CHAPTER 36

pupunta akong field ngayon para puntahan si Shawn lagi naman kasi sya don eh naglalaro. feeling konga mas mahal nya pa yung basketball kesa sa akin HUHUHU choss WAHAHAHAHA, pagdating ko sa field nandon nga sya nagbabasketball at kung sino sinong lalake ang kasama.

"Babe...".lumapit ako sa kanila.

"pre jowa mo".si Kyle na siniko pa si Shawn

"oo nakita ko!, Oh babe ginagawa mo dito?".Shawn

"sana all babe".Jake

"wala naman... gusto lang kitang makita"

"ayyyiiiieeeeee sana all!!".Hiyawan nung mga kasama nya

"ah ok".Shawn

"luh ok lang ang sagot!".Daryll

hinila na ako ni Shawn palayo sa mga kasama nya huminto kami sa may tapat ng pinaka unang bench.

"nag miryenda kana?".umiling lang sya sa tanong ko kaya iniabot ko sa kanya yung isang bottled C2 at sandwich na hawak ko.

"para saan yan?".Shawn

"sayo! kanino pa ba?".nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"ayiiieeeee ang sweet".Shawn

hinalik halikan nya pa ako sa pisnge at sa leeg, hilig nya talaga akong halik halikan eh noh? pati ba naman dito sa school? Hayst anuebayan "tumigil ka nga!".irita kong saad.

"AHAHAHA Ang cute... nagbablush ka babe".Shawn

kinapa kapa kopa yung mga nag iinit kong pisnge HUHUHU "k-kunin mo na ngalang toh nangangawit na ako"

"nagmiryenda ka naba?".Shawn

umiling iling ako kasi hindi naman talaga ako nag miryenda.

"hmmm.... ikaw Ang kumain nyan!".Shawn

napatingin ako sa kanya sa sinabi nya.

"hindi ka pa nagmiryenda tas ibibigay mo sa akin yan? hindi ko yan tatanggapin".Shawn

"Shawn...".pinanlisikan ko sya ng mata.

"oh sabi konga kakain na".Shawn

agad nyang kinuha yung sandwich at C2 sa kamay ko tsaka dali daling kinain nakakatawa sya AHAHAHA.

"babe oh". sinubuan nya sako ng sandwich alangan namang hindi ko kainin noh sinunod nya ako kaya dapat sundin ko din sya napatigil kami ng biglang may marinig kaming tawanan ng mga nasa sampong lalake siguro at may babaeng humihingi ng tulong sa di kalayuan.

"HELP!!!".

"narinig mo ba yon babe?"

"hayaan mo yon wag mo nalang pansinin".Shawn

gaya nga ng sinabi ni Shawn hindi kona sana papansinin kaso sumigaw nanaman sya, sumigaw sya ng paulit ulit habang mag sampong lalakeng nakapalibot sa kanya na nagtatawanan.

"HELP!!"

"HELP ME PLSSSS"

pamilyar yung boses nayon ah... hindi kaya... "Oh Fuck!".malutong kong mura at maglalakad na sana papunta don.

"what happen? at san ka pupunta?".Shawn

"dyan ka lang babe huh wag kang susunod! hintayin mo lang ako".saad ko pinagtitinginan na ako nung mga kasama ni Shawn kanina na naglalaro ng basketball na nakapwesto di kalayuan sa kinauupuan namin kanina ni Shawn pero wala akong pake basta nagmadali na akong tumakbo patungo sa soccer field kung saan naroon si Annie,sabi nanga ba at si Annie yon eh umiiyak sya pinagkakatuwaan at binubully sya nung sampong lalake na sa tingin ko ay dayo lang dito, ang kakapal ng mga panget nilang muka na mang gulo dito!.

"Hoy panget! bitiwan mo sya!".binato ko sya ng sadals ko sapul sa ulo galing ko talaga WAHAHAHAHA,

"A-Aki....".mababakas sa mga mata nya ang takot habang yung lalake naman ay binitawan nya si Annie at ako naman ang binalingan nila.

"tignan nyo mga pre may isang napakagandang dalaga ang dumating para iligtas ang schoolmate nyang nerd".guy

"AHAHAHAHAHA".tawanan nilang lahat

kalma self... daanin muna natin sa mahinahong usapan. baka sakaling gumana.

"pwede na yan pre! tara tikman".Saad pa nung Isa nya pang kasama. nilapitan ako nung leader ata nila tsaka hinaplos Ang napakaganda kong muka.

"tanggalin mo yang mabaho at magaspang mong kamay sa muka ko".saad ko na may diin sa bawat salitang binibitawan ngunit ang mga gago nagtawanan lang, hindi ba nila kilala kung sino ako?

"nakakatakot ka naman miss beautiful".saad nung humaplos sa muka ko na ikinatawa ng mga kasama nya, hinawakan nya ng mariin yung pisnge ko. kalma self.... kalma lang muna! huminahon ka at mag hunus dili controlin mo ang sarili mo at baka nakapatay ka lagot ka sa daddy mo.

