The Fiesta

Pinaikot-ikot ko ang lapis sa aking mga daliri habang pinagmamasdan ito. Wala na sa pageant ang attention ko. Okay lang naman na wala sa kanila ang atensiyon ko. Paniguradong naka'y Daniel Padilla na ang atensiyon nila ngayon.

Ang nakakatawa lang dito sa pageant na jina-judge ko ay ang mga contestants. I've got nothing with others. Nakakatawa lang kasi hindi ko inaasahan na isa sa mga kasali sa pageant na ito ay si Thelaine Ponsica. What age is she by the way? Twenty-seven? Gosh, sana binigay na lang niya ang spot sa mga newbie aspiring beauty queens. Kung sa Bb. Pilipinas pa ito, she's out of range na. She's like the oldest among the contestants.

Pero, oh well, buhay niya 'yan. Kung saan siya masaya, doon siya. Sana naman hindi siya masaya kay Siggy. Pero mukhang naging masaya siya kasi roon siya napunta, e. The heck with that.

Today's the thirtieth day of May. Highlights of our city's annual Manlambus Festival. Kaninang umaga, nanood kami ng street dancing. I was with the VIPs. It was fun but kind of tiring. Ang mas nag-enjoy yata ay 'yong si Nissa, Chivas, Martin, at Ms. Yang. They got to experience the province life fiesta.

Hindi ko lang alam kung talagang maraming tao tuwing fiesta ng city namin. Sa pagkakakaalala ko, hindi naman ganito karami ang nakiki-fiesta. Is it because of me? Ewan lang, I don't want to assume.

At ngayong gabi, nandito na naman ako sa pageant ng Manlambus Queen. Coronation night ngayon. Kasama ko bilang judges tonight ay si Chain Osmeña, Teagan Osmeña, James Yap, and Darwin Charles Lizares. Fourteen kasi ang contestants kaya kailangang odd number ang numbers ng judge. Darwin Charles Lizares is the chief judge since Lizares Sugar Corporation daw ang main sponsor ng pageant na ito. The secondary sponsor is the Osmeña Business Empire. And the rest is history.

The theme of the selection of judges for this year's fiesta ay ang mga nagbigay ng pangalan sa city namin. Teagan Osmeña brought honor by being a versatile actress. Chain Osmeña by being a popular model. Sir James Yap as one of the known professional basketball players in PBA, he's the OG among us. Darwin Charles as a son of the Lizares clan and a graduate of Harvard. And me, well you already knew about it. Dapat kasali si Mikan dito but he declined this one, sabi niya hindi niya forte, baka raw mag-drool lang siya sa swimsuit competition. Gago, ang manyak talaga kahit kailan ni Mikan Osmeña.

Darwin Charles is the youngest of the Lizares brothers. I already saw him from the homecoming event of the Osmeñas last May twenty-five. And I already know him as my cousin's boyfriend, Callie Dela Rama. Mag-pinsan kami sa ina ni Callie, in case you didn't know.

I'm casual with him since he's casual towards me too. Since kami ang magkatabi na dalawa, it's either me or si Ate Teagan ang kakausapin niya. And I just noticed na masiyado siyang awkward kapag Osmeña ang kausap niya. And I also bet he didn't know about me. I bet he didn't know that I once lived on the penthouse he owned. Speaking, kumusta na kaya 'yon? Naibalik ba kay Darwin Charles 'yon? Kinuha ni Siggy? Or ibinenta na lang na parang walang nangyari? I wanna know. Tanong ko kaya si Nissa mamaya. Or mas better kung si Siggy ang tatanungin ko. Pero baka supalpalin ako, 'wag na.

The crowd's still in a wild stance. Masiyadong na-excite nang makita si Daniel Padilla at hinaharana pa sila. Pagtingin ko nga sa may stage, halatang kinikilig din ang mga contestants. Including that Thelaine Ponsica.

