Ilang minuto akong natulala habang sini-sink in sa utak ko kung ano ang mga sinabi ni Siggy. Hindi ko talaga matatanggap ang ganito ka-laking lugar. Paniguradong mahal ito at paniguradong hindi ko kaya kung magri-rent ako.
I stared at the wide glass wall and endulged myself a little bit of this aesthetic view in front of me. I then sighed after realizing everything.
"Sayang naman kasi kung walang titira rito for the mean time. Dito ka muna pansamantala habang naghahanap ka ng trabaho at matitirhan."
Napatingin ulit ako kay Siggy.
"Bakit mo ba ako tinutulungan nang ganito, Siggy?"
Sumeryoso ang naging tingin niya sa akin, nawala ang maliit na multo ng ngiti na nakita ko kanina habang nagsasalita siya. Nakipagtitigan siya sa akin, siguro tinatantiya kung anong magiging reaksiyon ko. Hindi ko alam. Ewan.
"I have the resources and the means to help you. Why not, Sandi?"
"Ang laki na ng utang ko sa 'yo. Ang daming tulong na ang naitulong mo sa akin. We barely knew each other at first. Hindi ko nga alam na magkababayan tayo. Tapos, ganitong tulong ang ibinibigay mo sa akin?" kalmado ang paraan ng aking pagkakatanong sa kaniya.
Hindi naman ako galit. I am more than gratitude to every help he lend me. Malaki ang pagpapasalamat ko sa lahat nang ginawa niya sa akin but do you think sobra-sobra na ito? Para sa akin kasi sobra-sobra na.
"Bestfriend ka ni Kiara. Kiara is my sister-in-law now. Lahat ng kaibigan ng pamilya namin, nagiging kaibigan na rin namin. Automatically, tinutulungan namin ang mga kaibigan namin. Magkaibigan tayo 'di ba? At ang magkaibigan, nagtutulungan."
Well, point taken. Magkaibigan nga kaming dalawa. Kailangan ko ang tulong niya. Sakto namang may maitutulong siya, why not nga 'di ba na hindi ko tanggapin? Ang tulong na nga ang lumalapit sa akin, aayawan ko pa?
"Pero… sigurado ka bang patitirahin mo ako sa ganito ka-laking kuwarto? I mean, this is really too much."
"Gusto mo samahan kita? Puwede rin naman akong tumira rito instead sa mansion. 'Yon ay kung gusto mo lang naman."
"Ha? Hindi na. Sige, tatanggapin ko na. Sayang din naman. Basta sabi mo, libre ha?"
"Huh? Sinabi ko bang libre?"
Namilog ang mata at bibig ko dahil sa sinabi niya. Holy mother of monkey!
"H-Ha? Akala ko… akala ko… hindi ba?"
"Kidding. Siyempre naman libre. Kaya nga ito 'yong s-in-uggest kong puwede mong tirhan kasi binabayaran pa rin namin ang electricity at water bills every month. Sayang naman kung walang titira."
"Basta… ang sabi mo libre ha? Okay na 'to. 'Yong pamasahe at allowance ko na lang papuntang school ang iisipin ko."
"I can be your chauffeur if you want to."
"Hoy, grabe. 'Wag na. Mas lalong dadami 'yong utang ko sa 'yo. Baka mabaon ako nito, hindi kita mabayaran."
"Edi mabuti."
"Anong mabuti ro'n? Kapag malaki ang utang ko sa 'yo, mas matatagalan bago kita mababayaran."
"Edi mas mabuti. May rason ako para habulin ka."
Nakatayo sa gitna ng kuwartong ito, pinagmasdan ko siya. May ngiti sa kaniyang makapal na labi pero alam mo sa kaniyang mga mata na seryoso ang kaniyang pagkakasabi. Tinitigan ko ang kaniyang mga mata na animo'y alagad ng hangin.
Everything about him is as pleasant as the morning sky. Para bang sa tuwing titingin ako sa kaniyang malalim na mata, tila ako'y iniihip ng isang kalmadong hangin sa isang malawak na parang kung saan makikita mo ang kabuuan ng isang lugar. Para akong nasa tuktok ng Mt. Lunay, katabi ng cross. Iniihip ng hangin ang hibla ng aking buhok habang nakatingin ako sa magandang tanawin ng aming ciudad.
He gave me that impression that I am now in my calmer state. Even though I didn't know him that much. I didn't know him personally. Recently lang kami naging magkaibigan. Recently lang nag-krus ang landas naming dalawa. Pero sa tingin ko, mas kilala ko pa siya kaysa sa sarili ko.
