapag-tawanan kami nang ganito. Sobrang gaan ng buhay kahit na halatang hirap na hirap kami sa buhay. Tama nga talaga ang naging desisyon kong umuwi sa kanila. Kasi kung hindi, mukhang habangbuhay kong dadalhin sa puso ko ang bigat ng situwasiyon namin ng mga magulang ko noon.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap na pamilya nang biglang dumating ang pamilyar na kotse ni Sonny. Gusto ko sanang isipin na hindi kaniya 'yon pero masiyado na itong pamilyar sa utak ko. Bigla akong kinabahan. Anong ginagawa niya rito?
Naputol ang usapan at sabay-sabay kaming napatingin sa katitigil lang na sasakyan. Sabay na nagbukas ang pintuan ng driver's at passenger's side. Dahil alam kong siya ang nagda-drive, agad na napatingin ang mata ko sa driver's side ng sasakyan.
Nagtama ang tingin naming dalawa. Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko at napatayo na rin mula sa pagkakaupo. Naramdaman ko rin ang pagtayo ng mga magulang ko. Hindi yata napigilan ni Tatay at talagang naglakad siya papunta sa gate ng bahay para salubungin o pigilan ang pagpasok niya.
"Good afternoon, Ninong Boyet, Ninang Helen, Ayla."
Ha? Ninong? Ninang?
Tumaas ang isang kilay ko nang makita kung sino ang bumati sa aming tatlo. Ngayon ko lang napansin ang presensiya niya. Anong ginagawa niya rito at bakit sila magkasama? At bakit niya tinawag na Ninong at Ninang sina Nanay at Tatay? Anong meron?
Kahit sarado pa ang gate ng bahay, hindi 'yon napigilan ang ginawang pagmano niya kay Tatay. Lumapit na rin si Nanay at nagmano na rin siya rito.
"Kaawaan ka ng Diyos, Justine," sagot ni Tatay nang matapos siyang magmano.
Oo, Justine… as in Justine Saratobias.
"Napadalaw ka, hijo?" Tanong ni Nanay sa kaniya.
Nanatili akong nakatayo sa kaninang puwesto ko habang nag-aabang ng susunod na mangyayari. Hindi na ulit tumingin sa direksyon ko si Sonny kasi nanatili ang tingin niya kay Tatay.
"Pakisabi r'yan sa kasama mo, Justine, na umalis na siya. Wala siyang mapapala rito," matigas na sabi ni Tatay. Napalunok pa nga ako sa sobrang seryoso ng kaniyang pagkakasabi, e.
"Tito Boyet, please-"
"Sinabi nang 'wag mo akong tawaging Tito, hindi kita ka-anu-ano."
"Ninong Boyet, baka naman kahit sandali lang po. May importante lang pong sasabihin si Sonny sa inyo ni Ninang," sabi naman ni Justine.
Napabuntonghininga si Tatay sa sinabi ni Justine. Si Nanay naman ay hinawakan na sa balikat si Tatay at mukhang may sasabihin.
"Pagbigyan na natin 'yong bata, Boyet, mukhang importante ang sasabihin, e."
Ilang segundo silang natahimik. Si Tatay ay mariing nakatingin lang sa nakayukong si Sonny. Si Nanay ay naghihintay sa kung anong magiging desisyon ni Tatay. Si Justine ay tahimik lang at maya't-maya ang tikhim para siguro mawala ang tensiyong namumuo sa paligid. Ako naman ay naghihintay din sa susunod na mangyayari.
Isang napakalalim na buntonghininga pa ang ginawa ni Tatay bago siya tumalikod at nagsimulang maglakad.
"Sumunod ka sa akin."
Diri-diretso ang naging lakad ni Tatay papunta sa likuran ng bahay. Si Nanay naman ay pinagbuksan muna ng gate si Justine at Sonny bago inaya si Sonny na sumunod kay Tatay. Si Justine naman ay naglakad papunta sa direksyon ko. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ka agad natugunan dahil nakatingin ako sa daang dinaanan ng mga magulang ko.
Anong pag-uusapan nila? Bakit hindi ako kasama?
"Hi, Ayla."
Naibalik ko ang tingin kay Justine nang marinig kong binati niya ako. Umupo siya sa bakanteng espasyo sa tapat ko, 'yong kaninang inuupuan ni Tatay.