"What can you say about Thelaine Ponsica? Do you think she has a chance?" Darwin Charles is in my right kaya napatingin ako sa kaniya.

My brows furrowed, medyo nag-isip. Wala lang, para masabing nag-iisip talaga ako.

I then shrug my shoulder. "She's good. She can project well and I like her confidence."

"So you like her."

"Mm-Hmm. I think she has chance. Kung on point lang ang magiging sagot niya mamaya sa Q and A, sa tingin ko may chance talaga siya."

I'm trying to cleanse my answer as positive as possible. Girlfriend 'yan ng kapatid niya. For sure ipapanalo n'ya 'yan. Kahit sa kalooblooban ko, gusto ko na talagang ibagsak ang babaeng 'yan. Pero ayokong mamersonal. Hindi ako 'yong tipong namemersonal. This is a pageant and it should be fair in every aspect.

Umiwas ng tingin si Darwin Charles sa akin at naka-cross arms na hinarap ang mga contestants. Maingay pa rin ang crowd dahil kay Daniel Padilla pero dahil magkatabi kami ni Darwin Charles, nagkakarinigan naman kami. Umiwas na rin ako ng tingin. Baka nga tapos na ang pag-uusap naming dalawa. Maybe he just ask some comments since he's the chief judge. The final decision will always lie to him.

"So you like her for my brother."

What?

Gulat akong napatingin ulit sa kaniya. Tama 'yong pagkakarinig ko 'di ba? Ang sabi niya 'you like her for my brother?' Anong ibig sabihin no'n?

"W-What?"

Pero hindi siya sumagot. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo. Nilaro ng kamay niya ang kaniyang panga habang nakatingin pa rin sa harapan. Ako naman ay naguguluhang nakatingin pa rin sa kaniya. Naghihintay na rin ng sagot sa sinabi niya. Anong ibig sabihin no'n?

"I don't like her both for my brother and for this pageant. She's too old for this and she's overconfident. Overconfidence sometimes can lead to mistakes. And even if she's in the right age, her confidence will surely kill her. She's too boastful, too, base on what I witnessed last pre-pageant."

Hindi ako nakapanood ng pre-pageant kaya hindi ako makasang-ayon sa sinabi ni Darwin Charles. Nagulat lang ako dahil sa prankang sinabi niya.

"Don't get me wrong. I'm not dragging her down or something. My Mom just taught me how to look out a real beauty queen."

I mouthed 'wow.' Wala talaga akong masabi.

"Para sa akin, okay naman siya."

"Don't try to save her ass, Sandi. I know that's not what your real comment about her."

"I'm not. I'm just telling that she's good and she has a chance." I get his opinion towards Thelaine Ponsica, okay? Pero bakit niya ba ipinagpipilitan na ayaw ko kay Thelaine?

"You just said she's good, not the best. We're looking for the best here, Sandi. The outstanding one." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Okay, suko na ako. Hindi niya bet si Thelaine. And that is his opinion. I get it. "Sir James, what can you say about contestant number seven?"

Biglang tinanong ni Darwin Charles si Sir James na mismong nasa left side ko. Nasa dulo na siya ng judges table. Lumingon si Sir James sa amin. Napatingin na rin ako sa kaniya. Panandalian lang ang paglingon niya sa amin dahil agad ding bumalik ang tingin niya sa harapan, kung nasaan ang mga contestants, at tiningnan ang papel niya, maybe the score card.

"Number seven? Wala siya sa top five ko," casual na sagot ni Sir James Yap.

What? Wala sa top five niya? Why?

Ngumisi si Darwin Charles sa akin pero imbes na kausapin ako, lumingon naman siya sa right side niya, kung saan nakaupo naman ang mag-pinsan. He also ask them the same question. With the same answer: wala siya sa top five ko.

What is going on?

Bumalik ang tingin ni Darwin Charles sa akin at ngumisi. "See, she aren't in our top five. Better cross her out. Give it to the most deserving one."