"Sabagay. Pero magbabayad naman talaga ako. Hindi ko naman tinatakbuhan ang mga pinagkakautangan ko. And besides, it's my first time borrowing money from other people. So I assure you, I'm a payer talaga. Konsensiya ko na lang talaga ang uusig sa akin kapag hindi."
"Mas mabuti na 'yong matatagalan para mas matagalan din ako sa paghahabol sa 'yo."
"Hindi naman kita paghahabulin. Magbabayad din ako agad. Puwedeng hulugan or whatever. Basta don't worry, magbabayad talaga ako."
"Okay, okay, maybabayad ka na. Can we now have our dinner?"
Dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa wrist watch ko. Oo nga pala, gabi na at kailangan na nga pala naming kumain ng hapunan. Masiyado kasi akong nag-enjoy sa pagtingin sa kaniyang mga mata't hindi ko na namalayan ang oras.
"Eat out na lang tayo o gusto mo drive-thru?"
"Eat out na lang. Kahit saan, okay na kahit sa fast food chain lang."
"Okay."
Nag-one last look pa ako sa kabuuan ng place bago kami tuluyang lumabas at umalis para maghapunan na.
"You can move in by tomorrow. Ipalilinis ko lang ang buong place. I can also provide you a truck that will transport your things there sa penthouse. Don't worry, Sandi, I got you covered."
"Kaonti lang 'yong gamit ko sa apartment. Okay na 'yong maliit na truck lang o 'di kaya 'yong mini wing van lang. Wala naman masiyadong dalahin, e. Siguro 'yong malaki lang ay 'yong bed at saka iilang appliances sa kitchen like the fridge."
"Okay. I'll inform the freight services about that. May pasok ka pa bukas, right? Ako nang bahalang mag-asikaso sa mga gamit mo."
Kasalukuyan na kami ngayong kumakain sa isang resto sa BGC. Since hassle na kung sa Manila pa kami kakain, pumayag na ako sa sinabi niyang dito na lang kami sa BGC kakain. We were talking while eating.
And I must say we're like a couple having a normal conversation while having dinner.
Naman, Sandreanna, anong klaseng pag-iisip 'yan? Couple talaga? Hindi ba puwedeng kaibigan muna since magkaibigan naman kayong dalawa?
"Oo, pero hanggang three PM lang 'yong klase ko bukas."
"Okay. Susunduin na lang kita sa Diliman para pagdating mo sa penthouse, nandoon na lahat ng gamit mo."
Itinuro ko sa kaniya ang tinidor na hawak ko. I narrowed my eyes when I looked at him. Trying to eye some smelly fish somewhere sa pagkatao niya.
"Siggy, anong totoo mong pangalan? Ilang buwan na rin kitang kilala, malaking tulong na ang naibigay mo sa akin pero hanggang ngayon, hindi pa rin kitang lubos na kilala."
He chuckled a bit pero hindi man lang natinag sa naging tanong ko ang ginagawa niyang paghihiwa ng steak. Hindi nga niya ako pinasadahan ng tingin, e.
"Now you want to get to know me, huh. Is this the getting to know each other stage?" may multo ng ngiti pa ring sabi niya. But this time, naibigay na niya sa akin ang tingin niya't nakasandal na sa back rest ng upuan niya.
"Bakit? Anong masama roon? Kaibigan naman kita, dapat lang na kilalanin kita, 'di ba? We may live in the same city pero hindi talaga kita kilala."
"Fair enough. Okay, then," sabi niya at sabay no'n ang paglapag ng mga kubyertos na hawak niya at inabot ang isang kamay sa akin. "Hi, I'm Freud Sigmund L. Lizares. The fourth son of Gabriel and Felicity Lizares. Twenty-one years old, born in Escalante City."
Tiningnan ko ang kamay niyang inabot sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin o tatampalin ko dahil may nalalaman pa siyang ganito.
But in the end, sinakyan ko ang trip niya.
"Hello, I'm Sandreanna Millicent Prietos Hinolan. The first born of… you know what, nevermind." Tinanggap ko ang kamay niya't panandaliang nakipagkamayan sa kaniya.
Nagpatuloy ako sa pag-kain, natatawa sa ginawang trip namin.
"Freud Sigmund? Parang ang familiar ng name mo. I think I've heard it somewhere."
"Hm, Sigmund Freud. Galing kay Sigmund Freud ang pangalan ko."
