Isang tawag ang nakapagpatigil sa aking pagkakatulala. Kanina pang natuyo ang mga luhang lumabas sa aking mga mata. Nakatulala na lang ako't walang inisip. Mas piniling gawing blanko ang isipan para hindi ulit maiyak.
Pagod kong kinuha ang phone at tiningnan kung sino ang tumawag.
Nang makita ang pangalan ni Siggy, dahan-dahan akong bumangon at napabuntonghininga. But I accepted the call anyway.
"Hey, how's it been?"
I silently exhaled the breath I'm quite holding in after I accepted his call. It's just that when I heard his round and doomed voice with carefulness inside of it, I felt relaxed after minutes of being pressured with my own feelings.
"I don't think I can repay you, Sig," naging sagot ko sa tinanong niya.
I don't have money anymore. 'Yong card ko na lang na iyon ang inaasahan kong magsasalba sa akin sa paglayo ko sa puder ko from my parents. They have it now so I think running away from them is the baddest idea I've ever had in my life.
"Are you fine? Nasa apartment mo na ba ikaw? I texted you but I got no response so I got worried. Are you safe?"
I bit my lower lip and prepared myself for the words I'm about to say. Sobrang kapal ng mukha ko na matapos ang lahat ng tulong na hiningi at tinanggap ko sa kaniya, ang ending pala ng lahat ng ito ay babalik din ako sa mga taong tinatakbuhan ko.
"S-Sig… Thank you for all the help you've given me. Promise, babayaran ko talaga ang lahat ng utang ko sa 'yo. It's just that, I decided to come back to my parents."
"What?! Why? Payag ka na magpapakasal ka kay Krane?"
Mariin akong napapikit dahil sa tumaas na boses ni Siggy from the other line. Medyo inilayo ko rin ang phone ko from my ears. Ang laki naman ng boses ng isang 'to. And why do he said that? Pareho sila ng thought no'ng sinabi ni Mikan. Bakit ba si Krane lang ang inaalala nila?
"Teka nga, sandali. Bakit ba iniisip mong once na umuwi ako sa mga magulang ko, agad na magpapakasal ako kay Krane?"
"That's what you said. They're insisting you to stay with them and to get married with the one that's obviously not your type."
"How can you be so sure that Krane's not my type?"
"Why? Is he your type?"
Teka, sandali… sa phone ko kausap si Siggy 'di ba? Bakit feeling ko naririnig ko ng personal ang boses niya? Guni-guni ko ba 'to? O baka gutom lang talaga? Imahinasyon? Ilusyon? Panloloko? Ewan. Baka nga all of the above.
I shaked that thought away and swallowed hard to answer his question. Siyempre, hindi. Paano ko magiging type ang isang 'yon, e, tinakbuhan ko nga no'ng isang araw, 'di ba?
"Is he your type, Sandi?"
Parang naririnig ko talaga ang boses niya sa malapitan, e. It's not on the phone anymore. I think he's around and personally talking to me. Pero imposible naman 'yon. He's in Negros kaya. Ano namang gagawin niya rito, if ever?
Mariin akong pumikit at pilit iwinawaglit ang thought na naririnig ko ng personal ang boses niya kahit na alam naman nating lahat na imposible iyon at sa phone ko lang siya kausap ngayon.
"Teka, bakit ba siya ang pinag-uusapan natin ngayon?" Pag-iiba ko na lang sa usapan.
"I'm asking you Sandi… Is Krane your type?"
Imbes na makampante dahil pagpapakalmang ginawa ko sa utak ko, mas lalo akong naguluhan nang marinig ko na naman ang buo at malaking boses na iyon. Nasa malapit lang talaga, e. I can hear him from the phone pa naman pero parang may nag-echo na voice sa personal, e. Ano ba 'to? Guni-guni lang ba talaga? Sana naman oo.
"Of course not! Paano akong magkakagusto sa isang lalaking mas disturbed pa sa akin?" Tumayo ako at talagang pinandigan ang sinabi ko. Humarap ako papunta sa direksiyon ng pintuan nang kusang nalaglag ang phone na hawak ko dahil sa gulat.