"What is your point about Thelaine Ponsica, Mr. Lizares?" medyo naiirita na ako. Ano ba kasing pinupunto niya?

He crossed his arms and comfortably look forward with that creepy smirk on his face. "Don't be too bias, Sandi. If you want to impress Kuya Siggy, better be the best judge and pick the best one."

"What? Bakit naman ako magpapa-impress sa kapatid mo? Ano bang pakialam ko sa kaniya?"

"Oo nga, Sandi, ano bang pakialam mo sa kaniya?"

Bakit niya ba binabalik ang tanong?

"Wala! Wala akong pakialam sa kaniya," with conviction na sabi ko. With finality, ganoon.

He chuckled. "Heard you auditioned to his new indie film? And you got rejected?"

What?

"H-How did you know?"

"Kinuwento niya kay Ate Kiara. Ate Kiara told us."

"I don't want to disrespect you, Mr. Lizares, but what is really your point? Why are we talking about you brother? Can we talk about something else? Like about the pageant? Like about my cousin which happened to be your girlfriend? Callie Dela Rama?"

He shrug his shoulder. "Not interested. Mas interesado ako sa inyo ni Kuya Siggy."

"I don't want to talk about him." At gusto ko ng tapusin ang topic tungkol sa kaniya.

Itinoon ko na lang ang atensiyon ko sa harap. Patapos na si Daniel Padilla at nagpapaalam na siya sa lahat. I'm ready-ing myself since after nito, announcement na ng top five.

Habang hindi pa kinukuha ang papel, tinitigan ko pa rin ito. Hindi ko pa rin kino-cross out ang number niya, nasa list of top five ko pa rin siya. And I have a minute to change it.

Pero kailangan kong linisin ang konsensiya ko. Kapag natalo siya rito, paniguradong ako nga ang sisisihin ni Siggy. Ayokong mangyari 'yon. And that's when I realized na nagpapa-impress nga ako kay Siggy Lizares. What the hell.

Nag-settle down ang crowd nang makaalis si Daniel Padilla. Kinuha na rin ang papel namin for the tabulation. Pinabalik sa back stage ang mga contestants. At huminga ako ng malalim. The lights were dim and I took that opportunity to close my eyes and calm myself down. Ano ba talagang gusto kong gawin? Ang habulin si Siggy o hayaan siya sa babaeng iyon? Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

"You know what, the movie you auditioned to was cancelled."

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko't nilingon si Darwin Charles na nakapalumbaba sa lamesa niya. Bahagya niya pa akong tiningnan.

"Pakialam ko?"

"It was cancelled because of financial problems. Walang budget ang movie niya. Our parents wants to sponsor pero ayaw niya, saying kaya niya raw mangalap ng pondo, alone. Just so you know, he's still accepting sponsorship as long as hindi galing sa kadugo niya. His line is open. Baka gusto mong mag-sponsor?"

"Psh... I offered him that, hindi niya tinanggap. Kaninong loss 'yon?"

"Oh, so, you offered? Both of you got loss. The pride won."

Sasagot na sana ako sa hindi ko maintindihang sagot ni Darwin Charles pero bumalik na ang dalawang hosts sa gitna at sinimulan ulit ang pageant.

I want to concentrate to the contestants' question and answer portion pero masiyado akong na-occupied sa sinabi ni Darwin Charles.

Kaya pala wala na akong naging balita sa movie niyang iyon. Kung wala siyang budget, bakit hindi niya ako in-approach? I am so willing to help him. Hindi ako namemersonal. Because way back when I was still in the international scene, may mga tinutulungan na akong maliliit na pelikula kahit saang sulok ng mundo to support my advocacy sa film production. I did it anonymously. Kasi hindi naman ako 'yong tipong kailangan talagang i-brag lahat ng ginagawa ko sa buhay. At gusto kong ang mga aspiring movies ng Pilipinas naman ang susuportahan ko. And I want it to start with him.

