The End

Everything are in flashing light. But all I see is pitch-black.

Everyone are having the best time of their lives. But here I am, watching them from afar.

Everybody are making noises. But the silence is making me deaf.

They said I got their back when things go shitty. But when I got nothing and the world turned its back on me, no one was there for me.

Sa dami ng taong nangakong mananatili hanggang huli, wala ni-isa sa kanila ang nanatili.

Could this world be any worse? Could people be worst than the evil? Could I be worst than any of them?

I want to condemn them for everything they've done to me. But putting the blame unto others will bring no good to me. Lalo na ngayong huli na ang lahat at nasa ibaba na ako. Mabuti sana kung maisasalba nito ang nawasak kong reputasyon. Siguro, araw-araw akong manininisi at iisa-isahin ko pa sila.

I pause for a while. Hinabol ko ang hininga ko. I rest my both hands on my knees and wait for my heart and lungs to calm down.

When everything is under control, I slowly look in front of me and watch how the rising sun touched its rays into the tip of the well-known monument in the middle of my birth city.

I stand up and a little smile form in my lips when I remember how this city help me with almost everything.

Even if the world turn its back on me, I know you will never leave me behind. Thank you for sticking up with me, Escalante City.

I wipe the sweat that form in my forehead and continue my journey.

I'm done with my morning routine kaya pauwi na ako ngayon. Pero bago 'yon, pumasok muna ako sa madadaanan kong 7/11 na katapat lang ng monument na kanina'y tinitingnan ko. Just to clear things up, bibili lang ako ng tubig.

"'Day, 'di ba si Sandi Hinolan 'yan?"

I was about to grab that bottle of mineral water when I hear the two girls, few meters away from me, talk. Naiwan sa ere ang kamay ko at biglang nanigas sa kinatatayuan ko.

Heto na naman tayo…

"Oo, 'day, 'yong dating artista. Tiga-rito 'yan sa atin, e."

"Hala, teka, magpa-picture tayo, 'day. At saka, picture-an na rin natin siya tapos i-post natin sa Facebook, paniguradong maiinggit 'yong mga fans niya kapag nagpa-picture tayo sa kaniya."

"'Wag na, 'day. Laos na 'yan. Sa sobrang laos n'yan, walang makakapansin sa post mo. Hindi na magiging trending 'yan kahit anong klaseng issue pa ang gawin n'yan."

I succesfully grab the bottled water with shaking hands. My heart beats the fastest again and I am about to pool my eyes.

"Tara na, 'day, baka marinig niya pang pinag-uusapan natin siya't mag-feeling na sikat pa rin siya."

Dating artista. Laos. Ang ibig sabihin ba ng laos ay walang silbi? Ganoon na ba talaga ang tingin nila sa akin? Parang kailan lang, ang dami-daming nagsasabing ako na ang pinaka-sikat na artista dito sa Pilipinas and no one can ever replace how amazing I am as an artist. Pero bakit ngayon…

I relax my self a bit and thankful enough na hindi tuluyang bumagsak ang namuong luha sa gilid ng aking mata.

Bitbit ang bottled water, tinungo ko ang cashier counter to pay for what I got. I lower my head para makaiwas ng pansin sa iba, though walang katao-tao ang store na ito dahil it's early in the morning pa naman. Luckily din na wala na 'yong dalawang babaeng magkausap kanina sa may beverages area.

I silently payed for the bottled water. Siguro, puyat na puyat 'yong cashier kasi hindi man lang niya napansin na ako 'yong nasa harapan niya… o talagang laos na ako gaya ng sabi ng iba?

I didn't mind that thinking. Umagang-umaga, dapat good vibes lang ako.

I went out of the store while drinking the bottled water.

I was about to jog back home when a car suddenly stop right in front of me. Umusog ako ng kaonti para magbigay daan sa kung sino man ang lalabas sa kotseng iyon.

A group of guys went out and suddenly, the people flock in front of me that made this world more chaotic.

"Girl! Si Siggy nandito!"

"Omo, Siggy!"

"DJ Siggy! Hi po!"

At kung anu-ano pang klaseng sigaw.

Before I got lost in his eyes, I was able to see that he looked at me.

Our eyes met. I expected to see a loving eyes, the eyes I once admired, but all I see is darkness. Just like how his love to me turned in the end.

