CAN YOU SAY IT? O2:Take me home

CAN YOU SAY IT? 02 : 

Take me home

NASH KLEIN

"Nakausap mo na ba si Sofia?" tanong ko 'kay Nile. Nandito kaming dalawa ngayon sa isang resort na pagmamay-ari ng tito namin kasama ng iba pa naming kamag-anak.

"Yes, mabuti nga at naintindihan niya ako. Nakakagulat malaman na hindi talaga siya sang-ayon sa kasal pero napakaganda pa rin ng pakikitungo niya sa atin." anito.

Kaming dalawa lang ngayon sa kwartong ito na pansamantala naming tinutuluyan. Hindi ko alam kung saang banda ng Pilipinas ang resort pero malayo ito dahil kinailangan pa namin sumakay ng private plane.

Nile's right, hindi namin ine-expect ang pag-amin ni Sofia na hindi niya talagang gusto na ikasal sa'kin. Agad namin itong tinanong noong araw matapos ko bumalik sa condo unit naming dalawa ni Nile.

"Parang kagaya lang natin siya.. " panimula ni Nile. Magkahiwalay ang higaan namin sa malaking kwarto na ito kung nasaan kami.

I agreed.

"Hindi lahat ng tao kayang gawin ang gusto nila. Like us, hindi na ako makapaghintay na makapagtrabaho at paghirapan ang pera na gagamitin ko sa pang araw-araw. Kahit na masama man tignan para sa mga mata ng iba na lumayas tayo, ang tanging gusto lang naman natin ay maging malaya." he whispered. I could clearly hear him dahil sa tahimik na kapaligiran.

"Nile.."

"Yes, Kuya Nash?"

Pansamantala ko na muna isinantabi ang kinakatakot ko na mangyari saka tumingin sa direksyon niya. Nakahiga lang ito habang nakatuon ang pansin sa may kisame.

"What if we failed.. to let Raychel go?"

I managed to ask. That's the only thing na kinakatakot ko na mangyari. Ang hindi mapigilan si Raychel sa pag-alis niya.

"Ibig sabihin ba mapupunta na lang sa wala ang lahat ng ginawa natin para sa kaniya? Ibig sabihin ba hindi sapat ang lahat ng ginawa natin?" pagtatanong ko. Ano nga ba talaga?

"Wala," Nile answered.

"What do you mean?"

"Can't you understand it Kuya Nash? walang masasayang. Kung hindi tayo tagumpay na tigilan si Ray umalis then hindi lang tayo nagtagumpay. Pero ang mga ginawa natin, lahat ng iyon, alam ko na may halaga ang lahat ng iyon. Hindi naman kasi natin iyon ginawa para lang sa wala hindi ba?" He looked at me. Kahit na medyo malayo kami sa isa't-isa. I could see his eyes that is full of hope.

I lightly smiled dahilan para mapangiti din ito. His toothy smile that can light up someones world.

Tila ay nawala ang pakiramdam ng pagkatakot sa kalooban ko. Parang mas lalo pa akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niya.

"You're right, thank you for making me understand Nile." I thanked him.

"You're always welcome Kuya Nash."

Matapos 'non, niyaya ko siyang lumabas para maligo. We got to our uncles private hot spring na para lang sa amin na nandito ngayon.

Isa iyong malawak na hot spring para sa aming mga lalaki, anytime pwede dito magbabad kapag natapos na maligo. May pagka-japanese style ito dahil sa hilig ng tito namin sa culture nila.

We take our clothes off at nagpalibot ng tuwalya sa mga bewang namin. As we enter the place, binabalot ng steam ang lugar pero makakakita parin.

"Isn't this a bit embarrassing? They can see our naked bodies." bulong ni Nile sa likod ko. Simula pa kasi noong mga bata pa kami, nahihiya na siyang ipakita ang katawan niya sa iba. Welp, maliban sa'kin. (・ัω・ั)

Nilingon ko ito saka ngumisi. "Oh? Is my brother possibly doesn't want to be seen naked by the others except for me?"

He lightly pat my back, cheeks reddening. "Wala naman akong sinasabi.."