"Holy mother of monkey! What are you doing here, Siggy?!"
Inilayo niya ang phone niya sa tenga niya, pinatay ang tawag, at ngumiti sa akin.
"I told you, I got worried."
"That fast?" pasigaw na tanong ko pa, pilit sini-sink in ang presensiya niyang nasa harapan ko na ngayon. Kanina inihatid niya pa ako sa airport ng probinsiya tapos ngayon nasa harapan ko na siya ulit. What sorcery is this?! "Are you dead? Can I see dead people already?"
"Buhay na buhay pa ako, pinapatay mo na ako, 'no? It's me, Sandi. Talagang nag-alala lang ako sa 'yo kaya sinundan na kita rito. Magkasunod lang ang flight natin."
"Aside from the reason na nag-alala ka sa akin… Why are you really here? 'Yong totoo talaga?"
Hindi siya agad nakasagot sa naging tanong ko. Nakipagtitigan lang siya sa akin ng ilang segundo. Nilabanan ko rin ang tingin niya, naghahanap na naman ng sagot sa tanong ko.
I waited for another seconds. But my anticipation for his answer died-down when he just sighed and cut the staring contest between the two of us.
"I know you needed someone to lean on to. I'm here to be your friend, Sandi."
Bumaba ang tingin ko sa sahig. May parte sa akin na pumapayag sa sinabi niya. Tama nga siya, kailangan ko ng masasandalan sa mga panahong ganito. Pero kailangan kong asahan ang sarili ko kasi 'yon lang sa ngayon ang maaasahan ko sa buhay ko.
"I-I don't… I don't think I can repay you agad, Siggy. K-Kinuha nina Mommy at Daddy ang mga gamit ko sa apartment na ito. W-Wala silang… Wala silang itinirang gamit ko. I-I am… I am penniless now and I don't… I don't know what to do, Sig-"
Biglang umurong ang luha at ang pagsasalita ko nang biglang lumapit siya sa akin at niyakap ako. When I felt the warmth of that hug, agad din akong napaiyak. Sunod-sunod na luha na pati ang pagsasalita ay nahihirapan na ako.
"Just cry. Let it out. Sometimes it's fine if you're not fine. It's okay to not be okay."
Unti-unti akong naging komportable sa yakap na iyon at tila ba'y ang mga salitang binitiwan niya ay naging trigger sa mga luha kong kanina pang handang bumagsak.
Hinayaan ko ang sarili kong manghina sa mga bisig ni Siggy. Hinayaan kong i-comfort niya ako. Mas nakatulong nga ito para kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko. Ito 'yong gusto kong maramdam kanina kay Mikan pero dahil sa naging sagutan namin kanina, biglang napawi ang comfort na kailangang-kailangan ko mula sa isang kaibigan. Hindi ko lang inaasahan na manggagaling sa isang taong katulad ni Siggy ang comfort na hinahanap ko from my friends.
It took me another hour to cry. When I got tired, hinayaan ako ni Siggy na mahiga at makapagpahinga sa kama ko. I tried closing my eyes to have a nap or a long sleep pero hindi ko magawa, hindi ako dinalaw ng antok kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong titigan ang boring na kisame ng kuwarto.
Ganoon lang ang ginawa ko, tahimik, nag-iisip. Hindi ko na nga alam kung nasaan na si Siggy. Hindi naman siya nagpaalam na aalis siya at hindi rin siya nagsabi kung saan siya pupunta.
I heavily sighed and roamed my eyes around the room while still nakahiga. Nakita ko siya, nakaupo sa isang bangko malapit sa bintana ng kuwarto. No'ng malingunan ko siya, nakatingin pa siya sa view ng window pero nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya, lumingon din siya sa akin.
Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at seryosong napatingin sa akin. Ako naman ay hindi nakagalaw, nanatiling nakahiga, bahagyang napangiti nang makitang nandito pa rin siya.
"Gutom ka na ba? I ordered some foods. Magluluto sana ako, kaso walang laman ang ref mo."