Hanggang sa naging tulala na talaga ako ng tuluyan. Hindi na nasundan kung anong nangyayari sa pageant. Basta ang alam ko, hindi nasali si Thelaine Ponsica sa top five. Si contestant number three - Ms. Brigette Carballo - ang nanalo bilang Manlambus Queen. Magaling naman siya. She deserved it.

After a while, inimbitahan naman ang lahat ng manonood na pumunta sa rotunda to have some rave party or puwede rin silang mag-stay dito sa plaza, kung saan naganap ang pageant, para maki-jam sa mga bandang tutugtog. But almost of the people who watched the pageant ay umalis, paniguradong pupunta sa rotunda where the hard party is.

Maski ang mga kasamahan ko sa judge's area ay nagpaalam na sa akin, lahat daw sila pupunta na sa rotunda since Siggy will be playing tonight. Inaya nga ako ng mga Osmeña na sumabay na ako sa kanila pero I insist on staying for a while. May gusto lang akong kausapin.

"Saan ka pa kasi pupunta, Ma'am Sandi? Hinihintay ka na nila roon sa rotunda. They're expecting you," sabi ni Nissa. Martin and Chivas are in some distance away from us, nagbabantay sa amin. Si Alexa naman ay hinayaan kong manatili muna sa mga relatives niya rito sa city. Ms. Yang's at home, ayaw maki-party and hindi raw interesado. Pero for sure napagod lang 'yon sa dagyang na ginawa niya kanina sa streetdancing.

"It'll be a jiffy, Nis. May kakausapin lang ako."

"Sabi mo ha? Baka wala na tayong maabutan kapag nagtagal ka."

"Don't worry." Tinapik ko ang balikat niya't ngumiti sa kaniya.

Pumasok ako sa back stage, sa dressing room ng mga contestants. May iilan pa namang natitira rito kaya agad din naman akong pinapasok. Hindi lang naiwasan ang panandaliang pagkuha ng pictures.

Naabutan ko sa loob ang nanalong Manlambus Queen kasama ang make-up artist niya yata at iilang close companion. Masiyado silang na-excite nang makita ako. Hindi magkanda-ugagang nagpa-picture. Dapat magko-congratulate lang ako, e. Mukhang matatagalan pa yata ang pananatili ko sa kanila.

Natigil lang ang commotion nang may narinig kaming may nagdabog. Panandalian kong nilingon ang direksiyon ng likuran ng Manlambus Queen.

"Congratulations again, Ms. Brigette."

"Maraming salamat po, Ate Sandi."

Tinapik ko lang ang balikat niya't tuluyan nang nagpaalam.

I gracefully walk towards her direction. She's packing her own things, alone. Walang kasama, wala ang presensiya ng boyfriend niya, kahit ng make-up artist niya man lang.

Tumigil ako, ilang metro ang layo sa kaniya. She also stop dragging her things inside a medium-sized luggage. Lumingon muna ako sa likuran ko, ngumiti sa entourage ni Brigette, saka tumango. Nagba-bye sila sa akin at tuluyang lumabas ng back stage. Mabuti nakiramdam.

"Anong ginagawa mo rito? Pinapamukha sa aking talunan ako?"

Mabigat ang bawat salitang binitiwan niya. Hindi man lang siya nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. At since nakaupo siya, bumaba ang tingin ko sa kaniya habang naka-cross arms.

"I'm just here to say congratulations, still. You did your best but-"

"But you guess my best wasn't good enough? Ano 'to? Kanta?"

Bigla siyang tumayo at ni-level ang tingin ko. She's still wearing her Bragais shoes, sponsored, of course, by Bragais shoes. Pero kung hindi siya nakasuot ng heels, paniguradong titingala siya sa akin. Mas lower ang height niya kung ikukumpara sa akin.