Nasa likod ko lang ito habang naglalakad ako palapit sa isang malawak na tub. Mainit ang tubig pero hindi nakakapaso, tama lang para ma-relax ang muscles ko. Of course Nile followed behind me. His flustered face is so cute. Being the devil I am, I held his hand at hinila ito dahilan para mahulog siya, nabalot ng buong lugar ang malakas na tawa ko.

"Kuya Nash!" he yelled angrily glaring daggers at me. Nakakatawa ang basang itsura niya.

He tackled me down pero syempre hindi ko siya hahayaan na ma-dominate ako so I fought back. Malakas na lagaslas ng tubig ang tanging maririnig kasabay ng mga tawa at hagikgik naming dalawa.

Matagal na panahon na rin magmula noong naka-tawa kaming dalawa ng ganito.

"I believe na kahit kailan hindi naging playground ang hot spring na pagmamay-ari ni Dad."

A cold voice interrupted, we looked up to see our cousin Nuke coldly gazing at us. He's the son of our Uncle Nolan na kapatid naman ng Dad namin.

"Stop starring at us like that," saway ko dito saka umayos na ng upo habang katabi si Nile. 

"Nakakalimutan mo na ba na mas matanda kami sa'yo?" dagdag ko pa, smirking at him.

He sighed deeply bago kami saluhan sa pagbabad, medyo lumayo pa ito sa amin. He's a bit of a tsundere after all.

"You're right Kuya Nash, but the way you and Kuya Nile act is way more childish than anyone." Ani niya saka dramatic na nag-face palm.

"Welp, matagal na rin simula noong nakipaglaro ako sa kaniya kaya naman.. hehe.." I giggled wrapping my arms behind Nile's neck. He smiled awkwardly bago iyon hawiin paalis.

"Nga pala, kamusta ang school mo Nuke? balita ko na gusto mo rin pumasok sa St.Celestine." Nile said making the later's cheek turned pink.

"G-Gusto ko lang naman ma-experience ang pagiging student doon at wala ng iba. Hindi naman sa gusto kong pumasok dahil doon kayo pumapasok ngayon." Oh? so binabalak niyang pumasok sa St.Celestine dahil pumapasok kaming dalawa doon. What a cheeky little brat (・ิω・ิ).

"Really? then good. Sana pumasa ang St.Celestine sa standards mo. I'm sure na magusgustuhan mo ang pagpasok 'don lalo na't sikat ka at maraming student ang lalapit sa'yo." ngiting wika ni Nile, kahit kailan talaga ang soft boy.

Note, Nuke is only 14 years old. Standing tall with 167 cm. Fine good looking young man who usually wears glasses outside. I bet wala siyang suot na contact lenses ngayon.

"You really think so Kuya Nile?"

"Of course!"

I sat there in silence habang pinapakinggan ang dalawa. Nile would lift up his spirit na tagumpay naman niyang ginagawa. May pagka mahiyain nga kasi itong tsundere naming pinsan kaya kailangan niya ng words of wisdom ng nag-iisang sunshine boy.

Nuke was traumatized to the people who think that they are only using his brain and fame. Kaya naman hindi ito pumasok as a middle schooler. Ngayong taon niya binabalak na mag-enroll sa St.Celestine.

"I've been having this weird feeling lately.. towards my tutor."

Tila ay umigting ang tenga ko sa narinig dahilan para makuha niya ang atensyon ko. Nile told him to go on, on his story.

Mukhang nagdadalawang isip pa ito na ituloy ang kwento. "I called her Ms. Rina, she's 19 years old. Kinuwento niya sa'kin na ayaw niyang mag-college kaya naman nag-tutor na lang ito. She's very good at explaining everything kaya naman madali kong naiintindihan ang lahat ng bagay na tinuturo niya. She's very cheerful and polite at almost everything. My chest started to go all chummy one day until now, I.. I'm not familiar to this new feeling. T-This is the first time na maramdaman ito. I even checked myself up to my doctor and he joked that what I am feeling is lovesick."