I want to say sorry for all the pain that I caused him. He loved me unconditionally pero heto ako't paulit-ulit na sinasayang ang pagmamahal niya sa akin. Mahal na mahal ko siya. Pero natatakot na akong kapag ipinagpilitan ko pa ang sarili ko sa kaniya, baka masaktan ko na naman siya. I can't take it... seeing him suffering because of me. Wala na ba talaga akong tamang nagawa sa mundong ito?

Bago pa man ako tuluyang umiyak, tumalikod na ako at nag-jog papunta sa kung saan naka-park ang kotse ko.

How ironic life can be. How shitty life can be.

Bumilis ang takbo ko hanggang sa makarating ako sa kotse. I parked it near our family home. Humigpit ang hawak ko sa tubig na binili ko kanina. Bago ako tuluyang pumasok sa kotse, nilingon ko ang direksiyon ng bahay. A throbbing pain just pierced inside my heart.

Umiling na lang ako at tuluyang sumakay sa kotse para mag-drive pauwi.

It's been two years since nang mangyari iyon. Nawala rin bigla ang issue'ng nangyari pero the damage has been done. Nasira na ako sa lahat, my family disowned me, tinalikuran na ako ng mga taong dapat ay kaagapay ko sa mga ganitong klaseng problema. I vanished like I didn't exist anymore. Kinalimutan ako ng lahat, inabandona, minata.

But Schar gave me the reason to continue my life.

I was trying to heal myself for over a year. Trying to fix everything that the damage has done. Umuwi ako ng probinsiya namin, nagbabakasakaling matanggap ako ng pamilya ko. But like what others did, and like what I said, they disowned me. Kahihiyan daw ako sa pamilya dahil sa kababoyang ginawa ko. Some didn't mind the issue that happened to me but they didn't help me anyway.

Nag-stay ako sa city namin. Tumira ako sa rest house na pinagawa ko. Minsan talaga nagpapasalamat ako sa pagiging kuripot ko, nagagamit ko sa mga ganito.

I tried living a life away from everything. With only Schar with me. Pero nang maka-settle down ako sa bahay na pinagawa ko, saka ko nalamang buntis ako. Nagpa-check up ako sa isang doctor and I found out that time that I was four months pregnant. And it's been four months since Siggy and I were fine.

Sinubukan kong maging matatag para sa magiging anak ko at kay Schar. Sinubukan kong ayusin ang buhay ko. Kung kaya akong talikuran ng lahat dahil sa ginawa ko, kaya ko ring talikuran sila para sa ikabubuti ng dalawa kong anak. Susubukan kong ayusin 'to. Sinubukan ko.

Pero hindi lahat talaga naaayon sa 'yo, sa mga planong nilathala mo para sa lahat. Hindi ko alam na pati anak ko, iiwan din ako.

On the process of keeping it, I lost my baby. I lost him. Nakunan ako. Sobrang sakit no'n. I was expecting him but he's not strong enough to stay by my side. Or I wasn't strong enough to let him stay. And I went to hell nang dahil doon. I've been through hell ever since. Kaakibat ko na nga yata ang pain and constantly losing someone, e. Maya't-mayang may nawawala sa buhay ko, maya't-maya akong nasasaktan.

But all through it, Schar helped me. Schar became my healing pill. Alam kong masiyado pa siyang bata para malaman 'yon pero dahil sa innocent angel na iyon, natulungan niya akong bumangon ulit sa paulit-ulit na pagkakadapa ko.

The future is so windy, I can't even see myself on it. But all I know is I will stay, for Schar. She needs me. We needed this life.

But everything must come to and end. And I don't know how will I continue if I know in myself that I can't stay.

Pinatay ko ang makina ng kotse at tinanggal ang seatbelt. Ibinaba ko ang visor at nakita ko roon ang nag-iisang sonogram na mayroon ako sa aking unborn child. Araw-araw kong nakikita 'yon. Araw-araw kong nahahawakan. Iniisip na sana nandito pa siya, katabi ko, masaya kahit masalimoot ang mundo na mayroon kami.

Huminga akong malalim, ibinalik sa dating ayos ang visor, at kinuha ang car key. Lumabas ako ng kotse at agad na nakitang papalabas ng pinto ang nag-iisang kinakapitan ko na lang ngayon.

She spread her arms and halos kabahan ako dahil sa bilis ng kaniyang takbo. "Mimi!"

"Baby!" Sinalubong ko siya at agad na kinarga, pinaikot-ikot sa ere, at mahigpit na niyakap. "How's your sleep?"

"Fine."

