I waved good bye to my siblings as I watch my parents with their busy lives. Inihatid nga nila ako sa airport, it feels like their physical self aren't present. Naka-embark pa rin yata sa mga pasyente nila. They're busy with phone calls.
"Are you ready for college, Sand?" Tanong ni Mikan sa akin habang papasok kami sa eroplano.
"Kind of nervous pero kakayanin," sagot ko naman.
Magkasama kami ni Mikan na mag-aaral sa UP. Si Kiara naman ay maiiwan sa province dahil sa La Salle siya mag-aaral.
Magkasama nga kami ni Mikan pero iba-ibang campus naman ang papasukan namin. Ako kasi sa Manila, siya sa Diliman. Music kasi ang kukunin niyang kurso. Nakaka-inggit nga, e. Pinapayagan siya sa mga gusto niya sa buhay.
Mikan will be living with his Ate na si Ate Teagan. Hindi n'yo kasi alam, may kapatid na artista itong si Mikan and that's Ate Teagan. Big time 'tong kaibigan kong 'to, 'wag kang ano.
Last week sana 'yong flight niya papuntang Manila dahil last week pa siyang pinapapunta ng Ate niya pero nang malaman niyang ngayon ang alis ko, nagpa-resched siya ng flight para raw masamahan ako.
Mikan is the best-est friend na talaga. Kaya love na love ko 'to, e.
Two hours lang ang biyahe from Silay Airport to NAIA. Mabilis lang at kararating nga lang namin.
Ang sabi ni Mikan, Ate Teagan niya raw mismo ang susundo sa kaniya. Ate Teagan quite made an impression to the showbiz industry. Kahit papaano ay unti-unti na siyang nakikilala ng lahat dahil sa pagiging magaling niyang artista. Kaya kung si Ate Teagan mismo ang susundo sa kaniya, tapos marami pang tao rito sa airport, paniguradong mahihirapan siyang magtago kasi panigurado ring may makakakilala talaga sa kaniya.
"Paano ka susunduin ng Ate mo? Sa loob ba siya ng kotse maghihintay? Paniguradong makikilala 'yon kapag sa labas siya. Sikat na kaya si Ate Teagan. 'Di ba, ikaw na nga nagsabi na hindi na siya masiyadong makauwi sa city natin dahil dudumugin siya ng fans once na makauwi siya?" Tanong ko sa kaniya nang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin sa NAIA.
Ganito ako kakulit pagdating kay Mikan. Ang suwerte ko nga sa kaniya na hindi pa siya namumuro sa sobrang pagkakulit ko, e.
"Relax, Sand. Matalino si Ate Teagan, maraming baong ideya 'yon, sa'n man 'yon magpunta."
Napangiwi na lang ako sa sinagot ni Mikan at kinuha sa kaniya ang sling bag ko na nakalagay sa compartment ng eroplano.
"Thank you, Mik-mik." Pagpapa-cute ko sa kaniya.
Pinisil lang niya 'yong pisnge ko, na usually niyang ginagawa, bago kami nagpatuloy sa paglalakad palabas na ng eroplano.
Matapos ang lahat nang napagdaanan sa airport, lumabas kami ni Mikan sa arrival area. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Both looking with other people and looking for Ate Teagan's sign of existence. Si Mikan naman ay diretso lang na naglalakad habang tinutulak ang cart na naglalaman ng mga maleta namin. Dalawang maleta 'yong dala ko, isa naman 'yong kaniya.
Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa nasa labas na kami mismo ng building. Nadaanan na namin kanina ang mga naghihintay din sa mga pasahero. Pero hanggang dito, wala akong nakitang presensiya ni Ate Teagan. Siguro nga sa kotse na siya naghintay.
Maya-maya lang ay tumigil si Mikan sa paglalakad. Napatingin ako sa kaniya kasi biglaan 'yong paghinto niya, e.
"Bakit?" Tanong ko pa sa kaniya.
Ngumuso siya paharap. Kaya sinundan ko ng tingin ang nginungusuan niya. Nakaka-confuse no'ng una. Nakaka-curious na rin.
Inisa-isa ko pang tingnan ang mga taong nasa harapan namin na halata namang may sariling mundo pero wala naman akong nakitang kakaiba maliban sa isang tao na may hawak na placard na may nakalagay na 'Mikoy the Best, sinusundo ng Ate niyang maganda.'