Bumangon ako nang magsalita siya. Inaayos ko ang buhok ko't napangiti ulit sa kaniya. Tumayo siya at naglakad papunta sa direksiyon ko. Tumingala ako sa kaniya at napatitig.
Maraming salamat, Siggy.
Napatayo na rin ako nang isang metro na lang ang distansiya niya sa akin.
"I'll just get some water to calm you down," sabi niya ulit.
Bago pa man siya makalampas sa akin, hinawakan ko ang braso niya, pinigilan siya sa paglalakad. Napatingin ako sa kaniyang mga mata. Handa na akong sabihin sa kaniya ang lahat.
"You need anything, Sandi?"
Umiwas ako ng tingin at humugot ng lakas ng loob sa kung saan basta hindi lang galing sa seryoso niyang mga mata.
"M-May sasabihin sana ako sa 'yo. Tungkol sa pamilya ko."
Naramdaman ko ang paggalaw niya at ang paghawak niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kanina. Unti-unti akong lumingon sa kaniya at handang sinalubong ang kaniyang mga mata.
"Ano 'yon? May kinalaman ba ito sa nangyayari ngayon sa pamilya mo? Sa nangyari ngayon sa apartment mo?"
"I-I'm… I'm a-an… I'm an abused… abused child, Siggy."
At sa unang pagkakataon sa buhay ko, nagawa kong sabihin sa ibang tao ang totoong nangyayari sa pamilyang mayroon ako.
I told Siggy everything I've been through. All the pain I experienced from my parents. All the pressure I got. Hindi man detailed pero it's enough information for him to know about me. He's going to help me again, he said a while ago, but how can he help me if he has no idea what's going on? Ito 'yong isipin na nagpipigil sa akin kaninang makatulog. Pinag-iisipan kong mabuti kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol dito.
I cried the whole time I was sharing that story to him. He was there, sitting in front of me, patiently waiting and listening to every word I say. He's also comforting me. A true friend indeed. He maybe my accidental friend but he showed me nothing but pure intention, pure help, pure friendship. Mapagkakatiwalaan naman siya, 'di ba?
I sighed heavily and wiped away my wet cheeks. Tipid akong natawa nang matapos ako sa ka-dramahan ko sa buhay.
"Ngayon, wala na akong mapuntahan. It's impossible to stay in this apartment, wala na akong ipambabayad unless I'll get a job and stop from schooling."
He also sighed and sumandal sa back rest ng kinauupuan niya.
"Puwede mo namang ipagsabay ang pag-aaral at ang pagtatrabaho, 'di ba? Working student ba ang tawag do'n? Kaya mo naman siguro ang ganoon?"
Oo nga 'no? Bakit ko nga pala hindi naisip 'yon? Ganoon na ba talaga ka-gulo ang utak mo't hindi mo na maisip ang napaka-simpleng solusyon mo sa mga problema mo, Sandreanna?
Nabulabog ang pag-uusap namin ni Siggy dahil sa isang katok galing sa main door ng apartment ko. Napalingon ako roon kahit hindi naman nakikita from my room.
"I'll get it. Baka ito na 'yong in-order ko."
"Okay."
Hinayaan kong makalabas si Siggy para asikusahin ang delivery. Napabuntonghininga na lang ako at mas lalong nag-isip.
Ang dami kong iniisip ngayon. Dumagdag pa 'yong hindi pagkakaunawaan namin ni Mikan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Kiara kapag nalaman niyang nagkasagutan kami, e. Ang ayaw pa naman no'n ay ang nag-aaway kaming tatlo. Ayaw niya kasing maipit kung sakaling mag-away kaming dalawa ni Mikan.
"Kain na muna tayo. Mamaya na lang natin pag-usapan kung anong magiging plano mo," sabi ni Siggy.
Tumango ako at tumayo na rin para puntahan ang kusina.
Nag-order ng japanese foods si Siggy. Tinanong pa niya ako kung okay lang ba raw ang mga foods. Wala naman akong angal. Aangal ka pa ba, e, gutom na gutom na mga bituka mo sa tiyan?