"tama na yan! tumigil na kayo".umiiyak na turan ni Annie habang tangkang pipigilan nya yung may hawak sa panga ko pero itinulak sya ng mga kasamahan nito na lalong ikinakulo ng dugo ko.

"uulitin ko! bitiwan mo ako".pag uulit ko pero nag tawanan lang ulit sila habang sinasabunutan si Annie hindi na ako nakapagpigil at marahas kong tinanggal yung kamay nya mula sa pagkakahawak sa aking panga tsaka ko Ito pinilipit hanggang sa mapaluhod sya sa harap ko.

"ah.... bitiwan mo ako!".daing nya.

"binitiwan moba ako? (smirk)".mas lalo ko pang pinilipit yung kamay nya. Ang sabi ko kumalma at mag hunos dili ka self hindi bumali ng kamay HUHUHU, pero di bale na bahala na si Batman.

"ahhh... anong tinutunga tunganga nyo? tulungan nyo ako mga walang kwenta".bulyaw nya sa mga kasama nya akmang hahawakan ako sa balikat nung isang lalake ng bigla ko ding pilipitin ang kamay nito at saka sya sinipa kaya tumaob sya sunod sunod ng sumugod yung mga kasama nya ngunit lahat sila ay walang awa kong pinilipit ang mga kamay wearing my demonic smile, wala akong pake kahit mabalian sila ng buto na nararapat lamang sa kanila, umatras silang lahat at nag senyasahan alam kona yung mga ganyang galawan sabay sabay silang susugod, kumuha ng pamalo yung iba sa kanila at sabay sabay ngang sumugod.... See? (smirk) hahampasin sana ako nung Isa pero nahawakan ko yung pamalo nya tsaka ko sya pinagsusuntok.

"Aki sa likod mo!".sigaw ni Annie agad naman akong naalarma kaya mabilis pa sa kidlat akong bumaling sa likod ko at ipinalo yung hawak ko, bali ang putangenang kahoy WAHAHAHA

"tigas ng muka mo men (smirk)".tinadyakan ko pa sya,wala akong pake sa mga estudyanteng pinapanood ang napaka brutal kong pambubugbog.

"ahh.....".sigaw nung isang lalake na susugod sa akin inilagan ko yung palo nya at buong pwersang sinuntok yung muka nya hinawakan ko yung buhok nya paangat ng nabitawan nya ang pamalo.

"sa susunod na susugod ka wag kang sisigaw para siguradong sapul ang kalaban".pangangaral ko sa kanya tsaka ko ihinampas yung ulo nya sa tuhod ko napaatras nalang yung tatlong natitirang nakatayo kinuha ko yung bakal na tubong hawak nung isang lalake kanina tsaka ko Ito pinaglaruan gamit ang isa kong kamay tsaka ako naglakad palapit sa kanila halata sa mga mata nila ang takot sa bawat hakbang na gagawin ko tumalon ako para sana buong pwersang hatawin yung Isa sa tatlo ng biglang may binuhat sa akin.

"ano ba bitiwan mo ako babasagin ko ang mga panget nilang pagmumuka".pagpuoumiglas ko

"Babe tama na".Shawn

natauhan ako ng marinig ko ang boses nya "d-diba sabi ko wag kang susunod?".

"ginawa ko! hinayaan ngalang kita kanina baka kasi magalit ka, hindi nalang ako nakapag pigil kasi tignan mo naman halos patayin mona".Shawn

napaiwas ako ng tingin sa kanya at Isa Isa kong binalingan yung mga binugbog ko na tinutulungan ng mga kasama nya kaninang magbabasketball na makatayo maski yung tatlo tumulong narin.

"nakakatakot naman yang gf mo pre kayang pumatay ng isang batlayon babae ba talaga yan?".Kyle

"ingat ka sa gf mo pre baka bugbugin ka din".Jake

sinamaan ko lang sila ng tingin.

"hindi nya magagawa kay Shawn yon Jake ang lambot lambot nya pagdating kay Shawn AHAHAHA".Daryll

"diba sabi ko wag kang mangealam? pano kung may nangyare sayong masama?".Shawn

"sorry na babe".paghingi ko ng tawad sabay yakap

"sino nga ulit humawak sa panga mo? eto ba? (hinawakan yung buhok nung isang lalake at iniangat yung muka tsaka sinuntok ng malakas)".Shawn

"Babe... akala ko ba tama na?".maktol ko pinaningkitan ko sya ng mata at ganon din ang ginawa nya and as usual nagtawanan nanaman kami na parang mga baliw. ang sarap magkaron ng borfriend na kasama mo sa lahat ng kalokohan parang kaibigan lang? lahat ng trip mo sasakyan tas minsan pareho pa kayo ng iniisip kaya mapapatawa nalang kayong dalawa na para bang mga nababaliw AHAHAHAHA