Natutuwa ako na panuorin ang mukha nitong unti-unting namumula habang kinukwento ang tutor niya. My tsundere cousin is in love with his tutor. (。ŏ﹏ŏ) So dramatic.. (TдT).

"Well, I guess your Doctor is right. Nuke, do you like her?" seryosong tanong ni Nile dito.

"Yeah, I like her." he quickly answered.

"No no no no," Nile quickly waved his right hand sa harapan nito. "Not just like. I mean do you like her as Ms.Rina not just like as a tutor or as a friend." panlilinaw niya pa.

Kita ang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ni Nile.

He's not getting it right. So innocent ( ・ิω・ิ).

Nile looked at me, seeking for help. Nakakatuwa ang expresyon ng mukha nitong humihingi ng tulong.

"Well, Nuke. Nile was trying to ask if you like your dear tutor not in a friendly,family and humane way. As in kung gusto mo ba talaga siya?" paglilinaw ko.

The color of his cheeks worsened ng maintindihan na ang sinasabi ko. "W-Well.."

"Then confirmed, that stutter only means you really like her. Oops— wrong, you already love her na."

"That fast?!"

I nodded, "Yep. People who only liked someone means they only adolize that person, maybe by talent or they simply like them. But, for those people who love someone. Just by looking at the person they love, their whole world will immediately shine and their day will be completed just by looking at them." I explained it to him repeatedly dahil hindi niya makuha ang punto ko.

Then Nile suddenly butt in, "Ganito, anong nararamdaman mo kapag nakikita siya? anong feeling kapag nakikita mo siyang nakangiti? kapag naririnig mo ang boses niya?"

"Uhm.. I felt really really happy sa tuwing nakikita siya. Everytime she smiles at me, parang lumiliwanag ang mundo ko. Agad na bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naririnig ang tawa niya."

"Nuke, there's no doubt. You already love your dear tutor." singit ko.

Nile nodded in satisfaction, "Yes."

"S-Should I confess to her?"

Nagkatinginan muna kami ni Nile matapos marinig ang sinabi niya. This brat is moving faster than me!

"No, absolutely not." sabay naming wika.

"Why?"

"Maraming puwedeng mangyari kaya huwag na muna," ani ko. "It will be very embarassing yet heroic at the same time kapag nagawa mong mag-confess pagkatapos ay umamin siya na may boyfriend na pala siya. We do not want that to happen to our poor Cousin." ani naman ni Nile. I agreed by nodding.

"Then, what should I do?" problemado nitong tanong.

"You can just keep that feelings of yours temporary. Then confess when you know that it's the right time. Lahat ng bagay ay kailangan pinaghahandaan at pinagpaplanuhan, para kahit na may mangyaring pagkakamali, expected mo na ito." Nile adviced.

Nuke nodded lightly as he look down, "Don't worry, we can help you." ngiting wika ko.

"No."

"E?"

"I understand everything you've said Kuya Nash, Kuya Nile. Your words are enough for me to understand it all. Thank you, but I think I should do it myself—the confession I mean. Gusto ko na sabihin ang feelings na ito sa kaniya mismo. Ihahanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang masasabi niya. Isa na rin ang gagawin ko na 'yon sa stage ng maturity." naiwan kaming dalawa ni Nile na di makapaniwalang nakatitig sa pinsan.

I can't believe it. Our dear cousin is already this mature! I'm so proud of him ٩(๑´0'๑)۶. Parang noon lang hindi niya pa kayang i-butones ang polo niya.

"S-Stop staring at me like that! It's creepy!" he freaked out.

"Nuke, hindi mo lang siguro napapansin pero kung titignan. Napaka-mature mo na mag-isip." Ngiting wika ni Nile dahilan para manlaki ang mga mata nito.

"Yeah, but one thing—" pause. "Kaya mo na ba i-butones ng tama ang polo mo?"

"Of course! ano bang akala mo sa'kin?!" he quickly retorted matapos ko magtanong. Mahinang hinampas naman ni Nile ang balikat ko. "Stop it Kuya Nash,"  aniya base sa tingin nito. "Hehe, sorry. I can't help it." wika ko pabalik. He sighed saka itinuon sa namumulang Nuke ang tingin.