Hindi siya nakatingin sa akin dahil agad ding naagaw ang atensiyon niya sa laruang hawak niya. She's just two years old. And she's not consistent with talking pa. Hinalikan ko na lang siya at nilingon ang nag-iisang kasambahay na mayroon ako sa bahay na ito and at the same time ay kinuha kong yaya for Schar.

"Magandang umaga po, Ma'am."

"Mm-Hmm, good morning din. Kagigising lang ba niya?" Naglakad na ako papunta sa loob ng bahay at sumunod naman siya habang karga-karga ko pa rin si Schar.

"Opo, Ma'am. Sige po, Ma'am, ihahain ko na po ang agahan."

"Bumili ako ng pandesal. Pakikuha na lang sa kotse."

"Sige po, Ma'am."

Tuluyan akong pumasok sa loob kasama si Schar. Hinalikan ko ulit siya bago inilapag sa couch. She look up to me when I put her down.

"Alis po kayo maya?"

I pinch her cheek when she tried talking in a full sentence. She's asking me if I'm going somewhere today since it's Sunday. Tumango ako at tinabihan siya sa couch.

"Mm-Hmm. Mimi's going to the beach. You want to come with me?"

Lumawak ang ngiti niya't sunod-sunod na tumango. "Beach!"

Napangiti na rin ako. "Okay, go to the kitchen now. We'll prepare after eating our breakfast."

"Yehey!" Tumalon siya sa couch at agad na tumakbo papunta sa kusina.

Sinundan ko siya ng tingin at napangiti sa kawalan. "Nissa, if you're seeing this now… your daughter's doing great," bulong ko sa hangin. I know she's listening somewhere in the wind. I know she's looking after us together with my unborn child. "Ako nang bahala sa anak mo, Nissa. Ikaw na rin ang bahala sa anak ko kung nasaan man kayo ngayon," dagdag ko bago tuluyang sinundan si Schar papuntang kusina.

Palagi kong kinukuwento kay Schar ang tungkol kay Nissa. Kahit wala pa siyang muwang at hindi niya pa naiintindihan ang nangyayari sa mundo, kinukuwento ko iyon sa kaniya. She deserves to know her real mother. She deserves to know the truth at a very young age. Hindi ako hipokrita na kailangang akuin siya at itago ang lahat sa kaniya. Si Nissa ang nagluwal sa kaniya, si Nissa ang ina niya, she should take the credit.

Sinaluhan ko sa agahan si Schar at si Jenna na siyang naging kasangga ko sa pagpapalaki kay Schar. She's living nearby at kailangang-kailangan niya ng trabaho kasi mahirap lang din sila at bukirin lang ang ikinabubuhay ng pamilya niya. Akala ko no'ng una magta-trabaho lang siya para makakuha ng scoop tungkol sa akin. But luckily, she stayed. Mayroon pa rin naman pa lang mabubuting tao sa mundo.

Natulungan ko siya pati na ang pamilya niya. Nang minsang ma-hospital ang tatay niya at kailangan ng malaking halaga para sa operasyon, tumulong ako. Mayroon naman akong maitutulong kaya why not 'di ba? Malaki ang naging savings ko. And hindi ako sasalang sa isang laban na alam kong wala akong armas. Siyempre, mayroon. I anonymously invested with some known companies outside of the country. Dahil sa mga kita roon, kahit papaano ay may budget ako to last a day. Hanggang it lasted for years. I continued it. Sinubukan ko ring mag-arendo ng mga tubo na malapit lang sa akin. Mabuti naman at hindi sila namemersonal kaya agad akong nakanahap ng iilang lupa na puwede kong ipa-alaga at mapagkakitaan. Kailangan ko ring mag-ipon para sa future ni Schar.

Sumasabay sa amin sa pag-kain si Jenna. I treated her like my family, like what I always do with others. Pinagmamasdan ko si Schar na kumain habang nagku-kuwento si Jenna sa mga chismis na nangyayari sa neigborhood namin at sa neighborhood na rin nila.

"Finish your food, Schar, ha? Hindi kita isasama kapag hindi. You want to ride a boat, right?" I brush some Schar's hair using my fingers habang in-enjoy niya ang breakfast niya. Pandesal lang ang kinakain ko. Hindi ako mahilig mag-rice tuwing breakfast.

"Want to ride a boat. Schar excited." She said she wants to ride a boat and she's so excited.

"Okay, Schar will ride a boat later."

"Yehey!"

Nilingon ko si Jenna nang bigla siyang nanahimik.

"Saan po tayo pupunta, Ma'am?"