That person is kind of weird kasi nakatayo lang siya, mag-isa, at hawak niya 'yong malaking placard na iyon. 'Yong damit niya ay parang sobrang laki sa real size niya as a person. Baggy jeans, large baseball shirt, naka-baseball cap din siya pero naka-side view, malaki rin ang shades na gamit niya na parang pang-Daddy vibe, naka-face mask na colorful, at naka-slippers lang. Sa tantiya ko, babae siya kasi naka-ponytail siya, e, tapos 'yong figure at height niya pang-babae talaga.
"Why?" Nagtatakang tanong ko kung bakit niya nginusuan 'yong taong iyon. Siguro para mapansin ko. Nakakaagaw naman talaga ng pansin pero hindi naman talaga needed na pagtawanan. Paano kung gan'yan lang talaga ang sense of style niya, 'di ba? O baka eccentric lang talaga siya. We can't judge other people that easy, boy.
"That's her," sagot ni Mikan.
At first, I really got confuse.
"Anong that's her?"
"Teagan Verm P. Osmeña."
Huh?
"Mikoy my boy! Welcome to Manila!"
Bago pa man ma-load sa utak ko ang sinabi ni Mikan, biglang lumapit sa amin 'yong taong weird kanina. Sumigaw pa talaga siya bago yumakap sa kasama ko.
Teka, Teagan Verm P. Osmeña? Ate Teagan? Ate niya? What the fuck?
"I really miss you, Mikoy! Ate misses you so much!"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Si Mikan ay pilit umiiwas sa halik na gustong gawin ng Ate niya. 'Yong Ate naman niya ay pilit nilalambing ang kapatid.
Now that she put down her face mask, medyo naging familiar na siya sa akin. Base din sa voice niya, si Ate Teagan nga itong nasa harapan namin.
Teka, anong trip niya? Bakit may malaking placard? May weird na damit? Is this her disguise?
"Ate, stop it. Nagkita na tayo last month, e, 'wag ka nga'ng masiyadong OA."
Natatawa ako sa situwasiyon nilang dalawa ngayon.
"Ito namang si Mikoy, 'di na malambing. Sumbong kita kay Ate Ada, sasabihin ko may girlfriend ka na para hindi ka na niya bigyan ng allowance."
"Para kang bata. Stop it nga, Teagan!"
"Oh! Ate. Ate Teagan! Wala kang respeto, ha."
"Sige, isigaw mo pa 'yang pangalan mo nang marinig ka ng mga taong nandito't pagkaguluhan ka. Iiwan talaga kita. Stop it na talaga, Ate, ha. Halika na nga, nagugutom na ako."
Tinanggal na ni Ate Teagan ang shades na suot niya kanina pero bumalik na sa kaninang puwesto nito ang face mask niya. Nakita kong umirap siya sa kapatid niya at ibinaling ang tingin sa akin.
"Hi! You must be Sandi?"
Ibinaba ulit niya ang face mask niya para malawak na ngumiti sa akin. Bigla akong na-starstruck sa ganda niya sa malapitan. Dati sa screen at picture ko lang siya nakikita, ngayon sa personal na tapos nakakausap ko pa. Sa buong buhay kong naging kaibigan si Mikan at sa pagpunta sa mga family events nila, ngayon ko lang nakita si Ate Teagan. Bata pa lang kasi siya, naging artista na siya dahilan para minsan na lang siyang umuwi sa probinsiya namin.
Sobrang ganda niya. Glass skin pa 'yong mukha. Ang puti! Girl, walang bahid ng kapangitan sa mukha. Sa'n kaya nagmana itong si Mikan? Charot, biro lang.
"A-Ate Teagan..."
"Nice to meet you, Sandi! Welcome to Manila too."
Bineso niya ako pero para pa rin akong natulala dahil sa kagandahan niya. Paano pa kaya kung nakita ko pa 'yong isa nilang pinsan na model din. Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin? Idol ko silang dalawa, minsan din akong nanunuod sa mga shows and videos nila kung saan involve ang pag-aalaga sa skin and face.