"That's good news. Mukhang hindi mo na nga talaga kailangan ang tulong namin. Hihintayin nalang namin kung ano ng nangyari okay? maaasahan ka ba namin?" looking at Nile now, agaw pansin talaga ang pagbabago ng kapatid ko.

Parang noon lang, lagi pa itong nanginginig habang nasa likod ko—clutching my clothes on purpose kapag nasa harap ng maraming tao. All the time, he would held my hand or held a part of my clothes para hindi siya mahiwalay sa'kin. He will stutter kapag may ibang kinakausap na hindi kakilala. But one day, he suddenly changed nang makilala namin si Sofia.

Malaki ang ipinagbago niya, hindi na siya kagaya ng noon. Pero kahit na ganoon pa man, masaya ako para sa kaniya. He can finally make his own decisions, do something by his own and pick the right way.

"I.. I'm so proud.."

"Hm? may sinasabi ka ba Kuya Nash?"

"Huh? n-no.. nothing."

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na napalakas ko na pala ang mga bagay na iniisip ko. I-Iniisip ko lang kung gaano ako ka-proud sa kapatid ko.

"Jeez.." I laughed saka ito muling inakbayan only to be rejected. Ayaw niya talagang hinahawakan siya kapag basa ang katawan niya.

♡     ♡     ♡

"Bye Kuya Nash, Kuya Nile. Mag-iingat kayo, also.. s-see you." Nuke wave us goodbye kasama pa ng ba naming mga pinsan kamag-anak.

"Bye." paalam namin ni Nile sa kaniya.

Ngumiti ito bago mahinang tumungo as we made our way inside the plane. I'll make sure na kamustahin siya kapag nakabalik na kami sa condo.

It's currently night time dahilan kaya madilim at malamig. I sat near the window habang nasa tabi ko naman si Nile na nagbabasa ng manga ng JJBA— JoJo's Bizarre Adventure : Battle Tendency.

"Hindi ba't may anime adaptation na 'yan?" sinilip ko ang part na binabasa niya. Ang ganda ng uniqueness ng artstyle nito kasama na ng design ng mga characters.

Nile nodded, nasa binabasa lang ang focus. "Yeah, pero naisipan ko na basahin na muna ang manga dahil nga bawal natin gamitin ang gadgets natin."

"Saan mo nakuha 'yan?"

"I borrowed it from Kuya Noxx na may complete set ng manga mula part 1 hanggang sa pinaka-latest." Kuya Noxx is also our cousin who's older than us. Around his 20's at big fan din ng anime like us.

"If you like, we can watch it full kapag nakauwi na tayo."

"Okay. Walang agawan ng favorite character ha."

"Hehe of course!"

Looking outside the window, kita mula dito ang magandang view ng mga building na nagliliwanag at tila ay binibigyang buhay ang madilim na gabi. I smiled at the view. Napaka-ganda nito tignan.

Minutes have passed, my eyelids grow heavy kaya napasandal na lang ako sa kinauupuan at tinignan muna saglit ang nasa tabi ko, only to find him already sleeping, hearing Nile's soft breathing sends shiver down my spine. I shaked my head saka isinandal ang ulo. Darkness soon engulfed me.

"...Nash."

"Kuya Nash..!"

"Wake up Kuya Nash!"

Slowly opening my eyes to adjust to the brightness. Nile's pouting face greeted me. I mumbled a "good morning." to him. Nakapamewang ito at tuloy lang sa pagpa-pout. Oh how I wanted to pinch those puffy cheeks of him.

"Stand up, nandito na tayo."

???

Nash lazily rose from his seat at nilapitan ang kapatid. Kinusot-kusot pa nito ang mga mata bago isukbit sa likod niya ang isang backpack at naglakad palabas sa eroplano. His brother following behind him.

Nang makalabas, Nash shivered after being greeted by a cold breeze of wind, hitting his face. Makapal na ang suot nito pero nakayanan parin ng malamig na hangin na pasukin ang kasuotan niya. He tried to hug his self to counter the coldness but to no avail.