"J-Justine… puwedeng magtanong?"
Medyo na-awkward pa ako sa kaniya kasi hindi naman kami nagpapansinan na dalawa at akala ko talaga hindi niya ako kilala. Naalala ko noon, makailang beses ko silang nakasalamuha pero parang hindi naman niya ako kilala?
"Go on, Ayla, I'm listening."
"Paano ka naging inaanak nina Nanay at Tatay?" Lakas loob na tanong ko kahit na nakaka-intimidate talaga ang presensiya ni Justine Saratobias.
Ang unang isinagot ni Justine sa akin ay isang tawa. Mahina lang naman pero tawang-tawa talaga siya.
"Hindi mo ba alam?" Nang humupa ang tawa niya ay 'yon ang una niyang tinanong kaya agad din akong umiling. Magtatanong ba ako kung alam ko? Anak ng baboy naman pala 'tong si Justine, e. "Sabagay, hindi ko nga rin alam na anak ka pala ni Ninong Boyet. Recently ko lang din nalaman," dagdag na sabi niya kaya napakunot ang noo ko. "So to answer your question… mag-bestfriend kasi si Dad at Ninong Boyet. High School buddies to be exact. Tatlo sila ni Ninong Gab."
"Ninong Gab?"
"Sonny's Dad. Ninong ko rin kasi 'yon."
"H-Huh? M-Magkaibigan 'yong Daddy mo, si Tatay, at si Don Gabriel?"
Teka, sandali, paano?
"Oo raw, dati… based lang naman sa na-kuwento sa akin ni Dad at Mom. Actually, hindi naman daw talaga physically present si Ninong Boyet no'ng binyag ko, isinama lang daw siya ni Dad sa listahan kasi 'yon daw ang pinag-usapan at kasunduan nila. Tinutupad lang ni Dad. Ang kaso… hindi tinupad ni Ninong Boyet 'yon sa mga anak niya but that's fine with Dad though kasi naging kumpare na naman niya si Ninong Boyet through me."
Teka, sandali talaga… paanong nagkaroon ng koneksiyon si Tatay sa mga Lizares? Anong nangyari? Bakit? Nadagdagan na naman ang mga katanungan ko sa buhay na hindi ko alam kung saan ko hahagilapan ng sagot, e. Ano ba kasi ang nangyari noon? At bakit naging ganito ang buhay namin? Taliwas sa mga buhay ng mga taong minsang naging parte ng buhay ni Tatay? Mayaman naman ang pamilya niya, kahit anak siya sa labas, may karapatan pa rin siyang dalhin ang pangalang Encarquez kasi isa naman talaga siyang Encarquez. Kaya anong nangyari?
"'Wag mo na lang isipin 'yon, Ayla, labas na tayo sa kung anong meron sa kanila noon."
Ngumiti ako kay Justine kahit na bumabagabag pa rin sa akin ang sinabi niya. Hindi ko pinahalata sa kaniya kahit halatang-hatala naman. Siguro nga, tama siya, hindi ko na dapat pang iniisip 'yon, mas lalo lang sasakit at dadami ang iniisip ko sa utak.
"By the way, ilang months na 'yan?" Patungkol niya sa tiyan ko.
Wala sa sarili kong hinawakan ang tiyan ko.
"Six months."
"O? Talaga? Magkasunod lang pala kayo ni Gel, e. Tss, mukhang makikinita kong magkaibigan na naman ang mga anak namin ni Sonny."
Napangiwi ako sa sinabi ni Justine, mabuti hindi niya nakita kasi nag-iwas siya ng tingin. Mukhang nag-imagine pa sa bagay na hindi na yata mangyayari. As if naman makikila nila ang anak ko kay Sonny.
Oo nga pala, may asawa na nga pala itong si Justine. Isang sikat na singer na tubong Negros ang napangasawa niya. Last year yata siya ikinasal? Naging usap-usapan 'yon sa buong bayan, e. Ikaw ba naman anak ng isang konsehal tapos isang sikat na singer pa ang napangasawa, mapag-uusapan talaga.
Natahimik ulit kami ng ilang segundo. Nawala sa kaninang sinabi ni Justine ang takbo ng isipan ko, napunta na naman sa mga magulang kong kasalukuyang kinakausap si Sonny. Ano kayang pinag-uusapan nila?
