CHAPTER 23

"Wwooohhhhh.... Go team law!!".sigaw ko magkalaban kasi ang law at aviation kung nandito lang siguro si Nio baka kalaban sya nila Shawn prosecutor kasi ang kay Shawn Ewan ko ba kung bakit law school ang pinasukan nya muryot din eh. todo cheer din yung mga studyante malapit na kasing matapos ang laban, kumaway si Shawn sa akin kaya kinawayan ko din WAHAHAHAHA namumuryot narin ata ako. after 30mins. natapos narin yung laban kaya nagtatalon ako kasi panalo sila eh ang cool, halos magwala yung mga studyante sa court ng maghubad si Shawn, required ba talagang maghubad pag nanalo? or sadyang gusto nya lang iflex yung magandang build up ng katawan nya? akala mo naman eh noh?.... may abs din ako uy!, palapit na sila sa akin ng biglang dumagsa ang mga studyanteng nakapalibot sa kanila may Ilan Ilan pang nakikiraan sa akin WAHAHAHA mapapa sana all ka nalang talaga eh HAHAHAHA yung itsura nung mga lalakeng yon hindi maipinta while si Jake? tuwang tuwa pa ang gago..... sinenyasan ko lang si Shawn na *nice game! take your time*.kaya naghintay pa ako ng mga isang dekada AHAHAHA CHOSS isang oras lang! OA naman ng isang dekada.

"nainip ka ba?".Shawn

"Hindi naman,ganda ng laban nyo"

"Salamat".Shawn

napakamot pa sya sa batok nya AHAHAHA I found it cute naman eh,Hindi naman pala ganon kasama yung ugali ng mokong na toh kahapon lang kami nag usap ng maayos ah.

"ayiieeee".Daryll

"sana all".Jake

"Ako'y kinikilig... pag ika'y lumalapit ako'y kinikilig".Kyle

"AHAHAHAHA".tawa nung tatlo

"tumahimik kayo".si Shawn na umukyabit sa mga kaibigan nya AHAHAHA ang cute nila tignan parang kami lang nila Stella at Nio HEHEHE mali pala yung first impression ko sa apat na toh okay naman pala yung ugali nila nadadala lang siguro sila ng pagka badboy kung minsan ngayon naniniwala na ako sa sabi sabi ng iba na *pag parehong masama ugali madaling magkasundo may pagka magulo ngalang* AHAHAHA.

"anong tinatawa tawa mo dyan? (kunot noo)".Shawn

"ah wala"

"ayiiieeeee".

"may nagkaka developan".Kyle

tinignan ko lang sya ng masama kuno WAHAHAHA

"sabi konga wala".Kyle

"AHAHAHAHA".see? binawi nya WAHAHAHA nagtawanan kami sa inasta ni Kyle ang cute parang bata AHAHAH.

"Tara na".Shawn

hinila nya nanaman ako! bakit ba ang hilig nyang manghila?

"umorder kana,ordering mo lahat ng gusto mo".Shawn

"libre mo?"

"ayaw mo ba?".Shawn

umorder na ako sayang din toh WAHAHAHA makakalibre ako inorder ko lahat ng gusto ko pero syempre inorderan ko narin yung tatlo may hiya pa naman ako kahit papano noh muka lang wala pero meron! meron! WAHAHAHA bumalik na ako sa table na pinuwestuhan nila kanina.

"Ang dami naman nyan".Jake

"mauubos mo ba yan?".Kyle

"hayaan nyo sya".Shawn

nagkatinginan lang yung tatlo habang si Shawn nakatutok sa cp nya.

"Hindi lang naman sa akin toh noh! umorder din ako ng para sa inyo mukang wala kayong balak na tumayo para umorder eh"

"sinabi mo pa!".Kyle

"ayos toh!".Daryll

kumuha na sila ng kanya kanya nilang pagkain si Shawn as usual nakatutok sa cp dami siguro kachat neto SANA ALL, shout out sa mga katulad kong nakiki sana all sa maraming kachat pero seener naman pala kaya walang kachat WAHAHAHA

"so.. Aki nasan na pala yung kaibigan mo?".Kyle

natahimik ako sa tanong nya at panandaliang napatigil sa pagkain.

"Can't you see bro? Hindi sya completable na pag usapan yon!".si Daryll na binatukan si Kyle

"sorry naman".Kyle

"AHAHAHA ok lang yon (Fake smile)".nakatingin lang sa akin ng seryoso yung apat... oo yung apat kasi nakatingin narin sa akin si Shawn

"wag kang mag alala babalik din yon".Jake

"yanga... wait mo lang baka kaylangan nya ng space".Daryll

"tama sila! halatang mahal na mahal ka non kaya hindi ka matitiis non".Kyle

"gaano nanga ulit kayo katagal magkaibigan?".Shawn

"since bata pa kami magkasama na kami! ako si Stella at si Nio".

napatango tango lang sila at pinagpatuloy na ang pagkain.

"next time pag may laban ulit manood ka huh".Kyle

"ooden"

"alam mo ang sarap kasing maglaro lalo na pag may magandang nanonood sayo".Jake

binatukan naman sya ni Daryl bakit ba ang hilig nila batukan ang isa't isa? WAHAHAHAHA

"lahat tayo yung pinapanood nya hindi lang ikaw!".Daryll

"akala mo talaga eh noh? WAHAHAHA".Kyle