"Oo! Tama! Sigmund Freud nga. Sa pagkakaalala ko, that's Kiara's favorite psychologist, I think? I've heard her mentioned that name a couple of times noong nasa high school pa lang kami, e. Kaya pala Siggy ang tawag ng lahat sa 'yo. Galing ba sa Sigmund 'yon? What are you now, then? A pyschologist or something?"
"Quite the opposite. I don't like psychology. Ewan ko nga kung bakit 'yon ang pinangalan ni Mommy sa akin. Mahirap din kasi minsan ma-reach ang mga trip sa buhay ng parents namin, e."
"Freud Sigmund… ang cute ng pangalan mo."
"Pangalan lang?"
Natawa ako dahil sa naging reaksiyon niya. Kinagat ko na nga lang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sariling tumawa ng malakas, marami pa naman ang tao rito sa resto na pinasukan namin.
"O, edi okay, cute na rin pati 'yang mukha mo." Cute is an understatement pa nga, e. Lumampas ka na sa pagiging cute, lumampas ka na rin sa pagiging guwapo, ewan ko kung anong matatawag sa good-looking guy na katulad mo.
Sandreanna, ano naman 'yang pinag-iiisip mo?!
"Cute lang? Hindi guwapo?"
"P-Puwede na rin. Sige na, oo na, guwapo ka na."
Umiwas siya sa akin ng tingin pero hindi rin nakatakas sa mabilis kong mata ang ngiting sumilay sa kaniyang labi dahil sa sinabi ko. Napangiti rin tuloy ako. Ano ba 'yan! Nakakahawa namin kasi 'yong ngiti niya kahit na minsan ko lang 'tong makita.
"Siggy? You're here?"
Napalingon ako sa bandang kanan ko nang may nagsalitang isang babae. Maganda at naka-dress pa. She looks elegant. Stunning, maybe.
"Pen... hm, yep, I'm here." I heard Siggy answered that girl pero hindi ko na naialis ang tingin ko sa babaeng iyon.
Parang na-insecure tuloy ako sa naging suot ko. Nagsusuot naman ako ng ganiyang mga klaseng damit pero these past few days kasi, dahil sa mga problema, hindi ko na masiyadong iniisip kung anong mga susuotin ko. I am a fashionista. I like fashion. I like dresses pero looking at this girl, who called Siggy as Pen, parang nakaka-insecure nga. Sabagay, baka nga laking Manila ito.
"Anong ginagawa mo rito? You haven't told us you're here pala. Tinanong ko pa nga si Jaka kanina kung nasaan ka, ang sabi niya nasa Negros ka lang. Ngayon, you're here?"
Umiwas na lang ako ng tingin at hinayaan silang mag-usap. Parang magkaibigan naman sila. At saka hindi naman siguro ako kilala ng babaeng ito kasi hindi ko rin naman siya kilala.
"Hindi kasi alam ni Jaka na umalis ako. May inasikaso lang, Pen."
"What is it? 'Yong bagong biling penthouse nina Tita Felicity around the area? You're gonna move there? How? E, 'di ba nag-aaral ka pa sa La Salle?"
La Salle? Lasalista pala 'to?
Okay, I know eavesdropping is bad pero I can't help myself to listen to their conversation. Literal kaya na nasa harapan ko lang sila. Hindi talaga maiiwasang hindi ko maririnig ang usapan nilang dalawa. And for the record, it's not my intention to listen to. Inabala ko na nga lang ang sarili ko sa pagkain.
"I transferred in Benilde."
"You what?! All of a sudden?"
"It's kind of a long story, Pen."
"And you better tell me about that. Pasalamat ka I'm in a hurry. Please, magkita tayo bukas, sabihin mo sa akin kung anong nangyari. Wala na akong update sa 'yo. Sige na, I'll see you around. Please do text me. Kailangan ko ng umalis, my friends are waiting outside."
Nakipagbeso si Pen kay Siggy bago tuluyang umalis.
Kailangan talagang magkita? Magpapa-kuwento lang? Magkikita agad? Hindi ba puwedeng sa text na lang o chat? Sinabi naman niya na i-text siya ni Siggy tapos magkikita pa? Doon na lang silang mag-usap. Wala namang pinagkaiba 'yon, hindi naman magbabago ang takbo ng iku-kuwento ni Siggy sa kaniya kung magkikita ba sila o hindi. At saka, magbebeso talaga? Magpapaalam lang? Hindi ba puwedeng magba-bye lang in a normal way? Beso talaga? Cheeks to cheeks? Baka nahiya siya't sana hinalikan na lang niya sa labi.
"Sandi, you okay?"
