CHAPTER 3

ng masiguro kong wala na talaga yung mga estudyanteng humahabol sa akin pasimple akong lumabas sa sulok kung saan ako nagtago at patakbong pumunta sa cr para umihi lintik naiihi na tuloy ako kakatakbo.

"girl narinig nyo ba yung ganap sa caffeteria kanina?"

sus... eto nanaman umaarangkada nanamang yung mga mababahong bunganga ng mga chismosa! dito muna ako tsaka na ako lalabas pag wala na sila.

"Oo Naman noh at nandon daw si Queen"

"yup! nandon daw si Queen akalain nyo yon? kung sya nga talaga yung nasa caffeteria kanina ibig sabihin nakaligtas pala sya?"

"ganon ba talaga kasikat yung tinatawag nyong queen at pati kayo bilib na bilib sa kanya?"

aba't... barbaryo ang babaita! di ako kilala hmp baguhan siguro toh.

"sinabi mopa IDOL KO KAYA YON!"

"bago pa sila Shawn si Queen muna"

"Ang galing nya pala talaga noh? at ang ganda pa! nakakainggit"

"sinabi mopa!"

"tara na girls baka malate pa tayo"

buti naman at naisipan pa nilang pumasok?! leche akala ko pumasok Lang sila para maki chismis psh... agad na akong lumabas sa lungga ko ng masiguro kong wala nanga sila.

"Ms.Azumi you're late!"Prof

"I-I'm sorry ma'am..." pag hingi ko ng paumanhin.

"It's ok take your sit".Prof.

"Mag prepare na kayo dahil next week ay mag dedebate tayo and in the other week ay thesis tayo sa ngayon tatanungin ko muna kayo tungkol sa bakasyon nyo walang excuse dito dahil lahat kayo mag kukwento"Prof

tsss.... bakit ba naging hobby na ng mga teacher na sa tuwing first day of school magkukuwento ang mga studyante about their vecation tsk! hindi ba sila nakapag vecation kaya sapat na sa kanila yung mga ikukuwento namin? o baka Naman chismoso/chismosa lang talaga sila? hmmm.... pwede din namang wala lang matopic? WAHAHAHAHA.

"Ms.Azumi are you still with us?".Prof.

"Ah... Ma'am ahehehe ano ngapo ulit yon?".napailing iling nalang yung Prof namin sa inasta ko habang yung iba kolang kaklase ay nakatingin lang sakin.

"VECATION?".Prof

"about my vecation? Hmmm.... let me think of it" umakto pa akong nag iisip. "NOTHING SPECIAL!".

"11:30".Prof

napakunot  noo ako sa tinuran ng asking guro maging ang mga kaklase ko ay nagtaka din.

"first day of school napag usapan ng buong department na tutal first day/week of school sa isang linggo nalang uumpisahan ang mga activities, projects,assignments at ang mga lessons para naman di kayo mabigla at ma pressure! college na kayo Kaya sana aware na kayo kung gaano kataas Ang expectations namin sa inyo lalo na pag dating sa manners (sabay lingon sa akin) at lalong lalo na sa inyo na mga Law students".Prof

napasapo nalang ako sa ulo ko sa frustration. biruin mo next week pa pala ang umpisa ng klase tas pinag kwento kwento pa kami? tas parang pinapatamaan pa ako sa salitang manners eh mabait naman ako.

"is there any problem Ms.Azumi?".Prof

"Nothing!"

"Ok take a break and one more thing students all of you enjoy your day! Bye..".Prof

masayang nagsilabasan ang lahat habang ako? dito lang ako sa classroom ayokong lumabas dami daming studyante don, ang boring boring ng school year na toh buti nalang di ako ginugulo nung mga classmate ko siguro naman sapat na sa kanila yung makita at makasama ako buong study/learning hour sa iisang silid aralan!

"H-Hi"

napalingon ako sa kung sino mang malakas ang loob na nagsalita mula sa aking likuran, kunot noo ko syang tinignan nakayuko pa Ito na pawang nahihiya Isa syang nerd. "What was that? Spill it out i'm buissy". Buissy kuno WAHAHAHAHA.

"A-ano.... kasi....". Hindi sya nakapag salita ng maayos tatanungin ko sana sya ulit kaso may binigay syang isang box at tsaka sya tumakbo hahabulin ko sana kaso makalayo na eh, weird.. ano kayang laman nito? Hmmmm....

"Ey...."

"ahmputa!!".gulat kong saad sa lapastangang nang gulat sa akin.

"relax! So... you're the former queen right? I'm Jace".tinaasan ko lang sya ng kilay ngunit nakangiti padin Ito kasura!

"sungit mo naman! dimo manlang ba ipapakilala Ang sarili mo sa akin?"Jace

"Why would I?"

"kasi nagpakilala ako at gusto kitang makilala?".Jace

"life is always a matter of choice!". kumunot ang noo nya halatang Hindi nya nagets ang sinabi ko "nagpakilala ka kamo? sinabi kobang nagpakilala ka? choice mo yon at wala na akong pake pathetic!". naglakad na ako palabas ng classroom at nagtungo sa likod ng campus may garden kasi dito nung high school pa ako dito din sa paaralang toh 2years ago dito na talaga ako tumatambay nakakapag relax kasi ako dito kasi walang gaanong pumupunta madalas sila sa hallway at caffeteria minsan nga natutulog pa ako dito eh, ay ngapala ano kayang laman ng kahon na binigay nung nerd? mabuksan nga HEHEHE. pagbukas ko ay may laman itong cupcake ang cute... wait may letter pa kinuha ko yung sulat at ibinaba ko muna sa legs ko yung cupcake para mabasa ko yung letter.

"Hi Queen! sana magustuhan mo itong mumunting regalo ko kahit nerd ako, alam mo namang maraming nambubully sa mga kagaya kong nerd at para sa iba wala akong karapatang gumawa at magbigay ng letter at cupcake sayo dahil Isa lang naman akong hamak na nerd pero sana talaga magustuhan mo Ito WELCOME BACK".

wow ang sweet naman nya may sweet cupcake na! may letter pa! nakaka overwhelm naman ano naman kayang mumunti dito sa gift nya? sobra ko kayang naappreciate Isa pa buti panga sya kahit nerd may pa welcome Back gift pa sa akin di tulad ng iba dyan na panay pagpapapansin lang ang alam malaman, ko lang talaga kung sino yung hampas lupang nanghahamak sa kanya naku.... malilintikan yon sa akin!, ako lang dapat ang pwedeng mang api dito!! ako lang!! wala silang karapatan!, wait dipa ako nakakapag pasalamat sa kanya eh maglalakad na sana ako para hanapin sya at magpasalamat pero pano yon diko sya namukhaan naka yuko kasi eh, hmmm... next time nalang pag nagkita ulit kami HEHEHEHE umupo akong muli sa ugat ng malaking puno at itinabi yung letter sa loob ng box at kinain yung cupcake pagkatapos ay sumandal na ako sa puno at matulog habang yakap yakap yung box