"Ate Teagan, ang ganda n'yo po. Pasensiya na po, nakaka-starstruck lang po kasi 'yong ganda n'yo." At 'yon na nga, hindi ko na nga napigilan ang sarili kong sabihin sa kaniya ang compliment na sa utak ko lang sinasabi.
"Little things, Sandi," nagpapa-cute pang sabi ni Ate Teagan.
"Psh. Sa'n banda 'yong ganda r'yan? Hindi rin ka-starstruck-starstruck ang mukha n'yan. Retokada 'yan, Sandi, kaya 'wag kang magpapaniwala sa mga commercials n'yan."
Napatingin ako kay Mikan dahil sa sinabi niya. Masiyado namang straightforward ang isang 'to. Walang preno talaga ang bibig?
"Mikaelo Angelito, wala kang matatanggap na allowance sa akin sa loob ng isang taon!"
"Ate, ang corny mo. Hindi ka na mabiro. That's bad for the health. Epekto yata 'yan nang kakasama mo sa hilaw mong boyfriend."
"Shut up, Mikan," pagpapatahimik niya sa kapatid niya. "Sandi, could you please tell me kung sinong girlfriend nito? Nang maipakulam ko."
Teka, normal pa ba itong conversation nilang ito? Kung kami nag-usap nang ganito ng mga kapatid ko, paniguradong may umiiyak na ngayon.
"Uh, wala 'yang girlfriend, Ate. Bakla siguro." Sinubukan kong magbiro. Minsan ko rin namang binibiro nang ganoon si Mikan kaya paniguradong wala lang sa kaniya 'tong sinabi ko.
Tawa ang unang sinagot ni Ate Teagan sa sinabi ko. Medyo mahaba-habang tawa na kinailangan pang pakalmahin siya bago nagpatuloy.
"Ito? Bakla? Hindi. Hindi 'yan, bakla, Sandi. Naamoy na 'yan ng bestfriend ko, ligwak 'yan. Siguro, torpe, pero bakla? Never," natatawang sabi ni Ate Teagan.
"You're bad mouthing me in front of me. Can we just eat now, Ate? Gutom na talaga ako."
Malawak pa rin ang ngiti ni Ate Teagan sa kaniyang kapatid habang may sinisenyas from somewhere. May lumapit din naman na isang lalaki na sa tingin ko ay isang private body guard dahil na rin sa postura at ayos niya. Kinuha n'ya 'yong mga bagaheng nasa cart na tulak-tulak kanina ni Mikan at iginiya kami sa daan patungo sa kotse nila.
May kasama pala si Ate Teagan? Buong akala ko talaga, kaya siya nag-disguise nang ganoon kasi mag-isa lang siya. Nasa paligid pala ang body guards niya? Artista nga naman.
Mikan will be living with his Ate Teagan. May malaki itong bahay sa Quezon City. Ako naman, sa isang dorm malapit lang sa campus ng UP Manila nakatira.
It's my parents' choice na sa Girl Scouts of the Philippines Dormitory ako mag-s-stay. They arranged everything kaya maski dito, wala akong control.
Hopefully, kapag magsisimula na ang college life ko ay ma-c-control ko na ang buhay ko nang hindi nasasaktan ang parents ko.
Mikan's sister, Ate Teagan, is so generous. Matapos niya kaming sunduin sa airport nang personal, inaya niya muna kaming kumain sa isang mamahaling resto na pina-reserve niya mismo para sa pagdating ng kaniyang kapatid. After that full of laughter and chikahan na hapunan, inihatid pa nila ako sa dorm na tutuluyan ko with taga-buhat pa 'yan.
Grabe, ang layo na ng naabot niya, isa na siya sa mga tinitingalang artista ngayon pero napaka-down to earth niya pa rin at ganoon pa rin ang trato niya sa nag-iisang lalaki sa pamilya nila, which happened to be my best friend, na si Mikan. Tapos nakipag-video call pa sila sa family niyang nasa Negros ngayon habang nagdi-dinner kami. Sobrang saya nga, pati ako nadamay sa kasiyahan nila as a family.
But when I went home to my new home for the next four years, naging tahimik at malungkot na ang lahat sa akin. Kung hindi lang tumawag si Kiara, baka umiyak na ako sa unang gabi ko rito sa mundong hindi ko kabisado. Laking probinsiya ako at hindi ako sanay sa city life. Thanks Kiki for being my life saver talaga for everything!