"Jomabo," simpleng sagot ko.

Lumiwanag ang kaniyang mukha, parang mas excited pa siya kay Schar. Pa-simple na lang akong natawa nang sunod-sunod na ang sinabi niya na hindi pa siya nakakapunta sa Jomabo Island at excited siya sa lakad namin at kung ano-ano pa. Kung gaano siyang naging patient na pakinggan ang mga kuwento at pinagdaanan ko sa buhay noon, ganoon din ako katiyaga na marinig ang lahat ng sinasabi niya sa akin ngayon. It's a give and take relationship.

I've been there, in that Jomabo Island. It's a privately owned island a few kilometers from the shore of Old Poblacion. Maliit pa lang ako no'ng una akong pumunta roon. The second time I went there was after I went home away from the chaotic world. 'Yong nasa stage pa lang ako ng healing and quite expecting that the ocean will help me mend my shattered life.

Maganda ang Jomabo Island. It's a white sand beach with sand bar from a distance. It's an exclusive resort away from the chaos of our little city. Actually, simula no'ng umuwi ako rito, I've been into some weird and alone adventure. Nagpunta ako sa Jomabo Island. Nag-hike sa Mt. Lunay. Pumasok sa isang maliit na cave sa Brgy. Pinapugasan. Nag-explore ng iba't-ibang gawain na puwedeng gawin inside our little city. Naging payapa ang buhay ko kahit papaano dahil sa pagtatagong ginawa ko. Nagtatago ba talaga o pinipilit tinatakbuhan ang buhay na nakasanayan?

I already contact someone na puwede kong rentahan para maihatid kami sa island. It's a pump boat na minsan ay ginagawang sasakyan for pangingisda at minsan din ay sinasakyan ng mga pasaherong gustong libutin ang Jomabo Island o kaya'y puntahan ang Panansalan Sand Bar, o 'yong sand bar na malapit lang din sa Jomabo Island.

Nag-prepare kaming tatlo sa almost thirty minutes ride papunta sa Old Poblacion. Medyo may kalayuan kasi ang Brgy. Pinapugasan sa Brgy. Old Poblacion. I drive the car. Nasa likuran si Jenna at Schar with her child's car seat.

Sunday ngayon pero wala na akong pakialam kung may makakita sa amin doon. Nandoon kami para mag-enjoy. Hindi para marinig ang mga sasabihin ng ibang tao. At pakialam ko ba sa kanila? Itong pag-iisa ko, naturuan akong i-handle ang mga pinagsasabi ng ibang tao.

Schar is enjoying the boat ride. Tuwang-tuwa siya sa pagturo sa iba't-ibang bagay na nakikita niya. Lalo na no'ng naging blue na ang tubig at visible na ang iba't-ibang klaseng coral reefs at isda sa ilalim ng dagat. Todo agapay namin kami ni Jenna sa pagturo sa kaniya kung ano-ano 'yon. Seeing Schar happy makes my heart happy too. She is now my happiness. She may never came from me personally, but for me, she's mine.

Tahimik ang buong isla nang makarating kami. Walang nandito kaya hindi na nakapagtataka. From a distance, kitang-kita ang iba't-ibang floating cottage na naka-dock sa Panansalan Sand Bar. People flock their instead at Jomabo kasi walang bayad doon, ang tanging babayaran mo lang ay ang malaking floating cottage. Dito kasi sa Jomabo, babayaran mo pa ang entrance at kung may kukunin kang cottage, babayaran mo rin 'yon and the boat itself pa.

But this is good, mabuti na itong tahimik ang buong lugar. Maso-solo naming tatlo.

Dahil rented si manong pump boat, hinayaan ko siya kung uuwi ba siya at babalikan lang kami o mananatili siya hanggang sa umuwi kami. Basta ang sabi ko sa kaniya, by three PM ay uuwi na kami.

Agad na nag-enjoy si Schar sa beach. Kahit hindi pa natatanggal ang takip niya sa katawan, agad na siyang sumulong sa mababaw na parte ng dagat. Jenna guided her immediately. Ako na lang ang nag-ayos ng mga gamit namin, tinulungan din ako ni manong pump boat kahit kaonti lang naman since lunch foods lang ang dinala namin and iilang light snacks and damit pamalit.