Sarkastiko ang pagkakasabi niya no'n. Nag-smudge na ang make-up niya sa mukha. She obviously just cried. I knew this will happen. Kanina sa stage, napansin kong parang maiiyak na siya nang hindi siya matanggap sa top five. Hindi naman kasi nawawala sa isang pageant ang umiyak dahil sa pagkatalo.

"Ano bang ginagawa mo rito? Para ipamukha sa akin kung gaano ako katalunan?"

Manatili kang kalmado, Sandreanna. She isn't worth your temper.

"Sinubukan kong ipaglaban ka sa mga kasama kong judge, especially the chief judge. But they can't just see what I saw in you. You have potentials. You just overused it."

"Plastic! Ang sabihin mo, sinabihan mo silang hindi ako isali sa top five! Everyone's cheering with me. Everyone's happy with my performance. Ginamit mo ang influence mo sa mga judges para ilaglag ako. Kasi ang totoo, bitter ka sa akin. 'Di ba, Sandreanna? Kasi nasa akin na 'yong ex mo, 'yong ex mong iniwan a6 itinapon mo lang nang basta-basta tapos ngayong nasa mabuti na siya, bigla kang susulpot sa buhay niya? Alam mo, wala akong pakialam kung ikaw pa ang pinakasikat na tao sa mundo. Nachi-cheap-an nga ako sa mga taong humahanga sa 'yo. Hindi ka naman magaling umarte. Maganda lang. Ganda lang ang panama mo. Kaya hindi mo ako masisindak sa kasikatang dala mo."

I clenched my fist and jaw. Kaonti na lang, lalapat na 'tong dulo ng knuckles ko sa mukha niya. But again, Sandreanna, she isn't worth your temper.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Saka ko dahan-dahang binuksan ang aking kamay. Kalma lang, Sandreanna. Kumalma ka lang.

Huminga akong malalim at ngumiti sa kaniya. "Congratulations because you won him and I didn't."

I walk away. Like I always do with the confrontation part of life.

Lumabas ako ng back stage, pinipigilan ang sariling maluha. Not now, Sandreanna.

"Ang tagal mo naman. Sinong kausap mo sa loob? Lumabas na 'yong nanalo ah?"

Hindi ko na sinagot si Nissa. Naglakad na lang ako papunta sa kotse para maihatid na kami sa rotunda. Kahit malapit lang naman 'yon pero kailangan kong sumakay ng kotse kung ayaw kong pagkaguluhan ako ng mga tao. Pero sa dami ng tao sa daan, medyo natagalan ang pagdating namin sa rotunda.

I was escorted with the police hanggang makapasok ako sa loob ng barricade until I feel I'm already secured. Si Siggy na ang nakasalang. Lahat masaya. Lahat nagsasayawan sa saliw ng musika.

Kahit kailan talaga, ang galing niya.

Bago ko pa mahanap ang mga taong hinahanap ko sa mga nagsasayawan sa loob ng barikada, may tumawag na sa pangalan ko sa bandang stage. Sinalubong ako ng yakap ni Kiara at Mikan. Nasa stage pala sila, nakatayo lang habang nakatingin sa mga taong nagsasayahan. Siyempre, hawak ang mga inumin nila. May iba ring kakilala na nandito. Nakatayo lang at mukhang nag-uusap. Malapit ito actually sa kinatatayuan ni DJ.

"Ba't ang tagal mo?"

"May kinausap lang," sagot ko sa tanong ni Mikan. Inabutan niya ako ng isang bote ng San Mig Light, my all time favorite.

"Sandi Hinolan is in the house! Yoh, yoh, yoh!"

Biglang in-announce ang pangalan ko sa kalagitnaan ng kasiyahan. Napatingin ako sa lalaking nasa stage din at siyang may hawak ng mic. Kumaway muna ako sa lahat bago ko itinuro ang lalaking 'yon.

"Is that Chuck? Your cousin?" tanong ko kay Kiara. She nodded. "Hala ang laki na niya!"