So... this is the start of my journey, my journey of becoming one of the professional doctors in our family. I do hope so I'll finish this battle.
They say the first step leads to a thousand journey. Ewan ko kung 'yon ba talaga 'yong exact sentence no'n pero that's the thought. 'Wag n'yo akong guluhin!
Okay, so, the journey of a thousand miles begins with one step pala 'yong tama, so ulit tayo ha? At saka si Pareng Lao Tzu pala nagsabi no'n.
Unang tapak ko pa lang sa first subject ng college life ko ay alam ko nang hindi para sa akin ang Nursing. Sabi nila 'wag daw munang mag-conclude kung maaga pang nangyayari ang lahat. I'm not concluding this early, masiyado na nga itong late, e. Simula pa lang kasi, alam ko nang ayaw ko sa Nursing.
Sinubukan ko naman no'ng mas maaga pa, thanks to my family's well-treasured books about medicine, pero to no avail, wala talaga, e. Kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko talaga kayang mahalin ang propesyong nagbigay ng pangalan sa pamilya namin.
I don't want to be a Nurse. I don't want to enter Med School. I don't want to become a doctor. Because I want something else. I want to get away from my family's shadow of success. I want to make a name of my own. I don't want to be called a doctor because of my family's reputation.
I wanted something else. I want to be an artist in any form. I want to sing, I want to dance, I want to paint, I want to write, I want to play instruments, I want to act. That's all I want. It's a simple dream and easy to access in any form, but in my case, sobrang hirap nang abutin n'yan. Hindi ko na nga yata maaabot 'yan, e.
UP is for me, I can feel it in my bones, but the course I'm taking isn't.
But I'm torn between chasing my dreams and chasing my parents' expectation of me. Kaya nang lumabas ang final grades ko for the first semester of my first year as BS Nursing student, I was so devastated. I think devastation is an understatement pa nga, e. Sobrang guhong-guho na ang mundo ko habang nakatingin sa mga grades ko. Literal na umiiyak na rin ako at wala na akong pakialam kung tingnan man ako ng mga taong nandito sa coffee shop na pinuntahan namin ni Mikan sa may España.
Sino ba naman kasing hindi manlulumo sa grades mong bagsak... sobrang bagsak? Lugmok na lugmok na.
"Sand, please stop crying na. Baka isipin nilang pinapa-iyak kita n'yan."
Sinapo ko ang noo ko, hinilot ito, at tinitigan nang mabuti ang grades ko, baka sakaling magbago sa isang kisapmata lang, habang pinapakinggan ang mga pinagsasabi ni Mikan na hindi naman pumapasok sa utak ko.
"'Tang ina naman kasi, Mikan. Sino bang hindi maiiyak nito? Nursing 1 lang, hindi ko pa maipasa?" Nanlulumo pa ring sagot ko sa kaniya.
Puno na ng sipon at luha ang panyo ko, pati kay Mikan nagamit ko na rin, pati 'yong tissue dito sa table namin napagdiskitahan ko na pero patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ako umiiyak dahil bumagsak ako, umiiyak ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag naipakita ko ito kay Mommy at Daddy. Ang taas ng expectation and trust nila sa akin tapos ito lang ang ibibigay ko sa kanila? Nakakapanlumo nga.
"Alam mo, may alam akong solusyon d'yan sa problema mo."
I-b-blow ko na sana 'yong sipon ko sa tissue na hawak ko nang biglang dumating na si Nesto, ka-banda ni Mikan. Himalang tumigil din ang luha ko nang marinig ang sinabi niya at mas naging interesado sa sasabihin niya kesa sa mga orders namin na siya mismo ang kumuha.
"What is it, Nest? Share it naman to me."
"Nesto, stop it."
Um-epal si Mikan sa usapan namin ni Nesto at pilit siyang pinapatahimik pero isang kumpas lang ng kamay ni Nesto, hindi na agad nakapagsalita si Mikan.
"With the right price, magbabago 'yang grades mo. The higher the price, the higher the grades."
What?
Napatulala ako kay Nesto nang sabihin niya iyon. I think what he said is masama?