Sinimot ko ang maalat na hangin at napangiti. Ang sarap mabuhay sa ganito. Payapa, walang gulo, walang problema. P-in-icture-an ko na rin from a distance si Schar. She's making a sand castle now, if she ever can make one. Nang matapos ayusin ang mga gamit at matapos makapagbayad for the renting of this big cottage na malapit mismo sa entrance ng island, tinanggal ko ang short at damit ko, exposing my flesh-colored bikini. Nagtampisaw ako sa dagat at lumangoy hanggang sa makakaya ko.

Nang makitang may distansiya na ako away from Schar and Jenna, agad akong bumalik. Lumapit ako sa kanila at sinabayan ng panandalian si Schar sa larong ginagawa niya. Doon na nga rin siya pinakain ni Jenna dahil hindi raw talaga aahon para kumain muna. Mukhang tuwang-tuwa sa dagat.

"Mag-j-jet ski lang ako. Ikaw na munang bahala rito, Jen, ha?"

"Sige po, Ma'am."

Nagpaalam ako kay Schar na may gagawin muna. Naglakad ako papunta sa gitna ng island, kung saan ang reception area at ang iilan pang cottage. Kinausap ko ang nagbabantay na rerentahan ko ang nag-iisang jet ski na available nila rito sa island. Agad itong ibinigay sa akin.

Nag-ride ako gamit ang jet ski. Nilibot ko ang buong island. Pinuntahan ko ang tower ng bantay dagat. Tumigil ako sa gitna para panandaliang lumangoy. Nang umahon ako para sumakay na sa jet ski, biglang may humintong isang jet ski malapit sa akin.

Oh?

"Are you okay?"

Halos madulas ako sa tubig dagat matapos kong sumampa sa jet ski dahil sa gulat nang makita kung sino iyon. Nakangiti lang siya sa akin at pinatay na rin niya ang makina ng jet ski, nagpa-alon-alon na lang ito sa dagat katulad no'ng akin.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Yeah, I'm fine."

"You're around the area pala? Mag-isa ka lang ba?"

"I'm with my baby. Sa Jomabo."

"Ah, kaya pala galing doon ang jet ski na sakay mo."

"Uh… yeah."

"Kami 'yong nasa Busay floating cottage. Birthday kasi ng anak ko, so we decided to celebrate it here."

"Ah… happy birthday sa anak mo. Solano 'yong pangalan 'di ba? How old is he?"

"He's two years old now."

"Dude, Sonny! Hiramin na raw ni Siggy 'yong jet ski."

Dumating ang dalawa pang ibang jet ski na nakita ko kanina. Maingay ang makina nila pati na rin ang mga boses nila. Pare-pareho silang lalaki. Kaya no'ng nakita ko ang pagmumukha no'ng mga bagong dating, na tiningnan na rin ni Sonny, ay hindi na ako nagtaka. Sila rin 'yong nakita ko kaninang umaga kasama ni Siggy.

"Tell him to fuck off," sabi ni Sonny at tumingin ulit sa akin. "Good to see you around, Sandi."

"Y-Yeah, you too, Sonny."

"Oy, Sandi, ikaw pala."

"Hi…" tipid akong ngumiti kay Jaka Escala at Justine Saratobias.

"Sige, Sandi, alis muna kami. Ipapalamon ko lang 'tong jet ski sa kapatid ko. Enjoy your ride."

"S-Sige…"

Pinaharurot nila ang mga jet ski'ng dala nila. Pinagmasdan ko iyon hanggang sa makalapit na sila sa Panansalan.

Bumalik ako sa island. Ibinalik na rin ang jet ski. I've had enough. I've already indulged myself with some extremities. Naabutan kong karga-karga na ni Jenna si Schar, mukhang natutulog sa lap niya. Nakapagbihis na rin silang dalawa.

"Napagod?"

"Oo, Ma'am. Sobrang natuwa sa dagat."

Kinuha ko 'yong beach towel ko at natawa ng mahina dahil sa mahimbing na natutulog na si Schar.

"Manong's still here naman 'di ba? Uwi na tayo. Bihis lang ako."

"Sige po, Ma'am."

Kinuha ko ang gamit ko at agad nagbihis ng bagong damit. Ako na rin mismo ang nag-ayos ng mga gamit since karga-karga pa rin ni Jenna si Schar. Mahimbing talagang matulog ang isang 'to.

We loaded the things on the boat when a jet ski approach us. Napatingin kaming lahat doon pero ang taong isa sa mga nakasakay doon ay diretso lang na nakatingin sa akin. Ang isa naman ay bumaba sa mababaw na parte ng dagat at patakbong pumunta sa akin.

"Dahlia?"