"H-Ha? Ah, oo naman. Okay lang ako." I cleared my throat and composed myself. Umiwas na rin ako ng tingin sa daang dinaanan ng babaeng iyon at ibinigay ang atensiyon sa pagkaing nasa harapan ko.
"That's Penelope Lopez. A friend here in Manila."
"Ah, okay. H-Hindi naman ako nagtatanong kung sino 'yon."
"Baka lang gusto mong itanong. Kaibigan ko lang 'yon. Katulad mo."
Wow, kailangan talagang ikumpara at ipamukha sa akin na kaibigan lang ang relasyon naming dalawa? Wow ha.
Tipid na lang akong ngumiti at nagpatuloy sa pag-kain.
Kinabukasan, natuloy ang paglipat ko sa penthouse na sinasabi ni Siggy. Isa-isang kinarga ang mga gamit ko sa mini wing van na ipinadala ni Siggy. Siya rin mismo ang namamahala sa pag-aalsa balutan ko. Gusto ko sanang tumulong pero may pasok pa kasi ako kaya hinayaan ko na muna siya. Paniguradong aalis din 'yon mamaya, makikipagkita sa Penelope Lopez na iyon. Bahala siya, malaki na naman siya, at magkaibigan lang kaming dalawa. Bakit ako manghihimasok?
Pero nakakabahala lang. Baka iwan lang niya bigla 'yong mga gamit ko sa penthouse tapos makikipagkita talaga kay Penelope Lopez. Ano naman ang pag-uusapan nila? Tungkol saan? Kasama ba ako sa pag-uusapan nila? Saan ba sila mag-uusap? Magkikita? Around BGC ba? Saan banda sa Metro Manila? Magtatagal ba sila? Silang dalawa lang ba? O may kasama pa silang iba? Sana mayroon.
Ano ba 'yang pinag-iiisip mo, Sandreanna! Tumigil ka na nga. Hindi ka na makapag-concentrate sa klase, oh!
True enough, hanggang sa natapos nga ang last period ko today ay para akong lutang, iniisip ang pagkikitang magaganap between Siggy and that Penelope Lopez. Ugh! I hate my mind!
Lumabas ako sa coffee shop na usual kong binibilhan ng daily dose of tea ko nang makita ko si Siggy na nakasandal sa Trailblazer niya, nilalaro ang susi.
Nandito siya? Anong ginagawa niya rito? Hindi ba siya makikipagkita kay Penelope Lopez? O tapos na silang magkita? O mamaya pa sila magkikita?
"Siggy!" agaw ko sa atensiyon niya.
Tumigil siya sa ginagawa at nilingon ako. Tipid siyang ngumiti at naglakad palapit sa akin at agad na kinuha ang bitbit kong milk tea at ininuman 'yon.
Holy mother of monkey?! Mabuti na lang at hindi ko pa ininuman 'yon.
"Thank you. Uhaw na talaga ako."
"What are you doing here? Akala ko sa penthouse na tayo magkikita?" 'Yon kasi 'yong usapan namin kanina nang magkita kami para kunin ang mga gamit sa apartment. Sinabihan ko siyang ako na lang ang pupunta roon, pumayag naman siya kaya akala ko mutual na 'yong agreement namin.
"Wala rin naman akong ginagawa kaya sinundo na kita. Mabuti na lang at naabutan kita rito sa favorite coffee shop mo."
"Favorite? Hindi ko naman favorite 'to, ah?" Pinasadahan ko pa ng tingin ang coffee shop na nasa likuran ko.
"Hm, madalas ka rito, 'di ba?"
"Yep, madalas nga ako rito. Maybe you're right, favorite ko na nga yata 'to."
Pareho kaming nagkibit-balikat at sabay din kaming pumasok sa kotse niya para umalis na. Wala na rin naman akong kukunin pa sa apartment at pormal na akong nagpaalam kay Tita Vivian kanina kaya there's no need na puntahan pa ang apartment na iyon.
Siguro mas mabuti nga'ng ganito. Hindi alam ng mga magulang ko kung saan ako nakatira ngayon. Ayokong mabulabog. Gusto ko munang umalis at lumayo sa kanila. Hindi ko alam kung ano pang magagawa nila kung alam nila kung saan ako nakatira. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pananakal at pangko-control nila sa akin.
Habang nasa biyahe kami papunta sa BGC, naglakas-loob kong itinanong kay Siggy ang tungkol kay Penelope Lopez. Curious na cuirous na talaga ako, para na akong sasabog sa sobrang pagka-curious.
"N-Nagkita na kayo ni Penelope?"