"Nesto, 'wag na. You don't know her parents. Don't give her that idea."
Pero napaisip ako sa sinabi ni Nesto. Ang sabi lang naman ng parents ko ay ipakita ko lang sa kanila ang class card ko this semester and that's fine with them. Hindi ko puwedeng ipakita ang bumabalandrang 70 ng Nursing 1. It may be the end of my world kapag nalaman nina Mommy at Daddy ang grade ko na ito. I think a little alteration of the reality isn't a pain in the ass naman siguro, 'no?
"How much?"
Nag-uusap ang dalawa nang tanungin ko kay Nesto 'yon. Napatingin siya sa akin at biglang ngumisi. Sumenyas siya sa akin na lumapit ako sa kaniya and then he whispered something in my ears.
"Sandi, ano ka ba? What you're doing is illegal. Paano kapag nalaman ng parents mong binago mo pala 'yong grades mo? Ano na lang ang sasabihin nila? Paniguradong magagalit 'yon, Sandreanna."
Ngumisi muna ako kay Nesto nang marinig ang presyong ibinulong niya sa akin bago ko inilipat ang tingin sa best friend kong naghuhuramentado na yata ngayon.
"You don't know Doc Bernardo Hinolan, Mikan. Mas mabuti na ito kesa sa malaman nilang bumagsak ako at d-in-isappoint ko ang expectation nila. It will be a clean crime and I'll make sure they're never gonna have an idea about this one," seryosong sabi ko kay Mikan na seryoso ring nakatitig sa akin. Matapos 'yon ay ibinalik ko ang tingin kay Nesto. "Call, Nest. Kung puwede sana as soon as possible?"
"Areglado, Sandi," nakasaludong sagot niya pa. I just smiled at him and patted Mikan's shoulder for him to relax naman kahit papaano. Parang siya pa talaga ang na-tense.
"Relax ka nga, p're. 'Wag mo na lang isipin ang bagay na iyon, okay? Business namin ni Sandi 'yon. If ever na magkabistohan, which will never gonna happen, ay hindi ka namin idadawit. Relax lang. Hindi mapapasama ang kaibigan mo. Kaibigan na rin kaya ang turing ko kay Sandi, 'di ba, Sand?"
Tumango ako kay Nesto dahil sa huling sinabi niya at muling nginitian si Mikan na seryoso pa ring nakatingin sa akin.
"Don't be doubtful, Mik. I got this, okay? Hindi ko papasukin 'to kung hindi. 'Wag ka nang sumimangot d'yan. I'll go to your gig later, okay?"
I've been ditching Mikan's little gig with his new form band these past few weeks kasi sinusubukan kong mag-focus sa pag-aaral. Ngayon pa lang yata akong makakapanood ng gig nila ng bagong banda niya. Kasama niya rin si Nesto sa bandang iyon.
"Uh, wala kaming gig mamaya, Sand. May audition kasi sa Dulaang UP mamaya para sa isang malaking musical na gaganapin next year. E-ni-ncourage kami ng Prof namin na sumali. Kaya 'yon ang gig namin mamaya."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parang nag-twinkle din ang mata ko nang marinig ang salitang Dulaang UP!
"Dulaang UP? Papasok kayo sa Dulaang UP?" Tumango silang dalawa sa naging tanong ko. Medyo okay na rin 'yong mood ni Mikan, kumakain na nga siya sa cupcake na in-order ni Nesto kanina, e. "Can I come? Can I join?" I'm from UP naman, so puwede siguro akong sumali, ano?
"Sayang, Sand, exclusively for Diliman lang ang Dulaang UP, e. Tiga-Manila ka, remember?"
Para akong nadaganan ng mabigat na bagay dahil sa sinabi ni Nesto. Sayang naman. Gusto ko pa sanang sumali. Parang nakaka-excite kasi.
"Pero puwede kang sumama mamaya at manood."
Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ni Mikan. Dali-dali akong tumango at malawak na ngumiti sa kanila.
Abot kamay mo na nga ang Dulaang UP, hindi mo pa magawang maabot. Ganito siguro kapag gustong-gusto mo ang isang bagay at ayaw ng universe na maabot mo ito, kahit sobrang lapit lang, hindi mo magawang abutin. The universe is really against me.
~