CHAPTER 26

"Stella... inaantok na ako Hindi paba tayo matutulog? (pout)".kanina pa kasi kami dito sa garden kwentuhan lang ng kwentuhan tas tawanan.

"mamaya na".Stella

"hmp...".

"tara na matutulog na tayo".Nio

"ayun naman HEHEHEHE".

"Opx... kayo lang?".Eithan

"eh hindi pa daw matutulog si Stella eh"

"hindi pa kasi ako inaantok".Stella

"babe hayaan mona sila inaantok na yung kapatid mo oh!".Shane

"sige! sige!".Eithan

"goodnyt ate! mwaaa... goodnyt bro! mwaaa..."

"tara na".Nio

antok na antok na talaga ako ghad... "Nio piggy back mo ako plsss"

"Ok!".Nio

ilang saglit lang ay nakarating na kami sa kwarto ko nahiga na agad ako ganon din si Nio na niyakap ako habang nakahiga, AND EVERYGTHING WENT BLACK!!

may isang babae at isang lalaking naghahalikan... teka! si Shawn yun ah umiiyak sya.. silang dalawa nung babae at yung babae... sino yon? hmm...

"let's separate!".Shawn

"No! plsss don't do this to me, plsss I'm begging you plsss .. don't leave me".girl

"plsss hayaan mo na ako! I need space".Shawn

Humahagulgol na yung babae ngunit si Shawn nakayuko lang at pawang umiiyak din.

"kung talagang tayo ang para sa isa't isa magsasama at magsasama tayo kahit pa maghiwalay tayo ngayon".Shawn

tumayo na si Shawn at lumabas ng kwarto habang yung babae ay naiwang umiiyak nakakaawa Naman sya, san ba pupunta si Shawn? aalis ba sya? bakit? hahabulin ko sana sya ng...

"Aki! hoy! gising na".Stella

"hmmm....".ungol ko

"hoy babae tanghali na wala ka pabang balak bumangon dyan?".Stella

"eto nanga eh diba?".panaginip lang pala akala ko totoo na para kasing totoo eh, bumangon na ako sa kama ko at dumiretso sa banyo para maligo,habang nakababad ang katawan ko sa bathub hindi ko maiwasang isipin kung sino ba yung babaeng yon? bakit ko napanaginipan yon? ano bang kinalaman ko sa kanila? hmmm para kasi talagang totoo yung panaginip eh kinakabagan tuloy ako.

"Aki hindi ka paba tapos dyan?".Nio

"teka lang eto na".nagbanlaw na ako ng katawan at magbihis pagkatapos ay bumaba na ako patungong dining area.

"tanghali kana nagising".Eithan

"hay nako mana sayo!".Stella

"anong mana sa akin?".Eithan

"tulog mantika".sabay na sabi ni Stella at Nio

"aba't kuya nyo ako bat ganyan kayo?".Eithan

tinawanan lang sya nung dalawa "hoy tama na yang keaga aga nagtatalon kayo!"

"how was your sleep baby?".Shane

"Ok naman ate"

"good".Shane

"good kasi katabi nya si Nio WAHAHAHA".Shawn

inirapan ko lang sya napaka mapang asar talaga bumait lang ng slight pero hindi nyaba talaga kayang hindi ako asarin? tsk!

"ayiiieeeee selos ka naman?".Kyle

"anong selos? in your fucking face!".Shawn

"sana all indenial".Daryll

"tumigil nga kayo!".Shawn

"sabihin monga sakin Shawn may gusto ka ba kay Aki?".Eithan

"ayiieeee".sabay sabay na sigaw nila Stella,ate Shane at nung tatlong kabarkada ni shawn.

"a-ako? (tinuro ang sarili) h-hindi Noh! wala akong gusto sa kanya".Shawn

seryoso ba namumula sya? tsk! problema ng lalakeng toh?.

"wala ba talaga?".Stella

"baka naman kas...".hindi natuloy ni Jake ang sasabihin nya ng magsalita si Shawn.

"Oo na!! Oo na!".Shawn

nasamid ako sa sinabi nya? jusme! namumula pa sya at nag iwas ng tingin

"anong oo na? (ngiting malawak)".Kyle

"may gusto ako sa kanya! ok kana?".Shawn

"Ayiiieeeee".hiyawan nila na pawang mga kilig na kilig

muli ay nag iwas sya ng tingin hayst ano ba naman toh! kanina panaginip ngayon naman.... Hayst! palibhasa kasi playboy kaya ang dali para sa kanya na ganon ganon lang umamin,hmmm totoo kaya yon? nah! nah! nah! wag kang naniniwala Aki playboy yan.