He instead latched his self to his brother na nanahimik lang sa tabi niya at tila di alintana ang lamig. He groaned his little brother's name at niyakap ito, confussion etched on the laters face.

"Nile.. so cold.." he groaned.

"Tch, Kuya Nash! nasa lobby palang tayo!" he hissed to his older brother.

The little brother sighed deeply, thinking. "Why is he acting like a child? for gods sake!"

Nash only tightened his embrace, his arms wrapped around his brothers chest making him flustered pero hindi ito pinapahalata. Ang ulo naman nito ay nasa balikat niya. Nash rub his face on Nile's shoulder while he stiffle a laugh, hindi alam ng Kuya na nakikiliti niya na ang nakababatang kapatid. Nile wanted to harshly push his clingy brother off him pero hindi ito magawa.

"Kuya Nash, hindi ako makakalakad ng maayos kung nakayakap ka sa'kin." he groaned. Nakatayo lang kasi ito at hindi makagalaw ng maayos dahil sa position nilang dalawa.

"Paano na lang kung iba ang isipin sa atin ng mga taong nandito?" tanong niya sa kapatid.

"Then do so.." seryosong sagot nito na ikinagulat niya. Seriously? Nile's cheeks turned red, he tried his best to cover it.

"Quit fooling around Kuya Nash, gusto ko na umuwi at maayos na makapagpahinga. May pasok pa tayo remember?"

Sinubukan niya na ang lahat ng pagdadahilan para umalis ang kakambal pero wala pa rin. Nauubos na ang pasensya niya at ilang segundo pa mula ngayon ay baka pagalitan niya na ito. Mabuti na lang at sa wakas ay dumating ang bodyguard ng dalawa, si Nine na naghahabol pa ng hininga. The younger Martinez celebrated inside his head.

Sa huli, dinala ni Nile ang bag ng nakakatandang kapatid. He let their bodyguard Nine to take care of his half-asleep brother by carrying it behind him with no problem at all.

"I need to let him rest once we get there. We can't afford to skip school today lalo na't makikita ko na sa wakas si Ray. I hope my letter made it." Nile thought once they're inside the car, making their way to their lovely condo unit.

Madilim pa ng mga makarating sila, kinailangan ulit buhatin ang mahimbing na natutulog na si Nash sa likod ng bodyguard para makapasok sa loob.

They made it inside their unit at pabagsak na napaupo sa may sofa ang kawawang bunso kasama na ng dala niyang dalawang mabigat na backpack. Nine made his way inside Nash's room para ito 'don comfy na ihiga para makapagpahinga na ng maayos.

He thanked Nine after doing the work bago ito lumabas sa unit nila, locking the door on purpose.

Nile sat on the sofa lazily, thinking about the past events that occured. Naglabas ito ng maliit na litrato mula sa bag niya. It was the picture na nakuha nila sa orphanage last month. He's 100% sure na ang babaeng kasama ni Haumea sa may larawan ay hindi si Raychel, pero ang nakakapagtaka lang ay kung hindi siya ito.. then sino ito? at bakit Raychel ang pangalan nito? the girl might be Sofia but malabo iyon mangyari ngayong Sofia ang pangalan nito.

Something is not right.. he thought tapping his chin.

He was looking at the picture for a moment nang may ma-realize. He quickly pulled out his phone saka mabilis na tinawagan ang isang tao, mabilis naman itong sumagot matapos ang ilang beep.

"Ano naman ang kailangan mo ngayong oras na ito?" ani ng taong tinawagan niya. Mababa ang boses nito at halatang na-istorbo.

"Lloyd, I can't believe na alam mo pala ang salitang tulog." he mocked. Lloyd chuckled on the other line.

"In fact, kakagising ko lang. Then? anong kailangan mo? let me guess, kakauwi niyo lang at mahimbing na natutulog na ang isa." hindi na ito nagtaka ng malaman ang kinalalagyan niya. Alam na niya ang kagalingan ng lalaking ito noong una palang.

"Do a background check on both Raychel Olenyeva and Sofia Arellano. Like always, send it to me." seryoso ang boses nito. Isang saglit na katahimikan naman ang sumagot sa kaniya sa kabilang linya bago ito magsalita muli.