Matapos ang hapunan, naisipan kong ayusin ang magulo kong apartment. Tinulungan din naman ako ni Siggy. Tahimik naming ginawa ang mga dapat gawin. I also took that opportunity to think of a plan for my future.
I still need to report on school for the whole semester since bayad na ng buo ang tuition fee ko sa first semester. Sayang naman kung magda-drop out ako. Siguro nga, tama 'yong naging suggestion ni Siggy kanina. Kailangan kong maghanap ng part-time job para may gagamitin akong pera sa mga gastusin ko. Siguro, kakausapin ko rin si Tita Vivian na bigyan ako ng extended time bago ako makabayad for next month's rent. Gusto ko pang manatili rito since nandito ang iilang gamit na ipinundar ko. Sayang naman kung iiwan ko lang. At saka wala rin akong ibang mapuntahan.
Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko, narinig kong nag-ring ang phone na pagmamay-ari siguro ni Siggy. I was inside the room and he was in the living room naman. Since bukas ang pinto ng kuwarto, narinig ko ang ingay na iyon kaya sumilip na lang ako through the door para tingnan kung sa kaniya ba talaga ang phone na iyon.
"O, bakit?"
Tama nga ako, kaniya nga iyon. Sinagot niya ang tawag, e.
"Hindi ko nga sabi alam kung nasaan siya. Bakit ako ang tinatanong mo, Dahlia?"
Dahlia? Hindi naman siguro 'yan ang kapatid ko, 'di ba? Marami naman sigurong Dahlia sa mundo na puwedeng friend niya rin? 'Di ba?
Dahil sa narinig, parang naging curious tuloy ako sa susunod niyang sasabihin.
"Wala ako sa Negros ngayon. Nandito ako sa Man-… I have something to do here. I have a business to take care of here in Manila… Fine! Mukha ba akong hanapan ng nawawalang kapatid, Dahlia?"
He mentioned that name again. And from that, naalala kong magkaibigan nga pala ang kapatid niyang si Sonny at ang kapatid kong si Dahlia. Sure ako ngayon, si Dahlia Barbara Hinolan ang kausap niya.
Oo nga pala, ang mga kapatid ko. Paniguradong sira na ang reputasyon ko sa kanila. Kung anu-ano na siguro ang sinabi nina Mommy at Daddy sa kanila. Hindi ko na sila nakita. Hindi ko rin sila nakausap. Hindi ko rin sila c-in-ontact simula no'ng umalis ako sa bahay. Mas mabuti sigurong wala silang alam sa kung anong nangyayari.
"It was your sister. She's asking about you."
Napalingon ako kay Siggy nang magsalita siya. Saktong nakatingin na rin siya sa akin. Tipid akong napangiti.
"Salamat sa pagtanggi. Mas mabuti sigurong wala silang alam kung nasaan ako, sa mga nangyari, at sa mismong situwasiyon. Ayokong mas mag-alala sila." Tipid ulit akong napangiti.
"She's been insisting you did run away."
"Maybe it's better she knows nothing. I don't want to drag them with this problem." Umiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa.
After we finished cleaning the entire apartment, napagod ako. Siguro hindi lang physically, kundi emotionally and mentally, pagod na rin ako. Matagal na akong pagod sa ganitong klaseng buhay.
"Siggy, thank you for everything you've done. I don't know how to repay you with everything but I'll make sure I'll do it."
Tipid siyang ngumiti at tinapik ang tuktok ng ulo ko.
"I'll come back tomorrow. Get some rest now, Sandi. I know you're tired."
"Wala ka bang ibang gagawin? Hindi ka ba talaga hinahanap sa inyo?"
"I'm bored that's why I'm here to be your friend."
Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya. Mas lalo tuloy akong naguluhan.
"Rest now, Sandi. Good night, have a good sleep." Bahagya niyang hinawakan ang ilalim ng baba ko't malawak na ngumiti bago tumalikod at umalis nang tuluyan sa apartment ko.
It left me dumbfounded and amazed at the same time. A mixed emotions I never thought I'd feel with him, with Siggy Lizares.
~