Saktong naka-stop light ang traffic lights kaya nagkaroon ng chance na lingunin ako ni Siggy. Lumingon na rin ako sa kaniya nang panandalian para salubungin ang tingin niya.
Magkasalubong ang makakapal na kilay at parang nagtaka pa sa naging tanong ko.
"Bakit naman kami magkikita ni Pen?"
"Uh… to catch up? 'Di ba kahapon ang sabi niya magkikita kayong dalawa? Bakit? Hindi ba?"
Umusad ang trapiko kaya natoon sa harapan ang tingin niya. Umiwas na rin ako ng tingin. Napalunok dahil sa ka-curious-an ko sa katawan.
"Ano namang ika-catch up namin? She's busy and I'm busy. Saka lang kami magka-catch up n'yan kapag nag-krus ang landas namin. And besides, I don't do catching up with my friends. That's corny."
I bit my lower lip and nodded. Kung kami ba ang magka-catch up, wala talagang catching up na magaganap dahil hindi naman siya mahilig magkipag-catching up with friends? So… casual lang kapag nagkita kaming dalawa in the near future? So… kapag magbabayad na ako ng utang, aabot lang ng pera tapos wala na? 'Yon lang? Ang boring.
Nakarating kami sa penthouse. Sinawalang-bahala ko 'yong tungkol kay Penelope. Hindi naman daw kasi sila nagkita kaya kahit papaano ay nabawasan ang kuryusidad ko sa katawan. Wala naman pala dapat akong ikabahala.
Teka, bakit ka nga mababahala, Sandreanna?
"Pina-arrange ko na ang mga gamit mo sa loob ng penthouse. But if you don't like the arrangement, feel free to rearrange it. At saka, bumili na rin ako ng TV, to kill the boredom. Wala ka pa lang TV sa mga gamit mo sa apartment."
Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng penthouse. Well-arranged naman siya. At wala naman akong angal. Actually, near to my plan na ang pagkaka-arrange ng mga gamit ko.
Ang bed ko ay nakaharap mismo sa glass wall. 'Yong mga gamit ko for the kitchen ay nasa kitchen area na pati ang maliit kong dining table good for two. I have a small couch and a beanie bag na naka-arrange din malapit sa wall kung saan naka-mounted ang malaking flat screen TV. Mabibilang lang, actually, sa daliri ang mga gamit na mayroon ako sa apartment na nandito ngayon sa penthouse.
Kaya kapansin-pansin ang iilang mga gamit na nadagdag sa loob ng penthouse. Aside sa TV, mayroong nadagdag na iilang gamit. There's a coffee table, a minimalist carpet that looks so soft, the glass wall is now equipped with blinds, may mga lamps that added more to the lighting of the whole area, may study table near the bed, may additional utensils and other kitchenwares sa kitchen.
Naglakad ako malapit sa glass wall. Nakataas ang blinds nito kaya nakikita ko ang panggabing tanawin sa labas. The view may be a chaos but this is breathtaking. Maganda, napakaaliwalas, nakaka-relax. Pangarap ko ang magkaroon ng condo unit sa ganito katayog na building, 'yong tipong nakikita ko ang lahat sa labas ng aking bintana. I wasn't given a chance when I needed to pero kapag talaga pangarap mo, when the universe helps you conspire of reaching it, you will really reach it. Hindi nga lang sa panahon kung kailan pinakagusto mo ito. There is indeed a right time for everything.
Pero kapag talaga naging maayos na ang lahat at yumaman ako with my own money, I'll buy a place like this. That's for sure.
My family first turned their back on me. Ang dapat na aagapay sa akin kapag ako ang nalugmok ay siyang unang tumalikod sa akin. Pero may mga taong handa akong tulungan, kadugo ko man o hindi… and I am so grateful with Siggy's presence in my life. Paniguradong sa kangkongan ako pupulutin kung hindi niya ako tinulungan.
Nanigas ang katawan ko nang bigla kong maramdaman ang pareho niyang kamay sa aking magkabilang balikat. Napatayo ako ng maayos at napalunok dahil sa biglang kumabog ang puso ko dahil sa ginawa niya.
Isang marahang pisil ang ginawa niya bago niya dahan-dahang ini-slide ang dalawang kamay niya papunta sa harapan ko, sa ilalim ng baba ko. Naramdaman ko rin ang baba niyang naipahinga sa tuktok ng ulo ko.
I felt a warm back hug, enough to relax myself from the chaos I am feeling ever since. I rested my back on his lean body, it's as if I am resting my whole life with him.
Thank you for your presence, Siggy Lizares.
~