"Are you sure about that?" Lloyd asked.

"Yes."

"Okay, tignan ko kung anong makakaya ko. But why checking Raychel now?" hindi na nito napigilan ang pagtatanong.

"May kutob ako.. at sana naman ay mali iyon." Nile answered, voice full of hope.

"Oh, I see. Then, let's see what I can do. Pumunta ka na lang sa club ko later kapag free ka, also.. ready the payment." he chuckled again.

"Thank you, Lloyd. I know I can trust you."

Katahimikan na naman ang sumagot sa kaniya bago muling magsalita ang huli.

"You need to rest now Nile, kailangan mo pa lakarin ang papunta sa club room. See you later." The informant dropped the call, leaving him in trance.

Itinabi niya ang cellphone saka muling tinignan ang litratong nasa kamay.

"Sana lang talaga.. mali ang iniisip ko.."

Meanwhile, mabilis na pagtitipa ang tanging maririnig sa madilim na kwarto ng informant. Kada segundo ay hindi alam kung ilang keys na kaya ang napipindot nito. Naka-focus ang kaniyang mapanuring mata sa monitor at nagre-reflect naman sa suot niyang salamin ang lumalabas dito.

Biglang huminto ang kaniyang mabilis na pagtitipa. Mahinang nanginginig ang kaniyang kamay habang tutok ang mata sa harapan. Kakaunting nakabukas ang mga labi nito at dahan-dahan tumulo ang pawis sa kaniyang noo papuntang pisngi. Malamig sa loob ng kwarto kaya't imposible na pagpawisan siya.

"This is.." bulong nito.

"Unimaginable.." pagku-kumpleto niya.

Mabilis at sunod-sunod na pagtitipa na naman ang kaniyang ginawa. Bawat segundo ay mahalaga sa kaniya. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkabahala. Natigil ang kaniyang pagtitipa matapos pindutin ang Enter key.

Marahas itong bumuga ng hangin saka sumandal sa kinauupuan at kinuha ang tasa ng kape na nasa tabi lang niya.

Tumayo ito sa kinauupuan saka naglakad sa malaking bintana, tinitignan ang madilim at blankong kapaligiran. Iisang poste lang ng ilaw ang nagbibigay liwanag sa nasasaksihang buhay ng gabi.

Napahigop ito sa kape habang nakahalukipkip ang isang kamay sa suot niyang lab coat. Nilapag niya ang tasa sa may tabi saka iniayos ang suot na salamin. Pinagkrus nito ang mga braso at isinansal ang likod sa may pader.

"I can't believe.." bulong nito.

"Thank you, Lloyd. I know I can trust you."

Umi-echo sa utak niya ang sinabi kanina ng nakausap. Dati na rin itong sinabi sa kaniya ng babaeng kasalukuyan niyang pinagkakatuwaan. Alalang-alala niya pa kung paano siya nito nginitian sa sobrang saya nito ng malaman na gagawin niya ang lahat ng makakaya para mahanap ang kaibigan nito.

Noon, ang akala niya ay hindi niya na muli mapapakinggan ang mga salitang iyon na galing sa iba. Pero mali siya.

Mapait itong natawa dahil sa inisip at sa mga ala-ala ng nakaraan. Nakaraan na hinding-hindi niya na maibabalik pa kailanman kahit na gustuhin niya.

Naihawi niya ang buhok paatras saka ipinikit ang mga mata. Bumabalik ba naman ang pakiramdam. Ang masakit na pakiramdam ng kahapon. Ang pakiramdam na ayaw na ayaw niyang nararamdaman.

Naglakad ito patungo sa malaking kama na nasa loob ng kwarto at doon pasalampak na humiga. Ang monitor lang ang tanging nagbibigay liwanag sa madilim niyang kwarto. 

Habang nakahiga, muling dumapo ang tingin niya sa monitor.

Hindi pa rin makapaniwala sa mga bagay na nakasulat doon.

"I guess.. I need to take this very seriously from now on. Right? Cecil."