Ngumiti siya sa akin at pinasadahan ng tingin sina Jenna na nakasakay na ngayon sa bangka, hinihintay na lang na sumampa ako.

I've been ignoring Dahlia for the past years dahil natatakot ako na kapag lumapit siya sa akin, mangyayari sa kaniya ang nangyari kay Nissa. Ayokong may bagong mapahamak dahil lang sa ginawa ko. I can't take the conscience. Nissa was enough.

"Sinabi nina Sonny na nandito ka raw. Ate, gusto kitang makausap."

Lumampas ang tingin ko sa likuran ni Dahlia, doon sa lalaking nag-drive ng jet ski na sinakyan ni Dahlia. Nakatingin siya sa akin no'ng una kong tiningnan pero agad ding umiwas ng makitang nakatingin ako sa kaniya. Huminga akong malalim at ibinalik ang tingin kay Dahlia.

"Kailangan na naming umuwi, Dahlia," tipid akong ngumiti sa kaniya, tinapik ang balikat, at nilampasan siya para makasakay na sa bangka.

"Ate, may sakit si Daddy. Aneurysm. Kailangan niya ang presensiya mo."

Kusang napahinto ang paa ko sa paglalakad. Humampas ang maliliit na alon sa paa ko habang parang tood lang na nakatayo roon. Napalunok ako at pinigilan ang sariling lumingon kay Dahlia.

"Tell him to get well soon. If he needs a money, I can wire it you directly. But I can't go back to the family that once treated me like a shit, Dahl," huling sinabi ko bago tuluyang sumampa sa bangka.

Nilingon ko si Siggy, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. This time, handa na akong talikuran din ang lahat.

So, sa kaniya galing ang sakit ko? Namana ko kay Daddy ang sakit ko?

Naging frequent ang pagsakit ng ulo ko before. Hindi ko nakayanan kaya naisipan kong magpa-check up. And that's when I found out na may brain aneurysm ako. Hindi pa naman daw malala at wala raw akong dapat na ikabahala. But that was years ago. Hindi na ulit ako nakabalik sa doctor kasi confident ako na wala nga lang ito at hindi na dapat ikabahala pa.

Pero nang marinig na may ganoong sakit si Daddy, muling nanumbalik sa akin ang mga panahong sakit na sakit ako sa ulo ko.

Brain aneurysm is deadly. I hate to leave but what can I do if it allows me to leave? Gusto kong magpa-opera at isalba ang sarili ko sa nakamamatay na sandaling iyon pero mas lalo akong natakot sa operasyon. Natatakot ako na baka ito ang ikamatay ko't hindi ko makayanan. Hanggang sa nandito pa ako, I'll make the most of it.

Sinawalang-bahala ko ulit. Labas na ako sa pamilyang iyon, they disowned me. Ipinangalandakan nila sa lahat. Kaya bakit ako babalik?

"Ma'am, uwi na po ako."

Inilapag ko ang wine glass na dala ko at tumango kay Jenna. "Sige, ingat sa paglalakad."

"Sige po, Ma'am."

Humithit ako sa sigarilyong hawak ko at tiningnan si Jenna na lumabas ng gate. Tulog na si Schar kaya malaya kong nagagawa ang bisyo ko ngayon.

Pero biglang sumakit ang ulo ko. Sa sobrang sakit, nanlabo na ang tingin ko't ang pagsigaw na lang ang nagawa ko hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na sahig habang sapo-sapo ang parang binibiyak kong utak.

May narinig akong sigaw. May narinig akong papalapit na sasakyan. May narinig akong ingay pero ang sakit na ng utak ko. Hindi ko na kaya.

Patuloy ang ingay sa paligid ko. May narinig akong umiyak na bata pero masiyadong masakit ang ulo ko't hindi ko na alam kung anong totoong nangyayari sa buong paligid ko.

Pumikit ako ng mariin, baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko. Pero bakit nang pumikit ako, iba ang nakita ko. Nakita ko ang sarili ko, nakasuot ng puting dress, nakatayo sa isang magandang hardin, inaanod ng hangin ang buhok ko. Lumingon ako sa likuran ko at ngumiti.

Huminga akong malalim, pilit nilalabanan ang sakit pero sa tuwing nilalabanan ko ito, mas lalo akong dinadala sa lugar kung saan hindi ko pa dapat puntahan.

Umihip ang malakas na hangin at sa isang haplos lang, buhay ko'y inanod na ng hangin.

I'm sorry for leaving this early.

~