"May ideya ka ba kung anong pinag-uusapan nila?" Tanong ko kay Justine.
"Obviously, it's you," sabi niya na parang ang obvious nga naman. Tungkol kanino at saan pa ba ang pag-uusapan nila kundi ako lang naman, 'di ba? Ang tanga mo naman, Aylana Rommelle.
"Puwede ulit magtanong?"
Justine snorted a little laugh nang marinig ang sinabi ko.
"You can ask whatever you want to ask, Ayla, kinakapatid na rin naman kita."
Kahit ilang beses niya pa yatang sabihin na kinakapatid ko siya kasi Ninong niya ang Tatay ko, mukhang hindi ako masasanay.
"Totoo ba 'yong nangyari kagabi? Um-attend ka naman sa party, 'di ba, so alam mo?"
Hindi agad nakasagot si Justine. Tiningnan niya ako na parang naninimbang hanggang sa nagbuntonghininga siya.
"Mabuti sigurong si Sonny na ang magsabi sa'yo nang tungkol doon, Ayla."
Napabuntonghininga na rin ako dahil sa sinabi ni Justine. Bakit ba hindi niya masagot ang simpleng tanong ko? Oo at hindi lang naman ang sagot no'n, ba't ipapasa pa kay Sonny? E, puwedeng siya naman ang sumagot. Kung alam din naman niya ang sagot.
"Ayla…"
"Justine, pumasok ka muna rito sa loob ng bahay, hayaan mo munang mag-usap ang dalawa."
Ngumiti muna si Justine sa akin bago siya umalis. Saka ako lumingon sa presensiya ng bagong dating. Siya na naman ngayon ang umupo sa puwestong inupuan ni Justine kanina.
Hindi ko siya tiningnan sa mga mata. Natatakot ako na baka kung anong ma-diskubre ko kapag tumingin ako. Napaka-delikado ng kaniyang mga mata, kung alam n'yo lang.
"Ano na naman ba 'to, Sonny? Akala ko ba okay na? Lalayo na ako, 'di ba? Iiwas na ako sa gulo n'yo, hindi ko na ipapaalam sa lahat. Ano na man 'to?" Inunahan ko na siya sa pagsasalita, baka hindi ko magustuhan kung ano mang lumabas sa bibig niya kapag siya ang unang nagsalita between us. "'Di ba ikakasal ka na kay MJ Osmeña?" Dagdag na sabi ko, nagbabakasakaling makumpirma niya sa akin na totoo nga ang balitang nasagap ko.
"Hindi na tuloy ang arrangement between me and MJ. Nalaman nina Mom and Dad ang tungkol sa'yo, they've decided to replace me and Darry volunteered himself."
Umiwas ako ng tingin at pagak na natawa. What a scene.
"Gano'n? Bakit hinayaan mong malaman nila? Edi sana ikaw 'yong ipakakasal kay MJ Osmeña. 'Yon 'yong gusto mo, 'di ba? Ba't mo hinayaang makalampas sa'yo ang pagkakataon? At saka sana d-in-eny mo 'yong tungkol sa'kin. Ang daming puwedeng rason, Sonny, ba't hindi mo nahanapan ng lusot?"
Putang ina, Ayla, 'wag kang iiyak!
Pinigilan ko ang sarili kong maibagsak ang luha kong namumuo na. Putang ina talaga, Ayla, 'wag talaga!
"I'm here to formally ask your parents' permission. Nandito rin ako para sabihing pupunta sina Mom and Dad dito bukas to formally talk to you parents about the situation. Now that everbody knew about what happened to us, I guess there's no reason at all na itago ito at ipagtabuyan ako."
Ano?
"Bakit naman pupunta rito ang mga magulang mo? Nahihibang ka na ba? Hindi mo na dapat ginawa 'to. Hindi naman ako naghahabol ng kahit anong sustento sa'yo. I made it clear with you na kaya ko nang buhayin ang bata. Isang beses lang ako nanghingi ng tulong sa'yo kasi walang-wala na ako no'n and I regretted that day that I asked your help. At saka hindi kita pinagtatabuyan, ginagawa ko lang kung ano ang tama at ang dapat."
Tumayo ako at iniwan siya roon. Diridiresto ang naging lakad ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng kuwarto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pupunta rito bukas sina Don Gabriel at Donya Felicity, anong gagawin namin?
~