"Matinik na 'yan sa girls."

Pinsan kasi ni Kiara ang nagsasalita sa gitna na may hawak ng mic. Parang siya 'yong tiga-hype ng mga tao kasabay ng music. He's Chuckie Francisco.

Patuloy ang pagkaway at pagbati ko sa mga taong sumisigaw ng pangalan ko. Doon ko rin napansin na may party pa sa kabilang part ng daan, papunta na sa market ng city. I also notice the Osmeñas na nasa baba ng stage pero nasa loob pa naman ng barricade. May iba rin na familiar faces na binati ko na rin since binati naman nila ako. Sobrang ingay talaga at sobrang saya. I can't even close my mouth anymore dahil kahit saang sulok ako tumingin, may binabati talaga ako at napapangiti. Pero nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng stage kasama sina Kiara. Hindi kami nakikisabay sa sayawan nila. Chill lang kami rito. Lakas maka-oldies tuloy.

Marami akong napansin sa paligid. Sa may harap ng stage, sa edge nito mismo, nakita ko si Darwin Charles na may katabing pamilyar na babae.

"Mik, is that MJ?" turo ko pa sa babaeng katabi ni Darwin Charles. Nakatalikod kasi at hindi ko makita ang buong mukha pero pamilyar siya sa akin.

"Yep."

"Hala ang sexy! Sobrang ganda siguro n'yan kapag nakaharap na? May boyfriend na ba 'yan?"

"Waley. Pero sa pagkakaalam ko, MU yata sila ni Chuck," sagot ni Kiara.

Lumagok muna ako sa boteng hawak ko bago sumagot. "Chuck? Your cousin?"

"Yepsie!"

"Wow, small world!"

"Yeah, small world!"

We tickle each other na parang mga teenagers na kinikilig. Sobrang ingay namin ni Kiara. Para kaming mga timang pero nang biglang lumingon sa amin ang star DJ of the night, tumigil ako sa ginagawa ko't umayos ng upo. I pursed my lips and tumingin na lang sa ibang direksiyon. Pasensiya na, alam kong seryoso siya sa ginagawa niya ngayon pero malay ko bang ganito talaga ang lapit namin sa isa't-isa at maririnig niya pa ang hagikhikan namin ni Kiara.

Pinansin ko na lang ang mga taong nasa labas ng barikada na halatang nagpapapansin sa akin. Someone yelled my name and I waved at them in response. Someone shouted 'I love you' and I responsed 'love you too.' Mga small things na nagpapakilig ng fans kapag galing sa akin. I can hear compliments from afar, saying 'ang ganda mo talaga, Sandi!'

Iginala ko na ulit ang tingin ko. Tumitingin-tingin ng mga pamilyar na mukha, hinahanap ang mga kapatid ko. I saw Hannah from the group of I don't know who are they but for sure mga anak din ng kilalang tao sa bayan namin since nasa loob sila ng barikada. Dahlia's talking with her group.

Everyone's having fun. So do I! May mga photographers around the area na busy na mag-take ng iba't ibang klaseng pictures and scenes. P-in-icture-an din kami ni Yohan gamit ang camera'ng nasa leeg niya pero mas nag-focus siya sa controller at receiver ng drone na hawak niya. He's taking some aerial shots of the party.

Sobrang hype ng mga tao! Lalo na sa sunod na isinigaw ni Chuck.

"This rave party is brought to you by Councilor Einny Lizares and the Lizares brothers! Happy Manlambus Festival, Escalante City!"

Kasabay ng kaniyang sigaw ay ang pagdagundong ng fireworks sa kalangitan. Nagsigawan ang lahat. Tuumingala ako pero useless pala ang ginawa kong pagtingala dahil hindi ko rin makikita ang fireworks. Ngumiti na lang ako dahil sa ingay ng mga taong nagsasayahan at ibinaling sa ibang bagay ang tingin ko... patungo sa kaniya.

~